Raven POV
Hindi na ako nagtagal pa matapos kung kausapin si Sienna dahil mas lalo lang umiinit ang ulo ko sa tuwing nakikita ko siya. Hindi ko alam kung ano ang pwede kung gawin para lang mapaalis siya sa landas ng kapatid ko, alam kung hindi siya makakabuti kay Liam kapag palagi silang magkasama. Ano na lang ang iisipin at sasabihin ni Leigh?
Pagdating ko sa bahay ay agad akong kumuha ng alak para uminom, hindi talaga ako mapalagay kapag nandito sa paligid ang babaeng 'yon. I need to get rid of her soon.
"Ang aga niyan ah," narinig kung saan ni Sovereign na kapapasok lang n villa ko.
"Naghihirap ka na ba at pati relo hindi mo magawang bumili? Subukan mo kaya tingnan ng orasa para malaman mong tanghali na." pabalang na sagot ko sa kanya.
"Pareho pa rin naman maliwanag 'yon. Gago!"
He sat next to me and also poured wine into the glass and drank it. "So, what's the problem? Bakit mukhang mainit na naman ang ulo mo? Hulaan ko, si Sienna na naman ba?"
Unirapan ko naman siya. "May iba pa ba?" saad ko.
Nakita ko naman ang mumunting ngisi na namumutawi sa kanyang labi. "Bakit kasi pinag iinitan mo? Pwede mo naman pabayaan at huwag siyang pansinin diba? Unless if you're interested on her."
"Stop talking shit, Sov. Hindi siya ang tipo ko sa isang babae." anas ko at tumungga na naman ng alak.
"Ano bang pinagkaiba ni Sienna? Babae din naman 'yon! At isa pa maganda naman siya at mabait. Sa karakas mo pa lang na pagiging babaero, imposibleng hindi mo patusin,"
"Oh shut the fuck up, fucker." singhal ko sa kanya.
"Why? That make sense? Hmm. . ."
"It's nonsense, so stop it. I just don't trust her," mahinang wika ko at saka isinandal ang ulo ko sa upuan.
Narinig ko naman ang mahinang buntong hininga niya. "Rav, iba iba ang ugali ng mga tao na makikilala natin. Hindi lahat ay masama dahil marami pa naman mabubuti. Katulad na lang ni Sienna, wala naman siyang ginagawa sayo pero galit ka sa kanya dahil babae siya diba? You don't trust woman and I understand where you are coming from. I won't invalidate your feelings. Pero alam naman natin na mabuting tao si Sienna at matagal na siyang kaibigan ng kapatid mo, marahil ay hindi lang kayo masyadong nagkikita noon pero ako na nagsasabi sayo hindi siya katulad ng iba,"
Pinaningkitan ko naman siya ng mga mata. "Just like your ex?"ngumisi pa ako. "Mukhang nakakalimutan mo na magkadugo sila, so anong pinagkaiba?"
"Tangina talaga nito," mahinang bulalas niya na rinig ko naman. "Anyway, nakita ko si Tita Kim last time sa mall." dagdag nito.
"Yeah. Ang alam ko ay bibili siya ng regalo for an event, sasamahan ko sana siya kaso may biglaang traning naman." saad ko. Si Mommy Kim ay isang doctor nag alaga at tumulong sa akin. At nang magkaayos kami ng kapatid kung si Liam ay inampon niya kami.
Tumango-tango naman 'to. "Nabanggit niya sa akin na umuwi ka sa bahay niyo ng isang araw."
"I need to talk to Mom about my temper, you know? Iniisip ko kasi na baka may epekto na naman sa akin ulit ang mga nangyari noon. I. . . I just want to make sure that I am perfectly fine. I don't want to go back to that hell again, not again." seryosong turan ko habang mahigpit ang pagkakahawak sa baso.
"Natural na sayo ang pagiging mainitin ang ulo. Halos lahat naman ng member ng cavs maiiksi ang pasensya pero mas malala ka nga lang talaga na kulang na lang ay manakmal ka na. I'm always praying that you will get the happiness you deserve, after that traumatic painful past."
I looked at him as smile plastered on my face. "Thank you for always staying by my side Sov, for not leaving me especially on my darkest moment in life,"
"I will always understand you, Raven. Alam ko ang lahat ng pinagdaanan mo at kahit kailan ay hindi kita iiwan, hindi kita tatalikuran kahit na anong mangyari. I will be your shield if someone wants to hurt you. I know how painful and traumatic you've been through and I will not allow you to experience the same pain all over again, I will not allow someone to hurt you. I will always admire and proud of you for being a strong person, for surviving that shit! You did a great fight. I am not only your best friend but I am also your big brother."
Sovereign help me a lot during those times that I don't know what to do anymore. He become of of my strength to continue my life.
"Wala ka ba talagang balak na sabihin ang lahat kay Liam? Alam mo Rav, hindi habang buhay matatago mo ang nakaraan. Darating ang araw na malalaman niya 'yon."
Saglit akong natahimik dahil sa sinabi niya. Alam kung may punto siya dahil walang sikreto ang hindi nabubunyag. Kaya ko bang makitang masaktan ang kapatid ko?
"Hindi ko kaya, Sov. Gagawin ko ang lahat para tuluyan ng maibaon ang nakaraan sa limot. I want Liam to have a peaceful life. Hindi ko kayang makitang madurog ang kapatid ko sa harap ko sa oras na malaman niya ang totoo. Hindi ako papayag na maranasan niya ang naranasan ko. Tama ng ako na lang. I've been in my darkest moment of my life, I've suffered a lot and I will never let my brother feel that thing. Nakita mo kung paano ako nagdusa, kung paano ako nalunod na halos hindi ko na alam kung paano makaahon. Ilang taon akong nasa dilim at hindi ko hahayaan na maranasan ni Liam ang naging buhay ko." nagsimula ng mamasa ang mga mata ko ng maalala ang masalimuot kung pinagdaanan.
"Pero hindi mo ba naiisip na nagiging unfair ka din sa kapatid mo? Hindi biro ang pinagdaanan mo and he deserve to know it! Huwag mong ipagkait sa kanya ang katotohanan."
"Anong gusto mong gawin ko? Ang sabihin sa kanya ang pinagdaanan ko? Ang sabihin sa kanya ang totoong nangyari sa mga magulang namin? Alam mo naman ang nangyari sa aming dalawa noon diba? Nag away kami dahil pinagtatanggol niya si Mommy. He loves our mom so much, he adores her at alam kung masasaktan siya ng sobra kapag nalaman niyang ang tinitingala niyang tao ang sumira sa pamilya namin, ang sumira sa buhay ko. Kaya sana maintindihan mo ako, Sov, kung bakit ayaw kung malaman niya ang lahat. Ayaw kung sisihin niya ang sarili niya! Mas pipiliin ko na ako na lang ang masaktan huwag lang ang kapatid ko. Siya na lang ang meron ako Sov, at sa oras na makita ko siyang masaktan ay mababasag din ako. I love my brother so much and I'm willing to sacrifice everything for him, kahit buhay ko pa. Hindi ko pinagsisihan ang iligtas siya noon dahil mas hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung pati siya nadamay sa ginawa nila sa akin." madiin na wika ko.
Hinawakan niya naman ang balikat ko para pakalmahin ako. Alam niyang may mga oras na hindi ko talaga nakokontrol ang sarili ko at galit ko lalo na kapag napag uusapan ang tungkol sa pamilya ko.
"Alam ko ang bagay na 'yan at naiintindihan ko na ayaw mo lang masaktan si Liam, pero magkapatid kayo at kailangan nagdadamayan kayo. Mas lalo siyang masasaktan kapag namuhay siya sa kasinungalingan, marahil ay matatago mo ang katotohanan pero hanggang kailan? Hindi ba at mas lalo niyang sisisihin ang sarili niya dahil wala man lang siyang nagawa para sayo? You've sacrifice a lot, you save him form those cruel people without him knowing. Ilang taon kang nagdusa at ang gusto ko lang ay tuluyan kang ilabas sa masalimuot ng mundong 'yon. You don't deserve to leave in that hell. Gusto kung tuluyan mong kalimutan ang nakaraan para makapagsimula kang muli. I want the best for you, I want you to be happy because I am your best friend! And it hurts me seeing you like this. Naiintindihan kung nahihirapan kang magtiwala pero sana hayaan mong buksan ang puso mo sa mga taong gusto mapalapit sayo."
Bigla akong natahimik dahil sa sinabi niya, alam kung gusto niya lang na tuluyan na akong maging masaya at kalimutan na ang lahat pero hindi madali sa akin ang bagay na 'yon kahit na sabihing maayos na ang buhay ko. Pakiramdam ko kasi ay hindi ko pa nakuha ang hustisya para sa akin at sa pamilya ko.
Mayamaya pa ay nagpaalam na din si Sovereign na uuwi kahit na ayaw niya pa sana pero dahil hinahanap na siya ng kambal ay wala siyang magawa. Napailing na lang ako.
Nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko ay napapikit ako habang inaalala ang nakaraan, hindi ko man sabihin pero alam kung masakit pa rin, nandito pa rin ang sugat sa puso at isipan ko. Siguro ay magaling na ako sa panlabas pero sa loob ko I am not fully healed.
For me, it was scary nightmare of my life.
Sienna POVKanina pa ako binabalot ng kaba habang nakatingin sa gate ng bahay nina Raven. Nagpunta kasi ako sa compound at nalaman kung ilang linggo na siyang hindi umuuwi sa kanyang villa kaya dito na ako sunod na pumunta. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko pero gusto ko siyang makausap, pero kung ano man ang kahahantungan ng pag uusap namin ay tatanggapin ko.Alam kung ang kapal ng mukha kung humarap pa sa kanya lalo na at isa sa mga taong may kasalanan sa kanila ay ama ko, pero kaya kung lunukin ang pride ko para lang sa anak ko. Kung kaya kung ipaglaban ang pamilya binubuo ko ay gagawin ko."Hello po, may kailangan po ba kayo?" napatingin ako sa boses ng nagsalita at nakita ko ang isang babae na nasa gate.Huminga muna ako ng malalim bago siya tiningnan ng may ngiti sa labi. "Nandiyan ho ba si Raven?" tanong ko."Kaibigan ka ni Sir Liam 'di ba?" tanong nito."Oho, may nakapag sabi kasi sa akin na nandito si Raven kaya nagpunta ako dito. May kailangan kasi ako sa kanya." s
Sienna POVKasalukuyan akong nakaupo sa sala habang nanonood ng movie. Tatlong linggo na simula ng makabalik ako sa Pilipinas dahil sa kagustuhan na din ng mga magulang ko. Matagal na nilang alam ang tungkol sa pagbubuntis ko pero hindi pa nila alam kung sino ang ama nito. Halos limang buwan din ang inilagi ko sa New York sa tulong na din ni Liam kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil hindi niya kami pinabayaan ng magiging anak ko.Bigla na naman pumasok sa isipan ko ang huli naming pagkikita ni Liam, halos hindi ako makapaniwala sa nalaman ko tungkol kay Raven at alam ko kung gaano ka sakit yon sa kaibigan ko. Doon din ako natulog sa villa niya ng araw na 'yon dahil hindi ko kayang iwan si Liam na nasa gano'n sitwasyon."Anak, pwede ka ba namin makausap?" napabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Mommy at nasa likuran niya si Daddy.Ngitian ko naman sila. "Oo naman po, ano po bang dapat natin pag usapan?" tanong ko.Umupo naman sila sa bakanteng upuan. "Gusto ka
Liam POVPapasok ako ngayon sa bahay dahil nalaman ko na nandito ang magaling kung kapatid. Kailangan ko siyang makausap ulit lalo na at nandito na sa Pilipinas si Sienna. Baka sakaling magbago pa ang isip nito at harapin ang kanyang responsibilidad."Good morning, Sir." bati sa akin ng isa sa mga katulong dito. Binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti."Nasaan ang kapatid ko?" tanong ko."Nasa pool area, Sir." nagpasalamat naman ako sa kanya bago siya tinalikuran."Why are you here?" bungad nito sa akin ng makita ako."Am I not allowed here? This is also my home," pabalang na sabi ko.Napailing na lang ito at akmang aalis nang pigilan ko siya."We need to talk." diretsong wika ko.Tiningnan niya naman ako ng seryoso. "About what?""Sienna and you child." sagot ko."What about that, woman?""Don't you have any plans? That child is yours! Be a man, Kuya!" inis na saad ko."Inutusan ka ba siya para kausapin ako?""Hindi niya kailangan gawin ang bagay na 'yon. Ako ang nagkusa at baka maunt
Raven POVNandito ako ngayon sa main track nakaupo kasama si Sovereign, katatapos lang namin mag-training kaya nagpapahinga lang kami saglit bago umuwi."Mas lalo kang bumilis ngayon," biglang bulalas ni Sov."Kung tutuusin ay mabagal pa nga 'yon. Ang tagal ko pa bago makaabot sa finish line," saad ko naman."Anyway, hindi pa din ba kayo nagpapansinan ni Liam?"Umiling naman ako. "You know how stubborn my brother is." I said."You can't blame him for acting that way. Nabuntis mo lang naman ang kaibigan niya,""He really likes to interfere in other people's problem. Mas mukhang kumakampi pa siya kay Sienna kaysa sa akin na kapatid niya." inis na turan ko."Kasi wala ka sa tamang wisyo. Hindi din naman tama ang mga pinagsasabi mo kay Sienna. Siguro kung hindi ko lang alam na may feelings ka sa kanya ay maniniwala akong galit ka talaga sa kanya."Tumingin naman ako sa kanya. "Komplikado lang talaga sa ngayon." maikiling wika ko."Pero hindi ko nagustuhan ang mga sinabi sayo ni Liam. Alam
Sienna POVIsang linggo na ang lumipas simula ng dito na muna ako manirahan sa New York, sa una hindi madali dahil siguro hindi ako sanay pero kalaunan ay naging maayos naman ako. Nanatili din muna dito si Liam para makasigurado na okay na okay na talaga ako at ngayong araw ang uwi niya sa Pilipinas. Hindi naman kasi siya puwedeng magtagal dito dahil may training pa siya."Are you sure you will be okay here, Sienna?" napatingin na naman ako kay Liam, hindi ko na mabilang kung ilang beses na niyang tinanong sa akin ang bagay na 'yan."Paulit-ulit tayo Li? Ilang beses ko na din sinagot 'yan. Huwag ako ang alalahanin mo dahil magiging maayos naman ako dito at isa pa may kasama naman na ako," sagot ko."Alright. Basta tawagan mo ako kapag may problema ha?"Ngumiti naman ako. "Oo na, Tay!" pang-aasar ko."I'm serious here, Sienna." Napahagikhik naman ako. Ang moody din talaga ng lalaking 'to, dinaig pa akong buntis kaya ang saya niya lang asarin e. Kaya himbis na bwisitin pa siya ay tinul
Sienna POVTahimik lang ako hanggang sa makabalik kami sa villa, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil halatang galit at disappointed si Liam sa akin. At mas lalo akong nalungkot dahil ako ang dahilan kung bakit sila nag away na magkapatid. Kung hindi lang sa pagiging matigas ng ulo ko ay hindi mangyayari ang bagay na 'to.Naiintindihan ko naman kung hindi tanggapin ni Raven ang bata dahil hindi niya naman ako pinilit, binigyan niya pa ako ng pagkakataon na makaalis pero ako 'tong nagpumilit. At alam kung mas lalong madadagdagan ang hinanakit niya sa akin dahil sa nangyari sa kanila ng kanyang kapatid."What's your plan now?" seryosong tanong nito sa akin.Nanatiling nakayuko lang ako dahil nahihiya akong humarap sa kanya. "I'm asking you, Sienna." pag uulit nito."I. . . I don't know." mahinang sagot ko."Are you still expecting that my brother will change his mind? If only you had seen the disgust on his face at what he found out. I'm sure you won't get anything from him,"