Raven POV
Nagising ako dahil sa ingay ng tunog ng phone ko, wala sana akong balak na sagutin ngunit mukhang walang planong tumigil ang kung sino mang demonyo ang tumatawag. Inis na bumangon ako para sagutin 'to.
"Who the hell is you?"
Narinig ko naman ang mahinang tawa na nanggagaling sa kabilang linya. "Chill man, ang aga aga pero masyadong mainit agad ang ulo mo. Iisipin ko tuloy na may ginagawa ka na naman at nabitin ka dahil sa tawag ko,"
Agad ko naman tiningnan kung sino ang caller at nakita kung si Travis 'to. Buhay pa pala 'tong isang 'to? Akala ko sumama na din 'to sa fiance niya eh.
"Hindi ko alam na humihinga ka pa pala, Alvarez."
"Tanginang 'to, pinapatay pa yata ako." narinig ko pa ang mahinang mura nito.
"So anong masamang hangin ang pumasok sa utak mo at tumawag ka? Ilang taon na din ang lumipas simula ng magpaalam kang aalis sa team," While I was talking to him I stood up and open the window of my room. The sun rays immediately hit my face so I closed my eyes for a couple of seconds.
"Babalik na ako sa team," sagot niya sa akin.
Napangisi naman ako dahil sa sinagot niya, masaya akong malaman na uuwi na siya at ipagpapatuloy ang pangarap niya.
"Good to hear that. Kailan ka uuwi? Nakausap mo na ba si coach?"
"Yeah, we already talked last night. My flight is next week. So see you!" bakas sa boses ni Travis ang saya.
"I'm happy that you already move on,"
"I need to, Raven. Kailangan kung ipagpatuloy ang nasimulan ko dahil alam kung 'yon din ang gusto niyang gawin ko. Tama na 'yong ilang taon na nagpahinga ako. Kailangan ko ng harapin ang mga naiwan ko." anas nito.
"Alam mong mahal mo ang pagiging racer, pero syempre valid din naman ang feelings mo kaya ka nagdesisyon na umalis muna pansamantala sa team. Alam ko naman na babalik ka din kapag maayos na ang lahat at mukhang ito na ang panahon na 'yon."
"Na mimiss ko na din kayong mga gago," natatawang sambit nito.
"Ikaw lang ang gago kaya huwag mo akong idamay,"
"Ulol! Tigilan mo nga ako, Samaniego. Nakakaabot pa nga sa akin ang balita kaya alam kung babaero ka pa rin. Magbago ka na nga, hindi na tayo bata. Sige ka kapag ikaw nakabuntis diyan sa mga kinakama mo ikaw din ang sasakit ang ulo." sermon nito sa akin
"Oh shut up man! Marami akong plano sa buhay at hindi pa kasali do'n ang magkaanak. Sa tingin mo ba hindi ko sinisiguradong safe ang ginawa ko? I'm not idiot."
Nag usap pa kami ng ilang minuto bago siya tuluyang magpaalam dahil may kailangan pa siyang ayusin. He is Travis Reece Alvarez, one of the member of cavaliers. Ilang taon din siyang nawala sa team for some reason and it's not my story to tell.
After the call, I immediately went to the bathroom to take a shower. After 30 minutes I was ready so I decided to go down to have my breakfast.
Nang nasa hagdan na ako ay kumunot ang noo ko ng mapansin ko ang kapatid kung kapapasok lang sa villa ko ay may kasama pa 'tong babae. Alam niyang ayaw na ayaw ko ang nagpapasok dito ng hindi ko kilala.
"What are you doing here, Liam? And who's with you? A new slut?"
"She is not a slut, Kuya! She's Sienna, my friend and also my assistant, ang alam ko ay kilala mo siya o baka hindi mo lang natatandaan." sagot naman sa akin ni Liam.
"I don't care if I now her or not. You now my rules." sabay tingin ko ng matalim sa kanyang kasama. Hindi ko alam kung nakilala ko na ba siya o hindi, wala akong maalala.
Liam sighed. "I'm sorry kuya, pwede bang palampasin mo na lang ang araw na 'to? Hindi naman kami magtatagal. Kukunin ko lang 'yong pinabili ko sayo kahapon tapos ay aalis din kami. I have a meeting and I need her to come with me. At isa pa ay sa villa ko siya nakatira," paliwanag niya.
"P-pwede naman hintayin na lang kita sa labas, Li. Hindi ka naman magtatagal eh." singit naman ng babae.
"Bitch!" mahinang sambit ko na mukhang narinig ng kaharap ko.
"Kuya!" biglang suway naman sa akin ni Liam pero tinaasan ko lang siya ng kilay.
"What now? Kunin mo na ang dapat mong kunin bago pa magbago ang isip ko,"
Agad naman nagpatinaud 'to at saka tuluyang ng umakyat sa taas. Naiwan kaming dalawa ng babaeng kasama niya.
"W-why are you staring me?" tanong nito sa akin.
"Why are you with my brother? Are you flirting with him?" diretsang tanong ko habang hindi inaalis sa kanya ang mga mata ko.
"Huh?"
"Hindi ka naman siguro tanga para hindi maintindihan ang tinatanong ko diba? So tell me, nilalandi mo ba ang kapatid ko?" pag uulit ko.
"What? Hindi ako ganyang tao, siguro naman narinig mo ang sinabi ng kapatid mo diba? We are friends and assistant niya din ako,"
Ngumisi naman ako sa kanya. "Assistant ka niya but why are you staying in here villa? Ang pagkakaalam ko ay hindi naman 24/7 kailangan ni Liam ang presensya mo. So ano pa ang ibang rason mo?"
"Siya Liam mismo nagsabi sa akin na dito muna ao sa villa niya para mas madali ako matuto ng mga kailangan kung gawin sa trabaho,"
Tiningnan ko ang kabuuan nito."I wonder why Liam hired you as his assistant and why did you applied for it, mukha namang hindi mo kailangan ng trabaho." mahinang turan ko na sakto lang para marinig niya.
"Alam kung iba ang iniisip mo tungkol sa akin dahil na din sa cavaliers kayo, pero wala akong ibang intensyon. Kailangan ni Liam ng taong mapagkakatiwalaan kaya ako nandito sa harap mo,"
I stepped closer to her and touch her cheek. "And do you think I will believe that? Tell me the truth, Sienna."
"Ano bang sinasabi mo? Hindi ko maintindihan, Raven."
"Kaya ba sa villa ka ng kapatid ko nakatira dahil ikaw ang nagpapainit sa gabi niya?" bulong ko sa kanyang tainga.
Malakas niya naman akong tinulak dahilan para matanggal ang kamay kung nakahawak sa kanyang mukha.
"Bastos! Liam is in relationship and I respect it, hindi ko ugaling mang agaw at manira." sigaw nito sa akin.
Natawa naman ako dahil sa sinabi niya, kitang kita ko ang inis na namumutawi sa kanyang mga mata. "Ganyan naman palagi ang mga sinasabi ng babae, pero sa huli ay ginagawa din naman nila. Kung may plano kang pumagitna sa relasyon ng kapatid ko at ni Leigh ay huwag mo nang tangkain pa, sa oras na gawin mo 'yon ay ako ang makakalaban mo." seryosong banta ko sa kanya.
"Hindi mo na kailangan pang sabihin sa akin ang bagay na 'yan. Kaibigan ko si Liam at hindi ako gagawa ng bagay na ikakasakit at ikakapahamak niya," sagot nito sa akin at pagkatapos ay yumuko na ito.
"Be sure of it, Sienna. You don't now what I am capable of. I'm watching you. Don't ever do stupid things to ruin my brother's reputation and relationship." hindi naman na siya nagsalita at nanatiling naayuko hanggang sa makabalik ang kapatid ko.
"What took you so long?" tanong ko dito ng tuluyan na siyang makababa.
"Tumawag kasi si Leigh kaya sinagot ko na muna." maikling sagot nito sa akin at saka lumapit ay Sienna. "Hoy babae, anong nangyayari sayo? Bakit ang tahimik mo yata?" hinawakan niya pa ang balikat nito.
"W-wala, may iniisip lang ako. Alis na ba tayo?" sagot naman ni Sienna sa kanya.
"Siguro ay nahihiya siya sa presensya ko kaya siya ganyan, hindi naman na bago sa akin ang bagay na 'yan." singit ko.
"Ano? Ang kapal naman ng mukha mong sabihin sa akin 'yan." singhal ni Sienna na ikinatawa naman ng kapatid ko.
"Aha! Oo nga pala, muntik ng mawala sa isipan ko. Crush mo nga pala si Kuya." pang aasar naman ni Liam at nakita ko naman na kinurot niya 'to.
"Huwag kang fake news, Liam. Baka mamaya maniwala pa 'yan! Walang ka gusto gusto diyan sa kapatid mong anak ni satanas!" bakas sa kanyang boses ang labis na pagkairita kaya mas lalo akong napangisi.
Girls will always be girls.
"Oh kalma ka, Sienna. Umuusok na naman 'yang ilong mo. Baka nakakalimutan mong nasa harap ka ni Kuya tapos ganyan ka magsalita? Major turn off 'yon." saad ni Liam.
Agad niya naman 'tong pinaghahampas. "Ikaw na lalaki ka manahimik ka! Wala ka talagang magawa sa buhay mo at ako na naman ang nakita mong pagtripan. Nakakahiya ka talaga!"
So childish!
Napailing na lang ako at saka tinalikuran sila, wala akong panahon para maging audience sa pagiging isip bata nilang dalawa.
"Where are you going?" napatigil ako sa paglalakad dahil sa tanong ni Liam.
"Do you think I'm just going to stand here to watch your pointless fight?" nakataas kilay na turan ko sa kanya.
"Ang sama ng ugali ng h*******k," rinig kung mahinang sambit ni Sienna na hindi naman nakatakas sa pandinig ko.
"What are you whispering, Sienna? Are you saying something?" tanong ko kay Sienna.
"At ano naman sa tingin mo ang sasabihin ko? Huwag kang assumero. Tara na nga, Li." irap niya at saka nauna ng maglakad palabas.
Mahinang napahagihik naman si Liam. "Gotta go, Kuya." paalam nito sa akin bago sinundan ang babae.
Crazy people.
Sienna POVKanina pa ako binabalot ng kaba habang nakatingin sa gate ng bahay nina Raven. Nagpunta kasi ako sa compound at nalaman kung ilang linggo na siyang hindi umuuwi sa kanyang villa kaya dito na ako sunod na pumunta. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko pero gusto ko siyang makausap, pero kung ano man ang kahahantungan ng pag uusap namin ay tatanggapin ko.Alam kung ang kapal ng mukha kung humarap pa sa kanya lalo na at isa sa mga taong may kasalanan sa kanila ay ama ko, pero kaya kung lunukin ang pride ko para lang sa anak ko. Kung kaya kung ipaglaban ang pamilya binubuo ko ay gagawin ko."Hello po, may kailangan po ba kayo?" napatingin ako sa boses ng nagsalita at nakita ko ang isang babae na nasa gate.Huminga muna ako ng malalim bago siya tiningnan ng may ngiti sa labi. "Nandiyan ho ba si Raven?" tanong ko."Kaibigan ka ni Sir Liam 'di ba?" tanong nito."Oho, may nakapag sabi kasi sa akin na nandito si Raven kaya nagpunta ako dito. May kailangan kasi ako sa kanya." s
Sienna POVKasalukuyan akong nakaupo sa sala habang nanonood ng movie. Tatlong linggo na simula ng makabalik ako sa Pilipinas dahil sa kagustuhan na din ng mga magulang ko. Matagal na nilang alam ang tungkol sa pagbubuntis ko pero hindi pa nila alam kung sino ang ama nito. Halos limang buwan din ang inilagi ko sa New York sa tulong na din ni Liam kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil hindi niya kami pinabayaan ng magiging anak ko.Bigla na naman pumasok sa isipan ko ang huli naming pagkikita ni Liam, halos hindi ako makapaniwala sa nalaman ko tungkol kay Raven at alam ko kung gaano ka sakit yon sa kaibigan ko. Doon din ako natulog sa villa niya ng araw na 'yon dahil hindi ko kayang iwan si Liam na nasa gano'n sitwasyon."Anak, pwede ka ba namin makausap?" napabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Mommy at nasa likuran niya si Daddy.Ngitian ko naman sila. "Oo naman po, ano po bang dapat natin pag usapan?" tanong ko.Umupo naman sila sa bakanteng upuan. "Gusto ka
Liam POVPapasok ako ngayon sa bahay dahil nalaman ko na nandito ang magaling kung kapatid. Kailangan ko siyang makausap ulit lalo na at nandito na sa Pilipinas si Sienna. Baka sakaling magbago pa ang isip nito at harapin ang kanyang responsibilidad."Good morning, Sir." bati sa akin ng isa sa mga katulong dito. Binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti."Nasaan ang kapatid ko?" tanong ko."Nasa pool area, Sir." nagpasalamat naman ako sa kanya bago siya tinalikuran."Why are you here?" bungad nito sa akin ng makita ako."Am I not allowed here? This is also my home," pabalang na sabi ko.Napailing na lang ito at akmang aalis nang pigilan ko siya."We need to talk." diretsong wika ko.Tiningnan niya naman ako ng seryoso. "About what?""Sienna and you child." sagot ko."What about that, woman?""Don't you have any plans? That child is yours! Be a man, Kuya!" inis na saad ko."Inutusan ka ba siya para kausapin ako?""Hindi niya kailangan gawin ang bagay na 'yon. Ako ang nagkusa at baka maunt
Raven POVNandito ako ngayon sa main track nakaupo kasama si Sovereign, katatapos lang namin mag-training kaya nagpapahinga lang kami saglit bago umuwi."Mas lalo kang bumilis ngayon," biglang bulalas ni Sov."Kung tutuusin ay mabagal pa nga 'yon. Ang tagal ko pa bago makaabot sa finish line," saad ko naman."Anyway, hindi pa din ba kayo nagpapansinan ni Liam?"Umiling naman ako. "You know how stubborn my brother is." I said."You can't blame him for acting that way. Nabuntis mo lang naman ang kaibigan niya,""He really likes to interfere in other people's problem. Mas mukhang kumakampi pa siya kay Sienna kaysa sa akin na kapatid niya." inis na turan ko."Kasi wala ka sa tamang wisyo. Hindi din naman tama ang mga pinagsasabi mo kay Sienna. Siguro kung hindi ko lang alam na may feelings ka sa kanya ay maniniwala akong galit ka talaga sa kanya."Tumingin naman ako sa kanya. "Komplikado lang talaga sa ngayon." maikiling wika ko."Pero hindi ko nagustuhan ang mga sinabi sayo ni Liam. Alam
Sienna POVIsang linggo na ang lumipas simula ng dito na muna ako manirahan sa New York, sa una hindi madali dahil siguro hindi ako sanay pero kalaunan ay naging maayos naman ako. Nanatili din muna dito si Liam para makasigurado na okay na okay na talaga ako at ngayong araw ang uwi niya sa Pilipinas. Hindi naman kasi siya puwedeng magtagal dito dahil may training pa siya."Are you sure you will be okay here, Sienna?" napatingin na naman ako kay Liam, hindi ko na mabilang kung ilang beses na niyang tinanong sa akin ang bagay na 'yan."Paulit-ulit tayo Li? Ilang beses ko na din sinagot 'yan. Huwag ako ang alalahanin mo dahil magiging maayos naman ako dito at isa pa may kasama naman na ako," sagot ko."Alright. Basta tawagan mo ako kapag may problema ha?"Ngumiti naman ako. "Oo na, Tay!" pang-aasar ko."I'm serious here, Sienna." Napahagikhik naman ako. Ang moody din talaga ng lalaking 'to, dinaig pa akong buntis kaya ang saya niya lang asarin e. Kaya himbis na bwisitin pa siya ay tinul
Sienna POVTahimik lang ako hanggang sa makabalik kami sa villa, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil halatang galit at disappointed si Liam sa akin. At mas lalo akong nalungkot dahil ako ang dahilan kung bakit sila nag away na magkapatid. Kung hindi lang sa pagiging matigas ng ulo ko ay hindi mangyayari ang bagay na 'to.Naiintindihan ko naman kung hindi tanggapin ni Raven ang bata dahil hindi niya naman ako pinilit, binigyan niya pa ako ng pagkakataon na makaalis pero ako 'tong nagpumilit. At alam kung mas lalong madadagdagan ang hinanakit niya sa akin dahil sa nangyari sa kanila ng kanyang kapatid."What's your plan now?" seryosong tanong nito sa akin.Nanatiling nakayuko lang ako dahil nahihiya akong humarap sa kanya. "I'm asking you, Sienna." pag uulit nito."I. . . I don't know." mahinang sagot ko."Are you still expecting that my brother will change his mind? If only you had seen the disgust on his face at what he found out. I'm sure you won't get anything from him,"