Share

Kabanata 2

Sienna POV

Kanina pa ako nakabusangot dahil hindi ko man lang magawang gumalaw ng maayos dito sa Villa ng ni Liam. Paano ba naman kasi nandito na naman ang bwisit niyang kapatid. Kung mabait lang sana 'to sa akin ay ayos lang na kasama ko siya dito kaso hindi eh, alam ko naman na pinag iinitan niya ako. Hindi ko na din talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit sa rami rami ng cavaliers eh dito pa ako nagkagusto.

"Why are you staring at me like that, Sienna? Alam kung gwapo ako pero huwag mo naman ipahalata na kinikilig ka sa presensya ko." napaayos ako ng magsalita 'to. Ayan na naman siya, lahat na lang napapansin.

"Ang kapal naman ng apog mo, kapag nakatingin nagagwapuhan agad? Asumming ng tangina na 'to." saaad ko pero syempre mahina lang ang pagkakabigkas ko sa huling sinabi ko, mahirap na at baka kaladarin ako ng demonyong 'to, lalo na't wala dito si Liam.

Ngumisi naman siya sa akin. "Really, Fuego? Parang hindi ko alam na hinahangaan mo ako," walang prenong turan nito.

"Who said that fake news? Minsan huwag kang basta magpapaniwala sa mga naririnig mo para hindi ka magmuhang assuming," saad ko sa kanya.

Napalunok naman ako ng bigla siyang tumayo at saka humakbang palapit sa akin. Halos pigil ang paghinga ko dahil sa lapit nito sa akin, baka bigla na lang ako mawalan ng lakas sa harap niya edi nakakahiya 'yon. Bakit ba naman kasi ang lakas ng dating ng lalaking 'to? Ang ganda ng kulay asul niyang mga mata at ang yummy.

'Maghunos dili ka nga Sienna! Babaero 'yang lalaking pinapantasya mo! Huwag kang boba!' singhal ng isip ko.

Pilit kung pinakikiramdaman ang gagawin niya dahil ang lapit niya lang sa akin, pakiramdam ko ay tinititigan niya ang kabuan ko. Naramdaman ko ang kanyang isang daliri na pinasadahan ang aking pisngi na naghatid sa akin ng munting kiliti. Mayamaya pa ay mas inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko. "You are not good at lying, Sienna. Iba ang kinikilos ng katawan mo sa sinasabi mo," mahinang bulong nito sa akin. Hindi ko maiwasan ang hindi mapapikit dahil sa kakaibang sensasyon na idinulot nito sa akin.

Napamulat na lang ako ng marinig ko ang mahina niyang tawa at nakita ko na siyang nakaupo ulit. "Are you waiting for me to kiss you, sweety?"

P*****a!

"Umalis ka na nga dito, wala naman si Liam." saad ko sa kanya, pilit kung tinatago ang kahihiyan.

He glared at me. "Since when I am not allowed to enter my brother's villa? I can come here whenever I want. How about you, Sienna? Don't you have any plan to go home?"

Here we go again, paulit ulit na lang talaga kami ng lalaking 'to. "Alam mo, kahit ano naman ang sabihin ko ay hindi ka maniniwala dahil iba ang nasa isip mo. Uulitin ko sayo, si Liam ang nagsabi sa akin na manatili ako dito, kung gusto mo do'n ka sa kapatid mo magtanong o magreklamo at huwag sa akin," inis na turan ko.

"You can decide on your own, woman. Assistant ka lang ni Liam at hindi pagmamay-ari na kailangan mong sundin ang lahat ng sinasabi niya. Hindi ka ba nag iisip sa pwedeng sabihin ng ibang tao kapag nakikita nilang nandito ka? Oh baa naman enjoy na enjoy ka sa pagkakaroon mo ng access dito sa Compound?" seryosong saad nito.

"I am just doing my work, Raven. Kahit ba kaibigan ko si Liam ay hindi pa rin magbabago na nagtatrabaho ako sa kanya. Susundin ko kung ano ang inuutos niya lalo na kung alam kung kailangan niya o kaya makakatulong ako sa kanya. Hindi ko responsibilidad ang magpaliwanag sa taong makitid ang ulo kagaya mo, hindi ikaw ang boss ko." madiin na anas ko.

Hinila niya naman ang isang braso ko. "Ano ba talaga ang kailangan mo sa kapatid ko?"

Mabilis ko naman iwinaksi ang kamay niyang nakahawak sa ain, ang sakit no'n ah. Halata talagang may galit ang lalaking 'to sa akin eh.

"Tigilan mo nga akong impakto ka! Wala akong kailangan sa kapatid mo! Alam mo Raven, alam ko naman na hindi mo ako gusto dito kaya lagi mo akong pinag iinitan pero kahit anong gawin mo ay hindi ako aalis hangga't hindi si Liam ang nagsasabi."" nakakaubos siya ng pasensya, bakit ba hindi niya na lang ako tantanan?

"How dare you talk to me like that? Who do you think you are?At saan ka kumukuha ng tapang mo para sabihin sa akin ang bagay na 'yan? Do you think Liam can do anything if I kick you out or ban you from this compound?"

Napayuko na lang ako dahil sa sinabi niya, hindi ko siya magawang tingnan. Wala akong laban sa kanya lalo na't wala dito ngayon si Liam.

"I think you become dumb and can't speak now? Did you realize that what I said was right? I hope you learn to leave where you belong. One mistake, Sienna. And I will be the one to drag you out in this place."

"Hindi mo kailangan sabihin sa akin ang bagay na 'yan dahil alam ko kung saan ang lugar ko. Hindi ko alam kung bakit sinasayang mo ang oras mo sa pagbabantay sa akin. Ganyan ba ako ka ganda at espesyal?" pilit kung pinapatatag ang sarili ko dahil hindi ako pwedeng maging mahina sa harap niya, hindi ko siya pwedeng hayaan na pag isipan ako ng masama.

"I think you need to see a doctor, you're being delusional." tinitigan pa ako nito simula ulo hanggang baba. "Sa tingin mo may espesyal sayo? Don't make me laugh! You're just a plain woman who is seeking for attention and taking advantage to the kindnest of my brother. Tell me, Sienna. Magkano ba ang nakukuha mo sa kapatid ko?" tanong pa nito ulit.

"A-anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

Nakita ko naman ang pag iling niya ng ilang beses. "Are you that stupid not to understand my simple question? Hindi ko alam kung anong batayan ni Liam sa pagkuha ng assistant niya kung sayo pa lang ay tatanga-tanga na." madiin na wika nito sa akin.

"I'm not that stupid, Raven! Alam ko ang ibig mong sabihin, pero tama bang itanong mo sa akin ang bagay na 'yan? Wala ka ng pakialam do'n!" asik ko sa kanya, pati ba naman 'yon papakialamanan niya pa.

Nakita niya naman ang pagsilay ng ngisi nito sa labi. "Gusto ko lang malaman kung magkano. Kaya kung tapatan o triplehin 'yon. Magkano ba ang halaga mo Sienna? Magkano ang kailangan mo para umalis ka bilang assistant ng kapatid ko at pati dito sa Compound. Tell me, Sienna magkano?" ramdam na ramdam ko ang lamig sa boses nito kaya napalunok ako.

"Do you think money can buy everything?" madiin na sambit ko.

"Hindi ba? So ano pa at naging assistant ka ng kapatid mo kung wala kang sweldo diba? Unless kung iba ang bayad na gusto mo?" may panunuya sa boses nito.

Gusto ko siyang sampalin at murahin dahil sa mga pinagsasabi niya pero hindi ko magawa. Pilit akong nagtitimpi dahil iniisip ko si Liam, ayaw ko na ako ang maging dahilan sa pag aaway nilang magkapatid. Wala naman akong mapapala kung makikipagsagutan pa ako sa lalaking 'to na pinaglihi yata sa sama ng loob, baka nga hindi kompleto ang turok nito sa kanya ng bata pa siya kaya ganyan siya.

Kung pwede ko lang turuan ang puso ko na hindi magustuhan ang isang Raven Thaddeus Samaniego ay ginawa ko na, pero kahit anong gawin ko ay hindi ko naman matuturuan ang puso ko kung kanino siya titibok eh.

Himbis na makipagtalo pa ako sa kanya ay nagpakawala na lang ako ng mahinang buntong hininga at kasabay no'n a tinalikuran ko na siya. Bahala siya sa buhay niya kung anong gusto niyang gawin dito sa villa.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
oo nfa naman bakit hindi kana lang umalis dyan sa bahay ni liambakq maya pagselosan ka pa ng gf ni liam
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status