Share

Taming The Heartless Racer (Gear Gods Series1)
Taming The Heartless Racer (Gear Gods Series1)
Author: Reynang Elena

Prologue

Raven Thaddeus Samaniego

Kakauwi ko lang dahil nagpasa si Sovereign sa mall dahil may bibilhin 'to para sa mga kambal. Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking 'yon eh pwede naman siyang mag utos sa mga empleyado dito. Pero hindi ko din naman siya masisisi dahil alam kung sobrang mahal niya ang kanyang mga anak kaya hands-on siya sa mga 'to.

Nakakailang hakbang pa lang ako sa hagdan ng marinig ko ang malakas na boses ng kapatid ko. Napatingin naman ako sa orasan at nakita kung tanghali na at wala naman akong natatandaan na magkikita kaming dalawa ngayong araw.

Bumaba ako para harapin siya. "What brings you h---" naputol ang sasabihin ko ng walang pasabing sinuntok niya ako.

"What the fuck is your problem, Samaniego?" galit na sigaw ko sa kanya habang hawak hawak ang panga kung mukhang nagkasugat sa lakas ng suntok nito.

"You!" dinuro duro pa ako nito. " Ikaw ang problema ko kuya. Gago ka!"

Inayos ko naman ang sarili ko at tiningnan siya ng masama. "Watch your words, Liam! Nasisira na ba 'yang ulo mo? Wala akong natatandaan na ginawa sayo para magalit ka ng ganyan. Ayusin mo 'yang pananalita mo sa akin dahil kahit na kapatid pa kita ay kaya kitang patulan." seryoso turan ko.

"Anong ginawa mo kay Sienna?"

I smirked because of what he said. "So is this about her? Anong kasinungalingan naman ang sinabi sayo ng babaeng 'yon?"

Mukhang hindi nagustuhan ng kapatid ko ang sinabi ko dahil nakita ko ang pagtagis ng kanyang bagang at pagkuyom ng kanyang mga kamao. "Huwag kang magmaang-maangan riyan kuya, alam kung alam mo ang sinasabi ko!"

I sighed. "This is nonsense, Liam. I don't want to have an arguments with you especially over this things. If I were you, umuwi ka lang sa Villa mo." saad ko.

"You call this things nonsense? E, tangina mo pala talaga kuya eh! Kung sana nilugar mo ang pagiging babaero mo sana hindi 'to nangyari. Wala ka kasing pinipili, lahat pinapatapos mo, pati kaibigan ko hindi mo pinalampas! Tapos ngayon na nabuntis mo, umaakto ka na parang wala kang pakialam? Be a man!"

Tiningnan ko naman siya ng nakakaloko. "What do you want me to do now? Ang panagutan siya? Don't make me laugh, Liam. Kahit na kailan ay hindi ko siya obligasyon, kung ano man ang nangyari sa amin ay hindi ko kasalanan. She started it, hindi ko siya pinilit. Siya ang lumapit sa akin at ibinigay ng kusa ang katawan niya."

I know my brother is losing his patience now but I don't care. I won't let Sienna get what she wants.

"I don't get you kuya, anak mo 'yon! Hindi ka man lang ba nakakaramdam ng awa para man lang sa bata? Ano, hindi mo haharapin ang responsibilidad mo?"

"Sigurado ka bang ako ang ama niyan o baka naman dahil sinabi lang ng kaibigan mo? You are not with her 24/7, how sure you are na ako lang ang nakagalaw sa kanya? You're friend is a bitch," giit ko. I won't allow her to used my brother againts me.

Mabilis naman lumapit sa akin si Liam at saka mahigpit na hinawakan ako sa kwelyo. "Hindi gano'ng babae si Sienna! Kilala ko siya at alam mo 'yan. Ikaw ang nakauna sa kanya at wala ng iba!"

Tinanggal ko naman ang kamay niya at saka tinulak siya. "Huwag mo akong manduhan sa kung ano ang dapat kung gawin dahil paulit ulit kung sasabihin sayo na wala akong pananagutan sa babaeng 'yan. Hindi anghel ang kaibigan mo, Liam. Hindi naman mangyayari ang bagay na 'yan sa kanya kung hindi sa kalandian niya." seryosong turan ko.

Napasabunot naman 'to sa labis na frustration. Hindi ko talaga maintindihan dito sa kapatid ko kung bakit ganyan na lang niya protektahan ang babaeng 'yon.

"Putangina kuya! Matapos mong magpakasarap at magpakasasa sa kaibigan ko ay para lang siyang basura na itatapon mo? Edi sana hindi mo pinutok sa loob at ng walang batang nabuo! Hindi naman kusang lalangoy 'yang semilya mo kung sa labas mo pinutok!"

Napaismid naman ako habang nakatingin kay Liam. "Pinapunta ka ba ng babaeng 'yon dito para sabihin sa akin ang bagay na 'yan? Magkano bang halaga ang kailangan niyan para umalis na siya dito sa compound?"

"Do you think, Sienna needs your money? Ginawa mo namang bayaran ang kaibigan ko. Isa lang ang kailangan niya kuya, 'yon ay ang magpakaama ka sa bata!"

I folded my arms and looked at him irritatingly. "And you think I will allow her to ruin my career? Hindi ko hahayaan na masira ang pangalan ko, Liam. I worked hard for what I have now and no one can destroy it. No one." madiin na wika ko.

"I didn't know you were this selfish. Pangalan at career mo lang ang mahalaga sayo kaya wala kang pakialam sa ibang tao, kahit sa sarili mong dugo't laman."

I took a deep breath and looked at him seriously in his eyes. "I don't need to explain myself to you, Liam. Kapatid kita, you should know it better. Kung gusto mo ikaw ang magpakaama sa pinagbubuntis niya o kaya sabihin mong ipalaglag niya."

"Wala kang kwenta! Isa ka nga sa magaling, hinahangaan at sikat na racer pero wala kang paninindigan! Duwag kang magpakaama!"

"Are you done? Wala akong panahon makinig sa mga sermon mo. If you don't have anything to say, you can already leave now."  I said without any emotions.

Napailing naman siya. "Hindi ko alam na ganito ka katigas, siguro kung nandito lang ang mga magulang natin ay ikakahiya ka nila bilang anak. Lalong lalo na si Mommy? She will be very disappointed knowing na pinanganak niya ang isang tulad mo,"

"If they were here right? Kaso wala, matagal na silang wala. So please, I want to rest now Liam. I don't have any energy to talk to you right now," mahinang sambit ko. Napapagod akong makipagsagutan sa kapatid ko lalo na kung wala namang kwentang bagay.

Nakita ko naman ang lungkot sa kanyang mga mata pero ipinagsawalang bahala ko na 'yon. At mukhang naintindihan niya naman ang ibig kung sabihin dahil tumalikod siya at naglakad paalis.

Napasalampak na lang ako sa sofa ng tuluyan ng mawala sa paningin ko ang kapatid ko. Ayaw ko ng magtagal pa ang pag uusap namin at baka tuluyan lang kaming mag away. At mas lalong ayaw kung marinig ang pangalan ng mga magulang namin lalo na si Mommy dahil naaalala ko lang ang lahat.

With all the things I've experience in my life, I didn't know how I survived all of that shit.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
oh kawawa naman si sienna
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status