"Maliligo tayo?" kuminang ang mata ko. Saglit syang ngumiti bago tumango,"Yey! Suotin ko muna swimsuit ko, okay? Hintayin mo ako." hindi ko na sya pinagsalita pa at tumakbo na sa kubo.Kulay yellow na two piece ang kinuha ko at isinuot. Iyon lang kasi ang mas bet ko sa mga iba pang naroon. Itinali ko ang sa may batok, may tali rin sa dalawang gilid ng panty. Matapos ay masaya akong tumakbo pabalik sa dalampasigan at doon nakita ko si Kelvin na nakahubad na ang suot na damit kanina.Hindi niya pa ako napapansin kaya naisip kong gulatin siya. Para na rin maiwasan kong matitigan ang mga pandesal niyang expose na expose na naman. Dahan dahan akong lumapit sa malapad niyang likuran. Medyo nakatagilid sya sa 'kin habang ang mga kamay ay nakahawak sa bewang."Bulaga!" "That won't have an effect on me, mylove. Come here in front." nakatalikod parin siya at hindi man lang napaharap sa akin!Sumimangot ako't sinunod ang pumunta sa harapan niya. Tumitig siya sa aking mga mata pababa sa buong ka
Parang tumigil ang mundo ko nang makita ko siya sa harap ko ngayon na ganito ang hitsura. Galit na galit at mabilis ang paghinga. Sa lahat ng eksenang nakitang kong nagalit siya, dito lang ako labis na kinakabahan, nanlalamig at pinagpapawisan."K-Kier, son.. what are you doing here? I thought you're there downstairs?" Si tito ang unang nakabawi sa gulat."Leticia, I want to know the truth. Everything I've heard... is it all fucking true?" hindi niya pinansin ang ama bagkus ay iyon ang itinanong niya sakin deretsong nakatingin.Napalunok ako't nagpilit ng ngiti. Abot abot na ang tahip ng aking puso."Ano ka ba naman, Kelvin! Gutom lang 'yan! Akala ko ba nagbebreakfast ka na? Ba't narito ka? Hehe, hinihintay mo'ko 'no? Yiiie, ikaw ha!" Hindi nagbago ang kanyang ekspresyon.Nangatal ang pagkakangiti ko."Don't bullshit me. I'm asking you." Kinabahan ako sa lamig niyon.Parang bumalik siya sa dating Kelvin...Pero hindi ako sumuko."Hindi kaya kita b-binubullshit dyan! Naku, mukhang guto
Mabilisan kong pinunasan ang luhang dumalisdis sa pisngi at huminga ng malalim saka ipinagpatuloy ang paglalakad pauwi. Nais ko sanang magtricycle o taxi man lang kaso walang laman ang wallet ko kahit ni singkong duling. Hindi na ako nakaabot sa sweldo sa kumpanya, wala na akong koneksyon sa kanila.Nakakatawa, ano? Parang kahapon lang, ang saya saya. Ang saya saya ko. Ang saya saya namin dalawa tapos biglang nagkaganito... sa lahat ng sakit na naramdaman ko, ngayon lang ako nadurog nang todo.Palagi nalang bang ganito? Kung hindi ka iiwan ay ikaw naman ang mang-iiwan?Ako na naman ang mang iiwan at ako na naman ang aalis. Pero ang pinakamasakit rito ay siya na mismo ang gustong umalis ako't iwan sya.Marahil ay hindi talaga siya ang prince charming ko.Siguro, isa lang siyang prince villain na tinuruan akong magmahal para sa susunod na prinsipeng aking mamahalin. Sa tunay na prinsipeng para sa akin.Ramdam ko ang pananakit ng mga binti at hita ko dahil sa paglalakad mula sa mansyon h
Liwanag na tumatama sa aking mukha ang nakapagpagising sa akin. Bumangon ako at humikab bago nag-unat. Napatingin ako sa cabinet kung saan nailagay ko na ang mga damit kong dala kahapon. Nadaanan rin ng mata ko ang mini table na katabi niyon at kinagat ko ang pang ibabang labi nang makita ang laptop na ibinigay nya sa 'kin noon.Natatandaan ko pa kung paano ko sya niyakap nung sinabi nyang sakin nalang daw 'yon. Ang saya-saya ko nung mga panahong 'yon. "Argh! Move on na tayo, self! Huwag na natin isipin ang isang hatdog!" niligpit ko na ang pinaghigaan.Inayos ko ang kurtina at saglit pinagmasdan ang maulap na kalangitan saka nagdesisyon na bumaba na. Nakaupo na si nanay at saktong nagpapalaman ng cheese sa pandesal. Umupo ako katapat nya at kumuha na rin. "Good morning, anak.""Good morning, nay." Kumagat ako sa tinapay at wala sa sariling napangiti. Paborito ko 'to sa lahat ng breakfast sa umaga. Walang sinabi ang garlic bread at pancakes ng mga Vanhouger. Masarap rin naman 'yon
-Hindi sya! Hindi sya ang tatay mo at wala na ang tatay mo, Leticia!" Pahysterical niyang saad kaya naguguluhan ko siyang tiningnan."Pero gusto ko pong makasiguro dahil hindi ako matatahimik hangga't hindi ko napapatunayan na hindi siya si tatay," hindi niya parin ako binibitawan."Please, Nay..." pagmamakaawa ko.Pumikit siya ng mariin at unti-unti akong pinakawalan. Hindi na niya ako napigilan pa nang tumakbo ako palapit sa lalaking nasisiguro kong aking ama. Tumigil siya sa paghakbang at nag-angat ng tingin sa 'kin. Nagtitigan ko ng malaya ang kabuuan ng mukha niya kahit pa may hadlang na salamin sa mata ay ramdam na ramdam ko ang lukso ng dugo."Do you need anything, hija?" tanong niya. Hindi niya ba ako namumukhaan o naaalala man lang?"Hindi mo ba talaga ako nakikilala, Tay?" tinanong ko pabalik at bumakas ang gulat sa mukha niya.Inangat niya ang kamay para tanggalin ang suot na shades, tumingin sa akin ang asul niyang mga mata. Pumatak ang luha ko at walang pagdadalawang isip
"Graciás, lola... lolo. I promise na susundin ko po ang mga payo ninyo, pati siyempre kay tatay daddy," bumaling ako kay tatay daddy na katabi ang agad na napasimangot na si nanay mommy."Ako rin naman, anak. Marami akong alam sa business business, papetiks-petiks lang okay na," natawa kaming lahat maging ang aking grandparents sa tabi ko."It's good that finally, our only granddaughter will manage the Belleza Inc. Si Rustin kasi ay marami pang kaartehan na ginawa bago magseryoso sa paghawak niyon," ani lolo Morven at tiningnan ang anak na siya namang nakasimangot ngayo't nakahilig ang baba sa balikat ni nanay mommy."I agree. Good thing, your daughter is not like you, sa tingin ko ay mana siya sa amin," si lola Ruscana."Sa amin siya nagmana," sabay pang sinabi ng mga magulang ko kaya natawa kami nila lola at lolo."By the way, hindi ko pa naman po ima-manage ang company, tutulungan ko pa si tatay daddy. I want to start on the lower stage, lo. At saka na ako uupo sa CEO chair kapag I
Natapos ang aming kwentuhan nang magsuggest si Ericka na magmall kami. Kontra pa sa kanya ang kapatid pero wala rin nagawa nang pumayag ako dahil gusto ko rin naman magliwaliw ngayon, kahit may jetlag pa sa byahe.Salita siya nang salita ng kung ano-ano habang nakasunod sila sa akin papasok sa mansyon para hiramin kay tatay daddy ang susi ng kaniyang kotse. Hindi na ako magtatakha kung mayamaya lang ay putulin na ni Euhan ang sinasabi niya. Once a Lorenzo siblings, always a Lorenzo siblings. Hays. Baka world war 3 na naman mamaya ang dalawang ito. Mga isip bata talaga, hindi na nagbago. "Can you please shut up, Eca? Nakakabingi na 'yang bibig mo!" "Ano ba? Nagku-kwento lang naman ako rito, ah. At saka si freny ang kinakausap ko hindi ikaw! Epal!" "Gusto mo gibain ko boutique mo?""Sumbong kita kay momsie. Gibain ko rin kumpanya mo!""Sumbong kita kay dad!"Oh see? Tama ako 'diba? Sanay na ako sa kanilang dalawa pero kaunti nalang, ako na ang gigiba sa pareho nilang trabaho. Joke
Naikuyom ko ang kamao at lihim na huminga ng malalim, pinapakalma ang sarili bago maglagay ng ngiti sa labi. Tiningnan ko ang lahat ng naroon. Ang engineer pala ang kasalukuyang nagsasalita kanina sa unahan. Dalawang architect at bale tatlong engineer ang nakikita ko ngayon sa aking harapan.May isang hindi pamilyar na mukha. Nakasiklop ang dalawang kamay nya at nasa ilalim iyon ng kanyang baba. Perfect na perfect rin ang kanyang panga, matangos na ilong, malalim na mga mata at makapal ang medyo salubong na kilay. Mukha syang seryoso at parang hindi mo sya magagawang pangitiin.Namilog pa ang mata ko nang makita si Trevor Gustave. Oo, iyong sa party na kaibigan ni Kiel! Nakataas ang kilay nya sa akin at hinihintay ang sasabihin ko. Mahina akong tumikhim."I-I'm sorry, everyone," pagkatapos ay bumaling ako sa nagsabing late raw ako."I'm sorry, Mr. Vanhouger. I maybe late but it's because of the traffic and even if I am, I think it's rude to conclude that I'm irresponsible." Nginitian k