Share

Kabanata 1

Mabagal akong naglalakad papunta sa aming bahay dala ang ilang papeles at illustrations. Pinilit kong itago ang ekspresyon nang makitang nag-aabang si Nanay at dalawa kong kaibigan na si Euhan at Ericka sa bungad pa lamang ng aming pintuan. Nang makalapit ay mabilis na inalog-alog ni Ericka ang mga balikat ko.

"Frenyyy! Ano? Kamusta? Anyare? Approve ba? Okay ba? Celebrate na ba us?" Magkakasunod niyang tanong habang nanlalaki ang mata at patuloy sa pag-alog sa balikat ko.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko.

"Tanggap ako! Waaa!" malakas kong sinabi. 

"Omygadnes! Congratulations, freny!" Tili niya at niyakap ako sa aking leeg. 

Natatawa naman ako sa asal niya kahit na nakakaramdam na ng pag-ubo.

Grabe naman kasi ang higpit ng yakap ni freny, e. Gusto niya ba akong durugin? Hala! Naalala ko tuloy yung napanood kong movie na wrong turn!

Matatakot na sana ako sa naisip at sa ginagawa ni freny nang bigla siyang hilahin ni Euhan na nasa likuran lang niya. Lumapit na rin sa amin ang nanay ko at nakikita ko ang saya sa mukha nila.

"Congratulations, Lei. You made it!" buong ngiting sinabi ni Euhan. Malawak akong ngumiti at niyakap s'ya.

"Salamat! Maraming salamat sa inyo, freny at Euhan," 

Nagpapasalamat ako sa kanila kasi palagi silang nandyan kapag may maa-achive ako, sa oras na nalulungkot ako at sa mga oras na natutupad ko 'yung pangarap ko.

"Ehem," narinig namin ang tikhim ni Nanay at malakas na pagtawa ni freny sa gilid kaya napabitaw na kaming dalawa ni Euhan.

"Alam na this, brother!" ani Ericka sabay hagalpak ng tawa.

"Shut up, Eca." mahinang tugon ni Euhan.

"Congratulations, anak! Proud na proud ako sa 'yo kasi hindi mo man natupad ang totoo mong pangarap bilang architect ay nakapasok ka naman bilang isang designer," napayakap nalang ako kay nanay nang sabihin niya iyon pagkalapit sa akin.

Ang saya-saya sa pakiramdam kasi tama siya, kahit hindi ko natupad ang pangarap ko bilang isang architect ay naging graphic designer naman ako. Second choice ko rin kasi iyon sa course na kinuha ko noong college. Sayang nga lang at hanggang 3rd year lang ako dahil kinulang kami sa financial at hindi namin kinaya ni nanay ang pagpapa-aral sa akin. Naging working student pa ako noon para lang sa isipin na makakapagtapos ako ng kolehiyo ang kaso ay wala parin nangyari. Hindi parin pala pwede.

Kung sana ay nandito lang ang ama ko...

"Oh, pumasok muna tayo sa loob at may inihanda akong biskwit saka juice!" Bumalik ang diwa ko sa sinambit na iyon ni nanay. 

Magiliw na kumapit sa aking braso si freny na nakapagtawa sa akin. Ang clingy kasi niya at bagay naman sa kaniya kasi ang cute niya! Nakita ko naman ang pag-iling ni Euhan sa likuran kaya nginitian ko ito at dahil maputi ay napansin ko kaagad ang pagpula ng tenga nito.

Eh? Allergic pala si Euhan sa ngiti? Bakit naman ganoon...

"Alam mo kasi tita Pat, matagal ko nang sinasabi rito kay freny na sa kompanya nalang ni Dadsie magtrabaho! Ayaw niya no'n? Madalas pa kaming magkakasama at magchichikahan. Duh!" rumolyo ang mata ni freny kaya napatawa kami ni nanay.

Nanatili naman na tahimik ang kapatid niya habang sabay-sabay kaming nakain ng biskwit na inihanda ni nanay. Ang sarap talaga ng hopya at toasted loaf!

"E, nakakahiya naman kasi sa Daddy at Mommy niyo freny..." sabi ko sa gitna nang pagnguya.

"What? Are you kidding me, babe? Okay lang sa kanila yun 'no!" singhal niya.

"Eca's right. It's okay to our parents and I can also talk to them if you only want, Lei." singit ni Euhan kaya napalingon ako sa kanIya. 

Ang swerte ko naman sa kanila kasi naging kaibigan ko sila. Noong college kasi ay doon kami nagsimulang makilala ang isa't isa at doon ko rin nalaman na mayaman pala talaga sila. Actually sila ang may-ari ng Lorenzo's Boutique na sikat na sikat ngayon.

"Gustuhin ko man pero nakakahiya talaga sa inyo, e..." I pouted. 

Nakakahiya na naman kasi talaga. Palagi nalang sila nariyan para tumulong sa akin pero ako ni minsan hindi ko man lang sila natulungan. Feeling ko tuloy nagiging unfair na ako, huhu.

"Hayaan niyo na Eca at Euhan, mahiyain talaga ang anak kong iyan," biglang sinabi ni nanay na nakapagpatawa sa dalawang magkapatid. 

Ngumuso ako lalo.

"Oo nga po tita, e. Mabuti nalang talaga ay natanggap siya sa pinag-applyan niya dahil kung hindi ay sa amin talaga siya magtatrabaho sa ayaw o sa gusto niya," nanlaki ang mata ko at napatingin kay Euhan. 

"Nice two, bro!" ani Ericka habang nangingisi at sinamaan sya ng tingin ng kapatid. 

Naconfuse naman ako.

Ha? Hindi ba nice one yun? Bakit nice two ang sa kanya?

"Hay nako, salamat hijo. Salamat sa inyo dahil naging kaibigan kayo ni Lei. Napakababait niyong bata." 

"Of course, tita. Ako pa?" nagsalita ulit so freny at nag-flip pa siya ng buhok niyang maikli.

Ericka has this black short hair just above her shoulder, she's petite, has a chubby cheeks and pouty lips while Euhan has a jet black hair like a boyish type. Parehong maputi at makinis ang kutis.

"Kumain ka nalang, daldal mo."  masungit na sinabi ni Euhan kaya napahagikhik ako. 

"Tse! Epal ka naman, hantot!"

Nagsalubong ang kilay ni Euhan. Kami naman ni nanay ay natatawa na lamang habang pinapanood sila sa pagbabangayan.

Sanay na kami sa ganito at nagpapasalamat ako kasi madalas silang bumibisita rito kaya nagkakasama-sama kami.

"What?" Inilabas nalang ni freny ang dila niya at inasar ang kapatid."Napaka childish," sinabi ni Euhan na sinang-ayunan ko.

Naningkit naman ang mga mata ni freny at sa huli ay nagbubulong na lamang ng kung ano-ano. Ganyan sila lagi, kapag natatalo sa asaran ang isa ay magbubulong na lamang sa isang tabi. Ano kayang mga sinasabi nila kapag ganoon? Nakakacurious tuloy!

"Sige bukas nalang ulit, freny ah? Pinapauwi na kami ni Dadsie at Momsie eh," pagpapaalam ni freny sa akin. 

Tumango naman ako at ngumiti saka niyakap siya.

"Okay lang, freny. Bukas nalang ulit! Salamat sa pagpunta," bumitaw na kaming dalawa.

"Goodbye, Lei. See you tomorrow," sinabi naman ni Euhan saka sumakay na sila sa motor na pagmamay-ari nya habang nakaangkas naman sa kaniya si freny.

"Salamat sa inyo hijo... hija!" sinabi rin ni nanay na nasa tabi ko lang. 

Magiliw akong kumaway sa kanila.

"Byebye, freny!" habol na sigaw pa ni freny at mabilis nang humarurot ang motor dahilan para mawala na silang dalawa sa paningin namin.

"Ang babait ng mga kaibigan mong iyon," napalingon ako kay nanay nang sabihin nya iyon.

"Kaya nga po, e. Natatakot akong sabihin sa kanila ang mangyayari sa akin simula bukas, nay..." malungkot nya akong tiningnan at hinawakan sa kamay.

"Anak, hindi mo naman kailangang gawin iyon. Magbabago pa ang isip mo.. gawin mo yung alam mong makakapagpasaya sa iyo," nag-aalalang sinabi nya. 

Bumuntong-hininga ako.

"Pero hindi po ako magiging masaya at habang buhay akong dadalawin ng aking konsensya kapag hindi ko tinupad ang hiling ni Mrs. Soleriana,"

Tandang-tanda ko pa ang araw na iyon. Kung paano siya halos magmakaawa sa akin na sa halip na humingi sya ng tulong ay humingi siya ng hiling. Isang hiling na napakahirap tuparin.

"At alam ko rin na dahil ito sa utang ko sa kanila," pinisil niya ang kamay ko."Anak kung nahihirapan ka ay huwag mo nalang ituloy, ako nalang ang bahalang magbayad niyon kapag nakahanap na ako ng magandang trabaho," pagpapatuloy niya sa pagtutol sa gagawin ko.

"Kung pwede lang sana, nay. Kaso nakapagdesisyon na po talaga ako at hindi na magbabago pa ang isip ko," nginitan ko sya upang ipakita na ayos lang ako."Bukas na bukas ay pupuntahan ko na ang mansyon nila, pupuntahan ko na ang mga Vanhouger."

Saktong pagkagising ko kinaumagahan ay ala sais pa lamang kaya nagmadali na ako sa pag-aalmusal ng inihanda ni nanay saka naligo at nagbihis na pagkatapos. Simpleng pantalon at white buttoned blouse lang ang aking isinuot na tinernuhan ng pink na flat shoes na binili pa ni nanay noon sa divisoria. Sa lunes pa ang umpisa ng trabaho ko kaya ngayon ko napagdesisyunan na pumunta sa mansyon na iyon. Sa mansyon ng lalaking pakakasalan ko.

"Nay? Bakit wala po rito yung address ng mansyon na nasa papel?" kinakabahan kong tanong nang galugarin ko na halos buong singit singit ng aking hand bag.

Kinakabahan talaga ako! Paano nalang kapag nawala 'yon? Hindi ko na matutupad ang hiling ni Mrs. Soler Vanhouger! At hindi ko na mababayaran ang utang ni nanay sa kanila! Oh no! Hindi pwedeeee! 

"Naku, nailagay ko yata doon sa isang bag mo akala ko kasi ay iyon ang ginagamit mo dahil bago," paliwanag ni nanay at unti-unti naman akong nakahinga ng maluwag.

Ayos! Mabuti naman huhu, thanks God!

"Nay... Ito po ang ginagamit ko at pinaglalagyan ng mga documents or ibang papeles kasi yung black bag na iyon ay sa trabaho ko pa gagamitin," malumanay kong sinabi. 

Natawa naman siya.

"Oh? E, aalis ka na, anak?" maya ay tanong nya.

Kinuha ko muna ang address at isinilid iyon sa loob ng bag ko."Opo, nay. Babalik rin po ako kaagad," humalik ako sa kanyang pisngi."Kapag po hinanap ako rito nina freny at Euhan sabihin nyo lang po ay may pinuntahan lang ako at babalik rin," bumuntong-hininga sya."Please?" nagpuppy eyes pa ako kasi feel ko talaga ay tutol sya sa desisyon ko.

"Oo na anak ko, sasabihin ko sa kanila. Matitiis ba naman kita?" aniya kalaunan kaya napangiti ako at mahigpit siyang niyakap pagkatapos ay nagpaalam na sa kanya.

Nagtaxi na lamang ako dahil tatlong oras lang naman ang byahe papunta sa address na ibinigay sa akin ni Mrs. Vanhouger. Pilit kong pinapakalma ang sarili habang papalapit na ako nang papalapit sa pupuntahang mansyon at nang sa wakas ay tumigil na taxi tanda na nakarating na kami ay halos mabuwal ako at bumalik sa bahay pero kailangan ko itong gawin.

"Ah, manong? Pwede po ba magtanong?" may nakasalubong kasi ako habang naglalakad at hinahanap ang sinasabing mansyon sa village na ito.

"Ano iyon, hija?" 

"Saan po ba dito ang mansyon ng mga Vanhouger?" tanong ko, umaasang alam nya at hindi naman ako nabigo nang ituro nya ang isang malaking mansyon sa hindi kalayuan.

"Yiie! Salamat manong! Naku, Sigurado akong patay na patay sa inyo ang asawa mo. Ang gwapo mo po, e!" nagkamot na lamang sa batok si manong habang ako naman ay ngiting ngiti.

Kasi totoo naman yung sinabi ko, ah? Hindi ako nambobola, honest lang talaga ako hehehe.

"Tama ka naman, hija. Patay na patay nga sa akin ang asawa ko," oh see? Kitang kita naman kasi sa mata nya na masyado syang inlove.

"Ayiiie! Kinikilig si manong!" tumawa sya at napasimangot ako,"Oh sige, salamat po ulit sa inyo! Byebye po manongs!"

Gumaan ang aking pakiramdam habang naglalakad patungo sa mansyon na itinuro ni manong at nang makarating na ako sa mismong harapan nito ay napatigil ako at hindi maiwasan na mapanganga.

Grabe! Mas malaki pala ito sa malapitan! At mas malaki pa ito sa aking inasahan!

Unti-unti akong lumapit hanggang sa mahawakan ko na ang bakal nitong gate. Kahit gate pa lamang ay nagsusumigaw na sa karangyaan! Napakakinis at walang ni kaunting gasgas o kalawang o kahit tuklap na pintura man lang! Napakasosyal nito na kahit ang pintuan naming tuklap tuklap na ang kahoy ay sobrang nahihiya. Kulay ginto ito na may nakalagay sa itaas na 'VANHOUGER'S'.

Kailangan ko na sigurong ihanda ang aking sarili kapag nakita ko na ang loob nito. Iyan ay kung papapasukin ako.

Isang taon na ang nakakalipas magmula noong ibinigay ni Mrs. Soler ang address na ito at hiniling na puntahan ko ang mansyon na ito upang pakasalan ko ang anak niya. Isang taon na rin ang nakakalipas magmula noong nangyari ang trahedya at ngayon ay handa na ako sa desisyon ko na tuparin ang pakiusap niya.

Simula sa araw na ito ay ihahanda ko na ang sarili ko dahil alam kong mga bigatin na tao ang makakaharap ko. Habang pinagmamasdan ko ang mala-ginto nilang gate ay napagtanto ko na para lang akong isang kuting na nagpapaampon sa kanila ngunit gayunpaman ay hindi na ako aatras pa.

Narito na ako para sa dalawang dahilan.

Ang pagbayaran ang utang ng nanay ko sa kanila...

At ang pakasalan ang panganay na anak nila na si Kelvin Vanhouger.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status