Lei Belleza is a soft-hearted girl. She is so fragile and carefree. Everything's right and happy on her simple life, not until the accident happened. She made a promise to someone who was there on that accident, too. They made a deal, and that is to marry Kelvin Vanhouger, the ruthless, cold, cruel and rude billionaire. Will the angel can tame the devil? Will she succeed on Taming the Ruthless Billionaire?
View MoreOne year ago...
"Opo Nay! Sige po... Mag-iingat po ako, pangako! Ikaw rin po nay, ingat... I love you!"
Nakangiti kong ibinaba ang cellphone at inayos na ang dalang bag nang matanaw na ang bus na sasakyan ko papunta kila Lola sa Batangas.
Maganda ang panahon ngayon kaya kampante ako na magbyahe kahit na mag-isa. Gusto nga na sumama ng dalawang kaibigan ko eh, kaso tumanggi ako kasi kaya ko naman na. Nami-miss ko na kasi ang Lola Sonia ko na huli kong nakasama noon pang 18th birthday ko kaya nagdesisyon akong bisitahin siya ngayon. Grabe, miss na miss ko na talaga siya kasi---
"Miss! Sasakay ka ba o hindi?!"
Napatigil ako at kumurap nang sigawan ako bigla ni kuyang konduktor at napakamot na lamang ako sa batok nang makitang papaalis na pala ang bus at ako na lamang ang hinihintay! Nahihiya akong nagpeace sign kay kuyang konduktor.
"Sorry kuya! Lutang lang ako, hehe. Peace tayo!" Patuloy ang pagpeace sign ko, nakakakaba kasi baka may makagalitan ako ngayong araw!
Hindi pwede 'yon! Dapat goodgirl ako always!
Nagkamot ulo si kuya."O, sya sige na peace na tayo. Sumakay ka na miss at baka maiwanan ka nang tuluyan," sinabi niya saka itinuro ang pinto ng bus.
Bumungisngis ako."Okie!"
Panay naman ang paglinga ko sa bawat madadapuan ng mata ko habang kasalukuyan na nasa byahe. First time ko kasi ito na sumakay ng bus at magbyahe papunta sa Batangas. Hindi kasi ako pinayagan ni Nanay noong dalawang taon matapos kong mag debut. Masyado daw pa kasing delikado dahil hindi daw ako sanay sa mga ganito at nag-aalala daw siya para sa nag-iisang n'yang anak. Pero ngayon na 21 na ako ay pinayagan n'ya na ako.
"Teh? Ang gaslaw mo, 'teh."
Bumaling ako sa katabi ko nang marinig ko siyang nagsalita.
"Po? Ako po ba ang tinutukoy n'yo?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.
Ano bang sinasabi ni Kuyang girly na 'to?
Umikot ang mata niya.
"Nako, 'teh! Sabi ko ang gaslaw mo! Kanina ka pa palingon-lingon diyan. May hinahanap? May hinahanap?" Nanlalaki ang mga mata niya habang sinasabi iyon. Para siyang gigil na gigil na ewan.
Oh no! Nagalit ko nga yata si kuyang girly! Bakit nga ba kasi ang gaslaw ko? Huhuhu.
"Ahm... Sorry kuyang girly! Pasensya ka na, ha? First time ko kasi ito, e..." nakanguso kong sinabi habang nakatungo.
Nakakahiya kasi sa kaniya, siguro kanina pa siya nalilikutan sa akin.
"Ganoon ba? Okay, mabuti at sinabi mo hindi iyong para ka d'yang kiti-kiti," maarte ang pagkakasabi niyang iyon na nakapagpanguso sa akin lalo."Well... magandang kiti-kiti rather," rinig kong dagdag niya.
"Ah ikaw rin po maganda!" Nakangiti ako nang malawak habang pinagmamasdan siya.
Nanlaki ang mata ni kuyang girly at mukhang natuwa nang sobra sa sinabi ko. Yieee!
"Talaga, 'teh?" Tanong niya at nag flip pa siya ng kaniyang blonde na buhok.
Sa tingin ko kakaparlor pa lang niya niyon, medyo basa pa kasi.
"Oo. Ang ganda ng buhok mo!"
"Pownyeta ka! Buhok ko lang talaga? Ha? Baklang 'to!" singhal niya saka inirapan ulit ako.
Naguluhan naman ako.
Hala? E, buhok niya lang naman talaga ang maganda sa kanya, eh. Pasalamat nga siya naging honest ako, e. At saka tinawag akong bakla? Hindi ba siya 'yon? Siguro baliw 'tong si kuyang girly noong past life niya. Ang hirap naman kausapin ng mga taong slow! Haaay.
"Sabi kasi ng nanay ko dapat daw maging honest ako always," paliwanag ko.
Tumaas naman hanggang sa noo niya ang kan'yang kilay. Joke.
"Alam mo maganda ka..." tiningnan niya ako na parang kinikilatis."Pero masyado ka rin nakakapikon kaya pwede ba magtanong?" Aniya at nakangiti naman akong tumango.
"Pwede naman,"
"Pwede ba kitang sabunutan nang slight?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang iyon.
What? Ang bad naman niya!
"Hala! Sabi ni nanay kahit gaano ka pa napipikon sa isang tao ay huwag mo siyang sasaktan," lagi kasi iyang pangaral sa akin ng nanay ko mula pa noong bata ako.
"Hay nako. Ewan ko na sa 'yo, girl! Ang daming sinabi ng mader mo, kalerki!" Bumuntong hininga nalang siya sa huli at nakahinga naman ako nang maluwag.
Yes! Mabuti naman at hindi niya itinuloy ang pagsabunot sa akin. Bagong suklay ko pa naman ang buhok ko kaya sayang kapag ginulo ulit niya. Siya nalang kaya ang sabunutan ko?
Hehe, joke lang syempre! Good girl ako.
Sasandal na sana ako sa may bintana ngunit biglang gumewang ang bus kaya nagkauntugan ang mga pasahero pati kami nitong katabi ko.
"Ay, ano ba 'yan!"
"Dahan-dahan naman, manong!"
Habang nagrereklamo sila ay sumilip ako sa bintana at nakita ang isang itim na kotse na sumasadsad sa sinasakyan namin! Nagpanic ako at biglang kinabahan lalo na nang gumewang ulit ang bus at sa pagkakataong ito ay mas malakas na at malala ang paggewang!
"Tangina! Ano ba ang nangyayari?!"
"Diyos ko! Iligtas nyo po kami!"
"Manong driver, ano na?!"
Napuno ng sigawan at hiyawan ang mga pasahero dahil sa pagewang-gewang na sinasakyan kaya maging ako man ay nagpapanic na at hindi ko malaman ang aking gagawin kaya pumikit na lamang ako at nagdasal habang patuloy parin sa malakas na paggewang ang bus.
"Aaah!" napasigaw na ako kasabay ng mga pasahero nang makitang mahuhulog kami sa bangin!
Napaluha na ako kasabay ng kaba sa aking puso na pilit dumadagundong.
"Babagsak tayo sa bangin! Hindi na gumagana ang preno!!!" malakas na sigaw ng driver na lalong nagpalakas ng sigawan at nakadagdag panic sa mga pasahero at sa akin.
Anong gagawin ko? Hindi ako sanay sa ganito at hindi ko ito inasahan! Katapusan ko na ba ito?
Wala na kaming nagawa pa nang mahulog ng tuluyan ang aming sinasakyan. Napasigaw ako at napapikit na lamang sa biglaang pagkahulog. Nagpagulong-gulong ang iba at ang ilan naman ay napatama ang ilang parte ng katawan kaya nawalan ng malay. Napakabilis ng pangyayari at natulala na lamang ako nang maramdaman na tumigil ito at hindi nagtuloy-tuloy.
Nanghihina akong bumaling sa mga pasahero at umaasang may malay din sila katulad ko pero napaiyak nalang ako dahil lahat sila ay nakapikit at sugatan. Iika-ika akong tumayo at naglakad palabas upang humingi ng tulong.
"Aray!" napaigik ako dahil sa sakit ng natamong sugat sa braso ngunit nagpatuloy ako hanggang sa makalabas na akong tuluyan.
Nakita ko ang itim na kotse na kanina ay sumasadsad sa aming sinasakyan. Nakatagilid na ito at sobrang lapit lang dahil halos katapat ko na ang pintuan nito. Akma na akong hahakbang ulit nang matigil ako at napaiyak na lalo dahil sumabit ang piraso ng aking damit sa isang pako. Pilit ko iyong tinatanggal habang patuloy parin sa pagluha dahil sa nararamdaman na kaba, takot, kawalan ng pag-asa at pagpapanic. Susuko na sana ako ngunit may kamay na tumanggal dito kaya natigil bigla ang pag-iyak ko saka nanlalaki ang mata na tumingin sa kung sino man iyon!
"Save yourself, hija..." sinabi ng isang magandang ginang na kalahati lang ng katawan ang nakalitaw sa kotse. Umiling ako at bubuksan na sana ang kotse pero pinigilan nya ako."Don't mind me. Just save yourself, please run..." nanghihina na ang kaniyang boses.
"No! Hindi ko po kayo iiwan dito! Magiging ligtas po tayong lahat, tatawag po ako ng tulong!" Tatalikod na sana ako upang tumakbo at humingi ng tulong ngunit pinigilan niya muli ako.
"Tanggap ko na ang kapalaran ko, hija... Iligtas mo ang sarili mo nakikiusap ako sayo. Mayroon lang akong isang hiling bago ako lumisan..." nagpapatakan na ang kan'yang luha kaya hindi ko na rin napigilan ang maiyak.
"Hindi, hindi po kayo lilisan. Maililigtas ko pa kayo... Sige na po..." patuloy ako sa pag-iling at pagluha.
Bagaman nanghihina na, ngumiti pa rin siya habang pinipisil ang aking kamay.
"I'm Soleriana Vanhouger. I have a son and he's Kelvin Vanhouger. I'm begging you please find our mansion and marry him... marry my son, Leticia..." sambit niya na hindi ko inasahan kaya napanganga ako.
T-Tama ba ang narinig ko? Marry him daw? Ha? At saka bakit niya ako kilala? Bakit alam niya ang pangalan ko?
Lumuluha man ay nagsalita ako."P-Po? Pakasalan? Ang anak n'yo? At bakit kilala niyo po ako?" Sunod-sunod kong tanong.
Mahinang natawa si Mrs. Soler."Wala ka parin pa lang pinagbago, hija. Kilala kita kasi... kaibigan ko ang nanay mo noon pa man at.. magkakilala na kayo ng anak ko simula pa noong bata," tumigil siya at may kinuha sa kanyang bag."Eto. Eto ang address ng mansiyon ng Vanhouger, pumunta ka dyan at sabihin mong ipinadala kita upang mapangasawa ng panganay kong anak na si Kelvin... please, hija." pagpapatuloy niya.
Totoo ba ito? Ipapakasal niya ako sa anak niya? Nasa fairy tale ba ako? Disney ba ito?
Tiningnan ko ang address na nasa papel at inilagay ito sa bulsa."P-Pero bakit mo po ako ipapakasal sa anak noyo? Ano pong dahilan? Baka hindi po sila maniwala sa akin at mapagkamalan akong budol!" Sinabi ko at nataranta nalang sa naisip.
Nangiti siya saka hinaplos ang kamay ko.
"Because your mother had a big debt on me, on the Vanhougers.. on my husband and we already had a deal before.. and that's it. Please Leticia, this is my last wish.. I know my son will surely fall for a very amazing woman like you.." paliwanag niya at doon ay naliwanagan ako ngunit may pagtutol parin na naroon sa aking puso."H-Hindi---" naputol ang aking sasabihin nang biglang umuga ang kotse at nakalimutan ko na nasa bingit nga pala kami ng kamatayan!
Inilahad ko ang palad sa kaniya."Mrs. Vanhouger, kunin mo ang kamay ko at ililigtas po kita dito!" sigaw ko ngunit umiling lamang siya.
"I already accepted my fate. Save yourself, my future daughter-in-law..." umuga muli ang kotse pero this time ay unti-unti na itong nahuhulog at wala na akong nagawa kundi ang umiyak na lamang."Marry my son, Leticia! Stay with him no matter what happen! Tell him I love all of them!" iyon ang huli kong narinig bago tuluyang nalunod at nawala ang kaniyang boses.
"Mrs. Soleriana!!!!" sigaw ko sa gitna ng walang tigil na pagluha. Napaluhod na lamang ako habang dinadama ang patuloy na pag-agos ng mga ito.
Narinig ko ang pagtunog ng ambulansya at may mga taong lumapit sa akin saka ako pinagtatanong ngunit hindi ko na iyon maintindihan dahil ang tangi ko na lamang naiisip ay ang mga nangyari, ang pagkahulog namin sa bangin. Ang mga pakiusap ni Mrs. Soler... At ang kaniyang pagkamatay.
Muli akong lumingon sa pinaghulugan ng kotse sa huling pagkakataon. Iniligtas niya ako at bilang pasasalamat ko ay tutuparin ko ang huling hiling niya. Bilang kabayaran na rin sa sinasabi niyang utang ng nanay ko sa kanila... pupuntahan ko ang mansyon nila at pakakasalan ko ang anak niya. Sana naman ay mabait at madali itong pakisamahan. Sana hindi ako mahirapan at sana... tama ang desisyon kong ito.
Officially Tamed.----------------10 years after..."Mommy! Daddy! I'm freak out!"My eyes darted at our son who's running recklessly on staircase. I heard my wife's giggle from kitchen and then her footsteps towards my direction."Azelar, bakit ka tumatakbo riyan?" natatawa paring ani Leticia.I closed our distance and encircled my arms around her waist. She looked at me with her twinkling ocean blue eyes. Damn, that's the best masterpiece I want to look at forever.Tuluyan nang nakababa ang humahangos na anak namin. He ran towards our between space, Leticia wiped our son's sweat on his forehead. "Why are you running like an athlete, son?" I asked while he's busy catching his own breathe."First of all, I'm really an athlete, dad! Second, I'm running because I'm freaking out! Third, I'm freaking out because there's a lasagna on my study table!" he answered continuously.Leticia and I looked at each other and let out a sigh. We don't know how or why but Azelar has this hate issue on
Nginitian ko at kinawayan si Architect Ramos na malawak ang ngiti sa amin mula sa table nila ng mga kasamahan. Gusto ko silang lapitan kaya humarap ako kay Kelvin na kanina pa nakapulupot ang kamay sa aking bewang.Kinulbit ko sya, napatingin siya sakin at nadistorbo ang pag-uusap nila ng business partner niya."Punta muna ako kila Architect Ramos?" pagpapaalam ko with matching puppy eyes.Naningkit muna ang mata nya at tumingin sa direksyon ng mga engineer at architect bago muling bumaling sakin."Alright, mylove." mukhang labag pa sa loob. Tumingkayad ako para halikan sya sa labi."Huwag kang mag-alala, sa 'yong-sa 'yo naman ako mamaya," kinindatan ko sya. Humagikhik ako nang makita ang madilim nyang ekspresyon. Oops.Naglakad ako buhat buhat ang suot ko paring gown. Sa bungad ng mansyon ng Vanhouger ang reception, dalawang long table ang sa isang tabi na may iba't ibang nagsasarapang putahe. Sa gitna niyon ay may dalawang magkatabing cake. Mala-palasyo ang pigura nito, parehong
Nakacross arm ako habang pinagmamasdan ang isa pang tauhan nina Kelvin na inutusan niyang sumundo ng mga pinamili namin. Inilalagay nito sa mini van na dala ang mga baby things."Let's go, mylove," biglang sumulpot si Kelvin sa tabi ko at inilagay ang kamay sa likod ng aking bewang."Okie,"Umupo na ako sa front seat. Nakita kong isinara na rin ang mini van at pumasok na roon ang tauhan. Ini-start narin ni Kier ang makina."Can't wait for our wedding," lumingon ako sa kanya."Baka naman sa honeymoon," tapos ay umismid ako. Bumaling sya sakin."You think so?" nang may madilim na ngisi. Kumunot ang noo ko't hindi na lang sya pinansin.Napapitlag ako nang maramdaman ang kamay nya sa aking hita. Nilingon ko syang muli pero nanatili naman sa kalsada ang kanyang mga mata. Hinayaan ko iyon, namamahinga lang naman ata.Pero nagkamali ako, unti unti kasing humahaplos ang kamay niya doon. 'Yung haplos na parang nang aakit, nagbibigay ng kakaibang sensasyon."Kier.. magpokus ka sa pagmamaneho.."
"Kier, nasaan na ang pinabibili kong rambutan?" taas-kilay kong tanong habang naglilipat ng channel sa tv.Hindi ako lumilingon kasi nakakatamad. Dinig ko ang tunog ng kaniyang sapatos kaya alam kong papalapit na siya sakin. At hindi nga ako nagkamali kasi ngayon ngayon lang ay nasa harapan ko na siya."But my love.." iyong boses niya ay pagod. Nagsimula ko na siyang harapin."Bakit? Wala? Pagod kana ba? Pagod kana sakin?" nangilid ang luha ko sa isiping pagod na siya sakin. Hindi ko naman sinasadya na pahirapan siya sa paghahanap ng dose dosenang rambutan eh!Nagulat siya lalo na nang humikbi ako. Dali dali niya akong dinaluhan. Hindi malaman ang gagawin."H-Hey, nagpadeliver na ako, matatagalan pa raw ang dating but I'll make it fast for you, mylove," sinabi niya at suminghot singhot ako."Talaga? E, bakit mukhang pagod ka na? Ayaw mo na ba sakin ha? Nakakainis na ba ako?" kinagat ko ang ibabang labi dahil tumulo na naman ang luha.Nakaawang ang kaniyang labi. Nainis ako sa reaksy
Gumising ako sa kaparehong silid. Bumungad sa akin si freny at Euhan na nakaupo sa couch, ang aking mga magulang na may kausap na doktora."Tita, Tito! Gising na po si freny!" nagsilapitan kaagad sila sa akin.Naguluhan ako dahil maluha luha ang kanilang mga mata lalo na si tatay daddy at nanay mommy. Ngi? Anong meron?"My princess.." iyon lang ang naiusal ni tatay kasi ang weird talaga, nakangiti silang nangingilid ang mga luha."A-Ano po bang nangyari?" sa pagkakatanda ko ay bigla akong natumba no'ng pumunta ako sa ICU dahil kay Kelvin.Si Kelvin..."Kailangan ko pa puntahan si Kelvin!" akmang babangon na ako pero pinigilan nila ako. "Anak, mas lalong kailangan mo ng pahinga ngayon," nakangiti iyong sinabi ni nanay. Mas nawerduhan ako."Bakit po ba, nay? Maayos naman ako, gusto ko na po makita si K-Kier," nabasag ang boses ko pagkatapos maalala ang kanyang kalagayan."Ms. Belleza, listen to your mother. You really need to take a rest especially now on your condition," si doktora n
Pagkadilat ng mga mata ko, purong puting kwarto ang tumambad sakin. Ang amoy ng silid na ito.. napakapamilyar. Biglang pumasok sa alaala ko ang senaryo pagkatapos ng aksidente no'ng isang taon. Ganitong ganito ang aking sitwasyon.Ang amoy ng kemikal..Puro puting kulay..Pakiramdam nang nag-iisa..Alam ko, nasa ospital ako. Bumaha sa isip ko ang mga nangyari na naging dahilan kung bakit ako narito ngayon. Kidnappers.. Mr. Rezco.. Loriel.. Tauhan.. Bugbog.. Baril.. Pagsabog.. Sina Kiel.. At si.. Kelvin.. nung huli ko siyang nasilayan bago ako mawalan ng malay."K-Kelvin.." pilitin ko man, parang ang hirap hirap magsalita at maglabas ng boses. Pakiramdam ko ay tuyong tuyong ang aking lalamunan.Susubukan kona sana bumangon pero bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si nanay na humahangos akong tinignan nang may nanlalaki ang mga mata. Dali-dali siyang lumapit sakin at pinigilan ako sa akmang pagbangon."Huwag, anak! Hindi mo pa kaya. 'Wag mo pilitin ang sarili at magpahinga ka muna," ag
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments