Halos wala pang isang oras ay tumigil na ang sinasakyan namin. Mula sa dulo ay umusog ako upang sumilip sa tinted na bintana nito para makita ang sinasabi nilang kompanya ng mga Vanhouger. Nanliliit ang mata ko iyong tinitigan at kalaunan ay napanganga ako at nanlaki ang mga mata."Hala?! E, dito ako nag-apply noong isang araw, ah!" Naibulalas ko habang nakanganga parin na nakatitig roon.Napakalaki niyon at hindi mo pa lang nalalapitan ay alam na bigatin talaga ang may-ari. Malawak ang estruktura na may nakalagay na 'DE VNHGRS' sa itaas ng entrada ng kompanya. Gusto kong kutusan ang aking sarili.Bakit ba hindi ko agad napansin 'yon? Inalis lang nila iyong vowels, e!Narinig kong binuksan na ni Kelvin ang pinto at lumabas na siya doon samantalang ako ay naestatwa na lamang habang nalilito sa nakikita. Nagpakurap-kurap nalang ako nang makita s'yang kumakatok sa bintanang katapat ng mukha ko habang magkasalubong ang makakapal na kilay. Nagmadali ko naman binuksan ang pinto nang matauha
"S-Salamat nga pala sa lunch.." Mahina ko iyong inusal habang nakasunod sa likuran ni Kelvin papasok sa elevator. Nagdesisyon kasi siya na umuwi na raw at bukas na tapusin ang trabaho.Tignan mo ang lalaking 'to, may bait rin palang tinatago sa katawan kahit kaunti.Tumikhim naman siya,"It's the first and gonna be the last. Hindi na iyon mauulit kaya dapat ay maaga ka nang gumigising para makapag-almusal at hindi magutom sa oras ng trabaho." Nagpout nalang ako. Grabe, akala ko naman genuine na iyon, 'yun pala parang napilitan lang siya. Hmp!Sa tingin ko ay ala syete na ng gabi. Madilim na kasi sa labas noong mabungaran namin habang naglalakad patungo sa sasakyan. Marami parin empleyado ang sa tingin ko ay mag-oovertime rito. Naaawa ako sa kanila pero wala akong magagawa, hindi naman ako ang boss rito, e. Halos lahat sila ay tumitingin sa amin katulad kanina, ang mga mukhang inaantok nga ay parang sumigla at nagliliwanag ang mukha nang makita si Kelvin na wala namang pakialam sa pal
Mabilis ang aking paghinga dahilan ng pagtaas baba ng aking dibdib. Kinukulong niya ako at hindi ko alam kung paano pa ako makakalayo gayong kahit itulak ko s'ya ay hindi siya matinag. Sa totoo lang ay kinakabahan ako pero hindi ko malaman ang gagawin. Parang naging okupado ako lalo na at hindi n'ya inaalis sa akin ang titig niyang nakakapaso. "A-Ano bang ginagawa mo, Kelvin?" Hindi s'ya sumagot,"L-Lumayo ka nga!" Sinubukan ko ulit siyang itinulak pero wala parin nangyari."I've threatened you so many times but you didn't even listen. Now, face your punishment. You will surely never forget it," Napasinghap nalang ako nang bigla ay alisin niya ang aking suit sa paraan na sinisira n'ya iyon!"Kelvin, huwag!" Pinigilan ko ang kamay n'ya ngunit hinawi niya lang iyon kaya wala akong nagawa at hinayaan nalang s'ya."Ako ang nagbutones kaya ako rin ang magtatanggal," Nakagat ko nalang ang pang-ibabang labi nang sabihin n'ya iyon kasabay nang tuluyang pagkasira ng suit ko. Hindi ko maiwasan
Hanggang sa matapos na ang lunch break ay hindi parin bumabalik si Kelvin sa opisina. Bagot na bagot na nga ako kakahintay dahil ni anino niya ay hindi parin nagpapakita. Wala naman akong magawa kundi magpabalik-balik na lamang kasi sira ang laptop na ginagamit ko sa paggawa ng designs. Nasaan na kaya iyong lalaking 'yun?Napatalon at nagulat nalang ako nang bigla ay tumunog ang telepono. Sapo-sapo ko ang dibdib dahil sa naramdamang kaba,"Jusko naman, akala ko kung ano na!" Dali-dali akong nagpunta roon at kinuha iyon."Hello? Sino po ito?" Maingay na musika at hiyawan ng mga tao ang naririnig ko sa background kaya medyo inilayo ko iyon sa aking tenga. Maya-maya lang ay may malalim na buntong hininga na ang narinig ko."Finish the documents I haven't put my signatures yet. I'm not going back to the office. I'll just send Vicente to drive you home." Medyo paos ang boses n'yang iyon na unti-unting nalulunod dahil sa ingay ng background.Kumunot ang noo ko,"K-Kelvin?" Hindi siya sumagot
Nakahiga na ako sa kama at pinipilit ang sarili na makatulog pero kahit anong gawin ko ay hindi ako mapakali. Kakatapos ko lang magdinner kanina. Ako lang mag-isa kasi hindi pa dumarating hanggang ngayon ang tatlong Vanhouger. Si Tito daw ay may in-attend-an na auction, si Kiel naman ay busy parin roon sa bago nyang proyekto sa kompanya at si... Kelvin, hanggang ngayon ay hindi pa sya umuuwi na hindi ko alam kung nasaan.Pakiramdam ko tuloy, sobrang alone ko.Ilang segundo ay narinig ko ang pagbukas ng gate. Napabalikwas ako ng bangon at dali-daling isinuot ang sapin sa paa saka binuksan ang pintuan at nagtungo na upang bumaba. Tanging chandelier na lamang ang nagbibigay ilaw sa mansyon at isang lamp sa gilid ng television sa may salas. Nagtungo ako sa bungad ng pinto at inabangan kung sino man ang dumating. Pero nang makita ko ang Range Rover na sasakyan ay umusbong ang kaba sa dibdib ko.At sa hindi kalaunan ay lumabas na nga roon si Kelvin Vanhouger. Unti-unting kumunot ang aking n
"Oh ayan tapos na. Pwede bang magbihis muna ako? Kakagising ko lang kasi..." Hawak-hawak ko parin ang tuwalya kahit tapos ko na siyang punasan sa buhok hanggang sa balikat at braso.Dumaan ang mata nya sa ulo ko hanggang paa pero ewan ko kung namamalik-mata lang ako noong nakita kong nagtagal ang tingin nya sa dibdib ko. Tumikhim sya nang makitang tinitingnan ko ang pagdaan ng mata nya sa aking katawan. Nakasuot pa naman ako ng manipis na sando tapos tinatanggal ko pa ang bra ko kapag gabi. Malalaki ang mata kong tinakpan ang dibdib. Tumaas ang kilay niya.Aba! Pasimple pa siya, ah!"Alright. Go on, change that fucking thin cloth before I lose my control," Namula ako. Tumikhim sya."Don't make me wait, Leticia.""O-Okay, Kelvin..." Dali-dali na akong tumalikod upang hindi niya na mapansin ang pamumula ng pisngi ko. Umakyat na ako papunta sa kwarto ko. Nakita ko si tito na may kausap sa telepono, nginitian nya nalang ako nang madaanan ng paningin.Kinuha ko lang ang simpleng floral dre
"How's Odette and Alexander Lorenzo?" Ani tito pagkatapos punasan ang kanyang bibig ng tissue. Lumingon sa kaniya si Euhan at Ericka."They're doing good, Sir, I guess?" Si Euhan. Tinaasan sya ng kilay ng kapatid. Napangiti ako."They're doing great kasi," si freny matapos ay humarap kay tito,"Sir, they're doing great po," Natawa si tito Jershun. Umiling-iling si Euhan.Lumawak ang ngiti ko. Ang dalawang magkapatid na 'to talaga, oh.Magsasalita pa sana si tito nang may nagsalitang kasambahay."Sir Jershun, urgent call po mula sa Westelnn," dahil roon ay tumayo na si tito."Eat up. I'll just answer the urgent call. Excuse me," aniya. Tumango naman kami at sya ay umalis na.Natapos namin ang lunch ng tahimik pwera nalang kapag si freny na ang nagsasalita. Iniligpit na ng mga maids ang pinagkainan namin. Tutulong pa nga sana ako, e kaso hindi nila ako hinayaan. Tawa naman nang tawa sa akin si freny. Sinimangutan ko tuloy. Habang si Euhan naman ay nananatiling seryoso at tahimik na paran
Nang hindi ko na makayanan ang gutom ay itinigil ko muna ang ginagawa saka lumabas patungo sa malapit na fastfood chain para bumili ng mailalaman sa tiyan. Hanggang ngayon ay hindi parin nabalik sa opisina si Kelvin dahil sa sunod-sunod nyang appointments na ipina-set sa akin pagkatapak pa lang ng paa namin kanina roon. Nahihilo akong naglakad papunta na sana sa labas ngunit isang babaeng empleyado ang lumapit sa akin. Maganda at makinis ang kutis niya saka mukhang mabait."New secretary ka ni Sir Kelvin, 'di ba?" Pati ang boses niya ay kaylambing. Tumango naman ako, hinila niya ako papunta sa cubicle na pwesto niya. Pinagtitinginan na kasi kami na parehong nasa gitna."Kapag sumasapit ang tanghali, hindi man lang kita nakikitang lumabas riyan sa opisina n'ya, ah. Himala ngayon, e. Saan ang tungo mo?" Napangiti ako nang mapansin na may kadaldalan pala siyang taglay."Bibili sana ng lunch sa malapit na fastfood chain dyan..." wika ko kasabay ng pagtunog ng tiyan ko. Napatingin siya r