Share

Chapter 26 - Azalea

Tamed

I was fidgeting like crazy, biting my lips, and tapping my feet on the tiled floor. Kung hindi siguro ako buntis ay malamang na hindi ‘ko mapipigilan ang magpalakad-lakad dito sa malawak tanggapan ng paliparan. Hindi rin nakakatulong na masyado akong emosyonal kaya hindi ko makontrol ang aking nararamdaman.

Kinakabahan ako.

Matindi ang kabog ng d****b ko habang naghihintay kay Maliah. Ilang buwan din kaming hindi nagkita at nagkausap. Iniwasan niya ako matapos ang naging insidente kung saan nakipag-ugnayan siya sa aking ina. Kilalang-kilala ko si Maliah, malamang na nakokonsensya siya sa pangunguna sa desisyon ko. Noong umpisa ay sinubok ko siyang kausapin pero napag-alaman ko nalang na tinanggap niya ang dalawang buwang gig sa Singapore kaya hindi na talaga kami nagkaroon ng pagkakataon makapag-usap. Hindi ko na rin siya kinulit pa.

Kaya malamang na iniisip niya na galit ako sa kaniya. Wala mang katotohanan ‘yon pero hinayaan ko nalang

Catherine

Hi! Thanks for reading! Hope you guys are okay during this flu season.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status