Share

Chapter 38 - Azalea

Magkano

Ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon. Hindi na ‘ko nagulat na siya ang unang kusang kumalas sa yakap na ‘yon. Wala naman siyang sinabi pero tingin ko’y nagpipigil siya ng emosyon. Tila hirap na hirap siya, pumikit siya at minasahe ang ilong.

Napahinga ako ng malalim bago humakbang ng isang beses paatras para magkaroon ng distansya sa pagitan naming dalawa. Pinakatitigan ko siya at nang maramdaman niya ang mata ko sa kaniya ay lumaban siya ng titigan sa akin. I lost.

“I missed you…” malungkot na saad ko sa isip. Hindi ko magawang bigkasin ng malakas kaya tumalikod na lang ako para tignan ang niluluto niya.

Ako na ang tumapos sa nakasalang habang tahimik lang siyang nanonood sa akin. Hindi ko ininda ang paninitig niya kahit pa gustung-gusto ko na siyang yakapin ulit. His intense stare is doing something else in my body. I can feel myself getting lost in the heat.

“Curious ka paano ako natuto magluto?” sabi ko habang hinahal

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status