Share

CHAPTER 5

Chapter 5

(Megan POV)

Hindi ako makapagsalita sa aking narinig mula sa lalaki. Hindi na nga maganda ang paningin ko kay Paul. Sa sakripisyo kong ginawa, ito lang talaga ang isusukli niya sa akin? Nakita naman niya na kanya-kanyang tumalikod ang mga matatanda naming kapatid at iniwan nga ang lahat ng responsibilidad na ito sa akin. Dahilan nila, mayroon silang kanya-kanyang pamilya.

“Isang daang libong dollar, yan lang ang utang ni Paul.” Mahinahon kong sabi… At ang halagang yun nilalang lang ko lang talaga? Akala mo naman meron akong pambayad. “Ngunit yung ibang utang ng mga kapatid ko, wag kayo dito maningil. Hanapin niyo sila.”

“Hawak namin sila.” Kaagad na sagot ng lalaki na napaka-demonyo nga tignan. “Nga pala hindi na ako nakapagpakilala sayo. Ako nga pala ang isa sa debt collector ng pamilyang Quinn, tawagin mo na lang ako Metal.”

“Metal. Bagay sa pang mental. Ano ang sinabi mo? Hawak niyo ang mga kapatid ko.”

“Lahat. Pati ang pamilya nila. At kung hindi mababayaran ang utang nila kaagad, bawat bangkay nila matatagpuan kung saan-saang lugar. Anong sa tingin niyo Miss Megan?” At hindi ko nga gusto ang narinig sa kanila. “Ang mga pamangkin mo, ay maari naming ibenta… Ang mga organ ng kapatid mo, maari rin ibenta. Ngunit kahit ibenta namin sila, hindi parin aabot ang lahat ng halaga nila sa halagang inutang nila sa aming kompanya.”

“Alam niyong mangyayari ito. Wala naman ata akong kinalaman dito diba? Bakit kasi pina-utang niyo ng ganyan kalaki ang mga kapatid ko?! Hindi naman ata tanga ang boss niyo diba? Para gawin ito?”

Ngumisi lamang si Metal. Napasapo ako sa aking ulo. Sana panaginip itong nangyayari! Dahil hindi na nga ito simpleng panaginip eh, bangungot na.

“Andito kami Miss Megan para kunin ang pera. Simple. Ngunit kung hindi namin makukuha ang pera, kailangan mong sumama sa amin.”

“Ako?” Turo ko sa aking sarili. “Wala naman akong utang sa inyo.”

“Ngunit kapamilya ka nilang malapit.”

“Anong kinalaman ko sa uta—.”

“Maaring isama ka bilang kabayaran sa utang nila. At kung wala kang pambayad, hindi rin namin yan problema. Ngunit, ang boss namin kailangan na ibalik ang perang yun sa kanya. Kaya sasama ka sa amin.” Ulit nito.

Saka sinenyasan nga niya ang kanyang kasamang tauhan. Nilapitan ako ng mga ito, at lumaban man ako ngunit nahawakan na nila ang aking kamay. Yung hawak ng dalawang lalaki sa akin, hindi naman yung tipong masasaktan ako, ngunit kahit anong gawin ko, hindi ko magawang kumawala sa kanila.

“Bitiwan niyo ako! Wala akong kinalaman sa mga utang ng kapatid ko! Bakit ninyo ito sa akin ginagawa!” protesta ko. Muling humarap sa akin si Metal, at ngumisi sa akin.

“Mas makakabuti na wag ka nang pumalag Miss Megan. Ginagawa mo lang na mahirap ang lahat ng ito, sayo at sa amin. Ginagawa lang namin ang aming trabaho. My boss has ordered to bring you to him if you don’t have any money to pay him back with.”

“Hindi! Hindi ako sasama! Kaya bitawan niyo ako!”

“Hindi ako nanakit ng babae at matatanda… Ngunit kung papahirapan mo kami, baka may hindi ako magandang magawa. Mabuti pang sumama ka na lang ng maayos sa amin.”

“E-gan…” Ang aking ama. At inulit pa niyang tawagin ako, kaya napalingon ako… Ang mukha nitong namutla ay ngayon… Anong oras man ay mawawalan siya ng malay.

“Gagawan ko ito ng paraan Pa. Wag kayong mag-ala— Pa!” Dahil bigla na lamang ito nahulog sa wheelchair niya, at sinalo ng malamig naming sahig. Nilapitan man siya ng ibang tauhan ngunit… “Bitawan niyo ako! Pa! Bitawan niyo ako! Ano ba! Hindi mo ba nakikita na nahimatay ang papa ko! At dahil ito sa inyo!” Sigaw ko na hindi ko napansin na may lumabas ng luha sa aking mga mata.

Ngunit hindi ako nito hinayaan na pakawalan kundi, nilapitan nito si Paul at hinila ang collar. “Ang ate mo nagpupumiglas na makawala sa kanila, habang ikaw nanginginig sa takot. Wala ka bang pagkusa na iligtas ang ama mo?! Ngayon pa lang nakikita ko na kung gaano ka kawalang kwenta sa lipunan na ito. Sakit ka lang sa ulo. Kung hindi mo alam ang gagawin, tumawag ka ng ambulansya at dalhin mo sa hospital ang ama mo!” Saka itinulak ni Metal si Paul sa sahig malapit kay Papa. “May gagawin ang ate mo at kailangan niya sumama sa amin. Kaya Paul, wag sutil, sundin mo ang sinabi ko.”

At sinenyasan na niya ang dalawang lalaki na may hawak sa akin na kaladkarin na ako palabas, ngunit… “Hayaan mo na munang ako ang gumawa niyan. Hayaan mong makita kong dinala si Papa sa hospital! At kusa akong sasama sa inyo.”

“Nice deal. Sure.” Si Metal na mismo ang tumawag ng ambulansya, at ako nakalapit na nga kay papa. Pilit na ginigising siya, ngunit hindi… Labis na akong nag-aalala ng husto. At basang-basa na nga ang mukha ko ng luhang akala ko wala hindi kailan man lalabas simula ng nang iniwan kami ng mga kapatid ko.

Dumating ang ambulansya, at kasama si Paul, dinala si itay sa hospital.

“Gaya ng pinag-usapan natin Miss Dahlia…” Lahad ni Metal ng sasakyan na nakabukas para sa akin.

“Sa tingin mo ano ang gagawin ko sa harapan ng boss niyo? Ang maki-usap? May magagawa ba yun.”

“We don’t know.” Na parang wala ngang paki-alam si Metal kung ano man ang mangyari sa akin.

Naglakad na ako papunta sa sasakyan, at naupo nga sa pinakatabi. Habang si Metal naupo sa katabi ng driver. Agad na pinatakbo ang sasakyan, at sumunod pa ang ilang sasakyan ng mga kasama nilang tauhan.

Wala akong dala, kundi ang bigat ng kalooban ko, kung bakit ginawa ito ng mga kapatid ko. Ni pisong duling wala akong nakita sa mga inutang nila. Sana naman kung sila ang nagwaldas, bakit pati ako idadamay? Walang hustisya ang ginagawa nila ngayon sa akin. Ni hindi nga nila naisipan na ipagamot si Papa.

Hangang sa narinig ko na may tumatawag kay Metal sa earpiece nito… “Yes. You can tell the boss that were on the way. Yes, the girl is with us.”

At napabuntong hininga na lamang ako. Ano ang makukuha nila sa akin? Napakasira-ulo ng boss nilang ito. Napailing na lamang ako… At isinandal ang aking likuran sa upuan, at tumingin nga sa labas. Habang lumalayo kami, pakunti ng pakunti ang mga taking nakikita ko. Hangang sa hindi ko namalayan, at sa inaalala ko nga ng husto ang aking ama… Nakatulog ako.

“Miss Megan… Miss Megan.” Isang masuyong tawag sa akin, at naririnig ko din ang huni ng mga ibon sa paligid. Saka ang malamig na preskong hangin na humahalik na nga sa aking mukha… Napakaganda nga matulog… Matulog ka lang Megan.

“Hindi siya magigising kapag ganyan ang pagising mo sa kanya Cindy. Ako na. Miss Megan, gumising na kayo at andito na tayo.” Ang boses ng lalaking yun… Siya ang dahilan kung bakit nawalan ng malay si Papa…

Kaya napamulat ako ng aking mga mata. Ano ang sinabi ng aking isipan? Ang aking ama nahimatay dahil sa lalaking… Kumuha sa akin. At ng lumingon ako sa aking taligiran, ang demonyong mukha nga ni Metal ang sumalubong sa akin. Ngumisi siya.

“See? Magigising siya sa ganyang paraan Cindy.” Biro niya sa isang babae na nakasuot nga ng parang bank teller ang uniforme na yun na nga uniforme ng mga katulong ngayon. Ngunit sa halakhak ni Metal naalala ko nga ang lahat ng nangyari. Andito ako para harapin ang boss na siyang pinagkaka-utangan ng mga kapatid ko.

Nasaan ako?

Pinagmasdan ko ang aking paligid, tila ba nasa Paraiso ako. Ang ganda ng garden na nakikita ko sa aking harapan. At paglabas ko, mas lalo kong naramdaman ang malamig at preskong simoy ng hangin. Nang mapaharap ako sa aking likuran, napasinghap ako kasi… Napakalaking mansion na ang desenyo ay isang baroque European style. Napakalaki ng mansion!

Saka sa paligid nga nito, maraming bulaklak na nagsisibukadkaran, iba’t-ibang kulay… At ang naglalakihan ding mga fountain.

Kung andito lang sana ako bilang isang bisita tiyak mananabik akong pumunta nga dito, at mag-enjoy sa mga nakikita ko ngayon. Hindi ko inaasahan sa buong buhay ko na makakapunta ako sa ganitong lugar. Ngunit ang nararamdaman ko ngayon, at baon ko ito kanina… Ay kaba, takot  at nadedepress ako sa nangyayari sa pamilya namin. Sino naman ang hindi Madedepress sa halagang thirty million one hundred thousand dollars?! Saan ako kukuha ng ganyang kalaking pera?!

“Handa ka na ba Miss Megan na harapin si ang Old Master Quinn.”

“Old Master Quinn?” Napangisi si Metal. Tama, wala akong ka-ideya-ideya kung sino ba ang matandang yan.

“May alam ka ba tungkol sa Asik Quin Mafia gang?”

“Ahhh. So sinasabi mo sa akin Mr. Metal na ang organization niyong ito ay ang namumuno ay isang Mafia?”

“Obvious and exactly. Ang Old Master Quinn, na soon magre-retero na bilang Mafia boss ay gusto ka niyang makausap. Pero advise lang Miss Megan, The Old Master Quinn is a bit terrifying man. Watch what you do and say if you want to live to see the light of dawn, later.”

Tinatakot niya ako. At kanina pang nararamdaman ko ang takot na yan, kaya no need naman diba? Alam ko ang reality na ang buhay ko malalagay sa panganib lalo na kung sumama ako sa kanila. Andito na ako ngayon.

“Mr. Metal, siya na ba ang inaasahang bisita ng Old Master Quinn?” Isang ginang na mas masungit pa ang aura niya kesa sa kaninang katulong. Sa likuran nito ilang utusan na nakahelera.

“Siya nga Mrs. Zu.” At tinignan ako nito mula paa hangang ulo. “Sumunod kayo sa amin Miss Megan.”

Napatango sa akin si Metal, at tuluyan na nga akong sumunod sa ginang. Ngunit hindi ko inaasahan na mananatiling susunod sa akin kanina ang apat na utusan, saka nga ang grupo ni Metal. Para bang may balak akong tumakas? Ang pagtakas ay kanina ko pang sinipa dahil walang chansa na makakatakas ako sa kanila. Kahit ano man ang gawin ko, kung tumakbo ako siguradong wala paring mangyayari. At kung magpa-plano akong tumakas, hindi lang dapat yung tatakbo lang ako.

Pagpasok namin sa Mansion, nakahelera ang mga katulong at kaagad na napayuko ng dumaan ako. Tila ba isa akong bisita na kaaya-aya nga ang dahilan kung bakit ako pumunta dito. Saka hindi rin talaga ako nagkamali sa pamamahay na ito. Napakalaki, at napakalawak ng mga bulwagan saka hallway. Kanina pa kaming pasikot-sikot sa mga hallway, at hangang ngayon hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. Pinagmasdan ko na lamang ang mga palamuti ng buong pamamahay, ang mga painting na parang yun ata ang authentic at siguradong napakamahal noon lalo na kung sa subastahan ito nabili. Yung theme ng bahay velvet red color mixed with gold na makikita mo kahit saang dako ka tumingin. Baroque style furniture, and ang napakagandang pattern ng marble na sahig, na ngayon ko lang nakita. Sino ang architect ng mansion na ito?

Alam ko naman sa mga pelikula ang mga Mafia boss ay talaga namang napakayaman nila. Ngunit hindi ko inaasahan na balang araw makakilala ako ng isa sa kanila at nakapunta pa ako sa bahay nito. At kahit nga napakaganda ng bahay na ito, ramdam na ramdam ko ang lamig, at nanginginig nga ako habang naglalakad. Simple tshirt at loose pants lang ang suot ko. Para bang isang pulubi na kinuha lang nila sa tabi-tabi. Atleast maganda.

Tss. Hindi ngayon oras Megan magbiro ng ganyan. Andito ka para idefense na sila ang may pagkakamali kung bakit nila pina-utang ang mga taong wala namang kakayanan na bayaran yung inutang.

Hangang sa tumigil nga sa harapan ng malaking pinto si Mrs. Zu. Hinarap ako nito… “Maghintay muna kayo dito.”

Saka pinagbuksan siya, at pumasok nga na naiwan sa akin ang grupo ng mga katulong na sumunod sa kanya, at tauhan ni Metal.

At maya-maya lang lumabas ulit si Mrs. Zu na hindi man lang sa akin ngumiti. Kailangan ko na ba talagang kabahan.

“Pumasok ka na Miss Megan.” Kumilos na ako, pero natigilan ako dahil sila… Wala silang balak na sundan ako? “At mananatili kami dito.” Dagdag pa ni Mrs. Zu…

@Death Wish

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status