Chapter 6
(Megan POV)
Mag-isa nga akong pumasok. Wag naman sana na may mangyari sa aking masama dito… Gaya ng ginagawa sa pelikula na kapag pinapasok mag-isa ang isang dalaga sa silid, may hindi magandang mangyayari sa kanya.
Hindi kagaya ng nadaanan naming mga silid, na nakababa ang lahat na kurtinang napakahaba… Medyo nasilaw ako sa liwanag na pumasok sa bintana. Palubog na ang araw… Ngunit nakuha naman kaagad ang attention ko ng isang napakalaking chandelier. At ang silid na ito ay napakalaki para hindi ko nga kaagad makita kung may tao ba sa silid na ito.
“Miss Megan…” Gising sa akin ng isang matandang lalaki, ngunit ang suot nito para sa isang butler na lubos ngang nirerespeto. Siya na ba? Ngunit mali ako… Dahil ngumiti ito ng bahagyang sa akin, at kahit pilit appreciate ko na yun. “The Old Master Quinn is this way.” Lahad niya ng kamay sa direksyon na kailangan ko pa atang puntahan.
Lumapit ako. At nakita ko naman ang isang lalaking parang nakaupong nakatalikod ito sa aking paningin, hangang sa makalapit ako…
“Tuloy ka iha.” Na parang nais pa nitong mas lumapit ako sa kanya. Ngunit ang boses nito, talaga namang mayroong authority. Nakita ko ang isang set of burgundy sofas na pinaligiran ang isang marble coffee table. Hindi ako doon uupo habang hindi naman sa akin sinasabi diba?
“Maupo ka iha.” Sinabi ng matanda at umikot ang upuan nito, upang harapin ako. May ngiti sa kanyang labi at nilahad ang kamay niya isa sa mga sofa. Kaagad naman ako naupo, dahil kaninang pang namamanhid ang binti ko.
Tumayo naman sa pagkakaupo ang matanda at nakabihis ito na para bang may pupuntahang inauguration ng isang Presidente. Naupo siya sa aking harapan, at ang baston nito… Nilagay niya sa kanyang tabi saka…
“Nagagalak ako na nagkita tayo ulit.” At hindi nawawala ang ngiti niya sa kanyang labi. Ang ngiti bang ito ay hindi maganda? Pero ang sinabi niya… Nagkita na ba talaga kaming dalawa? May pakiramdam nga ako na nakita ko na ang pares ng kanyang mga mata ngunit hindi mo naman kasi alam kung ano ang mga profession ng mga taong nakakasalubong mo araw-araw.
Pero teka lang… Ang matandang ito… Siya ba yung…
“You are the man this morning?”Tama nga siya yun. Ang di ko sinasadyang mabundol. Ang baston niya ay malayong malayo sa baston nito kaninang umaga. Ang suot din niya. Nagkukunwari ba siyang matandang kailangan ng tulong, upang makapaghanap ng mapagti-tripan? Ganito ba ang Mafia Boss, walang magawa kundi maghanap ng mapagtitripan? Tss.
Ngunit talaga bang siya ang Mafia Boss?!
“Kung ganoon iha, naalala mo nga ako. Mabuti naman.” Na hindi talaga mawala-wala ang ngiti niya sa kanyang labi.
Hindi ko inaasahan na ang Tatang na nakabanga ko kaninang umaga ay isang Mafia Boss. Lalo na hindi ko inaasahan na ang isang Mafia Boss maari naman palang ngumiti ng ganito kasaya. Anong pinagsasabi ni Metal na kailangan ko mag-ingat sa sasabihin ko kay Tatang? Eh, napakabait niyang matanda.
Napangiti na lang din ako. Nakahinga at… “Nahanap niyo na ba yung kaibigan niyo?”
Dahil yun ang dahilan niya kung bakit gumagala siya kaninang umaga. “Negative.”
Pumasok naman yung matandang lalaki na mukhang butler, at kasama nito ang dalawang katulong. Nilapag nila sa mesa ang tsaa, at pinagsilbihan nga kaming dalawa ng mga ito. Pagkatapos…
“A refreshing tea. Have a drink iha. Parang pagod na pagod ka sa mahabang byahe papunta dito.”
Biglang nahanap ko ang aking sarili na hindi nga ako komportable na tangapin ang alok na yun. Ngunit kailangan… This time ata kailangan ko magtiwala sa matandang ito. At least hindi siya yung Mafia Boss na inaasahan ko.
“Thank you.” Kuha ko ng isang tasa, at napainom nga ng kunti.
“Sabihin mo sa akin iha, hindi ba maayos ang ginawang pagtrato sayo ng mga tauhan ko? Inutusan ko sila na kunin ka sa maayos na paraan. Na tila ba kukuha sila ng isang dahon ng makahiya at dapat na hindi ito makakatulog.”
Napangiti ako. Dahon ng makahiya… Hay naku. Makaramdam lang yun na may gumalaw, kaagad na titiklop. Ang exaggerated naman.
Umiling ako kaagad. Dapat direktahin ko na kung ano ba talaga ang ipinunta ko dito, at pinasundo niya akong ganoon. Nais ko sanang sabihin ang tungkol sa ginawa ng mga tauhan niya sa bahay namin… Ngunit tapos na, ano pa ba ang mangyayari? Baka ano pa ang magawa ni Tatang sa mga tauhan niya. Pero isisingit ko ang tungkol kay itay, at sa utang na hindi makatarungan ng mga kapatid ko.
“Ayos lang po ako. Hmmm. Kung pinasundo niyo po ako, ano po ba ang dahilan?” Kasinungalingan lang ba ang tungkol sa mga utang ng mga kapatid ko?
Ngumiti ito sa tanong ko. “Hindi ba nila sinabi?”
“Sinabi naman nila ang dahilan… Pero gusto ko pong kumpirmahin sa inyo, kung ano po talaga yung—.”
“Thirty Million One hundred thousand dollars.” Diretsang sagot niya. “Yan ang halaga kung bakit naririto ka ngayon.”
Parang madidismaya ako. Ibig ngang sabihin, hindi ako pinagloloko ng nangyayari, kundi ginawa talaga ito ng mga kapatid ko.
Nahiya akong ngumiti kay Tatang. “Kung tungkol naman po sa pera… Na hindi ko naman utang, walang-wala ho ako ngayon. Alam niyo naman na simple lang naman ako at pamumuhay na meron po ako. Balita ko po andito ang mga kapatid ko. Ano po ang ginawa nila sa pera upang umutang ng ganyan kalaki?”
“Iha, mabuti akong tao kaya nagpapahiram ako. Ngunit kapag hindi sila sumunod sa usapan dyan ako hindi natutuwa. Lumalabas ang pangalawa kong pagkatao na hindi maganda.” Pagbabanta na nga ni Tatang.
“Ngunit kung pagbibigyan niyo ng pagkakataon na makapagtrabaho ang mga kapatid ko, at kahit ako tutulong sa kanila, pangako mababayaran po namin yung utang pong yan.” Dahil sa sinabi ko, ang ngiti ni Tatang umabot hangang tenga.
“So tutulungan mo sila at gagawin ang lahat? Mayroon akong ideya na maari mong gawin iha.”
“Talaga po.” Masaya kong tugon ngunit natigilan ako. Ang kaharap ko isang Mafia boss na malimit ang negosyo nila ay illegal transaction nga ang nangyayari. “Ngunit hindi po yung gawain na illegal.”
“Napakatalino mong bata. Gusto ko yan. Alam kong matalino ka at napakabait na dalaga ng mabungo mo ako kaninang umaga.” Saka tumawa ito ng malakas. Sobrang natutuwa talaga siya sa harapan ko. Ang butler nakayuko lang at ewan kung nakikinig siya sa pinag-uusapan namin. Ngunit obvious naman diba? Paano naman nila masasarhan ang kanilang tenga?
“At alam ko iha ni isang kusing hindi ka man lang nakinabang sa inutang nila. Bakit mo tutulungan ang iyong mga kapatid?”
Alam naman pala ng uklubin na ito. Bakit pa nila sa akin pina-alam?! “As in wala po talaga akong alam. Ngunit bilang kapatid, tungkulin ko ata silang tulungan.”
“Dahil riyan, at napakabuti mo. Tutulungan kita iha. Tungkol sa pera, hindi ko yan kailangan. Hindi niyo kailanga na ibalik sa akin.” Sinabi niya yun na parang wala lang sa kanya ang Thirty Million One hundred Thousand dollars.
“Talaga po ba?!” Sa nakakagulat naman diba? Heto na ba yung tulong niya sa akin? Ang hindi na namin bayaran ang inutang ng mga kapatid ko. Nagkakamali pala si Metal sa binigay niyang advice. Napakabait ni Tatang.
And let’s be realistic. Kahit ano pa ang gawin ko, gawin naming magkakapatid… Yang Thirty Million One Hundred thousand dollars ay hinding-hindi namin makukuha sa buong buhay namin kaagad-agad. Mabuti na lang talaga mabait si Tatang.
“Thank you po.”
“Iha, bakit ko naman hahayaan na bayaran mo ang utang niyo sa akin, kung magiging asawa ka ng anak ko.” At doon ako biglang natigilan.
Ano daw ang sinabi ni Tatang?! May pakakasalan ako, at anak niya yun?! Saka ng sabihin niya yun, napakaseryoso ng boses nito. Hindi siya nagbibiro. Kaya hindi ko alam ang sasabihin ko. Narinig ko naman ng maayos, pero bakit gusto kong tanungin ulit kung ano ang sinabi niya?
Kinuha ko na lamang yung tasa ulit, at naparami yung inom ko kaya napaubo ako. Kumuha naman ng tissue ang Butler saka inabot sa akin.
“Thank you.” At ng kumalma ako…
“Ayos ka lang ba iha?”
“…” Napatango ako ng marahan. Akala ko papalampasin na lang niya ang utang ng mga kapatid ko… Yun pala… Ako ang kapalit. Ang pagiging dalaga ko ang biglang kabayaran sa utang ng mga kapatid ko na hindi man nga lang ako nakinabang!
“Yun nga. Magpapakasal ka lang sa anak ko, at wala nang kaso ang utang ng mga kapatid mo.” Saka ngumiti na natutuwa ngang sinabi niya ito.
Di ko na napigilan ang aking sarili, “Nagbibiro lang po diba kayo?”
Ngunit sa binitiwan kong salita, nawala ang ngiti ni Tatang. Saka ko naalala ang sinabi ni Metal, na mag-iingat ako sa sinasabi ko, at iwasan ngang ma-offense ang matanda.
“Hindi iha. Sinabi mo diba kanina na gagawin mo ang lahat. Bakit parang uurong ka?” Napansin na nga nito na tinatangihan ko ang alok niya.
“Kasi… Ibang usapan na kung pakakasalan ko ang anak ninyo.” Kailangan ko idepensa ang sarili ko.
“Nauunawaan ko iha kung bakit akala mo nagbibiro lang ako. Nakakagulat na nais kong ipakasal sayo ang nag-iisa kong anak. Ngunit seryoso ako sa sinasabi kong ito sayo, at tulong na nilalatag ko. Gusto kong pakasalan mo ang aking anak.” Ulit niya, at ngayon talagang seryoso na ang tono ng kanyang boses. Ang titig niya hindi iniwan ang mukha ko, kundi pinagmasdan niya bawat reaction ko. Hindi pa naman ako marunong magtago ng emotion.
Napabuntong-hininga ako. Halatang-halata na ako na ayoko ng iniisip ni Tatang. Sa mga mata niya para akong isang nakabukas na libro na nabasa niya ng tuluyan ang nilalaman ko.
“Pero…” Muli akong huminga ng malalim. “Sorry po talaga. Di ko kayang gawin. Hindi ko halos ma-imagine na magpapakasal ako sa lalaking hindi ko naman kilala, lalo na… hindi ko naman mahal.” Paliwanag ko, na yun ang dapat kailangan kong sabihin. Ngunit hindi ko maaring sabihin na ayokong magpakasal sa isang Mafia.
“Iha. Hindi yan problema. Sa totoo lang hindi naman mahirap na mahalin ang anak ko. Tiyak mahuhulog ka sa kanya.” Sinabi ni Tatang na parang confidence siya. Ako? Ang isang kagaya ko na mahirap mapa-ibig? Sigurado ba si Tatang?
Ngunit hindi.
“Hindi parin po. Hindi po ako magpapakasal sa kanya. Mayroon pa bang ibang paraan para mabayaran namin ang utang ng mga kapatid ko?” Malungkot kong sinabi at hindi ko na nga inalala, na hindi tamang tangihan ang nais ni Tatang.
“Hmmm. Maari naman nating hati-hatiin ang parte ng mga katawan mo, ninyo… At ibenta nga ang organs ninyo sa Black Market. Ngunit hindi ko ma-aassure na talagang mababayaran niyo ang utang kahit na ibenta pa natin ang mga organs ninyo. Hindi aabot ng thirty Million One hundred thousand dollars ang pinagbentahan. Habang kung magpapakasal ka sa anak ko, ni hindi na papatak ang pawis mo sa iyong mga sideline, iha.”
Sa sinabi nito, alam kong pinag-imbestigahan na niya ang pagkatao ko. Nainis ako bigla. Ngunit ano naman ang magagawa ng inis ko ngayon?
“Kung pakakasalan mo ang anak ko, at mabibilang ka sa pamilya namin, mapupunta sayo ang lahat na inaasam ng isang babae. Kapangyarihan, yaman, kasikatan at kung ano pang gusto mo. Ang pamilyang Quinn, ang prinsipyo namin, kung ano ang ginusto namin, ay makukuha namin. Kaya iha, hindi ba maganda ang opportunity na ito? Nag-iisa lang ang anak ko, at siya ang magmamana ng lahat nang ari-arian ng pamilyang ito.” Nanliligaw na suyo niya sa akin.
Hinding-hindi ako kakagat. Gusto ko parin mabuhay ng tahimik, at maayos. Aanihin ko ang yaman at kapangyarihan kung hindi naman tahimik at masaya ang buhay ko? At kung magpapakasal man ako balang araw, diyos ko po wag naman sa isang Mafia.
“Ano po ba ang mangyayari kung tatangihan ko ang alok ninyo?”
Biglang humalakhak si Tatang. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko… At seryoso nga ako. Nais ko lang malaman kung ano nga ba ang consequences ng pros and cons.
Nang mahimasmasan si Tatang at nakatitig lang ako sa kanya… Mahina na lamang siyang tumawa. “Sigurado ka ba iha sa sinasabi mo? Kung oo, sa tingin mo ba maari kang tumangi? Sa totoo lang iha, wala kang ibang option kundi sumang-ayon. Hindi kita dito dinala para lang i-turn down ang aking offer at umalis na wala lang nangyari. Alam mo bang mga Top member lang ng organization ko ang nakakaalam ng lugar kong ito? Sa tingin mo ba hahayaan lang kitang makalabas dito? Hindi.”
@Death Wish
(Dahlia POV)Malaki ang ipapasalamat ko sa tulong na binibigay ng kompanya sa akin. At kailangan ko pa kapalan ang mukha ko, para humingi ng advance since nga walang-wala kaming pera ni Grandma. Nakakahiya pero nilakasan ko ang aking loob, at alam kong hindi tatangihan ni Sir Venal ang pabor ko. Napakabait nito, at walang alintanang ginagawa ang lahat pagdating sa akin. Hindi naman sa inaabuso ko ang kabaitan niya, sadyang wala lang talaga akong malapitan. Promise babawi ako sa kanya.Kaagad naman umalis si Sir Venal matapos ngang iremind sa akin, na mamaya kakain ako sa harapan ng boss namin. Since madami na din naman akong kinain, alam kong kunti na lang ang kakainin ko. Saka nakakahiya talaga, di ko rin alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa aking sarili kung para saan ba ito.Hinahawakan ko ang kamay ni Grandma at pinisil-pisil ito. Nalilito ako kung nais ko ba ito magising o manatili siyang matulog para di nito malaman ang nangyari. Napabuntong-hininga na lamang ako.Bumalik ang da
(Dahlia POV)Nang makapasok ako sa banyo, tinignan ko ang laman ng paperbag. Puro dress ang naroroon. May binili naming pang-ilalim, pero yung damit talaga… Alam kong kung magkano ang isa noon. Sa sikat at mamahaling brand pa sila namili.Isinuot ko na lamang yung skirt na mahaba, at white chiffon blouse. Habang yung skirt kulay beige. Dahil medyo tinatagos ng lamig ang blouse, isinuot ko yung longsleeve. Tuck in, para nga hindi magmukhang manang. May ternong dollshoes yung skirt, at ng tumitig ako sa salamin, maganda. Simple, ngunit maganda. Prefer ko yung mga damit na plain lang at walang kahit ano-anong print.Paglabas ko, wala na sila Madam Lilith. Itinabi ko na lamang sa sulok yung mga paperbag, ng mapansin kong may kung ano sa may mesa. At ng lapitan ko, biglang kumalam ang tiyan ko.Pagkain… Masasarap na pagkain. At sa hinuha ko, ang pagkain na yun para sa akin.Storm Corporation, natural ba sa kompanya na ganito ang ipamalas na pagtulong sa kanilang mga empleyada?(Venal POV)
(Venal POV)Parang isang papel na inihipan ng hangin ng mismo sa aking mga mata nawalan nga ng malay si Miss Dahlia. Kaagad ko itong nilapitan at binuhat. Tumawag naman ng attention ang mga assistant ko, at sa isang silid nga namin idinala si Miss Dahlia.Over fatigue ang dahilan kung bakit nawalan siya ng malay. Normal na mabibigla ang katawan niya sa mga nangyari.Mag-uumaga na, at wala parin siyang malay. Naalala ko ang sinabi ni Master Dryzen na ipagluluto niya ng agahan si Miss Dahlia. Bahagyang nakalimutan ko ang tungkol roon. Nasisigurado ko kanina pa yun gising, at walang kaalam-alam sa mga nakalipas na oras kung ano ang nangyari kay Miss Dahlia.Tinawagan ko si Lilith, at kinumpirma niya sa akin na maaga itong nagising at abala na si Master Dryzen sa pagluluto.“Maari mo bang sabihin sa kanya, na hindi makakarating si Miss Dahlia.”“Natutuwa akong sabihin yan kay Master Dryzen ngunit hindi matutuwa ito sa maririnig niya sa aking bibig. Bakit anong problema ng babaing yan? Suk
(Dahlia POV)At nagising ng, tumunog ang phone ko. Nagbabakasakaling sila Carlo at Karen… Pero hindi, si Sir Venal. Tungkol ba ito sa paggamit ko ng Card? At napansin ko ang orasan, magmamadaling araw na para hindi pa siya nagpahinga at mapansin pa in case man may nakukuha siyang notification sa paggamit ko ng Card.Hindi ko naman maaring di sagutin… Sinagot ko.“Miss Dahlia…” Bati niya sa akin. “Sir Venal…” Saka narinig ko itong huminga ng malalim.“I’m sorry, ngayon ko lang nabalitaan ang tungkol sa nasunog niyong bahay. Napasugod ako ngayon dito. Mabuti na lamang at wala kayo dito ng mangyari ang sunog. Ngunit alam kong mabigat parin sa inyo ang nangyaring aksidente. Maari ko bang malaman kung nasaan kayo?”“Sir Venal…”“Miss Dahlia?” At tuluyan na naman akong naiyak.Wala na akong lakas na loob na magsalita pa, hangang sa ibinaba ko na lamang ang tawag ng hindi ko sinasabi kay Sir Venal kung nasaan nga ako.Pero hindi ko inaasahan, na lumipas lamang ang ilang minuto, napuno bigl
(Dahlia POV)Lumapit ako sa information desk, at naki-usap sa nurse na iiwan ko muna si Grandma. Pumayag naman ito, ngunit ng tumalikod na ako at ilang hakbang pa lamang ang layo ko sa kanya…“Anong klaseng kamag-anak ba yun. Nasa loob pa nga ng emergency room ang kanyang abuela, hindi pa nga inilalabas, aalis kaagad. Di naman sinabi kung ano ang rason.”Kaya natigilan ako. Ang galit na akala ko, wala… Akala ko pangamba lamang, ay biglang sumabog. Saka hindi ko aakalain na sa kanila ko mabubuhos ang frustration na aking nararamdaman.Napalingon ako, at tahimik na bumalik ulit sa information desk.“Sa nasusunog ang bahay namin, miss. Ano ang sa tingin mo ang dapat kong gawin?!”At napapikit ako bago pa man lumala ang sitwasyon. Huminga ng malalim… At ayoko nang dagdagan pa ang pwerwisyong nangyayari.Kaya humingi ako ng pasensya.“Sorry, hindi ko sinasadya na pagsigawan ka. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala ng husto kay grandma. Ngunit kailangan ko bumalik ng bahay dahil nasusunog
(Dahlia POV)“Miss Dahlia… May nangyari ba?”Umiling ako kaagad. Medyo nalilito ako kung para saan ba ang tanong niya at pag-aalala sa akin. Nang maalala ko na tumakas ako, at siguradong yun ang tinutukoy niya.Bigla akong napayuko sa harapan niya. “Pasensya na Sir Venal kung umalis kaagad ako. May kailangan kasi ako ayusin.”Ayusin. At di ko nga alam kung saan magsisimula.“Maayos po bang nakakain ang CEO?”Napatango naman ito bilang tugon, at nakahinga kahit paano ng makumpirma na ayos lang ako.“Nalaman ko na hindi ka pa nakakauwi sa inyo. Kaya pinahanap kita.”“Sir Venal…” Alam kong mayroong utos ang CEO sa kanya na ihatid-sundo ako sa bahay namin. Ngunit ang weird. Hindi ko maintindihan kung para saan itong ginagawa nila. Kung may kinalaman ito sa special na trabaho na nais nilang tangapin ko, siguro nga yun ang dahilan.“Ayos lang naman ako, Sir Venal. Wag kayong masyadong mag-alala sa akin. Sanay po akong umuwi ng ganitong oras, kahit mag-isa. Kaya nga po nais ko sanang tangiha