共有

Chapter 24

作者: Death Wish
last update 最終更新日: 2023-03-03 15:49:04

 (Owen POV)

“Owen, pinapapunta ka ni Ma’am Senior Editor sa opisina niya.”

Agad kong inangat ang paningin ko sa aking desk. Saka lumingon sa opisina ng m*****a naming Senior Editor. Napabuntong hininga ako.

Tungkol na naman ata ito sa manuscript na ipinasang for approval to publish ni Yuki.

Napakamot ako.

Parang pagod akong bumangon sa kinakaupuan ko.

Dalawang babae lang naman ang napakaraming demand sa buhay ko.

Si Yuki at Ms. Nam.

Haist.

Sa pagtayo ko at bago pa man ako makarating sa harapan ni Ms. Nam. Bumukas ang pinto at nagsisulputan sa pinto ang mga lalaking tila mga autoridad.

Kilala ko ang nagpadala sa kanila. Alam ko na ako ang hanap nila.

Sumasakit na talaga ang ulo ko. Maaga pa para sumakit ang ulo ko ng ganito.

“Mr. Owen, do you have time to hear our business?”

Sinabi ng lalaki na namumuno sa kanila.

Secretarya ng kapatid ni Yuki. Siya na naman ang pinadala nito para takutin ako at matinag.

Napalingon ako sa opisina ng Chief Editor namin, at sa kanila.

Sino ang uunahin ko?

Pero di ko kailangan mamili at magdalawang isip dahil kailangan na sila ang atupagin ko muna. Sa laki ng mga briefcase nilang dala… Di ko na alam kung ano ang laman nito.

Pera o baril?

Baril na kikitil sa akin at magugulo ang boung gusali.

Tinapik ko sa balikat ang isa sa kasamahan ko. Alam na niya ang gagawin kung ipagpilitan ni Ms. Nam, na makita ako.

Sumunod ang mga lalaki sa akin sa isang conference room. Sinara ko ng maigi ang pinto. Sa paglingon ko sa mesa binuksan na nila ang briefcase na dala.

Pera ang laman ng isa. Ikinanlaki ng mga mata ko. Ang dami noon.

Ngunit ng binuksan pa nila yung isang briefcase, napalunok laway ako. Baril.

Ngumiti sa akin ang lalaki.

“You choose Mr. Owen. Hetong isa…”

Tinutukoy niya ang briefcase na puno ng pera…

“Mapapasayo kapag na-ipublish within this week ang nobela ni Miss Yuki. Sa gusto na niyang makita ito sa bookstore at sa site ninyo.”

Di parin mawala ang ngiti nito. Inaasar niya ako ng sagad,

“At ito namang isa. Mas makakabuting tahimik mong isuko ang buhay mo sa amin.”

Mabilis ang usapan.

Isang briefcase lang ang kailangan ko piliin.

Kinuha ko yung isa saka sila nagsi-labasan at umalis. Iniwan ang babala sa akin ng sekretaryang pinagtatawanan ako ng lihim. Kitang-kita sa kanyang mga mata na natutuwa siyang pinaglalaruan ako.

“Within this week, Mr. Owen.”

Tapik niya sa balikat ko.

Nang makalabas sila. Napabuntong hininga ako.

parang hindi na akin ang buhay ko para kontrolin ako ni Yuki.

Tsk.

Inalis ko ang aking salamin at napahilamos ng dalawa kong kamay sa aking mukha.

Tinatanong sa sarili kung bakit isinakripisyo ko ang career ko sa perang natatangap ko galing sa manunulat na si Yuki. Naging gahaman ako sa pera ng hindi ko napapansin. Nilagay ko ang aking buhay sa bitag ni kamatayan.

Kung di ako nabulag sa salapi, edi sana malaya ko ding nare-reject ang obra ni Yuki.

Paglabas ko, agad na bumungad ang tarpaulin ng mga sumikat na mga manunulat sa kompanya namin. Nangunguna si Yuki.

Dati rati magaling naman talaga siyang manunulat. Kaya nga natutuwa ako na ako ang hahawak sa kanya bilang editor nito.

Ngunit ng lumaon, nagiging walang saysay ang isinusulat nito.

Anong nangyari Yuki?

Napahilot na lamang ako sa aking leeg.

Talagang wala akong magagawa. Nakasalalay ang buhay ko dito.

Isinuot ko muli ang aking salamin.

Dala ang mabigat na maleta, pumasok ako sa opisina ng Chief Editor.

Sinalubong ako ni Miss Nam ng nagliliparang papel.

“Tinangap mo na naman yan?!”

Siyang dahan-dahan ko ngang inilapag sa harapan niya ang maleta. Alam niya ang nangyayari sa pagitan namin ni Yuki.

“Miss Nam, tinatakot na nila ako.”

“Problema mo yan Owen. Walang kwenta ang ipinapasang manuscript ni Yuki. Alam mo yan. Hindi ka naman tanga diba? Wag mong idadamay ang kompanya dahil sa kalokohan mong ginagawa. Kung di ka titigil makakarating sa nakakataas sa atin.”

“Miss Nam naman. Nakikinabang ka naman sa mga nakukuha ko kay Yuki. Ang gagawin lang naman natin, ma-ipublish yung nobela niya.”

“Basura. Alam mo ba ang maaring epekto kapag inilathala natin yan?! Alam mo kung tungkol saan ang kwento niya?! Sa tingin mo ba merong mambabasa na babasahin ang isinulat niya? Wala Owen!”

“Sus naman Miss Nam, nagbibigay pa nga tayo ng trabaho sa mambabasa ni Yuki. Kaya dapat basahin nila.”

“Hiring a fake reader for Miss Yuki? Bumababa ang rating natin dahil sa kanya. Nakukuha na ng kabilang publisher ang mga mambabasa talaga natin! Hindi lang para kay Yuki ang kompanya natin! Paano ang iba nating manunulat?! Tayo ang mawawalan. Marami nang manunulat na nakakaalam na mas pina-priority nga natin yang alaga mo Owen!”

“Miss Nam naman. Sa ngayon binigyan nila ako ng isang linggo para mailathala ang kwento niya.”

Ngumisi ito sa akin.

“Resign. Di ko gustong ilathala ang basurang yan.”

Siyang inihulog nito ang briefcase sa sahig. Nataranta akong pulutin yun dahil nabuksan at nagkalat yung pera.

Di ba ako na-iintindihan ng asawa ko?

“Miss Nam, papatayin nila ako.”

“I don’t mind.”

“Miss Nam naman.”

“Kung wala ka na, siguradong mawawala na din si Yuki sa kompanya namin. Wala akong paki-alam na umalis siya. Tignan mo. Ilalathala natin yang basura niyang nobela. Paano kung makarating sa kanya ang masasamang feedback tungkol sa obra niya? Diba mas mapapalala ang lahat? At Owen, papatayin ka lang din niya kaagad Kapag nangyari yan.”

“Wag ka naman magsalita ng ganyan Miss Nam.”

“Di ka talaga titigil!”

Pinakita ni Miss Nam sa akin ang kunyaring paglaslas niya sa leeg.

Mapapatay niya ako kapag di nga ako tumigil.

Bakit ganito ang mga babaing to.

Pinulot ko na yung briefcase.

“Mahal naman, tulungan mo na ako.”

 Yun ang huli kong baraha.

Asawa ko lang naman siya diba? Mahal niya ako diba? Ayaw naman niya ako mamatay diba?

“Owen!”

Bulyaw niya ulit sa akin.

“Kasalanan mo yan! At wag mong dinadamay ang relasyon nating dalawa. Hindi mo ako madadala sa ganyan. Alam mo yan.”

“Gusto mo ba akong mamatay?”

“Sa ginagawa mo ikaw ang may kagustuhan na mamatay, hindi ako.”

“Ano ba ang maayos kong gawin, Miss Nam?”

Napaupo ito sa kanyang upuan saka napabuntong hininga.

“Maghanap ka ng manunulat na maari mong bilhin ang copyright ng akda niya.”

“Eh?”

“Yun lang. Simple. Ngunit di pala gaano kasimple. Dahil lahat ng manunulat, pina-pangalagaan nila ang obra na parang mga anak nila. Gusto nila na may marating ito at nanatiling nakadikit ang pangalan nila. Kaya di rin pala talaga simple.”

“Bibili lang ako ng kwentong maaring sabihin na sinulat ni Miss Yuki?”

“Oo. At ikaw na ang bahalang magpaliwanag kay Yuki. Alam naman niyang basura ang kanyang isinusulat. China-challenge ka lang niya. Mahihirapan ka nga lang Owen sa paghahanap ng manunulat na handang ipagbili ang dugo at pawis na inilaan niya para sa kanyang obra.”

“Miss Nam naman eh. Tinatakot mo lang ako.”

“Di ako makapaniwala na pumayag akong magpakasal sayo!”

Kuha niya ng isang libro at lumipad ito sa akin.

Ikinasalo ko naman.

Ang sungit talaga niya.

“Ngunit Miss Nam, isang linggo na lang talaga ang binigay nila sa akin.”

“Kausapin mo nga ang Yuking yan. Puntahan mo kung makakabuti diba?”

“Hindi kaya…”

Napalunok ako.

“Malamig nang bangkay ako ilalabas sa bahay niya?”

“At least mabu-byuda na ako.”

@Death Wish 

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Taming the Mafia King   Finale

    (Dahlia POV)Malaki ang ipapasalamat ko sa tulong na binibigay ng kompanya sa akin. At kailangan ko pa kapalan ang mukha ko, para humingi ng advance since nga walang-wala kaming pera ni Grandma. Nakakahiya pero nilakasan ko ang aking loob, at alam kong hindi tatangihan ni Sir Venal ang pabor ko. Napakabait nito, at walang alintanang ginagawa ang lahat pagdating sa akin. Hindi naman sa inaabuso ko ang kabaitan niya, sadyang wala lang talaga akong malapitan. Promise babawi ako sa kanya.Kaagad naman umalis si Sir Venal matapos ngang iremind sa akin, na mamaya kakain ako sa harapan ng boss namin. Since madami na din naman akong kinain, alam kong kunti na lang ang kakainin ko. Saka nakakahiya talaga, di ko rin alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa aking sarili kung para saan ba ito.Hinahawakan ko ang kamay ni Grandma at pinisil-pisil ito. Nalilito ako kung nais ko ba ito magising o manatili siyang matulog para di nito malaman ang nangyari. Napabuntong-hininga na lamang ako.Bumalik ang da

  • Taming the Mafia King   Chapter 105

    (Dahlia POV)Nang makapasok ako sa banyo, tinignan ko ang laman ng paperbag. Puro dress ang naroroon. May binili naming pang-ilalim, pero yung damit talaga… Alam kong kung magkano ang isa noon. Sa sikat at mamahaling brand pa sila namili.Isinuot ko na lamang yung skirt na mahaba, at white chiffon blouse. Habang yung skirt kulay beige. Dahil medyo tinatagos ng lamig ang blouse, isinuot ko yung longsleeve. Tuck in, para nga hindi magmukhang manang. May ternong dollshoes yung skirt, at ng tumitig ako sa salamin, maganda. Simple, ngunit maganda. Prefer ko yung mga damit na plain lang at walang kahit ano-anong print.Paglabas ko, wala na sila Madam Lilith. Itinabi ko na lamang sa sulok yung mga paperbag, ng mapansin kong may kung ano sa may mesa. At ng lapitan ko, biglang kumalam ang tiyan ko.Pagkain… Masasarap na pagkain. At sa hinuha ko, ang pagkain na yun para sa akin.Storm Corporation, natural ba sa kompanya na ganito ang ipamalas na pagtulong sa kanilang mga empleyada?(Venal POV)

  • Taming the Mafia King   Chapter 104

    (Venal POV)Parang isang papel na inihipan ng hangin ng mismo sa aking mga mata nawalan nga ng malay si Miss Dahlia. Kaagad ko itong nilapitan at binuhat. Tumawag naman ng attention ang mga assistant ko, at sa isang silid nga namin idinala si Miss Dahlia.Over fatigue ang dahilan kung bakit nawalan siya ng malay. Normal na mabibigla ang katawan niya sa mga nangyari.Mag-uumaga na, at wala parin siyang malay. Naalala ko ang sinabi ni Master Dryzen na ipagluluto niya ng agahan si Miss Dahlia. Bahagyang nakalimutan ko ang tungkol roon. Nasisigurado ko kanina pa yun gising, at walang kaalam-alam sa mga nakalipas na oras kung ano ang nangyari kay Miss Dahlia.Tinawagan ko si Lilith, at kinumpirma niya sa akin na maaga itong nagising at abala na si Master Dryzen sa pagluluto.“Maari mo bang sabihin sa kanya, na hindi makakarating si Miss Dahlia.”“Natutuwa akong sabihin yan kay Master Dryzen ngunit hindi matutuwa ito sa maririnig niya sa aking bibig. Bakit anong problema ng babaing yan? Suk

  • Taming the Mafia King   Chapter 103

    (Dahlia POV)At nagising ng, tumunog ang phone ko. Nagbabakasakaling sila Carlo at Karen… Pero hindi, si Sir Venal. Tungkol ba ito sa paggamit ko ng Card? At napansin ko ang orasan, magmamadaling araw na para hindi pa siya nagpahinga at mapansin pa in case man may nakukuha siyang notification sa paggamit ko ng Card.Hindi ko naman maaring di sagutin… Sinagot ko.“Miss Dahlia…” Bati niya sa akin. “Sir Venal…” Saka narinig ko itong huminga ng malalim.“I’m sorry, ngayon ko lang nabalitaan ang tungkol sa nasunog niyong bahay. Napasugod ako ngayon dito. Mabuti na lamang at wala kayo dito ng mangyari ang sunog. Ngunit alam kong mabigat parin sa inyo ang nangyaring aksidente. Maari ko bang malaman kung nasaan kayo?”“Sir Venal…”“Miss Dahlia?” At tuluyan na naman akong naiyak.Wala na akong lakas na loob na magsalita pa, hangang sa ibinaba ko na lamang ang tawag ng hindi ko sinasabi kay Sir Venal kung nasaan nga ako.Pero hindi ko inaasahan, na lumipas lamang ang ilang minuto, napuno bigl

  • Taming the Mafia King   Chapter 102

    (Dahlia POV)Lumapit ako sa information desk, at naki-usap sa nurse na iiwan ko muna si Grandma. Pumayag naman ito, ngunit ng tumalikod na ako at ilang hakbang pa lamang ang layo ko sa kanya…“Anong klaseng kamag-anak ba yun. Nasa loob pa nga ng emergency room ang kanyang abuela, hindi pa nga inilalabas, aalis kaagad. Di naman sinabi kung ano ang rason.”Kaya natigilan ako. Ang galit na akala ko, wala… Akala ko pangamba lamang, ay biglang sumabog. Saka hindi ko aakalain na sa kanila ko mabubuhos ang frustration na aking nararamdaman.Napalingon ako, at tahimik na bumalik ulit sa information desk.“Sa nasusunog ang bahay namin, miss. Ano ang sa tingin mo ang dapat kong gawin?!”At napapikit ako bago pa man lumala ang sitwasyon. Huminga ng malalim… At ayoko nang dagdagan pa ang pwerwisyong nangyayari.Kaya humingi ako ng pasensya.“Sorry, hindi ko sinasadya na pagsigawan ka. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala ng husto kay grandma. Ngunit kailangan ko bumalik ng bahay dahil nasusunog

  • Taming the Mafia King   Chapter 101

    (Dahlia POV)“Miss Dahlia… May nangyari ba?”Umiling ako kaagad. Medyo nalilito ako kung para saan ba ang tanong niya at pag-aalala sa akin. Nang maalala ko na tumakas ako, at siguradong yun ang tinutukoy niya.Bigla akong napayuko sa harapan niya. “Pasensya na Sir Venal kung umalis kaagad ako. May kailangan kasi ako ayusin.”Ayusin. At di ko nga alam kung saan magsisimula.“Maayos po bang nakakain ang CEO?”Napatango naman ito bilang tugon, at nakahinga kahit paano ng makumpirma na ayos lang ako.“Nalaman ko na hindi ka pa nakakauwi sa inyo. Kaya pinahanap kita.”“Sir Venal…” Alam kong mayroong utos ang CEO sa kanya na ihatid-sundo ako sa bahay namin. Ngunit ang weird. Hindi ko maintindihan kung para saan itong ginagawa nila. Kung may kinalaman ito sa special na trabaho na nais nilang tangapin ko, siguro nga yun ang dahilan.“Ayos lang naman ako, Sir Venal. Wag kayong masyadong mag-alala sa akin. Sanay po akong umuwi ng ganitong oras, kahit mag-isa. Kaya nga po nais ko sanang tangiha

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status