(Dahlia POV)
“Of the present age… Ngayon Dahlia. Ngayon yan.”
“Oo, mas maraming magbabasa na gustong basahin yung modern kesa Mandeville times pa, Grandma. Gusto nila modern. Yun na ang modern ngayon.”
Ulit ko.
Baga naiwan na nga talaga siya ng panahon.
Alam niyo na ang mga matatanda. Memories nila ang mga pinagdaanan sa panahon nila.
“Dragons and werewolves have hidden their wings and fangs. Blend in the human society without knowing by weak creature like us.”
“Porque ba Grandma wala tayong superpower? Grandma naman eh. Gawin mo naman may power yung mga tao. Kunwari nakaka-lipad. Ganoon.”
“Tsk. Sinisira mo lang Dahlia ang kwento ko.”
“Hehehe. Ako ang first critics mo Grandma.”
Nahiwa ko na ang kamatis, bawang, at sibuyas. Tinignan ko ang kumukulong tubig.
“Dragons are now the rich and charming CEOs, while werewolves are the dangerously handsome gangsters.” Napatango ako. Lagi naman ganoon talaga.
Kung sino pa ang nakaka-angat sila pa ang may mga superpower.
Superpower kung paano mandaya, mangurakot at magtanim ng takot sa mga mahihinang nilalang kagaya na lang ng mga tao.
Yung mga ganyang tao kasi…
Mga hayop na sila. Buwaya at tusong unggoy.
“The great war between the two races have lasted for centuries. Bloods have been shed on both sides. The knot of hate is strong and unbreakable.”
See. Magaling talaga yan si Grandma manahi ng kwento. Kaya di ako nagtataka na nangaling ako sa pamilya niya.
“Dragons are powerful and protected by magic. One fully-grown dragon can easily eliminate a dozen werewolves.” Nakita kong napasuntok pa si Grandma at napasipa.
Hahaha. Feel na feel ni Grandma ang pagiging narrator ng kwento niya.
“However, their numbers are much fewer, as dragon is not a productive race. Their shapeshifting is also restricted, since the dragon form is too big and will arouse unnecessary attentions.”
Ahahaha. Mapapalakpak talaga ako Grandma kapag nakakita ako ng totoong dragon.
Ngunit kathang isip lang naman sila. Kagaya ng ilang superhero. Example si Superman, Batman at iba pang kasama sa league ng superheroes.
“As individuals, werewolves are not as strong and not favored by magic, but when in great number, they can still rival a dragon. The restrain on their shifting is much lifted, which makes them the perfect assassins.”
Maganda din ang pagka-plot ni Grandma ng kwento niya. At yung feeling nito kala mo naman na witness ni Grandma ang existence ng mga dragon at taong lobo.
Mapapa-iling ka na lang talaga sa kanya.
“Humans, tayo Dahlia.”
“Syempre. The weak creature.”
“Wag mong minamaliit ang tao Dahlia. Minsan sila ang susi para magkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng mga makapangyarihang nilalang. Balik tayo sa kwento. Tayong mga tao, we stuck between the two races, are largely unaware of the fight. Di natin alam na may kahiwagaan silang ginagawa. However, they are not to be underestimated. They will show their true selves sometimes.”
Dinaig pa niya si Shakespeare nang mapatayo na ito at nakaharap sa akin. Di naman niya ako natitigan ng maayos.
Hitsura ni Grandma, nakakatakot talaga siya. Ngunit alam kong maganda ang puso niya. Dahil inampon niya ako.
“Grandma…” Tinikman ko ang sinandok kong sabaw. Masarap.
Ang galing ko talaga.
“Tikman mo. Masarap yung timpla ko!”
@Death Wish
(Dahlia POV)Malaki ang ipapasalamat ko sa tulong na binibigay ng kompanya sa akin. At kailangan ko pa kapalan ang mukha ko, para humingi ng advance since nga walang-wala kaming pera ni Grandma. Nakakahiya pero nilakasan ko ang aking loob, at alam kong hindi tatangihan ni Sir Venal ang pabor ko. Napakabait nito, at walang alintanang ginagawa ang lahat pagdating sa akin. Hindi naman sa inaabuso ko ang kabaitan niya, sadyang wala lang talaga akong malapitan. Promise babawi ako sa kanya.Kaagad naman umalis si Sir Venal matapos ngang iremind sa akin, na mamaya kakain ako sa harapan ng boss namin. Since madami na din naman akong kinain, alam kong kunti na lang ang kakainin ko. Saka nakakahiya talaga, di ko rin alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa aking sarili kung para saan ba ito.Hinahawakan ko ang kamay ni Grandma at pinisil-pisil ito. Nalilito ako kung nais ko ba ito magising o manatili siyang matulog para di nito malaman ang nangyari. Napabuntong-hininga na lamang ako.Bumalik ang da
(Dahlia POV)Nang makapasok ako sa banyo, tinignan ko ang laman ng paperbag. Puro dress ang naroroon. May binili naming pang-ilalim, pero yung damit talaga… Alam kong kung magkano ang isa noon. Sa sikat at mamahaling brand pa sila namili.Isinuot ko na lamang yung skirt na mahaba, at white chiffon blouse. Habang yung skirt kulay beige. Dahil medyo tinatagos ng lamig ang blouse, isinuot ko yung longsleeve. Tuck in, para nga hindi magmukhang manang. May ternong dollshoes yung skirt, at ng tumitig ako sa salamin, maganda. Simple, ngunit maganda. Prefer ko yung mga damit na plain lang at walang kahit ano-anong print.Paglabas ko, wala na sila Madam Lilith. Itinabi ko na lamang sa sulok yung mga paperbag, ng mapansin kong may kung ano sa may mesa. At ng lapitan ko, biglang kumalam ang tiyan ko.Pagkain… Masasarap na pagkain. At sa hinuha ko, ang pagkain na yun para sa akin.Storm Corporation, natural ba sa kompanya na ganito ang ipamalas na pagtulong sa kanilang mga empleyada?(Venal POV)
(Venal POV)Parang isang papel na inihipan ng hangin ng mismo sa aking mga mata nawalan nga ng malay si Miss Dahlia. Kaagad ko itong nilapitan at binuhat. Tumawag naman ng attention ang mga assistant ko, at sa isang silid nga namin idinala si Miss Dahlia.Over fatigue ang dahilan kung bakit nawalan siya ng malay. Normal na mabibigla ang katawan niya sa mga nangyari.Mag-uumaga na, at wala parin siyang malay. Naalala ko ang sinabi ni Master Dryzen na ipagluluto niya ng agahan si Miss Dahlia. Bahagyang nakalimutan ko ang tungkol roon. Nasisigurado ko kanina pa yun gising, at walang kaalam-alam sa mga nakalipas na oras kung ano ang nangyari kay Miss Dahlia.Tinawagan ko si Lilith, at kinumpirma niya sa akin na maaga itong nagising at abala na si Master Dryzen sa pagluluto.“Maari mo bang sabihin sa kanya, na hindi makakarating si Miss Dahlia.”“Natutuwa akong sabihin yan kay Master Dryzen ngunit hindi matutuwa ito sa maririnig niya sa aking bibig. Bakit anong problema ng babaing yan? Suk
(Dahlia POV)At nagising ng, tumunog ang phone ko. Nagbabakasakaling sila Carlo at Karen… Pero hindi, si Sir Venal. Tungkol ba ito sa paggamit ko ng Card? At napansin ko ang orasan, magmamadaling araw na para hindi pa siya nagpahinga at mapansin pa in case man may nakukuha siyang notification sa paggamit ko ng Card.Hindi ko naman maaring di sagutin… Sinagot ko.“Miss Dahlia…” Bati niya sa akin. “Sir Venal…” Saka narinig ko itong huminga ng malalim.“I’m sorry, ngayon ko lang nabalitaan ang tungkol sa nasunog niyong bahay. Napasugod ako ngayon dito. Mabuti na lamang at wala kayo dito ng mangyari ang sunog. Ngunit alam kong mabigat parin sa inyo ang nangyaring aksidente. Maari ko bang malaman kung nasaan kayo?”“Sir Venal…”“Miss Dahlia?” At tuluyan na naman akong naiyak.Wala na akong lakas na loob na magsalita pa, hangang sa ibinaba ko na lamang ang tawag ng hindi ko sinasabi kay Sir Venal kung nasaan nga ako.Pero hindi ko inaasahan, na lumipas lamang ang ilang minuto, napuno bigl
(Dahlia POV)Lumapit ako sa information desk, at naki-usap sa nurse na iiwan ko muna si Grandma. Pumayag naman ito, ngunit ng tumalikod na ako at ilang hakbang pa lamang ang layo ko sa kanya…“Anong klaseng kamag-anak ba yun. Nasa loob pa nga ng emergency room ang kanyang abuela, hindi pa nga inilalabas, aalis kaagad. Di naman sinabi kung ano ang rason.”Kaya natigilan ako. Ang galit na akala ko, wala… Akala ko pangamba lamang, ay biglang sumabog. Saka hindi ko aakalain na sa kanila ko mabubuhos ang frustration na aking nararamdaman.Napalingon ako, at tahimik na bumalik ulit sa information desk.“Sa nasusunog ang bahay namin, miss. Ano ang sa tingin mo ang dapat kong gawin?!”At napapikit ako bago pa man lumala ang sitwasyon. Huminga ng malalim… At ayoko nang dagdagan pa ang pwerwisyong nangyayari.Kaya humingi ako ng pasensya.“Sorry, hindi ko sinasadya na pagsigawan ka. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala ng husto kay grandma. Ngunit kailangan ko bumalik ng bahay dahil nasusunog
(Dahlia POV)“Miss Dahlia… May nangyari ba?”Umiling ako kaagad. Medyo nalilito ako kung para saan ba ang tanong niya at pag-aalala sa akin. Nang maalala ko na tumakas ako, at siguradong yun ang tinutukoy niya.Bigla akong napayuko sa harapan niya. “Pasensya na Sir Venal kung umalis kaagad ako. May kailangan kasi ako ayusin.”Ayusin. At di ko nga alam kung saan magsisimula.“Maayos po bang nakakain ang CEO?”Napatango naman ito bilang tugon, at nakahinga kahit paano ng makumpirma na ayos lang ako.“Nalaman ko na hindi ka pa nakakauwi sa inyo. Kaya pinahanap kita.”“Sir Venal…” Alam kong mayroong utos ang CEO sa kanya na ihatid-sundo ako sa bahay namin. Ngunit ang weird. Hindi ko maintindihan kung para saan itong ginagawa nila. Kung may kinalaman ito sa special na trabaho na nais nilang tangapin ko, siguro nga yun ang dahilan.“Ayos lang naman ako, Sir Venal. Wag kayong masyadong mag-alala sa akin. Sanay po akong umuwi ng ganitong oras, kahit mag-isa. Kaya nga po nais ko sanang tangiha