Share

Chapter 3

Author: Enchanting Mist
Noong mga unang taon ng kanilang kasal, hindi naging maayos ang relasyon nilang mag-asawa.

Bihirang umuwi si Erik.

Minsan, kung makadalawang beses silang magsiping sa loob ng isang buwan, itinuturing na niya itong isang luho.

Lalo na pagdating sa normal na pag-uusap.

Ngunit sa pagtatapos ng unang taon ng kanilang pagsasama, kinailangan ni Erik na pumunta sa sangay ng kumpanya sa Amerika upang palakasin ang kanyang posisyon bilang susunod na mamumuno ng pamilya.

Isang preparasyon bago niya tuluyang pamunuan ang kanilang business empire.

Noong gabi bago siya umalis, nalasing siya sa isang business gathering at sa unang pagkakataon ay nakalimutang gumamit ng proteksyon.

Naging sobrang mapusok si Erik noong gabing iyon.

Doon unang nalaman ni Diana na kapag lasing si Erik at hindi gaanong malinaw ang kanyang pag-iisip, hindi ito kasing-lamig at walang interes gaya ng normal nitong disposisyon.

Ibang-iba ito.

Puno ito ng pananabik.

Puno ito ng init.

Dalawang buwan matapos umalis ni Erik papuntang Amerika, natuklasan ni Diana na siya ay buntis.

Bilang isang doktor, marunong siyang magsuri ng sariling pulso. Kaya hindi na niya kailangan ng pregnancy test upang makumpirma ang kanyang pagdadalang-tao.

Labis siyang nagulat.

Noon, inosente pa niyang naisip na baka ang pagbubuntis niya ang maging daan upang gumanda ang kanilang relasyon bilang mag-asawa.

Baka sakaling magbago ang isip nito dahil “nandyan” na ang bata.

Kaya nagpasya siyang subukan muna ang reaksyon nito.

Agad siyang lumipad papuntang New York.

Puno ng pananabik at saya, dumiretso siya sa opisina ni Erik.

Dalawang oras siyang naghintay sa matinding lamig.

Nagulat si Erik sa kanyang pagdating.

Ngunit hindi nito ipinakilala si Diana bilang asawa sa mga tao sa paligid.

Sa halip, pinasama lamang siya nito sa assistant upang ihatid sa kanyang tutuluyan.

Noon, puno pa siya ng pagmamahal kaya hindi niya napansin kung gaano kalinaw ang paglayo nito sa kanya sa harap ng ibang tao.

Nang gabing iyon, pag-uwi ng lalaki at matapos maligo, hindi man lang nito tinanong kung napagod siya sa mahabang biyahe.

Lumapit ito upang halikan ang kanyang tainga.

Ngunit ang mga mata nito ay malamig at tila ginagawa lamang ang obligasyon nito.

Parang ang dahilan ng pagpunta niya roon ay para lamang humingi ng atensyon bilang asawa.

Hindi naging komportable si Diana .

Marahan niya itong itinulak palayo.

Pinipigilan ang kaba sa dibdib, nagtanong siya:

“Kung sakaling magkaroon tayo ng anak... magiging mas maayos kaya tayo?”

Parang agad na nawala ang kaunting interes na mayroon ang lalaki sa kanya.

Walang pag-aatubili itong lumayo at humiga sa kabilang bahagi ng kama.

Magkatabi sila, ngunit tila magkalayo ang kanilang mga mundo.

"If you think having a child will strengthen our marriage, don't get your hopes up."

Kalmado ang tono nito.

Ngunit napakalamig at napakalupit ng mga salitang iyon.

Sa likod ng katahimikan niya, wala talaga siyang pagmamahal.

Buong gabi siyang hindi nakatulog.

Gusto niyang umiyak.

Ngunit pakiramdam niya ay siya rin ang may kasalanan. Bakit pa kasi siya umasa?

Kinabukasan, ramdam niya na para bang gusto na siyang paalisin ni Erik.

Agad itong nagpa-book ng tiket at pinauwi siya sa Pilipinas nang hindi man lang tinatanong kung gusto na ba niyang umuwi.

Halatang ayaw nitong manatili pa siya roon kahit isang minuto.

Nasaktan siya.

Nadismaya.

Ngunit dahil sa kasunduan tungkol sa paghihiwalay, naunawaan niyang nakatakda na ang magiging wakas ng lahat tungkol sa kanila.

At doon siya gumawa ng desisyon.

Kahit wala talagang pakialam si Erik sa pagkakaroon ng anak o naniniwala itong kailanman ay hindi niya mabubuntis si Diana, hinding-hindi nito malalaman ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Hindi niya sasabihin ang kahit isang salita tungkol sa kanyang sanggol.

Ang batang nasa kanyang sinapupunan ay kanya lamang.

Dugo niya.

Laman niya.

At walang kinalaman dito si Erik.

Hindi niya hahayaang diktahan ng saloobin nito ang magiging kapalaran ng kanyang anak.

Sa paglingon niya ngayon sa nakaraan…

Ang desisyon niyang palakihin ang bata nang walang ama ang pinakamapangahas, pinakabaliw, ngunit pinakatamang desisyong nagawa niya.

Lalo na at nagawa niya ito sa isang maimpluwensyang pamilya.

Tungkol naman sa apelyido ng kanyang anak, hindi niya ito isinunod sa kanya.

Isinunod niya ito sa apelyido ng kanyang kaibigang si Alex Gonzales.

Si Alex ay mula sa pamilya Gonzales, ang pamilya ng pinsang magiging susunod na pinuno ng angkan.

Naalala ni Diana ang lalaking tumulong sa kanya noon.

Ang lalaking pumayag na ilagay ang bata sa kanyang pangalan upang mapalaki ito nang ligtas.

Umiling siya at muling tumingin sa profile ng kanyang anak sa Messenger.

Walang kahit sino sa pamilya Santos ang nakakaalam.

Ngayon, ang kanyang anak ang tanging "ari-arian" na nais niyang dalhin matapos ang failure ng kanyang marriage.

Kung tutuusin, kahit hindi naging mabuting asawa si Erik, ay thankful pa rin siya. Dahil ito ang sperm donor na nagbigay sa kanya ng anak.

Ano pa ang dapat niyang pagtalunan tungkol dito?

Matapos niyang sabihin kay Alex ang tungkol sa annulment, ilang segundo ring natulala ang kaibigan.

Ito ang taong pinakanakaaalam kung gaano niya kamahal si Erik.

Mula pa noong teenager siya hanggang ngayon.

Sa loob ng mahigit sampung taon…

Umikot ang buhay niya sa pagmamahal kay Erik.

Ngunit ngayon, napakalamig at kalmado ng kanyang tono.

Parang nasanay na siya sa paulit-ulit na pananakit hanggang sa mawalan na ng pakiramdam.

Pakiramdam pa nga ni Alex na karapat-dapat lamang kay Erik na hindi malaman na mayroon itong anak na babae na nasa kindergarten na.

Sarili nitong kasalanan iyon.

Sarili nitong kaparusahan.

Ngunit alam din nito kung gaano nasaktan si Diana .

Kaya agad itong sumang-ayon.

“May mga lalaki na parang tissue pagkatapos gamitin,wala nang silbi, nakakairita pa! Basura ang ugali nila, kaya dapat sa basurahan sila itapon!”

Natapos ang tawag.

Ipinagpatuloy ni Diana ang pag-iimpake ng kanyang mga personal na gamit.

Pitong taon siyang naging mayamang maybahay ng isang makapangyarihang pamilya.

Ngunit sa huli, dalawang maleta lamang ang kanyang naipon.

Napatingin siya sa singsing sa kanyang palasingsingan.

Marahan niya itong hinaplos.

Makinis na ito dahil sa tagal ng pagsusuot.

Ngunit para bang hinihiwa pa rin ang kanyang puso.

Huminga siya nang malalim.

At walang pag-aalinlangang hinubad ang singsing.

Inilagay niya ito sa loob ng folder kasama ng annulment petition.

Noong gabing ding iyon, inilagay niya ang mga maleta sa sasakyan.

Kinabukasan.

Nagising si Diana dahil sa ingay ng mga taong may binubuhat at inililipat sa ibaba.

Tatlong oras lamang ang kanyang tulog.

Sa sobrang sakit ng ulo, pakiramdam niya ay may gumagamit ng drill sa kanyang bungo.

Pagkatapos maghilamos at mag-ayos, inilagay niya ang folder na naglalaman ng dannulment petition sa gitna ng halos wala nang laman na dressing table.

Tiniyak niyang agad itong makikita ni Erik kapag pumasok ito sa silid.

Pagkatapos ay lumabas siya.

Nakahanap na si Alex ng apartment para sa kanya noong nakaraang gabi.

Tatlong silid iyon upang may sapat na espasyo para sa kanya at kay Malia sa hinaharap.

Plano niyang ilipat doon ang kanyang mga gamit mamaya.

Pagdating niya sa hagdanan, nakita niya ang isang labindalawa o labintatlong taong gulang na binatilyo sa sala na nag-uutos sa mga trabahador.

Nang makita siya nito, agad itong nagsalita sa bastos na tono.

"Pack your things and get out of here. My future sister-in-law is moving in. Don't dirty her place."

Walang modo ang bata.

Siya si Eron Santos, nakababatang kapatid ni Erik.

Labis itong pinalaki sa layaw.

At ni minsan ay hindi siya tinawag na "Ate.”

Ngunit ngayon, kitang-kita ang pagtatanggol nito sa ibang babae.

Malamig na tumingin si Diana .

“Sino?”

"Who else? Ate Mary Ann, of course! She's the only one worthy of my brother. As for you? You've been clinging to him and living in our house for years. Other than being a glorified maid, what can you even do?"

Nakatingin si Diana sa mga bagong gamit na ipinapasok sa bahay.

Bagong dressing table.

Bagong sofa.

Bagong salamin.

Lahat ay bagay sa estilo ni Mary Ann.

“Sino ang nag-utos nito?” malamig niyang tanong.

Bahagyang natakot si Eron Santos sa ekspresyon niya.

Ngunit agad itong nagalit dahil sa hiya.

"My brother, of course! Who else?"

"He doesn't want you anymore! He can't stand you! You're nothing but a used-up woman, like an old rag that's been thrown away!"

"If you have any pride left, leave and give your place to someone else!"

Mahigpit na nagkuyom ng kamao si Diana .

Parang may mabigat na bagay na tumama sa kanyang dibdib.

Ilang segundong nablangko ang kanyang pag-iisip.

Hindi niya akalaing ganoon na lamang kadesperado si Erik na ihanda ang lugar para sa babaeng mahal nito.

Kahapon lamang niya nalaman ang lihim nitong relasyon kay Mary Ann.

At ngayon, lantaran na nitong ipinapakita ang lahat.

Para bang inaayos na nito ang bahay upang salubungin ang bago nitong "maybahay."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Tapos na Tayo, Mr. Billionaire: Akin Lang ang Anak ko!   Kabanata 100

    Dahil sa sinabi ni Francisco, sabay-sabay na napalingon ang lahat kay Erik.Napatingin naman si Diana kay Francisco. Naunawaan niya agad ang ibig nitong sabihin. Pinoprotektahan siya nito.Iniiwas siyang maging sentro ng atensyon at mapilitang siya mismo ang magbunyag ng tunay na pagkakakilanlan ni Erik, na tiyak na ikagagalit nito.Sa halip, ibinalik nito ang tanong sa mismong taong sangkot.Kung paano sasagot si Erik..."Kailangan ko bang pagtuunan ng pansin ang mga bagay na gaya niyan?"Kalma at walang emosyon ang boses ng lalaki, ngunit iba-iba ang naging kahulugan nito sa bawat nakarinig.Nagkatinginan ang ilang lalaki mula sa pharmacology department bago biglang natauhan."Tama nga naman. Sa estado ni President Santos, bakit niya papansinin ang mga taong walang kinalaman sa kanya?"Ngunit alam ni Diana ang tunay na ibig sabihin.Sa isang simpleng sagot, muli niyang itinanggi ang relasyon nilang dalawa, pinutol ang anumang pagkakataon niyang ibunyag ang katotohanan tungkol kay Mar

  • Tapos na Tayo, Mr. Billionaire: Akin Lang ang Anak ko!   Kabanata 99

    Pagkakita ng team mula sa Bonifacio University kay Mary Ann, agad silang natuwa at sinalubong siya."Miss Mary Ann, ayos lang na nahuli kayo. Dapat nga kami ang magpasalamat sa boyfriend mo sa pag-sponsor ng activity na ito.""Tama! Kung hindi dahil sa'yo, hindi namin matatanggap ang ganito kalaking bonus.""Sa totoo lang, para ka na ring boss's wife ng kumpanya," pabirong pambobola ng isa.Hindi ba naman?Si President Santos ang nag-sponsor ng buong biyahe para kay Mary Ann. Kung tutuusin, siya na ang kanilang pinakamataas na boss at pinagmumulan ng kanilang kabuhayan.Kaya karapat-dapat lang na tawagin si Mary Ann na "boss's wife."Tinakpan ni Mary Ann ang bibig habang mahinhin na ngumiti. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mata."Naku, sobra naman kayo. Huwag na kayong maging pormal."Nakasandal lamang si Diana sa upuan. Para siyang isang estrangherong tahimik na nanonood habang pinupuri ng lahat ang isang relasyon na bunga ng pagtataksil.Hindi sinasadyang napunta ang kanya

  • Tapos na Tayo, Mr. Billionaire: Akin Lang ang Anak ko!   Kabanata 98

    Hindi na inisip pa ni Diana kung bakit hanggang ngayon ay nananatili pa rin kay Erik ang nakagawiang matulog silang magkatabi bilang mag-asawa. Ang nasa isip lamang niya ay ang mga larawang kusang sumulpot sa kanyang isipan at ang mga iyon ang nagpabaliktad ng kanyang sikmura.Bigla siyang tumalikod at yumuko sa harap ng basurahan."Uwek..."Dalawang beses siyang nasuka nang walang lumabas. Pisikal na reaksyon iyon ng kanyang katawan. Sa tuwing naiisip niya ang relasyon nina Erik at Mary Ann, hindi niya mapigilan ang pagduduwal.Paglabas ni Erik mula sa banyo, iyon mismo ang nadatnan niya. Tahimik siyang tumingin kay Diana. Maitim at walang mabasang emosyon ang kanyang mga mata.Unti-unting bumaba ang tingin niya sa tiyan nito."Buntis ka ba?"Umayos ng upo si Diana.May bahagya pang pamumula sa kanyang mukha."Hindi."Hindi naman niya maaaring sabihin na nasusuka siya dahil sa mga larawang naiisip niya tungkol sa ginagawa ng dalawang iyon. Tahimik na ibinalik ni Erik ang kanyang tingin

  • Tapos na Tayo, Mr. Billionaire: Akin Lang ang Anak ko!   Kabanata 97

    Umupo si Erik sa leather sofa at sinulyapan ang maleta niyang nakalapag sa carpet."Anong ipinunta mo rito?"Napahigpit ang labi ni Diana."Para sa inspeksiyon sa base ng mga halamang-gamot na kailangan namin sa research."Bahagyang itinaas ng lalaki ang mahahabang pilikmata at ngumiti nang mapakla."Kung trabaho ang dahilan ng pagpunta mo, saan kita nilinlang?"Napatahimik si Diana. Bihira silang mag-away ni Erik. Ngunit alam niyang ang bibig nito ang pinakamahirap kalabanin. Kapag gusto nitong mangharang ng argumento, wala kang maisasagot.Hindi pa rin niya maintindihan kung bakit pinilit nitong isama siya sa pagdiriwang ng Bagong Taon kasama ang pamilya Santos.Ganito ba sila kasaya bilang mag-asawa?Hindi ba sobra na ang pagpapanggap?Napabuntong-hininga siya bago nagtanong,"Saan ka matutulog ngayong gabi?"May buwanang dalaw siya nung araw na iyon. Masakit ang puson niya at wala siyang lakas para makipagtalo. Kaya iyon na lamang ang naitanong niya.Nakayuko si Erik habang nagre-r

  • Tapos na Tayo, Mr. Billionaire: Akin Lang ang Anak ko!   Kabanata 96

    Buti na lamang at mabait ang ugali ni Mary Ann at hindi na pinatulan si Diana.Kung hindi, sa impluwensiya ni Mary Ann sa internet, malamang na bina-bash na si Diana hanggang hindi na ito makapagpakita sa publiko.Maaaring noong una, nagkaroon nga ng pagtingin si Carlos kay Diana sa unang pagkikita.Pero ngayon, hinding-hindi na siya muling mabibighani sa cheap na babaeng iyon.Pagbalik ni Diana sa Mariano Medical Group, agad siyang nagkulong sa laboratoryo upang magsagawa ng pharmacological analysis. Pinilit niyang ilubog ang sarili sa trabaho upang hindi na muling mag-isip ng kung anu-ano.Sa pinagsamang laboratoryo ng Mariano Medical Group at Bonifacio University, siya na ngayon ang punong responsable sa buong proyekto.Malaki ang pananagutan niya.Kailangan niyang mangasiwa sa pagbuo ng gamot, bantayan ang progreso ng proyekto, kontrolin ang mga panganib sa plano, at makipag-ugnayan sa clinical trials at drug registration bago maglunsad ng anumang recoomendation. Sapat na ang mga

  • Tapos na Tayo, Mr. Billionaire: Akin Lang ang Anak ko!   Kabanata 95

    Maraming tao ang naglalakad sa loob ng pribadong museo. Pagkatapos mabili ni Erik ang antigong lock, agad siyang bumaba. Hindi na nagdalawang-isip si Diana at mabilis na sumunod."Erik, sandali!"Kahit naka-high heels siya at halos patakbong naglalakad, hirap pa rin siyang habulin ang mahahabang hakbang ng lalaki.Pagdating sa ibaba ng hagdan, huminto si Erik at humarap sa kanya. Kasabay noon, huminto rin ang sasakyan sa harapan niya.Bumaba si Karina David at binuksan ang pintuan ng kotse. Hindi nakita ni Diana si Mary Ann. Wala na siyang oras para isipin iyon. Tinitigan niya nang diretso ang malamig at malalim nitong mga mata."Ang antigong lock na iyon ay pag-aari ng pamilya Morales. Dote iyon ng lola ko."Tumango lamang si Erik."Mm. Oh, tapos?"Walang kahit katiting na pagbabago sa kanyang ekspresyon. Kitang-kita ni Diana... Hindi man lang nito iniisip na mali ang ibigay ang dote ng kanyang lola kay Mary Ann. Parang natural lamang iyon at iyon ang lalong sumugat sa kanyang puso.G

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status