Narinig ko pa ang paghikbi niya sa kabilang linya kaya nag aalala ako.
"What happened? Are you okay? Why are you crying?" Hindi naman kasi iiyak lang siya nang walang dahilan. Kilala ko siya, matatag at matapang ang babaeng ito. Hindi ka naman siguro iiyak kung walang problema hindi ba? [I'm fine. Where are you? Sabi ni Ana hindi ma contact ang cellphone mo, kaya sinubukan ko.] Hindi ako naniniwala sa kanya. I know this girl. Minsan, sinasarili niya ang problema niya at malalaman nalang namin na ganito na ang nangyari. "I'm in Baguio. May inaasikaso lang ako, babalik din naman ako diyan mamaya." Naghintay akong sumagot siya ngunit matapos kong sabihin 'yun ay natahimik ang kabilang linya. Akala ko'y pinatay na niya ang tawag nang bigla ulit siya magsalita. [I'm leaving.] Kumunot ang noo ko. This time, alam kong may problema nga. "May problema ba?" [No. T-Tumawag kasi si mama at sabi'y nami-miss na nila ako at nakiusap na umuwi muna ako sa amin kahit saglit lang. M-Miss ko na din sila e kaya pumayag ako.] Nasa probinsya ang mga magulang niya. Napilitan siyang pumuntang Manila para makapagtrabaho dahil may sakit ang papa niya at nag aaral pa ang dalawang bunsong kapatid niya. "Kailan ka ba uuwi? 'Tsaka sure kang ayos ka lang?" [Oo naman. Mamayang gabi pa ang alis ko, gusto kasi ni mama na agad akong umuwi. Tumawag talaga ako sa'yo para makapag paalam.] "Okay. Basta kapag may problema, alam mo namang nandito lang ako." [Thank you, Che. Sige ibaba ko na 'to. Mag aayos pa ako nang mga gamit.] "Yeah sure. Bye." Isinilid ko ulit ang cellphone ko sa bag. Ibinalik ko ang tingin kina David ngunit nakita ko na silang palabas nang restaurant. Inaalalayan pa niya si Kristine na parang babasaging baso na anumang oras ay mababasag 'pag hindi iningatan. Why is he treating Kristine like this? Dati ay naalala ko, halos itaboy niya si Kristine palayo sa kanya at ang iniingatan niya ay si Jhia. Kristine is his ex-fling na talagang pinagseselosan nang husto ni Jhia. Hindi ko alam kung bakit naging ganito. "What are you doing here?" Napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko. Sasapakin ko na sana nang maibaba ko ang kamay ko nang makita kong sino ito. "Bakit ka ba nanggugulat?" inis na tanong ko. "What?" Inis na tanong niya. Bumalik ulit ako sa pagtingin sa kanila ngunit wala na sila doon sa labas nang restaurant. "Bakit ka ba nandito? Sinusundan mo ako no?" Tanong ko sa kanya. Kumunot lang ang noo niya. Nakita kong nakaparada ang sasakyan niya sa likod niya and... "You're blocking my parking space." aniya. Kung minamalas ka nga naman! Sa parking space pala ako nakatayo at nagtatago kanina. Kaya pala madaming kotse sa gilid ko. Nang makita niyang agad akong tumabi ay ngumisi siya. And fvck, ang gwapo niya kapag nakangiti. "You're noisy and assuming." Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay tinalikuran na niya ako at pumasok sa kotse niya. Dahil sa inis ay naglakad ako paalis doon. Nakakabwesit ang lalaking 'yun. Habang naglalakad ako ay naalala ko ang mission ko. Napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa gawi niya. Naglalakad na siya papasok nang restaurant. Ano na naman kaya ang ginagawa niya dito? Bumalik ako sa parking space. Nagtago ako sa kotse niya at nakita ko siyang nakaupo sa isang table na tila may hinihintay. Naningkit ang mata ko. Sino na naman kaya ang kikitain nito? Nag order pa siya nang kape habang patingin-tingin sa cellphone niya. Maya maya pa ay may dumating na magandang babae. Sexy! At tama ang hinala ko. Lumapit ang babae kay Alejandrino saka hinalikan siya sa pisngi. Todo ngiti pa ang babae sa harap niya. Habang siya naman ay poker face lang. Hmm. It seems like another girl added to his list. Nakatingin lang ako sa kanila nang may maisip akong plano. Oh boy, sorry to disturb your lovelife but I'm gonna cut your game. Inayos ko ang sarili ko. Naka pants lang ako saka spaghetti dress. Tiningnan ko muna ang mukha ko, ayos naman. Nang matapos ay naglakad na ako papasok. Nasa dulo silang lamesa. Buti nalang at hindi nila ko nakikitang pumapasok. Hindi na agad ako nagpaligoy-ligoy pa at pumunta na ako sa gawi nila. "Baby, who is she?" malanding tanong ko nang nasa harap ko na sila. Nakakunot pa ang noo ni Alejandrino pero hindi ko siya pinansin at tumingin ako sa babaeng kasama niya. Halata sa mukha niya ang gulat sa biglaang pagsulpot ko pero nang tingnan niya ako mula ulo hanggang paa ay para bang nandidiri siya. Umirap ako sa kanya saka bumaling kay Alejandrino na nakakunot pa din ang noong nakatingin sa akin. "What are you doing?" tanong niya. "I'm asking you first, who is she?" Uma-acting pa akong naiinis na kahit natatawa na ako sa itsura niya. "I thought will have a date tonight? Why are you with someone else?" Kunot-kunot ang noo niya. Hindi inaasahan ang mga pinagsasabi ko. Buti nalang at natatandaan ko pa 'yung mga tinuro nang teacher namin nung bata pa ako sa theater. Kaya nagalingan kong umarte. "Who are you?" Napabaling ako sa babaeng kasama niya. Oh girl, don't be mad at me. I'm just saving you from heartbreak. Ngumiti ako sa kanya saka ibinaling ang buong katawan ko sa kanya. "I'm his girlfriend. And you are?" mataray na tanong ko. Nadinig ko ang pag ubo ni Alejandrino sa likod ko pero hindi ko pinansin. Itong babaeng kaharap ko naman ay gulat sa sinabi ko at parang maiiyak na. Kanina ko pa siya nakita at masasabi kong maganda siya. Hindi bagay sa kaniyang masaktan at paglaruan lang nang lalaking mala demunyo sa pag ibig. "Is it true?" maiiyak na tanong nang babae kay Ale. Napairap ako. Ang dali naman umiyak nang babaeng ito. Lalaki lang 'yan beh! Maraming iba d'yan na hindi ka sasaktan atsaka hindi ka dapat mapunta sa lalaking ito. Humarap ako kay Alejandrino. Nakakunot pa din ang noo niya habang nakatingin sa akin. Agad naman akong nag iwas nang tingin nang may maramdaman ako sa tingin niya. Bakit parang kinakabahan ako? "Answer me, Ale. Is it true?" this time naiyak na ang babae. Ngunit hindi siya sinagot ni Ale. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Ano bang problema niya? Imbes na sumagot siya ay nagulat ako nang hilain niya ako palabas nang restaurant. Nagulat pa ako dahil bigla niyang iniwan ang babae doon sa loob. Napakawalang hiya talaga. "Saan mo ba ako dadalhin? Bitawan mo nga ako." inis na sigaw ko sa kanya. Nagulat pa ako nang bigla niya akong isandal sa kotse niya. Bigla nalang bumilis ang tibok nang puso ko. Iniharang niya ang magkabilang kamay niya sa magkabilang gilid ko. Hindi ako makagalaw dahil sa paraan nang pagkakatitig niya. Nanginginig ang tuhod ko dahil sa kaba. Why I'm feeling this? Bago to ah. Hindi naman ganito kapag kinakabahan ako. Dagdagan pa nang titig na titig siya sa akin. "You bitch, you're giving me a headache." Sa paraan nang pagkakasabi niya ay parang wala siyang nararamdaman ano man. "Girlfriend huh?" aniya nang nakangisi. And boom, naramdaman ko nalang ang labi niya sa labi ko. Gusto kong magprotesta pero hindi ko magawa. Nang humiwalay siya sa halik ay namumungay ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin. "If you say so." aniya saka hinalikan ako ulit.Hi guys! This is the Wakas. Pasensya na sa mga wrong typo's and grammars ko po. I'm just new in writing kaya pasensya na po. At sa plot ng story ko. Pasensya na po at medyo kalat pa siya. Hindi ko naman po kasi inaasahan na matatapos ko talaga ang story na 'to. Again, sorry and thank you all for reading until here. Godbless, Sunnies!---Revenge. That is what I want to do after my parents death. My whole life is a mess when they left. Kung ano man ang ginawa niya sa mga magulang ko ay gusto kong gawin pabalik sa kaniya. Gusto ko rin siyang patayin but I know magiging kagaya ako sa kaniya kapag ginawa ko iyon. "This is the footage of the CCTV. Maswerte tayo dahil naunahan natin siyang makuha ito." Onw of Tito Yves' men said. Weeks after my parents die, hindi ako makausap kahit saglit. It's too painful and I couldn't accept it. I didn't cry because my Mom said that she dislike seeing me crying. I know that she still see me even when they are now in heaven. "Miggy..." Tita Lysa calle
Nasa labas na kami ng kwarto ni Savanah. Dad looked at me. Nanggaling siya dito noong nakaraang araw kaya alam niya kung nasaan ito. He also talked Tita Siara and she's asking for our forgiveness. Gusto niya akong makita kaya nandito ako. Dad opened the door. Napatingin si Tita Siara sa amin na nasa loob, nagbabantay sa anak. When she saw me, she smiled a little. "How is she?" Dad asked. Tita Siara looked at him. Dad is just staring at Savanah, not trying to look back at Tita Siara. "She's getting better. Gumising na siya kanina." Tumango si Dad. Nakatayo lang ako sa likod ni Dad habang nakatanaw kay Savanah. She's peacefully sleeping. Hindi maipagkakaila ang kagandahan niyang namana sa ina. I saw Tita Siara staring at me. Napatingin ako sa kaniya. "I'm sorry..." she said. I smiled at her. Yes, she made mistake to us pero hindi bato ang puso ko. Marunong akong magpatawad sa mga taong alam kong nagsisisi na sa mga nagawang mali. Biktima sila. Inabuso ni Tito Leo ang pagmamahal
Dad and I are saved by Alejandrino. And Savanah... got shot by her father. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ng makita si Savanah na naliligo sa sarili niyang dugo. Her Mom immediately ran to her. Umiiyak ang Mommy niya habang pilit siya nitong ginigising.Dumating ang mga pulis at mga tauhan namin. Tito Antonio helped them on finding my brother. Agad naman napusasan si Tito Leo ng mga pulis. Pagkatapos ng nangyari ay natulala lamang siya at nakatanaw sa anak. Gulat at halatang hindi makapaniwala. Ako man, ganun din. Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari. I was just staring at them when suddenly I feel that my head is turning. Nahihilo ako kaya mabilis akong natumba at nawalan ng malay. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari pagkatapos. Nagising akong nasa ospital. Walang tao sa loob ng magising ako. Naiisip ko ang nangyari kanina. Si Savanah. Dinala ba siya sa ospital? Anong nangyari sa kaniya? Si Tito Leo, nasa kulungan na siguro. Ang kapatid ko. Agad akong nap
Habang tumatagal, mas lalo akong kinakabahan. Kaba dahil baka huli na ako at kaba dahil paniguradong mag aalala sil sa akin kapag nalaman nilang tumakas ako sa bahay. By now, alam na nila iyon. Dahilan para kanina pa tunog ng tunog ang cellphone ko sa mga tawag at texts. Mas binilisan ko ang pagmamaneho patungo sa nasabing lugar. Natanaw ko sa aking side mirror ang mga sasakyang mabilis ang mga takbo. Pinaliko ko ang aking sasakyan patungo sa nasabing lugar. Tanaw ko na agad ang mga kotseng nakaparada ilang metro ang layo sa kung nasaan nakatago sina Tito Leo. Namataan ko agad si Alejandrino, papalapit sa kotse ko. Busangot ang mukha at galit na galit. Inihinto ko ang aking sasakyan. Kinuha ko ang aking cellphone at naghanda ng lumabas. "What are you doing here?" Bungad agad ni Alejandrino sa akin. Kakabukas ko pa lang ng pinto ng kotse ko at hindi pa ako nakababa ng tinanong niya iyon. Nagkasalubong ang dalawa niyang kilay. Galit na galit ang kaniyang mga mata ngunit kay halo
Dad and Tito with the police planned on how to catch Tito Leo. Nasa amin si Savanah and she knows where her father is. I keep on asking Savanah about my brother. Ayos lang daw siya at sa katunayan ay ang ina niya ang nag alaga sa kapatid ko. Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag nasaktan ang kapatid ko. Sa araw na iyon ay medyo masama ang pakiramdam ko. Gusto kong makibalita tungkol sa kapatid ko pero nahihilo lamang ako kaya nagpahinga muna ako saglit. Nang magising ako ay dinalaw na naman ako nang pagduduwal. Sakto pang tumatawag si Jhia sa akin. Kinamusta niya ako at I told her what is happening here. Medyo malaki na ang tiyan niya. May pumasok sa isipan kong tanong tungkol sa pagbubuntis niya. I may be assuming pero gusto kong makasiguro. Pangalawang beses na akong nagduwal. Don't tell me iyong agahan naman namin ngayon ang problema? It's just simple sunny side up egg and bacon. Walang masama doon. "Jhia, can I ask you something?" Umiinom siya nang kape na
"Savanah?! Nasaan ang kapatid ko?!" Bumukas ang pintuan nang kwarto ko at nakita kong pumasok si Alejandrino doon. Nanlaki ang mata niya nang makita ako. Basa pa nang luha ang mata ko pero nangibabaw ang galit sa aking sistema. Agad akong dinaluhan ni Ale dahil sa pag alala. Nakita niyang may kausap ako sa cellphone kaya kumunot ang noo niya. "Tutulungan ko kayong makuha si Joseph. Masyado nang marami ang kasalanan namin sa inyo at hindi ko na kayang dagdagan pa iyon." "Nasaan nga ang kapatid ko?!" "Chernie..." ani Ale. "Alam ko kung nasaan siya. Tutulungan ko kayong makuha siya." ani Savanah. Hinapit ni Ale ang baywang ko at hinawakan ang braso ko. Nagkatinginan kaming dalawa. "Give me the phone," bulong niya. Umiling ako at suminghap. "Paano namin masisigurong nagsasabi ka nang totoo?" tanong ko kay Savanah. "Chernie, give me the phone." si Ale. "I know, hindi niyo na ako kayang pagkatiwalaan ngayon dahil sa nangyari pero hindi ko na kayang dagdagan pa ang mga kasalanan