Share

CHAPTER 2

last update Terakhir Diperbarui: 2020-08-31 18:08:14

"A-ah." Bigla akong nakaramdam ng panginginig. Hindi ko rin alam kung saan ko ibabaling ang aking paningin. 

Teka! Kinakabahan ba ako? 

Napailing na lamang ako't hindi ko alam ang aking sasabihin. Parang bigla akong na-blangko nang tumitig ako sa madilim niyang mga mata. Itim na itim ito at hindi mo makikitaan ng kahit anong kulay. Kahit na natatamaan na ito ng sinag ng araw ay nanatili pa rin itong itim.

Anak ata siya ng kadiliman, ano? His strong aura says it all. I silently chuckled through my mind without changing my facial expression. Mahirap na at baka masigawan ako, mukha pa namang mainitin ang ulo niya.

"It seems that you're done because you're doing something on your notebook. It's not related to this subject, right? So I'm guessing that you're already done with your work." Inilahad niya naman ang kaniyang kamay. Tumaas pa ang kanang kilay niya, halatang napaka-strikto nito.

Bakit ba kabado ako kahit tapos naman na ako? Why is that? Nakaka-intimidate naman kasi siya, eh! Napalunok na lamang ako at saka napasulyap sa aking libro.

"Y-yes," Nauutal kong sagot at saka iniabot sa kaniya ang aking libro. Napalunok pa ako nang ayusin niya ang suot niyang reading glass at matamang binasa ang mga sagot ko, sa mabilis na paraan.

Ilang beses pa akong napalunok habang hinihintay na magsalita siya at umalis sa aking harapan. Bakit parang ang bagal ng oras? Bakit ang bagal niya? O sadyang kinakabahan lang ako, kaya pakiramdam ko ay mabagal ang lahat ng nasa paligid ko.

"Okay, you may take your break." Umalis siya sa harapan ko at saka hinarap ang buong klase. "Who else are already done?" Tanong niya't umupo na ulit sa harapan at saka seryosong in-check-an ang gawa ko. Tulala lang ako ng mga sampung segundo at saka nagpasya na 'kong maglipit ng gamit. Nang matapos ay at saka ako lumabas ng classroom. Tutal ay tapos naman na ako.

"Hindi mo ako hihintayin?" Napalingon ako kay Aisie. Nakataas ang kaniyang kilay habang nakanguso.

Mukhang bibe na hindi pinakain.

"I'll wait you at the canteen. Kaya kung pwede, bilisan mo na." Napairap na lamang siya't sineryoso na ang ginagawa. Napailing na lamang ako.

Bitbit ang panyo at wallet ko ay marahan akong tumayo at dire-diretsong lumabas ng classroom. Hindi ko naman na ata kailangan magpaalam dahil sinabi niya naman na sa'kin na pwede na akong mag-break.

Break, kahit wala akong boyfriend. Duh! Kidding aside.

Kaso nakakainis lang dahil... Dahil... Argh! Ewan ko ba! Pero medyo kinakabahan at nahihiya ako kapag naaalala ko iyong nangyari sa attendance at ang mga sagot ko sa pinagawa niya. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa kapag bumabalik iyon sa aking isipan.

Napailing na lamang ako at saka tinuon ang aking mga paningin sa daan. May iilan na ring mga estudyante ang naglalakad dahil nga recess naman na. Pero pambihira! Iyong sa amin kasi, kailangan tapos ka na bago ka makalabas. 

He's damn strict. In-career niya na talaga ang pagiging teacher. Grabeh lang!

May nakakasalubong pa akong naghahalikan sa gilid at sobrang na-bad trip talaga ako dahil kulang na lang ay hubarin nila ang kanilang mga damit. Tapos mapapasabi ka talaga ng... Mga ate at kuya, motel ang hanapin niyo at huwag dito sa school. Not in this school, in this hallway! Hindi ba sila nahuhuli? Tsk. Tas halata namang mas bata pa sila sa'kin, siguro mga grade 7 'yon. Nakakaloka!

Hindi ba pwedeng maging dalagang pilipina sila? Kainis, ha! Nababahiran ng dumi ang malinis kong isipan. 

"Hi Lush!" 

Napairap na lamang ako ng tawagin ako ni Halieyah, ang pinakakinaiinisan ko sa lahat. She isn't my classmate. She's from other section at madalas kong makalaban sa iilang mga patimpalak dito sa school. Halata namang ayaw niya sa'kin, pero heto siya't nilalapitan at kinakausap ako. Parang may masamang balak, humahanap ng butas, humahanap ng baho ko. But! Sorry siya dahil kung ayaw ko sa tao, ayaw ko. 

Hindi na ako mag-eeffort na lapitan siya at kaibigan-in. Mahirap maging isang mapagpanggap. 

Nilagpasan ko lang siya at kita sa mukha niya ang pagkainis. Hinawakan pa siya sa braso ng dalawa niyang alipores. Tsk! Bakit pinipigilan nila? Wala akong pakialam kung sugurin niya ako. Nakapag-aral kaya ako ng karate, baka ma-karate ko siya ng wala sa oras. Kawawa naman. Inggratang 'yon kasi, feeling close. Mag-close up na lang siya ng bumango naman ang hininga niyang amoy imburnal. Iniinis niya ako, kung anu-anong panlalait tuloy naiisip ko. 

"Lush!" 

Napapikit na lamang ako't napahinto sa paglalakad. Ilang beses akong huminga nang malalim bago tiningnan ang taong tumawag sa'kin. Nandito na naman ang makulit na si Drailen from grade 10 at mangungulit na naman 'to na manligaw. Duh! Study first kaya ako at saka wala akong time sa mga ganiyan, so cheesy.

At saka, hindi siya iyong tipo ng tao na uso ang maging seryoso. Mukha siyang playboy.

"Ano na naman? Huwag mo na nga akong kulitin. Kainis!" Napakamot lang siya sa kaniyang batok at nginitian ako.

Well, gwapo naman siya. Pero I didn't feel any kind of attraction towards him. Pero 'yong echoserang kaibigan ko na si Aisie, crush na crush 'to. Edi sana siya na lang 'yong niligawan para matahimik na ang buhay ko. Kaloka!

"Ihhh." 

Pinanliitan ko siya ng mata. muntik ko pang matampal ang sarili kong noo dahil sa kaartehan ng pagkakasabi niya. Ipinakita niya pa ang ngipin niyang napakaganda, pati na rin ang dimples niyang malalim na nasa magkabilang pisnge niya.

Alagang close up kaya 'to? Ang puti ng ngipin, eh. Kahiya naman sa'kin.

"Ang bakla mo," sabi ko na lang at saka binilisan ko nang maglakad hanggang sa makarating sa canteen. 

Baka may kung sino na naman ang harangin ako. Gutom na kaya ako, pero hihintayin ko muna ang mabait kong kaibigan. Bakit ba ang tagal ng isang 'yon? 

Umupo na lamang ako sa lugar kung saan madalas kaming kumain ni Aisie. Marami-rami na rin ang estudyante dito, pero 'yong kaibigan ko napakatagal pa rin. Nagugutom na ako, super gutom na 'ko.

Alam ko namang madali na lang sagutan 'yon para kay Aisie, pero bakit ang tagal niya? Sinasadya niya ata 'yon, eh. Siguro crush niya 'yong substitute teacher namin at saka siya rin ang nagpumilit na bumalik na lang kami ng classroom kanina. 

Hmm... Kainis.

Ilang minuto na akong naghihintay dito kaya bumili na lang ako ng makakain ko dahil gutom na talaga ako. Kaloka naman kasi 'yong babaeng 'yon, ang tagal. Baka naman hindi na 'yon pupunta dito. Aba! Paasa rin 'yon, talkshit ang babaitang 'yon, ah. Patapos na ang oras ng recess, pero ang walang'ya kong kaibigan ay wala pa rin dito. Nakadalawa na ako nitong cookies and cream na ice cream, hindi pa rin dumadating. 

Tsk! Baka nilamon na talaga siya ng sinasagutan niya. Kaloka.

Tumayo na lang ako't padabog na naglakad pabalik ng classroom. Kaloka! Nakakapagod maghintay, sana kasi sinabi niyang hindi siya tutuloy o kaya naman ay in-text man lang ako ng bruhang 'yon. Baka humaharot na naman, kaya nalimutan na ako. 

Pagdating ko sa classroom ay agad hinanap ng mga paningin ko ang echosera kong kaibigan. Pero wala akong makita kaya medyo nagtataka na lang akong naupo sa aking upuan. 

Nasaan na naman kaya ang isang 'yon? Nagbu-boy hunting kaya siya doon sa college building ngayon?

Nilabas ko na lamang ang cellphone at ikinabit ang earphones ko sa aking tainga. Wala pa naman ang teacher namin ngayong time na 'to. Masyadong mabilis ang oras, ang panahon. Biruin niyo next next week ay semestral break na namin at hindi ko alam kung anong gagawin ko sa bakasyon na 'yon. It's either I'm going to Manila and waste my whole vacation sa bahay ni tita Aldleyie, nandoon naman ang pinsan kong si Deylia kaso magkaiba kasi kami. She is a party goer while me... Mas gusto ko na lang magkulong sa kuwarto at magbasa ng novels. 

Napahinto ako sa pag-iisip nang biglang may humatak ng earphones paalis sa aking tainga. What the! Inis naman akong napaangat ng tingin at napataas ang kilay ng bumungad si Aisie na kilig na kilig. Confirmed. Humarot nga.

"O, bakit?" Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong kinurot sa braso at umupo sa tabi ko.

"Oh my goodness!" 

Napairap na lang ako dahil sa lakas ng boses niya. Pati mga kaklase namin ay napatingin sa gawi namin. Nabababaliw na naman kasi itong napakaalalahanin kong kaibigan. Well, note the sarcasm.

"Si—" naputol ang sasabihin niya nang pumasok na ang aming guro.

Nagdi-discuss na ang teacher namin, pero itong katabi ko todo sipa sa aking paa. Kaya napairap na lang ako. Ano bang problema ng isang nito? Naramdaman ko pang kinurot-kurot niya ang braso ko, kaya dahil sa inis ay sinamaan ko siya ng tingin at kinurot sa kaniyang tagiliran.

"Si Xalent," sabi niya nang hindi iniinda ang sakit ng pagkakakurot ko sa kaniya. Tumagilid lang ang aking ulo, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Mukha pa siyang sinasaniban, at parang kumikinang ang kaniyang mata.

Xalent? Sino naman kaya iyong Xalent na 'yon? Napalabi na lamang ako't saka inilingan si Aisie na ngayon ay halos mamatay-matay na dahil sa kilig at pigil na pigil ang pagtili.

Foreveryoung1206

Edited—

| Sukai
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Tasteless Price [FILIPINO]   EPILOGUE

    What is the happiest moment of my life? It is when he kneel down in front of me, holding a ring that will make me cry, and feel so much love and happiness in my whole existence. I never thought that crying can be a happy for me. Until that day came. Sa buhay ko ay madalas akong umiyak dahil sa pagkadapa, sa sakit, sa iniwan, at sa kahit ano pang nangyari at naranasan ko sa mga nakalipas na taon ng buhay ko. Lahat ng masasamang bagay na nangyari sa buhay ko ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak, umiyak dahil masakit at hindi ko na kayang harapin at danasin pa ang mga iyon. Pero sa pagkakataong ito? Wala akong ibang masabi kundi masaya ako at ibinuhos ko ang huling luha ko sa kaniya. Sa taong alam kong siya ang bubuo sa buhay ko, ang kokompleto sa'kin. "Will you marry me?" Agad akong napatakip sa aking bibig habang nakatulala sa kaniya. Ang sahig na niluluhuran niya ay p

  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 45

    Xalent Planze Nang banggitin ng doktor ang mga katagang 'yon ay halos manlumo ako. Tita is a soft hearted woman. She's very kind and of course, a loving mother. Kaya napakahirap sa'min ang masaksihan ang kalagayan niya't ang nais ko lamang ay sana may pag-asa pa, pero tila ba tadhana na ang nagsasabi na wala na. "H-hindi..." I heard my love and I hugged her so tight, at saka hinimas ang kaniyang likod para tumahan. Hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan. Masakit na nga sa'kin ang malaman na namatay si tita kahit na hindi niya ako kadugo. Kaya alam kong mas masakit sa kaniya ito dahil anak siya ni tita. Ilang taon silang hindi nagkaroon ng kahit anong komunikasyon. Masyadong naging matigas ang puso ni Lushhiane, at ginawa niya ang lahat para lamang hindi na sila mag-usap ulit. Pero sino ba naman ako para husgahan siya? Sisihin siya? Tao lang din naman siya at nasasaktan.

  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 44

    Nakaupo kaming tatlo at ang nasa gitna namin ay si Xalent habang hinihintay na lumabas ang doktor. Tumahan na rin ako, pero hindi pa rin ako mapakali. "Rendein." Napaangat kami ng tingin nang may magsalita. Lalaki siya, na sa tingin ko ay nasa edad lang ni daddy. Siya ata ang daddy ni Rendein at ang mahal ni mommy. Napatingin naman siya sa'kin na naging dahilan ng pagyuko ko. May kasama pa siyang batang babae na namumugto ang mga mata. Naramdaman ko naman siyang naglakad palapit sa'kin at umupo sa tabi ko. "Are you ate Lushiane?" Nagulat ako nang tanungin niya ako, kaya napalingon ako sa kaniya. Ang cute niyang bata. Sa tingin ko ay nasa five or seven years old na siya. Maputi rin siya at may pagka-brown ang bagsak niyang buhok. Medyo singkit ang mga mata niya at nakasuot ng pink na dress habang may hawak na teddy bear. Sumisinghot-singhot pa siya at tintigan ang mukha ko.

  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 43

    My lips started to tremble as I looked at him with so much questions in my eyes. I felt my heart hurt a little bit, at sobrang kaba na ang nadarama ko ngayon pa lang dahil sa kaniyang sinabi. "W-what happened?" Napatayo na ako at tuluyan nang nawala ang tama ng alak sa'kin. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari at bakit ako kinakabahan na tila ba masama ito. "Your mom... Sinugod siya sa hospital ngayon. Umiiyak si Rendein nang tumawag siya." "Puntahan natin siya... Puntahan natin, Xalent!" Nanginginig kong bulyaw sa kaniya at niyugyog ang braso niya. "Yes, baby. Huwag kang mag-alala, magiging maayos din si tita. Let's go to her," sabi niya't patakbo na kaming lumabas at sumakay ng sasakyan. Habang nasa loob ng sasakyan ay punong-puno ako ng katanungan sa aking utak. Nanginginig na rin ang mga kamay ko at unti-unti na rin

  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 42

    Nang humiwalay na sa'kin ang lalaking nanghalik ay agad ko siyang tinitigan. Kahit nahihilo na ako ay kita ko pa rin ang mukha niya kaya agad akong bumungisngis at nilapit ang bibig sa kaniyang tainga."Xalent," bulong ko at tatayo na sana ng mapaupo ulit. Damn this alcohol!"Let's go home," bulong niya.Tinulungan niya naman akong tumayo at hindi pa kami tuluyang nakakaalis ng biglang magsalita ang lalaki na kausap ko kanina."Saan mo siya dadalhin, bro?""Uuwi na kami ng grilfriend ko," Mariin na sabi ni Xalent kaya agad natameme ang lalaki."Woah?" 'Yun lang at iniwan na namin siya.Natatawa ko namang hinawakan sa pisnge si Xalent habang inaalalayan niya ako palabas. "Girlfriend?""Ayaw mo?" Agad naman akong umiling at kumapit sa braso niya."Gusto. Boyfriend na kita, ha! Doon tayo sa bahay natin." Natawa naman s

  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 41

    Dalawang linggo na ang lumipas at bigla na lang akong bumait kay Xalent. Parang biglang naglaho ang lahat ng hinanakit ko sa nakaraan at bumigay na sa kaniya. Pumayag na rin ako na ligawan niya ako.Gosh! I'm so marupok pala?After ng happenings sa café at sa site ay napagdesisyunan kong 'wag nang magpabebe pa. Naisip ko rin na wala namang mangyayari kung papayagan ko siyang manligaw. Pero na-bad trip ako no'ng pauwi na kami, pagkatapos ng lunch, dahil ang h*******k na 'yon ay nilagyan na naman ako ng hickey dahil naka-spaghetti straps daw ako. Todo tabon tuloy ako ng buhok ko sa leeg ko para hindi makita ni tita.Napakurap-kurap ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko, kaya agad ko namang sinagot ito dahil si Deylia ang tumatawag."Where are you?""Café.""Pupunta ako diyan at nasa eroplano na ako. Samahan mo ako sa bistro at maglasing tayo."Napakunot naman ang noo ko. Anong nakain nito't talagang gumastos para makapunta lang sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status