Share

CHAPTER 3

last update Last Updated: 2020-08-31 18:11:14

Hindi ko maintindihan ang gustong sabihin ni Aisie kaya napalingon na lamang ako sa bintana at napansin ang nagkakagulong mga estudyante. May iilan pang nagtatatalon at nagtitilian na parang may artista sa kanilang harapan.

Anong meron? Hindi na ako makapag-pokus sa discussion ni ma'am dahil talagang sinisipat ko ang nangyayari sa labas, binabalot ako ng kyuryosidad dahil sa nakikita. Lumingon muna ako kay Aisie na nakatanaw na rin sa labas na may malawak na field. Mukhang kinikilig si Aisie habang nakatanaw, at talagang hindi ko siya maintindihan. Alam kaya nito kung anong meron? Halatang-halata siya dahil parang kinikilig na ito at gusto nang magtatatakbo sa field habang tumitili.

Unti-unti namang naghiyawan ang mga nasa labas, mas malakas pa sa tiliang naririnig ko kanina, na parang may kung anong ganap. Ano bang meron? I think they are seniors. May event ba sila? Hindi ko nakita kaninang inaayos nila ang field. O baka kasi hindi lang talaga ako mapagmasid, kaya ang dami kong hindi alam.

Wala kasi akong pakialam sa mga kaganapan sa kapaligiran. Ang pokus ko ay ang sarili ko lamang. 

Panandalian kong inalis ang paningin ko sa labas at sinuyod ng tingin ang loob ng classroom. Napansin ko na ang iba ko ring mga kaklase ay nakatanaw na sa labas at parang gusto na ring makisali sa kasiyahang nangyayari. Parang wala nang nakikinig sa teacher namin na tuloy pa ring nagsasalita.

"Ano bang meron?" Bulong ko sa aking sarili na narinig naman agad ni Aisie kaya tumingin ako sa kaniya habang nangangalumbaba. Bigla naman siyang ngumiti at umakbay sa'kin.

"Kakanta si Xalent. May event ang mga seniors ngayon," bulong niya sa'kin at impit na sumigaw. Kinurot niya pa ang braso ko kaya napangiwi na lamang ako habang hinihimas ito. Napapikit ako bago dumungaw muli sa bintana.

Sino ba kasi ang Xalent na tinutukoy niya? Naririnig ko naman iyon dati, pero nakakapanibago na marinig ko ang pangalan na iyon mula sa bibig nitong si Aisie. O baka dati niya pa bukambibig iyong pangalan ng lalaki, at hindi ko lang talaga siya pinapansin dahil lahat ng pangalang binabanggit niya ay puros lalaki lang naman.

Pinanliitan ko ng mata ang mga taong nagkakagulo. Pilit kong inaaninag ang taong nasa harapan nila, ang taong pinagkakaguluhan nila. May iilan na rin akong mga kaklase na mukhang mga kinikilig at gusto nang tumili, pero hindi nila magawa dahil may teacher sa harap. Hindi ko sila maintindihan. 

I'm so curious about that guy.

Sinuri ko ang labas. May dalawang malaking speakers at iilang mga nakaupo sa bleachers. May nakalagay ring parang maliit na stage na ngayon ko lang napansin.

Napatigil ang lahat sa biglang pagtipa ng gitara. Napalunok ako nang mapagtantong isa sa paborito kong kanta ang tinutugtog ngayon. Ilang minuto lamang ay sinundan iyon ng malamig, pero madarama ang lambing sa kaniyang boses. Nagbigay kilabot ito sa aking katawan at mas nanlamig nang mas lumakas iyon, at parang sinadyang lakasan ang speakers. Rinig ko rin ang bawat tipa ng gitara. Hindi rin magkamayaw sa pagkurot sa'kin si Aisie. 

It feels like a dream. That beautiful voice makes my heart beats so fast. And oh my goodness! Pinagpapawisan na ako ng malamig dahil gusto kong malaman at makita ang kung sino mang kumakanta sa entablado. Ilang beses pa akong napalunok at pilit na pinahahaba ang aking leeg para makita ang kumakanta. Pero walang epekto!

Rinig na rinig namin ang tilian sa labas kaya walang nagawa ang teacher namin kundi ang i-pakopya na lang sa'min ang ilang sinulat niya sa blackboard. Ngayon ay ramdam ko na ang mga kaklase ko, kung bakit gusto nilang magtatatakbo at manood doon. 

Kaninong boses ba talaga 'yon? Ang ganda, at ang sarap sa tainga ng boses niya. Nanindig lahat ng balahibo ko sa labis na kilabot na binigay niya sa'kin. 

"Grabeh! Ang galing niya talaga," sabi ni Aisie na kahit nagsusulat ay napapasulyap din sa labas, katulad ko. Mas sumiksik pa siya sa'kin para maayos na masilip ang nangyayari sa labas. 

Ano ba kasing event na mayroon sila ngayon? At bakit sila lang? Ano 'yon, exclusive for seniors only? Grade 11 and 12 lang kasi ang nandoon base na rin sa kulay ng uniporme nila. Pero bakit feeling ko ang daya? Ang daya kasi dahil hanggang inggit lang ang mararamdaman namin habang nakamasid sa mga estudyanteng masayang nanonood. Iyong iba pa nga ay mayroong mga banner na hindi naman namin mabasa dahil nakatalikod sa'min. 

Naiinggit ako! Parang gusto kong makisali. Napalunok ako at pinipigilan ang sarili na sumigaw. Mamaya ay baka asarin lang ako ni Aisie dahil kilala niya ako at wala akong pakialam sa mga nangyayari.

Pero iba ngayon.

Nang matapos ang unang kanta ay agad naghiyawan ang lahat at nagpalakpakan. May naunang sumigaw ng isa pa raw na kanta kaya sinundan siya ng lahat at nakisigaw na rin. Nang ilang segundo ay wala pa, nagpasya na akong tumingin sa aking notebook, kunwari ay nawalan ng interes. Pero halos lagutan ako ng hininga sa biglang pagtipa ng gitara. Wow! Ang kantang sobrang nagustuhan ko. 

I'm yours. Oh my goodness talaga! Gusto ko nang magtatakbo sa labas at makikanta nang marinig ko ang pinaka-paborito kong kanta.

Napanganga ako dahil sa boses niyang parang namamaos, pero may pagkalambing pa rin. Kinilabutan ako sa style niya. Gosh, I'm going to die!

Parang mas gumanda kasi ang boses niya—mali, dahil gumanda talaga nang kantahin niya 'yon. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko, parang mababaliw na ako dahil sa nakadadala niyang boses. Nabitawan ko ang hawak kong ballpen sa aking lamesa at pinilit na paliitin ang mata para makita ang kung sino mang kumakanta sa harap ng maraming tao. Hindi na magkamayaw sa pagtititili ang mga babaeng nadadala sa kaniyang boses.

Hanggang sa mag-chorus ay rinig pa rin ang sigawan ng lahat. Napalunok ako dahil sa bawat strum ng gitara ay naroroon ang bilis, ang boses naman niya ay mas bumagay sa parteng iyon. Lalo na dahil sa bawat pagtigil ay mayroong pilantik. 

Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa boses na naririnig ko. Ramdam ko rin ang malakas na hampas ni Aisie sa aking braso at gusto ko rin siyang hampasin para mailabas ang nararamdaman ko, pero hindi ko na lamang siya pinansin. Nagtitilian na rin ang mga kaklase ko at pilit na sumisilip sa bintana ang iilan. Nagreklamo na nga ang teacher namin dahil sa ingay na nangyayari dito sa loob ng classroom, pero hinayaan niya kaming makasilip sa bintana. 

Wala na talaga. Mukhang hulog na ako sa boses ng lalaking 'yon. But hindi ko talaga siya kilala, I don't know his name. Pero naririnig ko si Aisie na Xalent nang Xalent sa tabi ko. 

Nang matapos na ang kanta ay nagsibalikan na sila sa mga upuan nila. May iilan kasi na talagang tumayo pa para makatanaw sa kung anong nangyayari sa labas. Pero nakakadismaya pa rin dahil hindi ko pa nakikita ang mukha ng may-ari ng boses na 'yon. Nakaka-curious tuloy. 

Is he part of the school band? Why am I so curious about that guy? 

Mabilis lang lumipas ang oras at ngayon ay panghuling subject na 'to at uwian na. I am damn tired. Inaantok na ako, pero sa tuwing pipikit ako ay bigla na lang nagpi-play sa utak ko ang magandang boses ng lalaking kumanta kanina. 

What is happening? 

Natapos na rin ang event ng seniors kani-kanina lang at nakikita kong kasalukuyan nang nagliligpit ang iilan. I think they're responsible naman, maybe they are the officers. Napapairap na lang ako dahil sa grabeng kalat nang dahil sa ginawa nila kanina. May iilang mga plastic, bote ng mineral, iyong mga cartolina na ginamit para maging banner, at kung anu-ano pa na makikita na masakit sa mata.

Kahit anong pilit kong pakikinig sa teacher na nasa harapan namin, ay parang wala nang pumapasok sa utak ko. Napapalingon na nga ako kay Aisie na isinandal na ang ulo sa balikat ko. Buti hindi kami pinapansin ng teacher kahit na halatang kaunti na lang ay tutulugan na namin siya. Medyo marami ring projects na kailangang ipasa bago mag semestral break, kaya medyo nakaka-stress. 

Pero makakaya naman kung may time management. Ang iba kasing mga estudyante ay hindi ginagamit ang oras sa tama kaya ang iba ay naghahabol na kung kailan ang deadline. Pupwede namang gawin ng maaga ang mga naunang ibigay ng sa gano'n ay hindi matambakan ng ibang subject. 

Hayst! That's the life of being an estudyante. Minsan nakakatamad, nakaka-stress, pero worth it once na mahawakan na ang diploma. Pero kailangan talaga nating mag-time management kasi nga diba 'time is gold'. So... We must control our time para kahit papaano ay mailaan natin ang kaunting oras natin sa ating sarili at pamilya. Huwag puros gadgets na masakit sa mata. Charot!

"Class dismissed!" Agad namang lumabas ang guro namin. 

Tahimik kong niligpit ang mga gamit ko't ni-text na si mang Gardoz para sunduin ako. Agad naman siyang nag-reply na kanina pa siya naghihintay sa labas. 

"Tara na." 

Napatayo naman ako at sumunod kay Aisie hanggang sa makalabas kami. Humawak pa ako sa strap ng aking bag habang patingin-tingin sa paligid.

Nang tuluyang makalabas ay nagpaalam na kami sa isa't isa at sumakay na ako sa kotse namin. Napabuntong-hininga na lamang ako nang balakin kong pumikit ay bigla na namang nagplay sa isip ko ang boses ng lalaki kanina. Inis na lang akong lumingon sa bintana at nanlaki ang mga mata sa nakita. Halos lumuwa ang mata ko't malaglag ang panga dahil sa gulat.

D-did they k-kiss?

Foreveryoung1206

Edited—

| Like
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Tasteless Price [FILIPINO]   EPILOGUE

    What is the happiest moment of my life? It is when he kneel down in front of me, holding a ring that will make me cry, and feel so much love and happiness in my whole existence. I never thought that crying can be a happy for me. Until that day came. Sa buhay ko ay madalas akong umiyak dahil sa pagkadapa, sa sakit, sa iniwan, at sa kahit ano pang nangyari at naranasan ko sa mga nakalipas na taon ng buhay ko. Lahat ng masasamang bagay na nangyari sa buhay ko ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak, umiyak dahil masakit at hindi ko na kayang harapin at danasin pa ang mga iyon. Pero sa pagkakataong ito? Wala akong ibang masabi kundi masaya ako at ibinuhos ko ang huling luha ko sa kaniya. Sa taong alam kong siya ang bubuo sa buhay ko, ang kokompleto sa'kin. "Will you marry me?" Agad akong napatakip sa aking bibig habang nakatulala sa kaniya. Ang sahig na niluluhuran niya ay p

  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 45

    Xalent Planze Nang banggitin ng doktor ang mga katagang 'yon ay halos manlumo ako. Tita is a soft hearted woman. She's very kind and of course, a loving mother. Kaya napakahirap sa'min ang masaksihan ang kalagayan niya't ang nais ko lamang ay sana may pag-asa pa, pero tila ba tadhana na ang nagsasabi na wala na. "H-hindi..." I heard my love and I hugged her so tight, at saka hinimas ang kaniyang likod para tumahan. Hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan. Masakit na nga sa'kin ang malaman na namatay si tita kahit na hindi niya ako kadugo. Kaya alam kong mas masakit sa kaniya ito dahil anak siya ni tita. Ilang taon silang hindi nagkaroon ng kahit anong komunikasyon. Masyadong naging matigas ang puso ni Lushhiane, at ginawa niya ang lahat para lamang hindi na sila mag-usap ulit. Pero sino ba naman ako para husgahan siya? Sisihin siya? Tao lang din naman siya at nasasaktan.

  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 44

    Nakaupo kaming tatlo at ang nasa gitna namin ay si Xalent habang hinihintay na lumabas ang doktor. Tumahan na rin ako, pero hindi pa rin ako mapakali. "Rendein." Napaangat kami ng tingin nang may magsalita. Lalaki siya, na sa tingin ko ay nasa edad lang ni daddy. Siya ata ang daddy ni Rendein at ang mahal ni mommy. Napatingin naman siya sa'kin na naging dahilan ng pagyuko ko. May kasama pa siyang batang babae na namumugto ang mga mata. Naramdaman ko naman siyang naglakad palapit sa'kin at umupo sa tabi ko. "Are you ate Lushiane?" Nagulat ako nang tanungin niya ako, kaya napalingon ako sa kaniya. Ang cute niyang bata. Sa tingin ko ay nasa five or seven years old na siya. Maputi rin siya at may pagka-brown ang bagsak niyang buhok. Medyo singkit ang mga mata niya at nakasuot ng pink na dress habang may hawak na teddy bear. Sumisinghot-singhot pa siya at tintigan ang mukha ko.

  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 43

    My lips started to tremble as I looked at him with so much questions in my eyes. I felt my heart hurt a little bit, at sobrang kaba na ang nadarama ko ngayon pa lang dahil sa kaniyang sinabi. "W-what happened?" Napatayo na ako at tuluyan nang nawala ang tama ng alak sa'kin. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari at bakit ako kinakabahan na tila ba masama ito. "Your mom... Sinugod siya sa hospital ngayon. Umiiyak si Rendein nang tumawag siya." "Puntahan natin siya... Puntahan natin, Xalent!" Nanginginig kong bulyaw sa kaniya at niyugyog ang braso niya. "Yes, baby. Huwag kang mag-alala, magiging maayos din si tita. Let's go to her," sabi niya't patakbo na kaming lumabas at sumakay ng sasakyan. Habang nasa loob ng sasakyan ay punong-puno ako ng katanungan sa aking utak. Nanginginig na rin ang mga kamay ko at unti-unti na rin

  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 42

    Nang humiwalay na sa'kin ang lalaking nanghalik ay agad ko siyang tinitigan. Kahit nahihilo na ako ay kita ko pa rin ang mukha niya kaya agad akong bumungisngis at nilapit ang bibig sa kaniyang tainga."Xalent," bulong ko at tatayo na sana ng mapaupo ulit. Damn this alcohol!"Let's go home," bulong niya.Tinulungan niya naman akong tumayo at hindi pa kami tuluyang nakakaalis ng biglang magsalita ang lalaki na kausap ko kanina."Saan mo siya dadalhin, bro?""Uuwi na kami ng grilfriend ko," Mariin na sabi ni Xalent kaya agad natameme ang lalaki."Woah?" 'Yun lang at iniwan na namin siya.Natatawa ko namang hinawakan sa pisnge si Xalent habang inaalalayan niya ako palabas. "Girlfriend?""Ayaw mo?" Agad naman akong umiling at kumapit sa braso niya."Gusto. Boyfriend na kita, ha! Doon tayo sa bahay natin." Natawa naman s

  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 41

    Dalawang linggo na ang lumipas at bigla na lang akong bumait kay Xalent. Parang biglang naglaho ang lahat ng hinanakit ko sa nakaraan at bumigay na sa kaniya. Pumayag na rin ako na ligawan niya ako.Gosh! I'm so marupok pala?After ng happenings sa café at sa site ay napagdesisyunan kong 'wag nang magpabebe pa. Naisip ko rin na wala namang mangyayari kung papayagan ko siyang manligaw. Pero na-bad trip ako no'ng pauwi na kami, pagkatapos ng lunch, dahil ang h*******k na 'yon ay nilagyan na naman ako ng hickey dahil naka-spaghetti straps daw ako. Todo tabon tuloy ako ng buhok ko sa leeg ko para hindi makita ni tita.Napakurap-kurap ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko, kaya agad ko namang sinagot ito dahil si Deylia ang tumatawag."Where are you?""Café.""Pupunta ako diyan at nasa eroplano na ako. Samahan mo ako sa bistro at maglasing tayo."Napakunot naman ang noo ko. Anong nakain nito't talagang gumastos para makapunta lang sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status