Share

CHAPTER 1

last update Last Updated: 2020-08-31 18:06:22

In life, wine is everything. Kailangan ito sa kahit anong okasyon.  At ilan 'yan sa sinabi sa'kin ni daddy. Hindi naman ako mahilig sa wine dahil nga natatakot akong malasing, kahit na hindi ako sigurado kung nakalalasing nga ba ito.

Sa murang edad kong ito ay namulat ako na halos bote na ang nakikita ko sa loob ng aming bahay. Well, what do you expect sa may-ari ng winery? My dad treasures every wine we are making, kaya mayroon ding naka-display dito sa bahay. He always collects every wine we have para raw masabing sa amin talaga iyon nagmula. 

Kulang na nga lang ay maging anak niya na ang mga ito kaysa sa'kin. Well I don't care if that happens.

Since my mom left us because of her affair with another man, ay sobrang nababad na si dad sa trabaho. He loves me, right. Pero minsan nakalilimutan niyang nandito pa ako at handang umalalay sa kaniya. We can face all the challenges, kahit kaming dalawa na lang. Hindi porket iniwan na kami ni mom ay puros trabaho na lang siya, I want to experience bonding with him. Kahit umupo nga lang kami sa Parke, basta matatawag na bonding ay masaya na ako.

Tulala lang ako nang lapitan ako ni Aisie, ang pinakamatalik kong kaibigan. Since grade 7 ay magkaibigan na kami hanggang ngayong nasa grade 9 na. Well, I think our friendship is so strong.

Hindi tulad sa ibang mga kaibigan na kaunting pikunan lang ay sira na agad, at ayaw nang m*****i.

"Anong drama mo diyan, teh?" Napairap na lamang ako't inabala ang sarili na iligpit ang aking mga gamit.

Well, napag-usapan naming pumunta sa library, since wala namang teacher na papasok sa mga oras na 'to. May sakit ata 'yong teacher namin, pero ang sabi may substitute raw galing sa senior high. Specifically, grade 11 student daw at kilala naman ng lahat. Except me.

Well, here in province, walang pinipili ang eskwelahan. Halo-halo, may mayaman at mahirap, at lahat ay nagkakasundo. Kilala ang pamilya namin dahil sa wines. Our place do have three biggest winery at ni minsan ay wala kang maririnig na nag-ko-kompetensya ang bawat isa. 

Well, hindi naman ganoon ka-close ang family namin sa dalawang nagmamay-ari ng malalaki ring winery dito sa province, pero iniimbitahan naman kami sa bawat okasyon.

"I have a question for you, Lush." 

Tuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa library at makahanap ng bakanteng puwesto. Tahimik ang library, siguro mga nasa lima lang kaming nandito ngayon dahil may klase na at iyong iba naman ay baka ayaw ang amoy ng libro. At saka 21st century na ngayon, nagkalat na ang newly made technologies tulad ng cellphone, laptop, iPad, at iba pa.

But books... Books is the key to success. Lahat ng kaalaman natin ay nagmumula sa libro, pero dahil nga nasa 21st century na tayo, nababalewala na ang mga ito. But I really like it when I read and got my research through books. 

"What?"

Nag-isip pa siya ng malalim, tila ba hindi sigurado sa sasabihin. "Balik na lang kaya tayo sa classroom? Baka kasi mapagalitan tayo."

"Bakit naman tayo mapagagalitan kung sa library tayo tumambay at hindi sa kung saan?" Napairap na lamang siya at saka tumayo't hinila na ako pabalik ng classroom.

What the! Ilang segundo pa lang kaming nakaupo doon tapos aalis na kami agad? Ano ba kasing masama na doon muna kami tutal wala naman kaming teacher? Pero oo nga pala't mayroong substitute teacher at baka may ipagawa. Hayst.

Ayaw ko rin namang mabahiran ang records ko na may mga katagang 'cutted the class'. Mas magaan kasi sa pakiramdam ang maayos at malinis na record para sa darating na kolehiyo ay hindi ako mahirapang makapasok sa University na gusto ko. Kahit naman kasi ma-pera kami, hindi ito naging instrumento para lamang sa hindi magandang hangarin.

Iyon ang turo ni Daddy sa'kin. 

Pagdating namin sa classroom ay naririnig na namin silang nag-aattendance. Nasa letrang J pa lang naman sila at nakaabot kami. I hate this scene as much as possible, dahil sa oras na pumasok kami'y maagaw namin ni Aisie ang atensyon ng lahat. 

Pagpasok namin ay agad nga naming nakuha ang atensyon ng lahat. Mataman ko lamang silang tiningnan at dumiretso na sa aking upuan.

"Sorry sir, we're late," nahihiyang sabi ni Aisie at dali-dali nang sumunod sa'kin at naupo na rin sa aking tabi.

Medyo nakakairita. Iyong iba kong kaklase ay nagbubulung-bulongan dahil sa lalaking nasa harapan namin. Binalingan ko naman siya ng tingin at naisip na medyo pamilyar siya sa'kin. Saan ko nga ba siya nakita?

"Landisio." 

"Present!"

Kumuha na lang ako ng notebook at nagsulat ng kung anu-ano sa last page ng notebook ko. Well, sa totoo lang parang wala akong ganang makinig. At saka bakit ito ang substitute teacher? Bakit hindi sila sa college building nag-request? 

"Malernas."

"Absent siya, Sir." 

Napalingon naman ako sa nagsalita at napairap na lang sa kawalan nang makita kong nagpapa-cute ito. Nilingon ko naman ang substitute teacher at nakitang seryoso lang ito't hindi pinansin ang babaeng nagpapa-cute. 

Sus! Feeling mysterious at seryoso ang lalaking 'to. Feel na feel maging teacher.

"Meradeltas." 

At saka bakit ba kilala siya ng mga kaklase ko? It seems that I am just the only one who didn't know him, pero pamilyar siya sa'kin. Parang may kahawig siya. Ang kaso nga lang ay hindi ko na maalala kung sino.

"Meradeltas!"

Napakibit-balikat na lang ako't ipinagpatuloy na ang kung anong sinusulat ko. Hayst!

"Meradeltas!" 

Naibagsak ko naman ang ballpen ko't agad napatayo. Oh my goodness!

"P-present," nauutal kong sagot at saka naupo. Narinig ko naman ang iba kong kaklase na nagpipigil ng tawa. Napabuntong-hininga na lamang ako at saka tumungo upang iwasan ang kahihiyang ginawa.

Bakit ba kasi kung saan-saang lugar naglalakbay ang isip ko?

Tumikhim naman 'yong substitute teacher. "You're preoccupied, Miss." 

Napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan. First time ko 'to. At sobrang nakakahiya talaga.

Napalunok na lamang ako't tinitigan ang notebook na tinadtad ko ng sulat. Napapapikit pa ako dahil sa kahihiyang nagawa ko. Hindi ko makalimutan kahit na iba na ang pangalang tinatawag ay pakiramdam ko tatawagin ako ulit.

Napalingon ako sa katabi ko. "Bakit hindi mo sinabi sa'kin?"

Napairap naman siya. "Kanina pa kaya kita binubulungan." Kinurot niya ako sa tagiliran at pinandilatan. "Ilang beses din kita niyugyug, pero wala kang pakialam."

Aish!

"Okay class, get your book and turn it to page 25. Answer exercises A to C in 30 minutes. I'm going to check it later," seryoso niyang sabi. 

Agad kong kinuha ang aking libro at nagsagot ng tahimik. Madali lang ito dahil wala namang tama o maling sagot sa mga katanungang narito sa libro. Sariling opinyon lang naman ang kailangan. 

What is family? 

Well... Family... I don't really know how to explain it. Pero sila 'yong karamay mo sa kahit anong pagkakataon. Manalo o matalo, humirap o yumaman, problema o kasiyahan ay sila ang laging nandiyan. Iyan ang masasabi ng isang pamilyang buo.

For me, I don't exactly know what family is... Dahil sa nararamdaman ko'y parang nag-iisa na lang ako sa mundong ito. But I really don't care dahil kahit hindi ako bigyang atensyon ni dad ay masaya pa rin naman ako dahil nandiyan siya at alam ko naman sa sarili kong hindi niya ako pababayaan. 

Though, my family is broken... Still, I am living because of my dad.

"If you're done with your works, you can pass it to me and you may have your break." I saw him fixed his reading glasses in his eyes. Sumulyap pa siya sa'kin kaya naibaling ko ang aking paningin sa mga kaklase ko.

Napansin ko ang pagmamadali nila sa pagsagot, siguro ay dahil sa anunsyo kanina ng substitute teacher. While me? Of course, I'm done. Talagang ayaw ko munang magpasa dahil gusto kong magsabay kami ni Aisie.

Kinuha ko na lang ang notebook ko at nagsulat ng kung anu-ano. Sinulat ko rin ang mga katanungan ko sa sarili ko.

What if my family is complete? Sasaya ba ako? Of course, yes. Sino ba namang tao ang hindi masaya sa kompletong pamilya, right? Bakit kaya kami iniwan ni mommy para sa iba? Is it because of love? Hindi niya ba ako minahal kaya pati ako ay iniwan niya? Si daddy, alam kong minahal niya ng sobra si mom. Masakit, masaya, iyon nga ata talaga ang mararamdaman sa oras na tayo ay magmahal.

Magmahal ng pamilya, kaibigan, o ng isang tao. Iyon pa rin ang kahihinatnan. Sasaya, pero masasaktan din sa huli.

From the beginning... I entered this world as an innocent one. At tanging mga bote lang ng wines ang nakikita sa aming bahay. Saglit ko lamang natamasa ang kompletong pamilya na akala ko ay pangmatagalan na.

Napangiti na lamang ako ng mapakla.

"Are you done?" Napaangat ako ng tingin at nakita ang seryosong mukha ng teacher namin na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala.

Who are you? Kung bakit ba naman kasi nahuli kami sa klase kanina. 

Foreveryoung1206

Edited—hope you'll share your thoughts about this! Thank you so much! Lovelots!

| 2
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Tasteless Price [FILIPINO]   EPILOGUE

    What is the happiest moment of my life? It is when he kneel down in front of me, holding a ring that will make me cry, and feel so much love and happiness in my whole existence. I never thought that crying can be a happy for me. Until that day came. Sa buhay ko ay madalas akong umiyak dahil sa pagkadapa, sa sakit, sa iniwan, at sa kahit ano pang nangyari at naranasan ko sa mga nakalipas na taon ng buhay ko. Lahat ng masasamang bagay na nangyari sa buhay ko ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak, umiyak dahil masakit at hindi ko na kayang harapin at danasin pa ang mga iyon. Pero sa pagkakataong ito? Wala akong ibang masabi kundi masaya ako at ibinuhos ko ang huling luha ko sa kaniya. Sa taong alam kong siya ang bubuo sa buhay ko, ang kokompleto sa'kin. "Will you marry me?" Agad akong napatakip sa aking bibig habang nakatulala sa kaniya. Ang sahig na niluluhuran niya ay p

  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 45

    Xalent Planze Nang banggitin ng doktor ang mga katagang 'yon ay halos manlumo ako. Tita is a soft hearted woman. She's very kind and of course, a loving mother. Kaya napakahirap sa'min ang masaksihan ang kalagayan niya't ang nais ko lamang ay sana may pag-asa pa, pero tila ba tadhana na ang nagsasabi na wala na. "H-hindi..." I heard my love and I hugged her so tight, at saka hinimas ang kaniyang likod para tumahan. Hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan. Masakit na nga sa'kin ang malaman na namatay si tita kahit na hindi niya ako kadugo. Kaya alam kong mas masakit sa kaniya ito dahil anak siya ni tita. Ilang taon silang hindi nagkaroon ng kahit anong komunikasyon. Masyadong naging matigas ang puso ni Lushhiane, at ginawa niya ang lahat para lamang hindi na sila mag-usap ulit. Pero sino ba naman ako para husgahan siya? Sisihin siya? Tao lang din naman siya at nasasaktan.

  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 44

    Nakaupo kaming tatlo at ang nasa gitna namin ay si Xalent habang hinihintay na lumabas ang doktor. Tumahan na rin ako, pero hindi pa rin ako mapakali. "Rendein." Napaangat kami ng tingin nang may magsalita. Lalaki siya, na sa tingin ko ay nasa edad lang ni daddy. Siya ata ang daddy ni Rendein at ang mahal ni mommy. Napatingin naman siya sa'kin na naging dahilan ng pagyuko ko. May kasama pa siyang batang babae na namumugto ang mga mata. Naramdaman ko naman siyang naglakad palapit sa'kin at umupo sa tabi ko. "Are you ate Lushiane?" Nagulat ako nang tanungin niya ako, kaya napalingon ako sa kaniya. Ang cute niyang bata. Sa tingin ko ay nasa five or seven years old na siya. Maputi rin siya at may pagka-brown ang bagsak niyang buhok. Medyo singkit ang mga mata niya at nakasuot ng pink na dress habang may hawak na teddy bear. Sumisinghot-singhot pa siya at tintigan ang mukha ko.

  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 43

    My lips started to tremble as I looked at him with so much questions in my eyes. I felt my heart hurt a little bit, at sobrang kaba na ang nadarama ko ngayon pa lang dahil sa kaniyang sinabi. "W-what happened?" Napatayo na ako at tuluyan nang nawala ang tama ng alak sa'kin. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari at bakit ako kinakabahan na tila ba masama ito. "Your mom... Sinugod siya sa hospital ngayon. Umiiyak si Rendein nang tumawag siya." "Puntahan natin siya... Puntahan natin, Xalent!" Nanginginig kong bulyaw sa kaniya at niyugyog ang braso niya. "Yes, baby. Huwag kang mag-alala, magiging maayos din si tita. Let's go to her," sabi niya't patakbo na kaming lumabas at sumakay ng sasakyan. Habang nasa loob ng sasakyan ay punong-puno ako ng katanungan sa aking utak. Nanginginig na rin ang mga kamay ko at unti-unti na rin

  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 42

    Nang humiwalay na sa'kin ang lalaking nanghalik ay agad ko siyang tinitigan. Kahit nahihilo na ako ay kita ko pa rin ang mukha niya kaya agad akong bumungisngis at nilapit ang bibig sa kaniyang tainga."Xalent," bulong ko at tatayo na sana ng mapaupo ulit. Damn this alcohol!"Let's go home," bulong niya.Tinulungan niya naman akong tumayo at hindi pa kami tuluyang nakakaalis ng biglang magsalita ang lalaki na kausap ko kanina."Saan mo siya dadalhin, bro?""Uuwi na kami ng grilfriend ko," Mariin na sabi ni Xalent kaya agad natameme ang lalaki."Woah?" 'Yun lang at iniwan na namin siya.Natatawa ko namang hinawakan sa pisnge si Xalent habang inaalalayan niya ako palabas. "Girlfriend?""Ayaw mo?" Agad naman akong umiling at kumapit sa braso niya."Gusto. Boyfriend na kita, ha! Doon tayo sa bahay natin." Natawa naman s

  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 41

    Dalawang linggo na ang lumipas at bigla na lang akong bumait kay Xalent. Parang biglang naglaho ang lahat ng hinanakit ko sa nakaraan at bumigay na sa kaniya. Pumayag na rin ako na ligawan niya ako.Gosh! I'm so marupok pala?After ng happenings sa café at sa site ay napagdesisyunan kong 'wag nang magpabebe pa. Naisip ko rin na wala namang mangyayari kung papayagan ko siyang manligaw. Pero na-bad trip ako no'ng pauwi na kami, pagkatapos ng lunch, dahil ang h*******k na 'yon ay nilagyan na naman ako ng hickey dahil naka-spaghetti straps daw ako. Todo tabon tuloy ako ng buhok ko sa leeg ko para hindi makita ni tita.Napakurap-kurap ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko, kaya agad ko namang sinagot ito dahil si Deylia ang tumatawag."Where are you?""Café.""Pupunta ako diyan at nasa eroplano na ako. Samahan mo ako sa bistro at maglasing tayo."Napakunot naman ang noo ko. Anong nakain nito't talagang gumastos para makapunta lang sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status