Share

Chapter 10 — Doubts

“You’re beautiful. Iyon ang ikinababahala ko. Now, go!” Gustong magalit ni Jhonel sa sarili. Ano nga ba ang dapat niyang ipag-alala kung pagtinginan ng ibang lalaki si Laceyleigh? Bukod sa wala silang relasyon, wala rin siyang karapatan na bakuran ito. Sa kanya nanggaling ang ideya na ito na pansamantalang mananatili ang babae sa poder niya. At dapat lang ay bigyan niya ito ng kalayaan, imbis na ikulong sa sarili niyang mga kagustuhan.

Matagal silang nagtitigan. Tinatantiya niya ang nasa isip ng babae pero kaagad itong nagbaba ng tingin. Sumandal siya sa hamba ng pintuan nang tuluyang isara ni Laceyleigh ang dahon ng pinto. Sa tinagal-tagal niya sa relasyon, sa ilang babaeng dumaan sa buhay niya, idagdag doon ang nakarelasyon niya dati sa Japan na may asawa. Ngayon lang tila natalo ang puso niya sa mga titig at ngiti pa lamang ng isang babae.

Sumingit sa ulo niya si Divine. Ang babaeng iyon ang hiniwalayan niya bago niya nakilala si Akime. Hindi nito sinabi na may asawa ito. Mula sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status