IPINAGTATAKA ni Laceyleigh ang grupo ng mga tao sa labas ng bahay nila. Pinigilan siya ni Jhonel sa akmang pagbaba sa sasakyan.
“Sino ang mga iyan at bakit nandiyan sila sa harapan ng bahay ko?”“Look at them carefully. Mga Media sila.”Namilog ang mga mata niya. Ano ang ginagawa ng Media sa bahay nila? Doon lamang niya napagtanto na tama si Jhonel. Hindi niya maiiwas ang ekspresyon ng pagtataka.“Bakit nandito sila?”“Natunton ka na nila.”Gusto sana niyang sumbatan si Jhonel. Dahil in the first place ay kasalanan nito iyon. Kung hindi dahil sa pag-post nito tungkol sa kanya sa social media ay hindi siya makikilala ng Media.In between shock and confusion, Laceyleigh managed to grabb her cellphone from her chest bag. Hinanap niya sa dialled lists ang contact number ni Mickey.“Nasaan ka? May mga press sa labas ng bahay natin. Huwag ka munang umuwi. Or susunduin ka namin diyan!” Inignora niya ang tanong ng kapatid sa tinukoy niyang 'namin' dahil hahaba lang ang diskusyon nila.Bumaling muli siya kay Jhonel. “Kapatid ko,” sagot niya sa nagtatanong nitong tingin. “S-saan—”“You should come with me. May extra room naman sa condo ko. Doon na lang muna kayo ng kapatid mo.”“H-huwag na. Maghahanap na lang ako ng boarding house kahit ngayong gabi lang.”“I insist. Kasalanan ko ito kaya obligasyon kita.”“Baka mas lalo lang tayong pagkaguluhan at pag-usapan kapag may makakita sa atin na magkasama.”Jhonel smiled sweetly. O baka siya lang ang nakakita niyon at assuming siya.“In that case, panindigan natin ang fianceé drama.”Gustong magprotesta ni Laceyleigh, pero katulad kanina, wala siyang nagawa kundi makibagay sa pagkakataon.HEADING to Jhonel’s space, Kris Lawrence’s Kung Malaya Lang Ako hit song arises on the car’s stereo. Bagaman natangay niyon pansamanta ang pagprotesta ng puso ni Laceyleigh sa mga nangyayari ngayon sa buhay niya, ang isiping sangkot na siya sa siklo ng buhay ni Jhonel ay tila malabong maiwasan niya.Sa pagpasok niya sa buhay nito, dapat pala’y nag-isip muna siya. Naging handa. But eagerness pushed her to bump into his way. And now, they’re in real trouble, yet, she’s in the right position to do her job. Na hindi niya na pwedeng bawiin. Hindi niya dapat urungan.With the intersection of bold ideas, again, her head’s spinning into a sudden crystal clear object — her manuscript, Mickey and Ely’s significant suggestions, and, of course Akime.Para bang pinipiga ang ulo ni Laceyleigh nang magrambulan ang mga iyon sa ulo niya. Picking one decision is difficult, but she have to decide as early as possible in a step by step natural series of actions. Iyon nga lang ay tutol ang sarili niyang konsensiya kung may ibang tao man siyang matapakan. Lalo si Jhonel na walang kasalanan sa kanya.“Bakit?”Jhonel’s voice troubled her. Kahit boses nito’y hindi na rin normal sa pandinig niya. Para itong umaalon sa dibdib niya, na pumikit man siya’y makikilala niya. Isang beses man niyang narinig ay kabisado niya kaagad. Ano itong damdamin na ito?Umiling siya upang tumutol. “Don’t mind me.”“Iniisip mo pa rin ba ang nangyari sa `yo kanina? I’m sorry about that.”“Don’t blame yourself. Kasalanan ko rin dahil hindi ako naging alerto sa tumawid na lalaki.” Napalingon siya kay Jhonel na wala naman sa kanya ang tingin. Bagkus nasa tinig ang pag-aalala na hindi naitago.Don’t fall, Leigh, pagpapaalala ng isip niya.Natukso siyang pakialaman ang music stereo hanggang sa mapalitan ng isang English na kanta ang naunang isa. Naiilang siya. At hindi niya alam kung paano ang tamang kilos para magmukha siyang kampante gayong binalot siya ng kaba.“Ah, hindi mo ba nagustuhan?” puna nito na tukoy ay ang kanta ni Kris Lawrence. “Paborito ko kasi iyon,” anito.Dala ng walang maisagot, hindi kumibo si Leigh. Maganda naman talaga ang kanta kanina, paborito niya rin iyon noong sumikat ito at hindi nalalayo ang fashion style ni Jhonel sa R&B singer na si Kris Lawrence. Mula sa outfit at sa sumbrero na parehong-pareho. Ngunit hindi siya sanay makinig nang may kasama. Teka, mali. Hindi niya gusto ang nararamdaman niya. That she call it, uncomfortably? May mga lalaking nakapaligid sa kanya sa kompanya pero iba ang nararamdaman niya kapag si Jhonel ang nasa tabi niya. Paano niya ba ito ipaliliwanag?Love at first sight? Hindi siguro. Hindi siya pwedeng magmahal ng sikat na lalaki dahil alam niyang magugulo lang ang buhay niya. Na kagaya ngayon kung kailan nagsisimula na. Higit sa lahat ay hindi niya ito pwedeng mahalin. Bagay na nagpalito lalo kay Leigh.Crush? If she’s a teenage, then possible. Jhonel is attractive, talented, at may mga bagay sa pagitan nilang dalawa na halos magkapareho lang sila. Simpleng bagay na ang kape. Then admiration, perhaps? In so many ways, she felt this for Jhonel. Pero mas may malalim na hindi niya alam kung paano bibigyan ng kahulugan. Pati sa sarili ay nakararamdam si Leigh ng iritasyon.‘Kung hindi mo maipaliwanag ang pinanggagalingan ng kaba mo para sa isang tao, malamang ay nagkakaroon ka sa kanya ng atraksyon o nagsisimula ka nang magmahal.’ Muli siyang napapikit nang maalala ang sinabi ng kanyang ina. Ganoon daw ang una nitong naramdaman para sa kanyang ama.Atraksyon nga ba itong nararamdaman niya? Na pwedeng mauwi sa malalim na damdamin at pwede rin niyang mapigilan nang mas maaga. Tinutulan ni Leigh sa isip ang huling naisip.Sinulyapan niya si Jhonel sa sulok ng mga mata niya. “I don’t think this is a good idea. There’s a coffee shop ten meters away. Itabi mo na lang doon at doon ko na hihintayin ang kapatid ko.”“And do you think your idea is better than mine? Look, Lace, nasa sa atin ang atensyon ng publiko kaya hanggang sa kaya kitang iiwas sa kanila, gagawin ko.”Lace! Wow! That would be sweeter that her nickname. Pakiramdam niya’y malapit sila sa isa’t isa, dahil kay Jhonel ay may alaala siyang ayaw nang balikan ngunit kusang nanunumbalik.Lace ang panukso dati sa kanya ng ama upang gawing distraction sa tuwing naglalaro sila ng chess. And her father was more often lost against her. Sa dibdib ni Leigh, tila pinunit iyon ng kahungkagan. Recalling her father’s moments with her is still painful. She misses him. Kung buhay lang sana ito’y hindi niya maisipang mag-migrate sila sa UK at tanggapin ang tulong ng granduncle niya roon. Na hindi pa aware si Mickey hanggang ngayon.“Hindi kita pwedeng hayaan at pabayaan ngayon. Dahil alam kong hindi ka titigilan ng press. Lalo’t naging trending online ang post ko tungkol sa `yo.”Hindi siya umimik. May point ito. Pero hanggang kailan siya nito itatago? Dahil kung siya ang masusunod, gusto niya putulin ang umuusbong na damdamin niya para rito.“Saan natin susunduin ang kapatid mo?” untag ni Jhonel sa tahimik na katabi. Sa lalim ng iniisip nito ay hindi na ito umimik. Pinatay ni Jhonel ang stereo at bumaling panaka-nakang sinusulyapan ang katabi. “Lace?”Napakurap si Laceyleigh mula sa mahinang tapik ni Jhonel sa hita niya. “Ha? May sinasabi ka ba?”Hindi kaagad kumibo si Jhonel. Pero maya-maya pa, sabi niya, “Stay with me.” Sa halip ay sagot ni Jhonel. Saka niya lang naunawaan ang sinabi. Pero hindi niya rin naman binawi pa. Bahala na kung iba ang pakahulugan dito ng babae.“Anong ibig mong sabihin?” nagtatakang tanong niya.“Katulad ng sinabi ko kanina, responsibilidad kita.”Napaisip si Leigh. Iyon nga ba talaga ang rason? Gusto niyang kumbinsihin ang sarili na pinoprotektahan siya nito sa mga darating na issues na posible pa nilang kasangkutan na dalawa. Ngayon pa lamang ay dapat hindi na siya dumidikit dito. Ngunit ang ginagawa niya’y kabaliktaran ng solusyon na naiisip niya.Paano kung pareho lang din silang naggagamitan? Ginagamit siya nito para maka-recover kay Akime at ipakita rito na mabilis siyang makahanap ng kapalit nito? At siya naman ay para magkaroon ng inspirasyon upang ituloy ang sinulat niya na kay Jhonel niya nararamdamang makakamit iyon.Aminado siyang hindi maganda ang bagay na iyon subalit kung hindi niya susubukan si Jhonel ay baka tuluyan nang mawala sa kanya ang chance na baguhin ang manuscript. At mawala ang mojo niya sa pagsusulat.Kilala niya si Ely. Hindi siya kampante kahit naririnig niyang usap-usapan ng mga katrabaho niyang paboritong writer siya nito. Dahil siguradong sinadya ni Ely na i-involve si Jhonel para mas mapaganda pa ang manuscript niya. Alam nito na NBSB siya at hindi malayong nakitaan sila nito ng compatibility. Mala-fiction. Over all, what’s involve on this case is nothing but business. And money.Walang feelings? tanong ng isip niya, na tinutulan ng puso niya.Napipilan siya sandali pero unti-unti ay bumawi ng lakas ng loob para humingi ng pasensiya sa lalaki. Ito lang naman ang kaya niyang gawin sa ngayon. Alam niyang sarado ang isip ni Jhonel at hindi niya ipipilit na makipag-ayos dito ngayon. “I’m so sorry. Please forgive me.” Words sincerely escaped from her throat. Then she looked away. Kung tatagal siya sa pakikipagtitigan dito ay baka sugurin niya na lang ng yakap si Jhonel o magmakaawa siya rito. Pero mabuti na rin na hindi niya makita pa ang sakit sa mga mata nito, at mabuti pa nang hindi na rin niya nararamdaman ang pag-usig ng budhi sa kanya. Mabigat ang loob, masama ang pakiramdam at lutang na lutang si Leigh nang hindi nilinga si Jhonel at nilakad ang pintuan. “And the dinner is ready kung gusto mong maghapunan. Sana magustuhan mo ang mga niluto ko, Jhon... Jhonel.” Kahit ang totoo’y hindi iyon ang ipinagdarasal niya dahil ang dasal niya ay pagbigyan siya nitong makasalo man lang sa huling pagkakataon. Pero malabo. Ipinagtata
Narinig niya ang pagtawag muli ni Ely sa pangalan niya, kaya binalik ni Leigh sa tainga ang cellphone. Tumikhim siya para tanggalin ang anumang bumabara sa lalamunan niya. “I can’t stay in writing. I have switched my plans. At gusto kong gawin iyon habang bata pa ako. Tungkol kay Jhonel, siguro kailangan muna naming maghiwalay. We need space. Isa pa’y ayoko rin na guluhin ang career niya. Ayokong maging pabigat pa sa kanya.” Purong walang katotohanan ang mga iyon. Kailangan niya lang panindigan.Hindi niya ito narinig na nagprotesta pero alam niyang hindi ito sang-ayon sa ibang sinabi niya. Sigurado siya roon. “Alam kong nauunawaan mo ako.”Ely sighed again. “I think hindi na talaga kita ma-co-convince pa. Pero bilang kaibigan at payong pangkaibigan, ayoko sanang iwan mo ang pamangkin ko.” Hindi iyon pakiusap. Hindi rin pagmamakaawa. It’s just a matter of concern. At duda siya kung mapagbibigyan siya ni Leigh this time. Ilang beses na rin naman siyang humingi rito ng pabor at walang t
Laceyleigh played the role of a real loving wife to Jhonel; prepared the dinner nook, organized the bedroom, put the stuffs in the bathroom in their order, cleaned the tiny living room. Hanggang sa paglalaba ng ilang naitambak na damit nila ni Jhonel ay ginawa niya. Only to forget Jhonel and Akime together. The scene she had seen downstairs at the mini store remain swinging in her head. Leigh busied herself. Ngunit hindi naibsan ng pagod na nararamdaman niya mula sa natapos niyang housechores ang sakit ng nakita niya. At the moment she closed her eyes and feel the air from the air-conditioned, Leigh also ignored the rats running in her chest. At ang nakita niya kanina ay kasama sa pilit na binalewala niya. Kung may magpapaliwanag at humingi ng pasensiya, siya dapat at hindi si Jhonel. At nakapagdesisyon na siya. Lahat ng kailangan na malaman ni Jhonel ay sasabihin niya sa lalaki mamaya. “I’ll be home at nine, honey. I love you...” sabi nito kasabay ng pagtanim ng pinong halik
JHONEL smiled with a mixture of happiness and embarrassment. Matagal siya nitong tinitigan. Then he bent his head slowly. Napalunok si Leigh. But her throat didn’t respond. Pati ba naman laway niya ay sasama rin sa pagtakas ng hiya niya? This is damn! And she loved this damn feeling inside her. His hand presses the nape of her neck thoroughly na para bang sinasadya nitong maramdaman niya ang kiliti ng bawat haplos nito. Hindi niya ikakaila ang nararamdaman niya. Na kung hindi sa pagpipigil niyang huwag sumigaw ay baka kanina pa niya ginawa. In a reverse way, a sweet moan came out of her dried throat. Ramdam niya ang init ng palad nito. Ganoon din ang tumataas na ring init sa katawan niya. Then he pulled her close to him. He kissed her gently, then it suddenly became rough and hungry. Dumiin ang pagkakahawak nito sa likod ng ulo niya. Sa loob ng bibig niya, ramdam ni Leigh ang dila nitong animo’y may hinahanap doon.Kasabay niyon ang marahan na pagbaba ng isang kamay nito sa likod ni
HER confessions? Sabi na nga ba. Hindi pala nito nakalimutan ang sinabi niya over the phone earlier. Nais niyang humindi sa bahaging iyon dahil hindi naman iyon ang ikukumpisal niya dapat. But, then, she nodded her head slowly. Breathing could be a relief, so she dropped a sudden deep breath. “Y-yes. Pwede mong basahin iyon bago ko ipasa.” “No. It would be fine. Alam ko naman na maganda ang kalalabasan niyon.” Tumango si Leigh. “It’s easy for you to say it. Iiwan ko sa `yo ang kopya at basahin mo.” She rolled her eyes, seeing Jhonel shaking his head. “No whys and buts...” aniya na nagpatawa rito. “Alright,” pagsukong sagot niya. Pinaikot niya ito na nagpatili ng bahagya kay Laceyleigh. Wala ito sa expectations niya pero hindi naman kaliwa ang dalawang paa nilang dalawa para hindi ma-enjoy ang slow dance na ito. Naisip niya na kung sana ang confidence ni Jhonel ay lumipat sa kanya para umamin na rito, at para makauwi na siya. Pero sadyang humina ang loob niya pagkakita niya rito
“LACE, is there any problem?” Good point kung nahihimigan nito ang pag-aalala niya dahil iyon naman ang totoong nararamdaman niya ngayon. Consolation na ang pag-asam niyang tugma ang feelings nila. Sandali niyang inilayo ang cellphone sa kanya, saka bumuga ng hangin sa bibig. “Wala naman, Jhonel... I’m sorry to interrupt. I just...” Bago ito makapagpatuloy ay sinalo niya ang linya ni Laceyleigh. “I’ll fetch you at your house tonight. Dito na lang tayo sa place ko mag-dinner if that sounds okay to you?” Narinig niya ang paghinga ng malalim ni Leigh. At nais niyang magtanong kung ano ang ikukumpisal nito pero naisip niya rin kaagad na makapaghihintay pa ang gabi. “Sounds great. Pero huwag mo na akong sunduin. May kotse naman ako.” Bigla ay humalili sa tono ang panghihinayang. “You sure?”“Huwag ka nang mag-abala. Alam ko naman ang address mo.”“Sige, ikaw ang masusunod. So, see you later?” “Yep! See you later. And...” Leigh lost her tongue in seconds. She releases another long and