Share

Chapter 3

“F******K LIVE BROADCAST? You can’t be serious, Jhon!”

“Why not?” Tiningan niya si Tayler at tumango. “Mas magandang paraan `yon kaysa magbayad pa ako ng tao para hanapin `yong babae na `yon. I don’t want to waste money for this.”

“Hindi pa ba pagsasayang ng oras `tong ginagawa mo? At sinisira mo ang pangalan mo. Hindi ka dapat padalos-dalos.”

Somehow, Tayler was right. Pero desidido siyang ituloy ang plano.

“Hindi hahantong sa ganito kung mas maaga niyang isinauli ang bagay na hindi naman sa kanya.”

“Blame yourself for that carelessness.”

“Hindi ka nakakatulong. Mas kinakampihan mo pa ang babaeng hindi mo kaano-ano.”

“Don’t be so childish. Concern kami sa career mo. Ayaw naming mga kaibigan mo na mapahamak ka. Nasaktan ka na nga dahil kay— never mind— pagkatapos ay heto ka ngayon at parang tangang naghahabol sa babaeng hindi mo talaga kilala. What if masamang tao pala talaga `yon at binenta na pala ang singsing?”

Mukhang kailangan niyang i-apply ang second option niya. Kung tatalab, mas maganda.

Huminga muna ng malalim si Jhonel. “Nagkita kami sa sementeryo, twice. Magbabakasakali ulit akong bantayan na lang siya doon at baka’y magawi. Pero hindi ko siya natitiyempuhan sa ilang beses kong pabalik-balik doon. Ibig lang sabihin niyon, pinagtataguan niya talaga ako.”

“Get up. Sasamahan kita sa sementeryo at doon natin siya abangan. Just don’t let the public verify the rumor.”

Umiling si Jhonel. “Isang live broadcast lang, then... voila!”

Marahas na napabuga ng hangin si Tayler. Sa inis marahil kay Jhonel sa confidence nito ay hindi na nakapagpigil na magtaas ito ng boses. “Hindi! What about tanungin mo muna si Tita Ely at baka kilala niya ang babaeng `yon kung ayaw mong samahan kita sa sementeryo. There’s no harm in consulting her kaysa diyan sa padalos-dalos mong desisyon.”

“Tayler, think about this first. We’re professional singers... we influence, we inspire and sometimes we persuade people. Isang live broadcast ko lang para siyang manok na kusang lalapit sa akin—”

“At tutukain ka, ganoon?”

“At magmamakaawa siya.” Mariin `yon. “You’ll see.” Tumaas ang dalawang kilay niya, na tila siguradong-sigurado sa susunod na mangyayari.

“You’re fooling yourself. Malamang `yan ang gagawin ng karamihan sa fans natin, pero guess what? Nararamdaman kong kakaiba `tong babaeng `to. Hindi siya interesado sa `yo, o sa kasikatan ng banda natin. Pagkatapos ano? Sa gagawin mong `yan mas palalabasin mo lang na bitter ka, desperado at pinagsasamantalahan ang kasikatan. Huwag mong gagawin `to, for Godsake.”

“That’s exactly my point kaya ko `to gagawin. Papansinin ba ako ng tao kung hindi ako, tayo sikat? Will they help me to find that girl? Hindi, di ba?”

“This could lead you to a bad publicity.”

“And bad publicity is still a publicity,” giit niya.

Hindi nagpaawat sa argumento si Tayler. “Don’t do this. Masisira ang pangalan mo, pati kami madadamay sa gulong gagawin mo,” babala ni Tayler.

Bigla’y tumaas ang boses ni Jhonel. “`Yon! Lumabas din ang totoo na natatakot kang madawit ang pangalan mo rito. Problema ko `to kaya ako rin dapat ang aayos. Ayokong habang buhay na pagsisihan ang katangahan ko dahil `yon na lang ang tanging alaala ko sa nanay ko.”

This time, Jhonel was serious. And yes, he’s bitter, and desperate, and stupid!

“Eh, di hayaan mo na lang na kusang ibalik niya ang singsing sa `yo.”

“Kung gusto niyang ibalik `yon, disin sana hindi ako magkakandarapang hanapin siya. It’s been a month, Tayler, hindi pa ba sapat na panahon `yon sa taong matino? Tingin mo ba ay may balak talaga siyang isauli ang singsing?”

“Are you aftering the ring... or the girl?” Kapagkuwa’y pag-iiba ni Tayler.

“The ring, of course.” Mabilis na sumagot si Jhonel, pero aminado siya na biglang nalito ang isip niya sa bandang iyon ng tanong ni Tayler. The ring was so important to him. And that girl is, perhaps, an another story.

Kumawala ang mahinang ungol mula kay Tayler. Alam naman ni Jhonel na dismayado ang mga kaibigan niya tungkol kay Akime. May choice siya para sabihin sa mga ito ang lihim niyang relasyon kay Akime pero mas pinili niya pa rin itago `yon. Pinagsisihan niya ang kasalanan niya, sadyang hindi lang siya handa noon at heto na naman ang isang pagkakamali na pumatong sa nauna niyang pagkakamali. Feeling niya tuloy ay nandito si Tayler para i-confront siya, at hindi para tulungang solusyunan ang problema niya.

“Gago!”

Napalingon siya dahil sa pagmura ni Tayler.

“Pagkatapos kang iwan ng— noong babaeng pakakasalam mo sana ay heto ka’t maghahanap ng taong kahit ang pangalan ay hindi mo alam through online. Tsk-tsk.”

“Alam ko ang ginagawa ko, Tayler. You don’t have to confront me. Hindi mo rin ako kailangan tulungan dahil kaya ko na `to. Daig mo pa si Tita sa kadaldalan mo, sa totoo lang.” Naiinis na siya pero ramdam niyang mas nagalit si Tayler sa sinabi. Nakita niya ang paggalaw ng panga nito.

“Kunsabagay nga naman,” mapaklang ngumiti ito.

Hanggang nandito ito ay hindi talaga siya makakapag-focus sa dapat niyang gawin.

“Pero sige nga, ano’ng sasabihin mo sa broadcast mo? That you proposed to a stranger sa parehong araw pagkatapos kang hindi pakasalan ng girlfriend mo? Gusto mo yatang mag-viral sa ka-bitteran o malamang, sa katangahan.” Taliwas pa rin ito at hindi sumusuko.

“Thank you for your concern.” Nagpapahiwatig ng iwan-mo-na-ako ang tinig ni Jhonel.

“Fine. Bahala ka na sa buhay mo.” Sa wakas ay hindi na ito nakapagtimpi.

Mapakla ang ngiting sumilay sa dulo ng labi ni Jhonel, na unti-unti ring natanggal.

Humugot ng hininga si Tayler at marahan itong ibinuga. “Can’t blame you. Can’t support you this time.” Tumayo si Tayler mula sa tabi niya. At naramdaman niya ang pagtungo nito sa pintuan. And he can’t even blame him for leaving. Mas maayos pang nag-iisa siya.

“I can’t blame you for lying to us,” malamig ang boses na dugtong ni Tayler. Pagkatapos ay tumuloy na ito sa paglabas.

Jhonel swallowed hard. Then, gritted his teeth, trying to block all the emotions from his chest. Pwede iyong sumabog kapag hinayaan niyang kumawala, pero hindi niya iyon mahahayaang mangyari. Hindi pa siya handang umiyak ulit.

Napadiin ang daliri niya sa keyboard. Alam naman niyang masakit sa panig ng mga ka-banda ang pagtago niya kay Akime pero wala siyang naging ibang choice noon kundi maglihim, na lumabas na nagsinungaling siya sa mga kaibigan. Ngayon ay masama ang loob ng nga ito sa kanya. Si Tayler lang itong naglakas-loob na puntahan siya sa bahay niya, nauwi lang din pala sa hindi pagkakaunawaan.

Tumayo siya at tinungo ang kusina. Binuksan niya ang built-in cabinet at naghanap ng alak. Imbes na kumuha, sinara niya ito at kumuha na lang ng tubig sa fridge. Gusto niyang mahimasmasan. Bumalik siya sa couch at tinutukan muli ang pagta-type. Sakto rin tumunog ang cellphone niya. Mabilis niya itong kinuha nang makita ang pangalan ni Akime sa screen. Pero mas nagulat siya sa laman ng multimedia message. Napasandal siya sa headrest ng couch, bahagyang pumikit, at saka dumilat. Sa puting kisame siya nakatitig, ngunit ang isip ni Jhonel ay lumalayo na ang nararating.

Sino ka Latte girl? tanong niyang nakatitig pa rin sa kisame. Mula roon, nanumbalik ang nangyari sa kanila ni Akime, ang pag-ayaw nito sa proposal niya. At ang paghalik niya kay Latte girl. Tumigil doon ang alaala ni Jhonel, na para bang ayaw niyang isipin ang kasunod, o dahil hindi siya makahuma sa ginawa niya rito. Na gusto niyang maulit at nanggigil siya dahil wala siyang maisip na paraan para mahanap ito.

So, ano ba talaga ang after niya, ang singsing? Hindi. Matagal na niyang napagtanto na na-mi-miss niya ang malambot na labi nito. Aminado siya na madalas niyang naaalala ang nangyari noon sa sementeryo. Okupado nito ang isip niya mula nang huli silang nagkita, pero ang bagay na ito ang hindi niya kayang aminin sa sarili. Hindi `to ang dapat niyang nararamdaman. Then, ano ba ang dapat?

Tiniklop ni Jhonel ang laptop. Kapagkuwa’y binuksan ulit. Nag-type ng kung ano sa keyboard, na mabilis din na binura at nag-type ulit. This time, the message was crystal and clear. Pero ngayon pa lang ay binabayo na ng guilt ang puso niya.

“ATE Leigh, bilis!”

Pinatay ni Laceyleigh ang stove at kinuha ang tuwalya na nakasabit sa balikat niya at pinunas sa mga kamay. Laceyleigh gave Mickey an incredulous smile.

“Ate, ha?”

“Iniharap ni Mickey ang laptop sa kanya. Bahagya lang siyang sumilip at binalikan ang inihahandang breakfast.

“Hindi ka interesado?”

“Hindi.”

“Your fiancé is searching for you.”

Umiling siyang hindi makapaniwala sa narinig, at saka tumaas ang dulo ng labi. “Dahil sa singsing?” Dinampot niya ang toast bread mula sa kalan na pinag-initan niya nito. Umikot siya sa mesa pagkatapos mailapag ang plato na may lamang almusal sa tapat ni Mickey.

“Tama ka. Dahil sa singsing ang F******k post niya na kung saan ay—.” Nakanganga na tumingin si Mickey sa kanya.

“Na ano?”

“Ninakaw mo ba talaga `yon?”

“What?” Lukot ang noo niya. “Akin na!” Kinuha niya mula rito ang laptop, at saka binasa ang nakasulat sa screen.

“He’s serious,” hindi makapaniwalang wika ni Mickey.

“He’s insane!” Laceyleigh feel uncomfortable. Ito ang bagay na hindi niya matatakasan. Anumang sandali ay posibleng magkita sila. It’s been a month. Parang kanina lang na may lalaking nagsuot sa mga daliri niya ng singsing. But illusion is illusion. Lumagpas lamang siya sa limitasyon dahil iniisip niyang magkakatotoo ang laman ng ilusyon niya. Na katulad ng mga romantic relationships sa librong sinulat niya. Nagkakatuluyan din ang mga tauhan sa huli.

Pinutol niya ang takbo ng isip sa marahas na pagpilig ng ulo niya.

“Sabi ko na, eh.”

“Sabi mong ano?”

“Kasalanan mo `to. Kung hindi mo pinatulan ang kalasingan ng lalaking `yon, eh di wala ka sana sa social media ngayon. Latte girl, ha.”

“Hindi niya ako personally kilala. Hindi nila ako kilala.”

“Pero inaakusahan kang nagnakaw. Paano kung ipakulong ka niya?”

Nagkatingin sila. Pinigil niya ang kamao sa kagustuhang batukan ang kapatid. Umagang umaga’y pagdadrama pa ang kahahantungan nilang dalawa. Lumikot ang isip ni Laceyleigh. Isa lang naman ang dahilan sa eskandalong `to. Gusto siyang makita ni Jhonel, period. But what for? Ngayon ay sarili ni Laceyleigh ang gusto niyang batukan. Nag-e-expect kasi siya na baka’y nami-miss siya ni Jhonel the way she misses him. Apektado ang isip niya mula noong huli silang magkita kaya pati ang pagsusulat niya ay apektado rin. Ang tanong ngayon ay kung magpapakita ba siya sa lalaki o hindi?

“Ano, iniisip mo ba kung magpapakita ka sa kanya o patay-malisya ka na lang?”

Inirapan ni Laceyleigh ang kapatid. “You know what, kumain ka na bago pa ako mairita.” Marahas na tiniklop ang laptop.

“Huwag mo akong sinusumbatan dahil kung alam mo lang gaano ko pinagsisihan `yon.” She was lying in that case. Inverse ang depensang ginawa niya. For her sake!

Kapagkuwan ay iniba ni Mickey ang usapan pero ganoon na rin lang ang paggatong nito ng nararamdaman niyang disappointment. “I can’t believe that your manuscript was rejected...” anito kasabay ng pagsubo.

“Hindi iyon ni-reject. Gusto lang ipa-revise ni Ely sa `kin.”

“What’s wrong with the original?” Tila nagkaroon ito ng interes. At nawiwili siya kapag ganito ang mood ni Mickey. Unless na lang kung umiiral na naman ang kontrabida nitong attitude.

Tinakpan niya ng konkretong takip ang paliwanag dahil kilala niya ang kapatid. Interesado man ito’y para lang may mabigat na pwersa na ibato sa kanya pagkatapos. “May mga grammatical errors at kailangan kong mag-research pa.”

“Ano ba ang theme?” Hindi ito tumigil sa pag-usisa.

“Romance and–”

“Stop.”

Naningkit ang mga mata ni Laceyleigh. “Bakit?”

Mickey flipped his fingers across her face. Bahagya siyang napaurong. “Hindi research ang kailangan mo kundi actual romance. Paano ba naman hindi ibabalik sa `yo kung wala kang experience sa sinusulat mong romance story? Leigh, minsan kailangan mo ring lagyan ng kumpletong mga rekado ang sinusulat mo. For example, kapag nagsulat ka ng horror story ay kailangan hindi ka lang unique at imaginative. Kailangan mong takutin ang readers. Dapat din ay hindi ka lang manonood ng movies, kailangan mo ring ma-experience mismo ang mga creepy moments sa sinusulat mo.”

“Are you suggesting na mag-boyfriend ako?”

Mickey smiled boldly. “Kung kinakailangan...”

“Ang dami mong sinabi, Mickey. Alam mo ba ang pinaka-creepy na bagay sa mundo?”

Hindi ito sumagot at tumitig sa kanya. Naghihintay ng sasabihin niya. “Love,” mahaba at nakakatakot na bulong ni Laceyleigh na sinadyang idukwang ang mukha sa kapatid.

“Creepy mo,” ingos ni Mickey.

“And if you’ll wanna know the reasons, I prepared a bunch of reasons pero iyon ay kung hindi ka pa late sa audition mo.” Tinaasan niya ito ng isang kilay pagkatapos ay kinagat ang hotdog sausage.

Michael look keenly at her. Marahas nitong isinubo ang huling hiwa ng toast bread nang mapansin ang oras sa wristwatch. “You witch!” mura nitong nagpangisi sa kanya.

“It’s better late than never! And you looked pale, Mickey.” Sa biro niya idinadaan ang distraction kay Mickey sa tuwing nagpa-panic ito.

Magkakaroon ito ng audition sa isang musical theatre sa Manila. At ngayon ang panghuling batch, so kapag hindi umabot si Mickey ay kailangan nitong bumalik sa probinsya. At maiiwan na naman siyang mag-isa sa bahay niyang ito. That brought sadness to her. Pero sa isang banda, malakas ang sex appeal ni Mickey at may talento ito kaya malakas din ang tiwala niya rito.

Mahinang tumawa si Leigh nang iwan siya nito. “You only have ten minutes left...” habol niyang sigaw. And Mickey took her jokes seriously.

“Shut up! Kapag hindi ako na-save ng luma mong sasakyan, iiwan ko `to sa talyer at ibenta!” Nakita niya ang paglabas ni Mickey sa silid nito. At maagap siyang sumunod.

“Good luck, baby boy!” Tumatawa na kumaway siya rito.

“Hindi iyan magkakaroon ng sense, Leigh. But thanks. Bye!” Michael responded at her.

Nang mawala na sa paningin niya ang sasakyan ay bahagya niyang isinandal ang likod sa dahon ng pinto. She’s turning twenty-six this year at sa pagpapalit din ng numero sa edad niya ay ang pagiging agresibo niyang maranasan ang magmahal at mahalin, sa unang pagkakataon.

Pero sino ba ang nagsabi na hindi siya makagagawa ng bagong romance story kahit wala siyang boyfriend? Nagawa niya na ito noon, magagawa niya ulit ngayon. Magagawa niya with or without Jhonel. Inirapan ni Laceyleigh ang sarili. Ano ba naman kasi ang kinalaman ni Jhonel sa sinusulat niya? Simple. They kissed. At ngayo’y tinawag siyang magnanakaw. Ano, aakusahan din ba siyang magnanakaw ng halik ni Jhonel?

IT’s about three o’clock in the afternoon when Laceyleigh reached the cemetery. Bukod sa traffic ay nahirapan din siyang makahanap ng bakanteng taxi. Magkasunod ang puntod ng mga magulang niya. Una niyang sinindihan ang kandila sa ibabaw ng puntod ng ina, kagaya ng nakasanayan.

She held her emotions. Kung sa araw-araw na narito siya ay gumagaan ang pakiramdam niya, ngayon ay tila dinudurog ang puso niya. Kanina lang nang nasa loob siya ng taxi ay na-realize niyang makipagkita kay Jhonel para sabihin dito ang totoo. Para mapanatag ang pamimigat ng loob niya ay inuna niya ang dumalaw sa sementeryo and talk to her parents.

“Nasa audition po si bunso. At alam kong kung naririto lang kayo ay isa kayo sa papalakpak sa success niya. Pero hindi po iyon ang rason kung bakit ako nag-i-speech na naman dito...” She knelt beside her mother’s tomb. “It’s about someone, ‘Ma, na nalagay ko sa alanganin. Or let’s just say na nagipit lang ako dahil naawa ako,” pinagtawanan niya pagkatapos ang sarili. “I was awful, wasn’t I, ‘Ma?”

“Gusto ko lang po ipaalam sa inyo ni Papa na anuman ang kahihinatnan ng pinasok kong gulo ay manatili kayong bantayan ako. Kung posibleng ibulong ninyo sa `kin na mali ang ginagawa ko’y ayos lang.” Nilinga ni Laceyleigh ang paligid nang maramdaman ang mga matang nakatitig sa kanya.

Mangilan-ngilan lamang ang tao roon at wala siyang nakitang sa kanya ang atensyon. Sa halip, tumayo siya at nagpaalam sa mga magulang. “I love you, two. I and Mickey missed you. Gabayan po ninyo si bunso...” Ngayo’y nawala ang bumarang takot at pag-aalinlangan na kanina lang ay nalikom sa dibdib niya. And she’s confident now.

“Heading home?”

Narinig niya ang nagsalitang lalaki mula sa kanyang likuran pero hindi ito pinansin ni Laceyleigh at nagpatuloy sa paglakad.

“Fianceé...” tawag muli nito na nagpalingon sa kanya. Ibinaba nito ang shades hanggang sa tungki ng ilong. At mabagal ang paghakbang patungo sa kanya. “Are you going home? Ihahatid na kita. Saan ba ang inyo?”

Tatakbo ba siya palapit dito o tatakbo palayo? Walang mahanap na alibi si Laceyleigh. Maliliit ang hakbang ni Jhonel, na sinasabayan ng malakas na pagbayo sa dibdib niya. Alin ba siya kinakabahan, sa presensiya nito dahil sa wakas ay nagkita sila o dahil sa pagkakalat nitong magnanakaw siya? Kahapon lang ang F******k post. Ngayon ay tila pinagtagpo sila dahil doon. Kung sa loob ng isang buwan ay tiniis niyang hindi dalawin ang mga magulang sa sementeryo para makaiwas kay Jhonel ay heto sila ngayon, na para bang ipinagkanulo ng pagkakataon.

Hindi siya nagpahalatang nagulat.

“Ikaw pala.”

“Ako nga.”

Silly para magkumustahan sila. Wala rin naman yatang intensiyon si Jhonel na kumustahin siya. Maliban sa singsing nito ay wala na itong kailangan sa kanya.

“About the ring,” panimula ni Laceyleigh. “Ibabalik ko `yon sa `yo.”

“Pinagtataguan mo ba ako?”

“Busy ako.”

“Busy rin naman ako pero araw-araw akong pumupunta rito para makita ka. I mean, para mabawi ang singsing.”

“You were drunk when you gave me that ring.”

“Mas klaro ang isip ng tao kapag lasing kaya naaalala ko ang nangyari ng gabing `yon. You don’t have to remind me that I was drunk.”

“And heartbroken,” dugtong ni Laceyleigh. Nakita niya ang pagdilim ng mukha ni Jhonel, but he manage to ignore it.

Pinag-krus niya ang mga braso sa gitna ng dibdib. “Ngayon nama’y desperado.”

Umangat ang dulo ng labi ni Jhonel. The evil was smiling na nagpangitngit kay Laceyleigh. Lumapit ito sa kanya. Ang hindi inaasahan ni Laceyleigh ay nang idukwang ni Jhonel ang mukha at halikan siya. Hindi mabilis, kundi marahas. Halos habulin niya ang hininga nang pakawalan siya ni Jhonel.

“You spit another bad words and you get what you deserved.”

Hinagis ni Jhonel ang susi ng kotse nito na good timing at nasalo niya.

“Where to?”

Humarap ito sa kanya pero pagkatapos ay lumakad paatras. “Where the ring is.”

Ganoon ba talaga siya katanga? Kunsabagay, hindi naman talaga niya dinadala ang singsing. Mula noong gabing `yon ay tinago niya ang engagement ring sa pag-aalalang mawala niya ito. At never niyang in-expect na umabot sa ganito. Dapat pala’y mas inagahan niya ang pagsauli niyon.

“Ayaw mong dalhin mo ako sa inyo para maisauli mo ang singsing?”

“Good question. Ayoko! I mean, isasauli ko ang singsing pero hindi ka sasama sa amin.”

“Amin?”

Ayaw sanang bigyan ng kahulugan ni Laceyleigh ang reaksiyon nito pero mahahalata na parang may pinaghalong lungkot at confusion sa anyo ni Jhonel. Baka iniisip nitong ang tinutukoy niyang ‘amin’ ay baka asawa niya o boyfriend.

“A-are you in a relationship?”

Tama ang hinala ni Laceyleigh. Pumasok ang kapilyuhan sa isip niya. Iyon lang, katotohanan ang lumabas sa bibig niya.

“Kapatid ko ang kasama ko sa bahay. Ayokong malaman niya ang tungkol sa nangyari.” Nagsinungaling pa talaga siya huwag lang itong magpumilit.

“There’s still one thing you can do for me.”

Kabisado na ni Laceyleigh ang bawat ngiti ng tao at pinaghalong inis at pang-iinsulto ang naka-plaster sa mukha ni Jhonel.

Kumunot ang noo niya at hindi iyon natatanggal kahit nakangiti ito sa kanya. “Anything that I can do.” Ginaya niya ang paghagis nito ng susi na dumapo sa kandungan nito sa halip na saluhin.

“Makikipag-date ka sa `kin ng isang buwan, kabayaran ng isang buwan nang pagtatago mo sa `kin” Iyon ang pumigil sa pag-withdraw niya. “You stole the ring, kaya kailangan mong bayaran `yong pagod at stress ko sa kaiisip kung saan kita hahanapin para mabawi `yon.”

Hangin ng galit at insulto ang hinigop at ibinuga ni Laceyleigh bago bumalik sa tapat nito. “Excuse me? Hindi ko ninakaw ang singsing. Kusa mo `yong pinasuot sa `kin. Ganyan ka ba talaga ka-des—” Hindi niya iyon itinuloy.

“Yes, I am so desperate to kiss you again.”

Napalunok nang marahas si Laceyleigh. Sa pagkakataong ito, hindi niya hahayaan ang lalaking ito na basta-basta na lang siyang hinahalikan pagkatapos ay iniiwan nang biglaan ang mga labi niya. If Jhonel insisted it again, sisiguraduhin niyang ito naman ang hahabol sa labi niya.

“Date? Or drive?”

Itutuloy...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status