مشاركة

Kabanata 115

مؤلف: Jyestha Writes
last update تاريخ النشر: 2026-05-04 20:02:07

“Aalis ka na ba talaga? Hindi mo man lang ba ako hihintayin makapagtapos?”

Nakatayo si Arissa sa tapat ng check-in counter, bitbit ang kaniyang mga maleta. Hindi na namin tinago pa sa publiko ang katotohanan. Naglabas ng statement si Arissa tungkol sa pagkansela ng kasal nila ni Easton at suporta na iniaabot niya sa amin.

Hinarap niya ako nang may bahagyang pagngisi, iyong tipong nang-aasar pa rin kahit papaalis na. “Eloisa, kailangan ko ring mag-level up. Boring na rito sa Manila, lahat ng h
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 117

    Ang gabing iyon ay hindi tungkol sa malalaking party o magarbo na selebrasyon sa labas. Pagkauwi namin sa mansyon, isang simpleng dinner lang ang pinahanda ko kay Manang Evy. Para sa ‘kin, ito na ang pinakamagarbong selebrasyon sa buong mundo dahil kasama ko lahat ng mga mahal ko sa buhay.“So, Eloisa, ngayong graduate ka na, ano nang sunod mong plano?” untag ni Mama habang inaabutan ako ng paborito kong dessert na buko pandan. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “Focus muna ako sa Board Exams, Ma. Gusto kong maging licensed Psychometrician. Ayaw kong masayang 'yung paghihirap natin, lalo na 'yung pagbuhat sa akin nina Drake sa thesis. Baka sa susunod na linggo na po muna ako mag simula mag-review.”“Narinig mo ‘yon, Easton ha?” Singit ni Grandpa at matalas ang tingin kay Easton na nakaupo sa tabi ko. “Ayoko pang maging lolo sa tuhod. Huwag mo munang pakikialaman ang apo ko.” “Dad naman, bakit pakiramdam mo ay ayaw mo pa akong mag asawa?” nakangusong wika ni Easton. “Hindi ba dapat

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 116

    Pagbaba ko ng stage bitbit ang aking diploma, sinalubong agad ako ng malalakas na hiyaw na mas maingay pa sa palakpak ng buong batch.“We are so proud of you, Eloise. You survived the war.” Agad na lumapit si Trisha sa ‘kin at niyakap ako nang mahigpit. “And you did it with grace,” dagdag ni Krisha na nag-abot sa akin ng isang boquet ng paborito kong bulaklak.Napaiyak na naman ako, pero sa pagkakataong ito, dahil ito sa saya. Sila ang mga kaibigang hindi bumitaw sa akin noong panahong halos lahat ay nakatalikod. Sila ang nakipag-away para sa akin sa mga hallway ng university at sila ang naging takbuhan ko tuwing gabi kapag hindi ko na kaya ang pressure.“Group hug!” aya ni Drake, kaya kaagad kaming nagkumpulan sa gitna. Nagreklamo pa kami nang sabay-sabay dahil talagang pilit kaming isinisiksik ni Drake sa kaniyang dambuhalang yakap.“Huy, Drake! Maawa ka naman sa buhok ko, kakapa-plantsa ko lang nito!” reklamo ni Trisha habang pilit na kumakawala, pero tumatawa rin naman.“Gaga ka,

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 115

    “Aalis ka na ba talaga? Hindi mo man lang ba ako hihintayin makapagtapos?” Nakatayo si Arissa sa tapat ng check-in counter, bitbit ang kaniyang mga maleta. Hindi na namin tinago pa sa publiko ang katotohanan. Naglabas ng statement si Arissa tungkol sa pagkansela ng kasal nila ni Easton at suporta na iniaabot niya sa amin. Hinarap niya ako nang may bahagyang pagngisi, iyong tipong nang-aasar pa rin kahit papaalis na. “Eloisa, kailangan ko ring mag-level up. Boring na rito sa Manila, lahat ng hot na guys ay taken na o kaya naman ay kadugo mo,” biro niya kaya kanina pa hindi matuloy-tuloy ang luha ko.Tumingin siya kay Easton at tinapik ito sa balikat. “Hoy, Easton. Alagaan mo ‘yang girlfriend mo, ‘di hamak na mas grabe ang dinadanas nito kaysa sa ‘yo. Alam mong crush kita dahil matalino at gwapo ka, pero iba ang tingin niyan sa ‘yo. Huwag na huwag mo siyang pababayaan, kundi babalik ako rito para bawiin ang shares ko sa kumpanya.”Natawa nang bahagya si Easton, bakas ang pasasalamat s

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 114

    Habang mabilis na kumakalat ang balita sa social media at malamang sa West Crestfall University, tanging isang lugar lang ang alam naming kailangan naming puntahan kaya hindi na kami nagpalipas pa ng ilang araw ay umalis na kami ng Manila.Kinabukasan lang pagtapos ng Gala ay kumalat na lahat ng ebidensya na hawak ni Blair tungkol sa relasyon nami ni Easton. It was just a bunch of blurred photos of us eating dinner outside and going for a walk kaya hati ang opinyon ng mga tao. Pero hindi ‘yon ang importante sa ‘min. Mas importante ang iisipin ng taong pupuntahan namin ngayon.“Grandpa.”Pagbaba namin ng sasakyan, sinalubong kami ng malamig na simoy ng hangin at ang amoy ng lupa ng probinsya. Taliwas sa magulong ingay ng Manila, dito ay tanging huni lamang ng mga kuliglig ang maririnig. Si Grandpa ay nakaupo lang sa kubo habang nakamasid sa paligid. Sa taas ng kaniyang lamesa ay nakalagay ang tablet na ginagamit niya sa trabaho noon. Alam ko ang nakabukas doon. Alam ko kung anong bali

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 113

    Sa isang iglap, namatay ang lahat ng ilaw sa ballroom maliban sa dambuhalang projector screen sa gitna ng entablado. Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa paligid, ang mga tao ay may kaniya-kaniyang binubulong sa kanilang mga katabi bago pa umalingawngaw ang isang pamilyar na boses sa screen.Si Blair. “Eloisa Concepcion must be eliminated at all costs. Siguraduhin niyo na walang matitira kahit abo ni Eloisa. I want her gone before the gala starts.”Nanlaki ang mga mata ng mga bisita. Ang ilang investors ay napaatras palayo kay Blair habang ang mga flash ng camera ay sunod-sunod na nag-flash sa mukha mismo ni Blair na ngayo’y hindi mapinta. Napakapit si Blair sa braso ni Papa, pero maging ang sarili kong ama ay dahan-dahang bumitaw sa kaniya, ang mukha ay puno ng pandidiri at takot.“That’s… that’s not true! Everything’s fabricated!” Blair tried to defend herself. Hinawakan niya ang kaniyang tiyan at hinimas. “Buntis ako. Hindi ko na maiisip ang ganoong bagay dahil ang iniis

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 112

    Huminga ako nang malalim habang tinitingnan ang sarili ko sa huling pagkakataon bago kami makarating sa venue. I was wearing a black silk gown that hugged my curves perfectly, paired with the diamonds Easton gave me. Nag abala pa si Arissa na tumawag ng hairstylist at makeup artist para ayusan ako. “Hindi ka na ba talaga sasama sa ‘min?” tanong ko kay Arissa na nasa harapan ng sasakyan habang magkatabi naman kami ni Easton dito sa likod.Umiling siya habang nakatingin sa akin mula sa rearview mirror. “This is your moment. Hindi na ako bababa at baka magtaka pa sila kung bakit hindi kami magkasama ni Easton. Mas magiging epektibo ang pagsabog sa loob kung wala ang ‘fiancée’ na nakabuntot sa kaniya. Go out there and claim what’s yours.”Huminga ako nang malalim. Naramdaman ko ang mainit na palad ni Easton na humawak sa aking kamay. Suot niya ang kaniyang tuxedo na lalong nagpadagdag sa kaniyang kisig. “Ready, baby?” Ang ngiti niya ay punong puno ng lambing at determinasyon. "Ready,"

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 91

    Naikuyom ko na lang ang palad ko habang lumilipas ang oras. Ayaw ko pakinggan lahat ng sinasabi ni Lukas sa ‘kin pero malapit na akong maniwala lalo na’t lagpas isang oras na ang nakalipas simula nang tawag namin ni Easton. Nandito pa rin kami ni Lukas sa salas, lumabas na rin sila Manang Evy at M

    last updateآخر تحديث : 2026-04-02
  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 88

    Nanginginig man ang mga kamay, sinagot ko ang tawag ni Easton.“Easton…”Naghintay ako ng ilang sandali para marinig ang kaniyang boses ngunit nanatiling tahimik ang kabilang linya. Tinignan ko pa ulit ang screen para i-check kung nasagot ko ba ang tawag. Kumunot ang aking noo dahil ongoing pa nama

    last updateآخر تحديث : 2026-04-02
  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 89

    “Anak, nandito ka na pala.”Humarap silang dalawa sa ‘kin at mas lalo lang lumawak ang ngiti ni Lukas habang nakatalikod si Mama sa kaniya. Nilagay pa niya ang kaniyang daliri sa kaniyang bibig na parang sinasabi na huwag akong gumawa ng kahit ano at manatiling tahimik.Hindi ko alam kung anong kas

    last updateآخر تحديث : 2026-04-02
  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 85

    “Sis, wala pa naman tayong quiz at exam ah? Bakit kanina ka pa basa ng basa dyan?” Kanina pa ako nakatutok sa notes ko habang ang ipad ko naman ay nasa harap ko. Ang totoo ay kabisado ko na nga lahat ng aking mga binabasa dahil kagabi pa ako nababad dito. Ito lang kasi ang napili kong paraan para

    last updateآخر تحديث : 2026-04-01
فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status