تسجيل الدخولAng gabing iyon ay hindi tungkol sa malalaking party o magarbo na selebrasyon sa labas. Pagkauwi namin sa mansyon, isang simpleng dinner lang ang pinahanda ko kay Manang Evy. Para sa ‘kin, ito na ang pinakamagarbong selebrasyon sa buong mundo dahil kasama ko lahat ng mga mahal ko sa buhay.“So, Eloisa, ngayong graduate ka na, ano nang sunod mong plano?” untag ni Mama habang inaabutan ako ng paborito kong dessert na buko pandan. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “Focus muna ako sa Board Exams, Ma. Gusto kong maging licensed Psychometrician. Ayaw kong masayang 'yung paghihirap natin, lalo na 'yung pagbuhat sa akin nina Drake sa thesis. Baka sa susunod na linggo na po muna ako mag simula mag-review.”“Narinig mo ‘yon, Easton ha?” Singit ni Grandpa at matalas ang tingin kay Easton na nakaupo sa tabi ko. “Ayoko pang maging lolo sa tuhod. Huwag mo munang pakikialaman ang apo ko.” “Dad naman, bakit pakiramdam mo ay ayaw mo pa akong mag asawa?” nakangusong wika ni Easton. “Hindi ba dapat
Pagbaba ko ng stage bitbit ang aking diploma, sinalubong agad ako ng malalakas na hiyaw na mas maingay pa sa palakpak ng buong batch.“We are so proud of you, Eloise. You survived the war.” Agad na lumapit si Trisha sa ‘kin at niyakap ako nang mahigpit. “And you did it with grace,” dagdag ni Krisha na nag-abot sa akin ng isang boquet ng paborito kong bulaklak.Napaiyak na naman ako, pero sa pagkakataong ito, dahil ito sa saya. Sila ang mga kaibigang hindi bumitaw sa akin noong panahong halos lahat ay nakatalikod. Sila ang nakipag-away para sa akin sa mga hallway ng university at sila ang naging takbuhan ko tuwing gabi kapag hindi ko na kaya ang pressure.“Group hug!” aya ni Drake, kaya kaagad kaming nagkumpulan sa gitna. Nagreklamo pa kami nang sabay-sabay dahil talagang pilit kaming isinisiksik ni Drake sa kaniyang dambuhalang yakap.“Huy, Drake! Maawa ka naman sa buhok ko, kakapa-plantsa ko lang nito!” reklamo ni Trisha habang pilit na kumakawala, pero tumatawa rin naman.“Gaga ka,
“Aalis ka na ba talaga? Hindi mo man lang ba ako hihintayin makapagtapos?” Nakatayo si Arissa sa tapat ng check-in counter, bitbit ang kaniyang mga maleta. Hindi na namin tinago pa sa publiko ang katotohanan. Naglabas ng statement si Arissa tungkol sa pagkansela ng kasal nila ni Easton at suporta na iniaabot niya sa amin. Hinarap niya ako nang may bahagyang pagngisi, iyong tipong nang-aasar pa rin kahit papaalis na. “Eloisa, kailangan ko ring mag-level up. Boring na rito sa Manila, lahat ng hot na guys ay taken na o kaya naman ay kadugo mo,” biro niya kaya kanina pa hindi matuloy-tuloy ang luha ko.Tumingin siya kay Easton at tinapik ito sa balikat. “Hoy, Easton. Alagaan mo ‘yang girlfriend mo, ‘di hamak na mas grabe ang dinadanas nito kaysa sa ‘yo. Alam mong crush kita dahil matalino at gwapo ka, pero iba ang tingin niyan sa ‘yo. Huwag na huwag mo siyang pababayaan, kundi babalik ako rito para bawiin ang shares ko sa kumpanya.”Natawa nang bahagya si Easton, bakas ang pasasalamat s
Habang mabilis na kumakalat ang balita sa social media at malamang sa West Crestfall University, tanging isang lugar lang ang alam naming kailangan naming puntahan kaya hindi na kami nagpalipas pa ng ilang araw ay umalis na kami ng Manila.Kinabukasan lang pagtapos ng Gala ay kumalat na lahat ng ebidensya na hawak ni Blair tungkol sa relasyon nami ni Easton. It was just a bunch of blurred photos of us eating dinner outside and going for a walk kaya hati ang opinyon ng mga tao. Pero hindi ‘yon ang importante sa ‘min. Mas importante ang iisipin ng taong pupuntahan namin ngayon.“Grandpa.”Pagbaba namin ng sasakyan, sinalubong kami ng malamig na simoy ng hangin at ang amoy ng lupa ng probinsya. Taliwas sa magulong ingay ng Manila, dito ay tanging huni lamang ng mga kuliglig ang maririnig. Si Grandpa ay nakaupo lang sa kubo habang nakamasid sa paligid. Sa taas ng kaniyang lamesa ay nakalagay ang tablet na ginagamit niya sa trabaho noon. Alam ko ang nakabukas doon. Alam ko kung anong bali
Sa isang iglap, namatay ang lahat ng ilaw sa ballroom maliban sa dambuhalang projector screen sa gitna ng entablado. Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa paligid, ang mga tao ay may kaniya-kaniyang binubulong sa kanilang mga katabi bago pa umalingawngaw ang isang pamilyar na boses sa screen.Si Blair. “Eloisa Concepcion must be eliminated at all costs. Siguraduhin niyo na walang matitira kahit abo ni Eloisa. I want her gone before the gala starts.”Nanlaki ang mga mata ng mga bisita. Ang ilang investors ay napaatras palayo kay Blair habang ang mga flash ng camera ay sunod-sunod na nag-flash sa mukha mismo ni Blair na ngayo’y hindi mapinta. Napakapit si Blair sa braso ni Papa, pero maging ang sarili kong ama ay dahan-dahang bumitaw sa kaniya, ang mukha ay puno ng pandidiri at takot.“That’s… that’s not true! Everything’s fabricated!” Blair tried to defend herself. Hinawakan niya ang kaniyang tiyan at hinimas. “Buntis ako. Hindi ko na maiisip ang ganoong bagay dahil ang iniis
Huminga ako nang malalim habang tinitingnan ang sarili ko sa huling pagkakataon bago kami makarating sa venue. I was wearing a black silk gown that hugged my curves perfectly, paired with the diamonds Easton gave me. Nag abala pa si Arissa na tumawag ng hairstylist at makeup artist para ayusan ako. “Hindi ka na ba talaga sasama sa ‘min?” tanong ko kay Arissa na nasa harapan ng sasakyan habang magkatabi naman kami ni Easton dito sa likod.Umiling siya habang nakatingin sa akin mula sa rearview mirror. “This is your moment. Hindi na ako bababa at baka magtaka pa sila kung bakit hindi kami magkasama ni Easton. Mas magiging epektibo ang pagsabog sa loob kung wala ang ‘fiancée’ na nakabuntot sa kaniya. Go out there and claim what’s yours.”Huminga ako nang malalim. Naramdaman ko ang mainit na palad ni Easton na humawak sa aking kamay. Suot niya ang kaniyang tuxedo na lalong nagpadagdag sa kaniyang kisig. “Ready, baby?” Ang ngiti niya ay punong puno ng lambing at determinasyon. "Ready,"
“Tinuon ko lahat ng oras ko para sa sarili ko at wala akong tinapakang tao habang ginagawa ‘yon. Hindi ako naniniwalang may ibang tao pa ang gagawa nito sa ‘kin.” ‘Yon ang huling sinabi ko kay Arissa bago dumating ang waiter at nilapag ang mga order namin sa table. Ngunit kung titignan ang kaniyan
Natapos ang klase at wala pa rin tigil ang tingin ng mga estudyante sa ‘kin. May mga nagbubulungan kapag nakita ako, may mga biglang natatahimik kapag napapalingon ako, at ang ilan pa ay kunwaring abala sa cellphone kahit obvious naman na curious sa mukha ko. Nakakapagtaka lang at hindi pa ako pin
Hindi ko aakalaing aabot ako sa ganitong pagkakataon. Pero kung gusto kong kumilos at protektahan ang sarili ko pati na rin ang mga taong importante sa aking buhay, tama lang itong gagawin ko.Kahit pa may bodyguard kami palagi sa bahay, iba pa rin kung may mga taong magpapanggap na simpleng tao la
“Bakit mo pa ako pinuntahan dito, Lukas?” Kung maririnig ito ng ibang tao, iisipin lang nila na nangangamusta lang din ako sa isang kaibigan na matagal ko nang hindi nakikita. Dumadaan din kasi sila Manang Evy dito sa salas kaya hindi diretsuhan ang aking tanong. Kaharap ko ngayon si Lukas, hindi







