Share

Kabanata 57

last update Petsa ng paglalathala: 2025-12-22 22:51:01

“Gusto niyo maglabasan tayo ng baho dito? Pwes, sisimulan ko!”

Tinuro ko ang lalaki kanina na tumakbo pa para lang ipikita sa iba ang litrato. Lumaki pa kaniyang mga mata nang mapunta sa kaniya lahat ng atensyon.

“Ikaw, Gab! No’ng nagbebenta ka pa ng mga kakanin at tinapay para may pambayad ka ng examination fee, sino laging sumasama sa ‘yo para maubos lahat?”

Kaagad lumayo ang kaniyang tingin at kumamot-kamot sa kaniyang ulo. Mapait ang aking tawa na pinakawalan at tinuon naman ang atensyon
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 130

    Pagmulat ng aking mga mata, ang unang sumalubong sa akin ay ang bakanteng espasyo sa sahig. Tanging ang maayos na nakatuping jacket ni Easton ang naiwan doon. Mukhang maagang gumising si Easton para tulungan ang kaniyang magulang sa gawain nila.Ramdam ko pa rin ang bahagyang pagod mula sa matinding puyat sa board exam, ngunit ang malamig at preskong simoy ng umaga sa probinsya ay tila nagbigay ng bagong sigla sa aking buong katawan. Kinuha ko ang panali na palagi kong suot sa braso ko at tinalian ang aking buhok pataas bago tahimik na lumabas ng kwarto.Nadatnan ko si Nanay Melie sa maliit nilang kusina sa likod-bahay na yari sa kawayan at pawid at nagsasangag ng kanin. Katabi niya si Easton habang abala sa pagpaypay ng apoy sa ibabaw ng uling habang nagpiprito ng tuyo.“Magandang umaga po, Nay,” nakangiti kong bati habang dahan-dahang lumalapit sa kanila.Mabilis na napalingon si Nanay Melie, at agad na tumigil sa kaniyang ginagawa habang bakas ang gulat at pag-aalala sa kaniyang ma

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 129

    Pagkatapos ng hapunan at nang mailigpit ang mga pinagkainan, iginaya kami ni Nanay Melie patungo sa nag-iisang maliit na silid sa dulo ng bahay. Ang kwarto ay may dingding na luma ngunit matibay na kahoy, isang maliit na bintanang nakabukas para pumasok ang simoy ng hangin sa probinsya, at isang solong papag na may nakalatag na malinis na banig at dalawang kupasing unan.“Pasensya na kayo, ha? Ito lang talaga ang kwarto na maayos-ayos dito,” nahihiyang saad ni Nanay Melie habang pinapagpagan pa ang gilid ng banig. Tumingin siya sa amin ni Easton, bakas ang pag-aalangan sa kaniyang mukha. “Pwede pa naman kayo umuwi sa bahay ni Don Concepcion. Maliwanag pa ang daan kaysa naman dito kayo magsisiksikan sa maliit at mainit naming kwarto. Nako! Lalo na ikaw Eloisa, baka hindi ka makatulog nang maayos pagkatapos ng exam mo dahil maingay at walang aircon dito.”Naramdaman ko ang bahagyang pagbaba ng balikat ni Easton sa tabi ko, tila ba nasaktan siya para sa kaniyang ina na kailangan pang ma

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 128

    Gaya ng pangako ni Easton, hindi ko kailangan kabahan. Pagtapak pa lang namin sa loob ng maliit ngunit napakalinis nilang tahanan, isang mainit na yakap agad ang isinalubong sa amin ng kaniyang ina. Walang sinuman sa kanilang mag asawa ang nanghusga sa aking itsura ngayon. Kitang-kita sa mga mata ng kaniyang pamilya ang purong pasasalamat dahil sa wakas ay kasama na nila ang anak na matagal na nawalay sa kanila.Sobrang gaan lang ng aming pag uusap na para bang matagal na namin sila nakakasama. Napagkaalaman ko na ang pangalan ng kaniyang tunay na magulang ay sila Tatay Eduardo at Nanay Melie, hindi na sila nag anak pa ulit dala ng kahirapan sa buhay. Namumuhay sila sa paglilinis ng mga bote na ginagawang lalagyanan ng suka. Sa kabila ng mabigat na trabahong ito na bakas sa magagaspang at may mga hiwa nilang palad, walang bakas ng pait sa kanilang mga mukha.“Ang sabi ko nga dito sa asawa ko ay lalaking g’wapo at matalino itong anak namin na mana sa ‘kin!” Turan ni Nanay Melie, sabay

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 127

    "Where are we?” tanong ko nang mapansin ko nasa isang liblib na lugar kami.Pinasadahan ko ng tingin ang labas ng bintana. Wala na ang nagtataasang mga gusali ng Maynila at ang trapik na madalas naming nasasalubong tuwing ganitong oras ay napalitan na ng mga naglalakihang puno at madilim at medyo matitirik na daan.Lumingon sa akin si Easton. Seryoso ang kaniyang mukha, ngunit may bakas ng labis na pananabik at malalim na emosyon sa kaniyang mga mata habang dahan-dahang itinigil ang kotse sa tapat ng isang simpleng gate ng isang tahimik na bahay.“Somewhere where you’ll fully get to know me,” makahulugan niyang tugon sabay patay sa makina ng sasakyan.Humarap siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. Nalilito ako sa kaniyang sinabi. Hindi na lang niya kasi sinabi ng direkta para hindi na nag-iisip pa ang pagod kong utak. Itong si Easton, iba rin mag isip ‘e.Doon pa lang dahan-dahang nag-sink in sa akin ang lahat. Ang pagkalito ko ay napalitan ng isang malaking realization. Tum

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 126

    "Time is up! Pass your papers to the front," deklara ng proctor.Isang sabay-sabay na malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng buong silid. Kasabay ng pagtayo ko mula sa upuan ay ang pakiramdam na tila may malaking tinik na nabunot sa dibdib ko. Sa wakas. Tapos na ang board exam. Tapos na ang tatlong buwang paghihirap.Pagkalabas ko pa lang ng testing room, agad kong nakasubong sa hallway sina Trisha, Krisha, at Drake. Halata sa mga mukha namin ang matinding puyat at pagod, pero mabilis iyong napalitan ng malalaking ngiti nang magkaabot-abot ang mga tingin namin."Anak ng tokwa, natapos din natin!" ‘Di mapigilan na ekspresyon ni Trisha habang nag iinat ng katawan. “Mukhang kailangan kong dumaan ng simbahan mamaya at iaalay ko na lang kay Lord ‘yong mga ibang questions na hindi ko na nasagutan.”Sa totoo lang, kahit ako ay hindi sigurado sa mga sagot ko. Natapos ko naman lahat pero parang inihula ko na lang ang natitirang kalahati dahil sa lutang kong utak.“Kaninang Psych Assessm

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 125

    Dapat ay nagpapahinga na ako. Pero heto ako, nakatitig sa kisame ng kwarto ko at hindi man lang dalawin ng antok. Gustong-gusto kong pukpukin ang ulo ko sa pader para lang tumigil ang utak ko sa pagtakbo, dahil sa bawat segundong lumilipas, pakiramdam ko ay lalo ko lang nakakalimutan ang lahat ng inaral ko.Bukas na bukas ay mag sisimula na ang board exam na tatlong buwan kong pinaghandaan. Tatlong buwan ng puyat, iyak, at halos mabaliw na utak, lahat iyon ay nakasalalay sa kung ano ang isasagot ko bukas.Tatlong buwan na rin nang huli kong makasama si Easton nang personal. Sa mga sandaling gumuho ang sistema ko sa takot, ang yakap at presensya lang niya ang tanging nakakapagpatahimik sa akin. Gustong-gusto ko siyang makasama ngayon. Sana ay katabi ko siya. Sana ay narito siya para hawakan ang kamay ko, dahil alam kong sa isang haplos at bulong lang niya ay biglang mawawala ang lahat ng kabang unti-unting pumapatay sa akin.Kinuha ko ang aking cellphone at sinilip ang oras sa screen.

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 28

    Hindi ko alam kung malas lang ba kaming dalawa o sadyang pinaglalaruan kami ng tadhana.Paano ba naman kasi! Ang laki-laki ng signboard papuntang Laguna pero mali pa rin ang kaniyang nilikuan. At imbes na tumigil siya, tuloy-tuloy pa rin siyang nagmaneho kahit hindi naman pala niya alam ang daan. H

    last updateHuling Na-update : 2026-03-21
  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 23

    “Good Morning, Miss Psych!”“—copath? Ayoko talaga!” Iling-iling kong sagot at saka pinag-krus pa ang braso ko. “Marami namang iba dyan! Bakit ako pa pinilit ninyo?”Pinalibutan ako ng mga babaeng kaklase ko. “Sagot na namin lahat! Makeup, hair, outfit, kami na bahala basta pumayag ka na.”“B0bo ak

    last updateHuling Na-update : 2026-03-20
  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 19

    Kakatapos lang namin kumain ni Drake and I had to admit, talagang nag-enjoy ako! Marunong siya magdala ng usapan at alam kong wala siyang ibang intensyon. ‘Di tulad ng iba na ang lagkit na agad ng tingin sa ‘yo.“Are you up for a romantic relationship?” Tanong ni Drake habang inaayos ang mga plato

    last updateHuling Na-update : 2026-03-19
  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 16

    “Seryoso ka ba? Pinapunta mo ako rito para pakainin?!”Hindi niya ako pinansin at patuloy lang siyang naglalagay ng kanin sa plato na nasa harapan ko. Kumunot ang noo ko at napaawang ang bibig dahil halos umapaw na sa plato ang kanin.“Tama na ‘yan, ang dami,” sabi ko at nilayo ang plato sa lamesa.

    last updateHuling Na-update : 2026-03-18
Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status