Share

Kabanata 87

last update Last Updated: 2026-01-25 22:38:53

Hindi ko sinabi kay Mama.

Hindi dahil sa ayaw ko, kundi dahil, hindi ko alam kung paano. Paano ko ipapaliwanag sa kaniya na may isang taong nagpapadala sa akin ng anonymous messages? Isang taong alam ang relasyong itinago namin ni Easton? Ni hindi nga alam ni Mama ang relasyon namin at wala akong balak na malaman pa niya.

“Ma, mauuna na po ako sa taas at medyo masakit po ulo ko.” Paalam ko kay Mama habang busy siya sa pag abot ng mga pinamili namin para kayla Manang at Manong.

Agad naman siyang tumango. “Sige, anak. Magpahinga ka.”

Pagpasok ko sa kwarto, isinara ko agad ang pinto at isinandal ang likod ko roon. Doon ko lang naramdaman ang panginginig ng tuhod ko. Dahan-dahan kong hinayaan ang katawan ko dumulas pababa hanggang sa maupo sa sahig.

“Ano nang gagawin ko…” mahinang bulong ko habang sinabunutan ang sarili ko.

Ano pa bang kailangan nila kung wala naman na kami ni Easton? Bakit hindi na lang nila ako lubayan at hayaan ang sarili kong magluksa nang tahimik?

Sino naman ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 87

    Hindi ko sinabi kay Mama.Hindi dahil sa ayaw ko, kundi dahil, hindi ko alam kung paano. Paano ko ipapaliwanag sa kaniya na may isang taong nagpapadala sa akin ng anonymous messages? Isang taong alam ang relasyong itinago namin ni Easton? Ni hindi nga alam ni Mama ang relasyon namin at wala akong balak na malaman pa niya.“Ma, mauuna na po ako sa taas at medyo masakit po ulo ko.” Paalam ko kay Mama habang busy siya sa pag abot ng mga pinamili namin para kayla Manang at Manong. Agad naman siyang tumango. “Sige, anak. Magpahinga ka.”Pagpasok ko sa kwarto, isinara ko agad ang pinto at isinandal ang likod ko roon. Doon ko lang naramdaman ang panginginig ng tuhod ko. Dahan-dahan kong hinayaan ang katawan ko dumulas pababa hanggang sa maupo sa sahig. “Ano nang gagawin ko…” mahinang bulong ko habang sinabunutan ang sarili ko. Ano pa bang kailangan nila kung wala naman na kami ni Easton? Bakit hindi na lang nila ako lubayan at hayaan ang sarili kong magluksa nang tahimik?Sino naman ang

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 86

    “Sobrang saya ko, anak. Hindi ko aakalaing dadating ang ganitong araw na makakapag-mall tayo at wala akong iniisip.” Ngumiti si Mama habang mahigpit na hawak ang braso ko, parang takot na baka bigla akong maglaho kapag binitiwan niya. Nakasunod lang ang dalawang bodyguard namin sa likod na bitbit ang mga pinamili namin. Pinagmasdan ko ang mukha ni Mama at kitang kita ang gaan ng kaniyang kilos—‘yong klase ng gaan na matagal ko nang hindi nakikita.“Deserve mo ‘to, Ma,” sagot ko, pilit na pinapasigla ang tono ng aking boses. “Tagal mo ring hindi nagpapahinga.”Simula no’ng pinagkasunduan si Easton at Arissa, hindi na masyadong namoblema si Mama sa kumpanya. Maski si Grandpa ay may plano nang bumalik ulit ng probinsya dahil nami-miss na raw niya si Grandma. Sa kabila ng lahat, masaya ako para sa kanila dahil hindi na nila kailangang magpakapagod. “Hindi lang ito pahinga, Eloisa.” Nakangiting saad ni Mama habang papasok kami sa isang boutique na matagal nang gusto ni Mama. “Pakiramdam

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 85

    “Sis, wala pa naman tayong quiz at exam ah? Bakit kanina ka pa basa ng basa dyan?” Kanina pa ako nakatutok sa notes ko habang ang ipad ko naman ay nasa harap ko. Ang totoo ay kabisado ko na nga lahat ng aking mga binabasa dahil kagabi pa ako nababad dito. Ito lang kasi ang napili kong paraan para madaling magkunwaring abala kaysa isipin ang unofficial breakup ko.Matatawag bang breakup ‘yon kung hindi naman niya sinabi ang katagang, “Let’s break up,” or kaya “It’s not you, it’s me,” tulad ng nababasa ko sa mga libro at nakikita sa mga pelikula? Mas mahirap pa pala ang ganito. Hindi ko masabi kung may karapatan akong umiyak o dapat kong kapalan ang mukha ko at nanindigan na ayos lang kami.“Ah, wala lang. Ayoko lang kasi matabunan ng mga babasahin.”Sabay na nilingon nila Trisha at Krisha si Drake sa aking tabi na parang hindi kumbinsido sa sagot ko. Parang gusto ko tuloy magtampo sa kanila. Talagang kay Drake pa sila nagtatanong porket matalino ha. Binaba ni Drake ang kaniyang rea

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 84

    Tinulak ako ni Drake na siyang nagpabalik sa ‘kin sa realidad. “Sandali lang, Eloisa. Alam mo namang mali ito. Huwag kang magpadala sa emosyon mo.”Inayos ko ang aking upo at nanatiling nakatulala sa nangyari. What the f*ck did I just do? Bakit mo ‘yon ginawa, Eloisa, hindi ka ba nag iisip?!Hinimas niya ang tuktok ng aking buhok. “Hanggang comfort lang ang kaya kong ibigay sa ‘yo, walang comflirt.” Ngumisi siya at binuhay na ulit ang makina ng kaniyang kotse. “Ayokong mabugbog ng uncle mo.”Umirap ako sa hangin dahil naalala ko na naman ang nangyari kanina. Siya ang may kasalanan kung bakit nangyayari ito! “Wala naman ‘yon pakialam sa ‘kin,” malamig kong tugon.“That’s not true.” Ang mata ni Drake ay nanatili sa daan, ngunit parang nagdadalawang-isip. Humigpit pa ang hawak nito sa manibela bago pa siya muling nagsalita. “Kung walang pakialam… ang boyfriend mo, hindi niya papatayin gamit ng kaniyang mata ang mga lalaking lumalapit sa ‘yo. Ilang beses na nga siguro ako napatay no’n sa

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 83

    “Kaya sobrang saya ko dahil napagkasunduan na ng dalawang pamilya na ipakasal kayo..”“What?” Hindi ko napigilan ang aking gulat, wala akong pakialam kung nakatingin silang apat sa ‘kin. “Ano pong ibig niyong sabihin, Grandpa?”Nagkatinginan pa si Arissa at si Grandpa bago nagsalita si Grandpa. Ibig sabihin napag usapan na nila ito bago pa nila kami nakarating dito. “Ginawa namin ang lahat para isalba ang kumpanya at malaking bagay din ang ginawa ng mga Raquin sa ‘tin pero hindi pa rin ‘yon sapat… Nabalitaan ni Arissa ang nangyayari kaya nais niyang tumulong sa ‘tin.” “P-pero…” halos bulong ko. Ayoko! Wala na bang ibang paraan para maisalba ‘yang kumpanya na ‘yan? Hindi ba dapat ang Papa ko ang magbabayad dito? Bakit kailangan madamay pa si Easton na nananahimik lang?“Kailangan na natin ng mabilis na solusyon na tanging si Arissa lamang ang makakapagbigay.” Matigas na pagkakasabi ni Grandpa. “Kaya Easton, nakatakda kang ikasal kay Arissa.”Tahimik lang si Easton habang ako naman ay

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 82

    Sa wakas ay nakarating na rin kami sa restaurant na sinasabi nila Mama. Panay ang haplos ni Easton sa hita ko habang nasa byahe. Pinipilit pa nga ni Easton na pinapalitan niya ng heavy tint ang kaniyang kotse kaya walang makakakita ng nangyayari sa loob. Pero ayoko masira ang ayos ko kaya mas pinili ko na lang na hindi siya pansinin kahit mahirap kalabanin ang tukso. Bahala siya sa buhay niya. Siya na nga ang pinaka pinoprotektahan dito pero parang siya pa ang hindi nag iingat.Pinagbuksan kami ng lalaki ng pintuan kaya ngumiti ako sa kaniya bilang pasasalamat. Maraming tao ngayon sa restaurant na mukhang mga yayamanin din. Tumingin kami sa paligid hanggang sa nakita namin sila Grandpa at Mama sa sulok na table kaya roon kami dumiretso ni Easton. Ngunit nawala agad ang ngiti ko nang makita kong may mga kasama pala sila. Hindi ako nasabihan na may ibang tao pa pala.“What is she doing here?” pabulong ko na tanong kay Easton habang papalapit kami sa table. Naiimbyerna ako habang nakiki

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status