LOGINNanatili akong nakatitig sa puting dingding ng headquarters ni Arissa, pero hindi ang pintura ang nakikita ko. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang huling sulyap ni Lukas bago ang pagsabog. Ang huling salita niya bago niya ako pakawalan kasama ni Easton.Kahit pa ganoon, hindi niya deserve ang trahedyang ‘yon. Nadamay lang siya dahil sa ‘kin.Isang mapait na tawa ang muntik nang kumawala sa aking lalamunan. Dapat ay tinuturuan namin siya ng leksyon. Dapat ay ipapakita namin sa kaniya na wala na siyang kapangyarihan sa akin. Pero sa isang iglap, nabaligtad ang lahat dahil sa kasakiman ni Blair.Mula sa kabilang silid, naririnig ko ang mahinang pag-uusap nina Easton at Arissa. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila kahit hindi ko sila nakikita. Alam kong sinisisi ni Arissa si Easton. At alam kong sinisisi rin ni Easton ang kaniyang sarili. Pero wala silang masisisi kundi ako.“Eloisa,” mahinang tawag ni Easton, dahan-dahang lumalapit sa akin. “Uminom ka muna.”Hinarap ko siya, ang aki
Ang dating madilim na kagubatan ay nagmukhang impyerno dahil sa kulay kahel na apoy na tila sumasayaw sa gitna ng kawalan. Ang init na dumadampi sa aking balat ay hindi lamang mula sa apoy… ito ay mula sa katotohanang unti-unti na akong nilalamon ng sarili kong konsensya.“Bitawan mo ako, Easton!” pagmamakaawa ko, habang pilit kong iwinawagayway ang aking mga braso. “Nandoon sila Arissa! Hindi ko sila pwedeng iwan nang ganoon lang!”Ngunit sa kabila ng kaniyang panghihina, ang kaniyang pagkakahawak sa aking braso ay higit pa sa aking kalakasan. Ang kaniyang mga mata, na dati ay puno ng awtoridad, ay ngayon ay puno ng pait at pagmamakaawa.“Eloisa baby, makinig ka sa akin!” sigaw niya, ang boses ay pumiyok dahil sa tuyong lalamunan. “Hindi mo kailangan pumunta roon dahil may ibang tao naman na sasagip sa kanila! Baka ikamatay mo pa ang plano mo.”“Edi mamatay ako!” bulyaw ko pabalik, ang mga luha ay tuluyan nang pumatak at humalo sa dumi at pawis sa aking mukha. “Mas madali ang mamata
Mabilis naming nasilayan ang kalsada na para bang nasa gitna ng kawalan. Tulo ang pawis sa aking noo at paheras kaming hinihingal ni Easton habang papalapit kami sa liwanag na binibigay ng sasakyan na natatanaw namin. Doon, muling bumalik sa amin ang mga pamilyar na mukha na mga tauhan ni Arissa. Halos mawalan ako ng lakas sa sobrang ginhawa nang makita ko sila. Agad silang tumakbo papunta sa amin, ang ilan ay diretso kay Easton habang ang iba naman ay pumwesto sa paligid parang protektahan kami sa simunang sumunod sa ‘min.“Sir!” tawag ng isa sa kanila habang inalalayan si Easton sa balikat. Halata sa mukha nila ang gulat sa kalagayan niya ngunit hindi sila nag-aksaya ng oras sa pagtatanong. “Get her to the car,” utos ni Easton kahit pa paos ang boses niya. “Keep her safe, no matter what. Huwag niyo siyang hahayaang mapahamak. Do everything you can, even if it means losing your life.”Agad silang kumilos. Dalawa ang umalalay kay Easton habang ang isa naman ay lumapit sa akin, hawak
Hindi ko na marinig ang sinasabi ni Blair. Nakatuon lang ang mga mata ko kay Easton na nakahandusay sa lupa, duguan at walang malay. Ganoon din si Arissa na nakakalat ang buhok sa mukha kaya hindi ko masyado makita kung may sugat din itong natamo. Tinabi na rin sa ‘kin si Lukas habang pinapaikutan nila ng gasolina ang paligid namin. “Nasaan na ang tapang ninyong lahat ngayon?” tanong ni Blair, ngunit bago pa man kami makasagot ay napahagikhik na siya. Matalim ang aming tingin ni Lukas sa kaniya. Unti-unti itong lumakas hanggang sa tuluyan na siyang matawa parang may kung anong nangyaring nakakatawa na siya lang ang nakakaintindi.Nakayuko pa siyang tumatawa habang hinihimas ang sariling tiyan, saka biglang tumigil at tumingin sa amin na parang nabasa ang nasa isipan namin. “Ano?” bulong niya, habang nakangisi. “Akala niyo ba nababaliw na ako? Kayo ang dahilan bakit kinakailangan kong gawin ito.”Hindi ko na siya pinansin. Mas kailangan namin makaisip ng paraan kung paano kami makakaa
Ang buong akala ko ay mapayapa nang bumubuo ng sariling pamilya ang aking ama matapos niya kaming iwan, at matapos niyang talikuran ang responsibilidad niya bilang ama at asawa. Pinilit kong paniwalaan na mas mabuti nang tahimik siya sa ibang buhay kaysa manggulo pa sa amin.Ngunit mali pala ako.Ang kaniyang kinakasama ngayon ay iba pala ang takbo ng isip. Sa likod ng maamong ngiti at maayos na pananalita, may nakatago palang motibo na mas madilim pa sa anumang naranasan ko noon.Hindi pa pala sapat sa kaniya na siya ang pinili ng aking ama. “Hindi mo man lang ba babatiin ang step-mom mo? Ganyan ba tinuro sa ‘yo ng nanay mo ha?” Sunod-sunod na tanong ni Blair habang nakangisi, tilang naaaliw sa pangyayari.Hindi ako sumagot. Ayokong ipakita sa kaniya na siya ang lamang sa sitwasyon ngayon. “Kinakausap kita hindi ba?!”Umalingawngaw ang tunog ng sampal sa buong palay. Bagama’t naramdaman ko ang bigat ng kaniyang kamay at ang pag init ng aking pisngi, pinanindigan kong hindi ako apek
“Putangina niyo! Sa oras na makakawala ako rito, sisiguradurin kong hindi na kayo makakalabas nang buhay!”Masakit pa man ang aking ulo, pinilit ko ang aking sarili na buksan ang aking mga mata, at ang unang sumalubong sa akin ay ang malawak na palay at ang init ng apoy. Pinilit kong alalahanin kung ano ang huling nangyari—ang sasakyan, ang biglang preno, ang malakas na banggaan, at ang boses ni Lukas na sumigaw bago tuluyang nagdilim ang lahat.Agad kong hinanap si Lukas. Sa isang iglap ay nakita ko siya sa di kalayuan na nakatali sa isang bakal na upuan, duguan ang noo at labi at puno ng pasa. May isang lalaki sa harapan niya na muli siyang hinampas ng balisong. Hindi ko makita ang itsura ng lalaki dahil nakatakip ang kaniyang mukha. “‘Yon ay kung makakawala ka pa!” Sabay hampas ulit sa kaniyang ulo. Bumaling ang ulo ni Lukas sa aking gawi kaya napansin na niyang gising na ako. “Eloisa…”Kahit pa may galit ako kay Lukas, hindi ko napigilang makaramdam ng awa sa kaniya. Sigurado na
Hindi ko alam kung alin ang masakit sa mga natuklasan ko. Ang tinatagong relasyon ni Drake at Professor Briar o makita ang sarili kong ama na matagal nang nagtatago nandito sa harap namin bilang tagapagtanggol ng professor.Nasa loob na silang lahat ng principal’s office habang kami ni Easton ay na
“Walang namamagitan sa ‘min ni Briar… kontrolado niya lang ako dahil nalaman ko ang sekreto na tinatago nila ng kapatid niya.” Ilang beses akong napakurap ng mata habang prinoproseso ang kaniyang sinabi. Bakit parami ng parami ang mga sangkot sa problemang ‘to?Nakita ni Drake na nalilito pa rin a
“Gusto niyo maglabasan tayo ng baho dito? Pwes, sisimulan ko!” Tinuro ko ang lalaki kanina na tumakbo pa para lang ipikita sa iba ang litrato. Lumaki pa kaniyang mga mata nang mapunta sa kaniya lahat ng atensyon. “Ikaw, Gab! No’ng nagbebenta ka pa ng mga kakanin at tinapay para may pambayad ka ng
Nag-text sa ‘min si Drake na umuwi na raw kami at huwag na siyang hintayin dahil mamaya pa raw siya uuwi. Sinubukan kong pakiusapan sila Krisha na hintayin pa rin namin siya ngunit may pupuntahan pa raw kasi si Krisha at si Trisha naman ay masama ang pakiramdam.Mag isa tuloy ako ngayon habang pasi







