ANMELDENKabanata 2: Overtime with him
Hindi nakatulog nang maayos si Katerina nang gabing iyon. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang huling sinabi ng babaeng nakasalubong niya sa elevator. "I was once the woman Ezekiel planned to marry." Sino siya? Bakit parang may lungkot at galit sa mga mata nito? At bakit tila gusto nitong takutin siya at paalisin? At bakit ba may pakialam pa siya? Wala iyon sa trabaho niya, wala sa resume niya ang pagiging tsismosa. Hindi niya na dapat iyon iniisip pa. Ayaw niya nang isipan pa iyon. Hindi iyon ang dahilan kung bakit siya naroon. May trabaho na siya at iyon lang ang mahalaga. 6:15 A.M na. "Good morning, Ate!" Masayang bati ni Liam habang nag-aalmusal. "Totoo po bang may trabaho ka na?" Napangiti si Katerina habang nagsasalin ng kape. "Totoo." Napapalakpak si Nicole. "Congratulations!" "Salamat." "Kailan ang first day mo?" "Today." Sabay na napatingin sa kanya ang dalawang kapatid at niiyakap siya ni Nicole. "I'm proud of you, Ate." Alas otso pa lamang ay nasa Monteverde Empire na siya. Mas maaga kaysa kahapon. Ayaw niyang bigyan ng dahilan si Ezekiel para pagalitan siya. Pagkabukas ng elevator sa executive floor, agad siyang sinalubong ni Amelia. "Good. You're early." "Good morning, Ma'am." "Come with me." Habang naglalakad sila, napansin ni Katerina na halos lahat ng empleyado ay palihim siyang tinitingnan. May mga nagbubulungan pa, at alam niyang siya ang pinagbubulungan nila. "Siya ba 'yong bagong assistant?" "Tingnan natin kung hanggang kailan." "Two days, maximum." Napangiwi siya. Ang OA ng 2 days. Ganoon ba siya kamukhang mahina… O O ganoon kalala ang boss niya? Napansin iyon ni Amelia. "Don't mind them." "I'm trying not to, Ma'am." "Everyone here places bets,” anito. "Bets?" "Kung gaano katagal tatagal ang bagong assistant." Napatawa siya nang mahina. "Talaga?" "The current record is twenty-three days." Biglang natigil ang ngiti niya. "Twenty-three days lang?" Ipinakita ni Amelia ang maliit ngunit eleganteng opisina sa tabi mismo ng CEO's office. "This will be your office." Napatingin doon si Katerina. May computer, organizer, bookshelf, fresh flowers. Napakaganda nito. Hindi ito isang cubicle at desk lang kagaya ng inaasahan niya. "I prepared today's schedule." Iniabot ni Amelia ang isang makapal na folder. "Mr. Monteverde's meetings begin at exactly nine." Tumango siya habang tinitingnan iyon. "Remember…" Huminto si Amelia. "He hates coffee with sugar." "Okay, Ma'am." "He reads every report before entering a meeting." "Okay." "He doesn't like unnecessary conversations." "Okay." "He doesn't tolerate excuses." Tumango si Katerina. "I got it." "Good." Pagkaalis ni Amelia ay napabuntong-hininga siya. “Kaya mo 'to." Eksaktong 8:58 A.M ay bumukas ang elevator. Lalong tumahimik ang buong executive floor. Tumayo ang lahat at may ilang yumuko pa. Nilingon iyon ni Katerina at doon niya nakita si Ezekiel, suot ang isang charcoal gray suit. Perpektong nakatali ang necktie. May hawak na tablet at ilang dokumento at diretso ang lakad, hindi manlang binalingan ang mga nadaanang employees. Kalma at napaka-awtoridad ng awra nito Hindi man lang ito tumingin sa kanan o kaliwa. Lahat ay kusang nagbibigay-daan na para bang hari ito. Napalunok si Katerina. "Grabe..." hindi niya napipigilang komento. Pagdaan ni Ezekiel sa harap niya ay bahagya itong huminto ngunit hindi siya nilingon. "You're early." "Yes, Sir." "Good." Iyon lang at pumasok na ito sa opisina. Napakurap si Katerina. "Yun na 'yon?" Ilang minuto lang ang lumipas ay tumunog ang intercom. "Ms. Reyes." Napapitlag siya roon at biglang kinabaha. Iyon ang unang experience niya na makatanggap ng utos galing sa intercom. Damang-dama niya na ang first niya! "Yes, Sir?" "My coffee." Napatalon siya mula sa upuan. "O-Okay, Sir." Agad siyang nagtungo sa executive pantry. Naalala niya ang sinabi ni Amelia, no sugar. Black coffee lang at mainit na tubig. Eksaktong ganoon ang ginawa niya. Maingat niyang kinatok ang opisina. "Come in." Tahimik siyang pumasok. Abala si Ezekiel sa pagbabasa ng financial reports nang abutan niya. Hindi man lang ito tumingin sa kaniya. Inilapag niya ang tasa. "Your coffee, Sir." Maya-maya ay inabot ni Ezekiel ang tasa at uminom doon. Pinanood niya ito hanggang sa ibaba nito ang tasa. Pinanood niya mula sa mga kilay, noo hanggang sulok ng mga labi at ilong. Gusto niyang makita ang reaksyon nito. Napakagat-labi si Katerina. Nakaka-paranoid palang magkaroon ng perfectionist na boss? Biglang nagsalita ang lalaki. "Too hot." Napakurap siya. "Sir?" "I said..." Ngayon lang ito tumingin sa kanya. "Too hot." Pakiramdam ni Katerina ay gusto niyang magpalamon sa lupa. Too hot? Anong gusto niya? Siya pa ang humipan niyon para sa kaniya? Pinigilan niya ang sariling magreklamo. "S-Sorry, Sir. I'll make another one." "No." Nagtaka siya. "Just leave it." Napatango siya. "Yes, Sir." Habang papalabas siya ng opisina, muli siyang tinawag nito. "Ms. Reyes." Lumingon siya. "Next time..." Saglit itong tumigil. "...bring a glass of water with my coffee." Tumango uli siya. "I'll remember that, Sir." Parang may listahan sa utak si Katerina, at lahat ay nililista niya sa utak niya basta tungkol sa boss niya. Ngayon ay kasama na roon ang baso ng tubig. Hindi na ito nagsalita. Ngunit hindi napansin ni Katerina na bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Ezekiel nang makalabas siya. Makalipas ang isang oras, tuluy-tuloy ang meetings ni Ezekiel. Halos hindi ito nagpapahinga. Habang naghahanda si Katerina ng mga dokumentong kailangan nito, biglang may kumatok sa kanyang mesa. Isang matangkad na lalaki ang nakangiti sa kanya. "Ikaw ang bagong assistant?" "Opo." Inilahad nito ang kamay. "I'm Ethan Villanueva. Company lawyer." Ngumiti rin siya. "Katerina." "Bago ka pa lang dito?" "First day po." "Welcome here." Bago pa sila makapagpatuloy sa usapan ay bumukas ang p***o ng opisina ni Ezekiel . "Ethan." Nawala ang ngiti ng abogado. "Boss." "Conference room." "Coming." Bago umalis si Ethan ay bumulong ito kay Katerina. "Good luck." Napangiti na lang siya. Mula kanina ay ito lang ang kaisa-isang pumansin sa kaniya at nag-welcome sa kaniya. Masarap iyon sa pakiramdam. Para kasing hindi na nag-abala ang mga empleyado na i-welcome siya o kilalanin dahil naniniwala silang hindi siya magtatagal. Well, she wants to prove them wrong. Ngunit hindi niya napansin na haba pa lang kausap niya si Ethan ay mula sa loob ng opisina ay tahimik silang pinapanood ni Ezekiel. At sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay hindi niya nagustuhan ang ngiting ibinigay ni Katerina sa ibang lalaki. Nang magsara ang p***o ng conference room, naiwan si Katerina sa kanyang mesa habang inaayos ang mga dokumentong kakailanganin ni Ezekiel para sa susunod nitong meeting. Hindi pa man siya nakakahinga nang maluwag ay muling tumunog ang intercom. "Ms. Reyes." Agad niyang pinindot ang button. "Yes, Sir?" "My office. Now." Malamig pa rin ang boses nito. Walang emosyon at tila walang bakas ng pagod kahit sunod-sunod ang meetings nito buong umaga. Huminga nang malalim si Katerina bago kumatok sa pintuan. "Come in." Pagpasok niya ay nadatnan niyang nakatayo si Ezekiel sa harap ng malaking glass window. Nakasuksok ang isang kamay nito sa bulsa ng slacks habang ang isa ay may hawak na tablet. Hindi man lang siya nilingon. "Close the door." Bahagyang kumabog ang dibdib niya, ngunit as usual ay tahimik lang siyang sumunod. "Yes, Sir." Marahan niyang isinara ang p***o. Namayani na naman ang katahimikan sa silid. Tanging mahinang ugong lamang ng air conditioner ang maririnig. "Do you know why I called you?" Umiling siya. "No, Sir." Dahan-dahang humarap si Ezekiel. Diretso itong tumingin sa kanya. "You smiled." Napakurap si Katerina. "Sir?" "You smiled at Ethan." Nagtaka siya. "I was just being polite, Sir.” "I didn't ask for an explanation." Napayuko siya. "Sorry, Sir." Mabagal na lumapit si Ezekiel hanggang ilang hakbang na lamang ang pagitan nila. Matangkad ito. Halos kailanganin niyang bahagyang itingala ang ulo para lamang magtama ang kanilang mga mata. Pakiramdam niya ay lalo siyang nawalan ng hininga. "This office isn't a café." "Yes, Sir." "It isn't a dating place either." Nanlaki ang mga mata niya. "I... I wasn't flirting." "I know." Natigilan siya. "Then why-" "I simply don't tolerate distractions." Mahinahon ang boses nito, ngunit mas nakakatakot iyon kaysa sigaw. Tumango na lamang siya. "It won't happen again, Sir." Ilang segundo siyang tinitigan ni Ezekiel. Pagkatapos ay lumayo ito at bumalik sa mesa. "Good." Napabuntong-hininga si Katerina nang palihim. "Napakastrikto talaga..." bulong lang iyon sa kaniyang isipan. Lumipas ang tanghali nang hindi nila namamalayan. Habang inaayos ni Katerina ang schedule ng CEO, ay lumabas si Ezekiel mula sa opisina. "Postpone my one o'clock meeting." Napatingin siya sa planner. "Sir, it's a meeting with the Japanese investors." "I know." "They've been waiting for three weeks." "Reschedule." "Yes, Sir." "Also..." Inilapag nito ang tablet sa mesa niya. "Read this contract." Napakurap siya. "Sir?" "I want your opinion." Hindi siya agad nakasagot. "My... opinion?" "Do you have a problem with that?" "Wala po." Ngunit naguguluhan siya. Bakit siya hihingan ng opinyon? First day pa lang niya. Hindi ba't mas may alam ang mga managers? Parang nabasa ni Ezekiel ang iniisip niya. "I don't care about titles." Nagulat siya sa biglang sinabi nito. "I care about competence." Tahimik siyang tumango. "I'll read it, Sir." Makalipas ang halos isang oras ay natapos niyang basahin ang mahigit limampung pahinang kontrata. Muli siyang kumatok sa opisina. "Come in." Inilapag niya ang folder sa mesa. "I found something." Hindi nagsalita si Ezekiel kaya nagpatuloy lang siya. "Page thirty-eight." Binuksan niya ang kontrata. "The penalty clause is inconsistent with the payment schedule." Tumaas ang kilay ni Ezekiel. "Explain." "I think the company could lose millions if the client notices this loophole." Tahimik nitong kinuha ang dokumento at binasa. Ilang minuto ang nakalipas ay muli itong bumaling sa kaniya. . "Who taught you this?" Napailing siya. "No one." "You've never worked in corporate law." "No, Sir." "Then how did you notice it?" Nahihiya siyang ngumiti. "Mahilig po akong magbasa." Sandaling natahimik si Ezekiel. Hindi niya inaasahan ang sagot ni Katerina. Hindi rin niya inaasahang tama ang obserbasyon ng babae. Tinawagan niya ang legal department. "Ethan." "Boss?" "Come to my office." Ilang minuto lang ay dumating ang abogado. "What's wrong?" Inabot ni Ezekiel ang kontrata. "Check page thirty-eight." Tahimik na binasa ni Ethan. Unti-unting nanlaki ang mga mata nito. "Oh..." "I missed this." Napatingin ito kay Katerina. "Ikaw ang nakakita?" Mahinang tumango si Katerina. Napailing si Ethan habang napapangiti. "Impressive." Ngunit bago pa makapagpasalamat si Katerina ay malamig na nagsalita si Ezekiel . "You may leave." Napatigil si Ethan. "Boss?" "I said leave." "Right." Tahimik itong lumabas. Pagkasara ng p***o ayuling bumalik ang katahimikan. Hindi mapigilang magsalita ni Katerina. "Galit po ba kayo?" Hindi agad sumagot si Ezekiel at tumingin sa kanya nang maigi. "No." "Then..." "You're observant." Napakurap siya. "Thank you...?" Kahit hindi niya alam kung compliment ba iyon. "Don't thank me." Nagtaka siya."I expect you to stay that way." Bandang alas singko ng hapon, halos wala nang empleyado sa executive floor. Pagod na pagod na si Katerina kakabasa, gusto niya nang umuwi at magpahinga ngunit hindi pa rin lumalabas si Ezekiel sa opisina. Mag-aayos na sana siya ng gamit nang biglang bumukas ang p***o. "You're leaving?" Napalingon siya sa boss niya. "Sir... tapos na po ang office hours." "So?" Natigilan siya. "So... uuwi na po ako." "Your work isn't finished." Napatingin siya sa planner. "Everything's done, Sir." Ezekiel walked closer hanggang halos magkatapat na silang dalawa. Ramdam niya ang pabango nitong malinis, elegante, ngunit may kakaibang init. Hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya. "I gave you a file this afternoon." Inalala niya ang mga file na ibibigay sa kaniya. "Opo." "I want a summary tonight." Nanlaki ang mga mata niya. "Tonight?" "Problem?" "Wala po." "Good." Tumalikod na si Ezekiel at bago tuluyang makapasok muli sa opisina, malamig itong nagsalita. "One more thing." "Yes, Sir?" "Never assume your work ends because the clock says so." Tahimik siyang tumango. "Yes, Sir." Habang pinagmamasdan niyang magsara ang p***o, napabuntong-hininga siya. "Mukhang mahaba-habang laban ito..." Hindi niya alam na sa kabilang panig ng p***o, nakasandal si Ezekiel habang tahimik na nakapikit. Hindi niya maintindihan kung bakit sa unang pagkakataon sa loob ng maraming taon... May isang empleyadong hindi niya magawang balewalain. He hates it. *** Tahimik na ang buong Monteverde Empire. Isa-isang nagsiuwian ang mga empleyado hanggang sa iilang ilaw na lamang ang nakabukas sa executive floor. Nasa alas siyete na ng gabi. Nakaharap si Katerina sa computer habang pilit na tinatapos ang summary ng kontratang ipinagawa ni Ezekiel. Sumasakit na ang kanyang mga mata. Kanina pa rin kumakalam ang kanyang sikmura. Hindi na siya nagkaroon ng oras para maghapunan, ngunit wala siyang balak magreklamo. "First day pa lang. Hindi puwedeng sumuko,” patuloy niyang motivation sa sarili. Tahimik niyang ipinagpatuloy ang pagta-type. Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang p***o ng opisina ni Ezekiel. Suot pa rin nito ang coat, ngunit nakaluwag na ang kurbata at nakatiklop ang manggas ng puting polo. Mas relaxed ang itsura nito kaysa kaninang umaga, ngunit nananatili pa rin ang seryosong ekspresyon. Lumapit ito sa mesa ni Katerina. "Finished?" "Almost, Sir." Inilapag ni Ezekiel ang isang makapal na folder. "I need this before tomorrow's board meeting." Napatingin si Katerina sa kapal ng dokumento. Halos dalawang daang pahina. Bahagya siyang napasinghap. "Dalawang daang pahina?" Napansin iyon ni Ezekiel. "Problem?" Mabilis siyang umiling. "Wala po." "Good." Tumalikod na ito at muling bumalik sa opisina. Napabuntong-hininga si Katerina. "Mukhang dito na yata ako matutulog, matutulog nang walang kain." Lumipas ang halos isang oras. Alas otso y medya na. Tahimik pa rin ang buong palapag, maging ang mga ilaw sa ibang opisina ay nakapatay na. Si Katerina na lamang at si Ezekiel ang natitira. Biglang kumulo ang kanyang tiyan. Napahawak siya rito. "Hindi pala nakakabusog ang pagod." Mahina siyang natawa sa sarili. Hindi niya namalayang bahagyang nakabukas ang p***o ng opisina ni Ezekiel at narinig siya nito. Makalipas ang ilang minuto, muli itong lumabas. Walang salitang inilapag nito ang isang paper bag sa ibabaw ng mesa niya. Napatingin si Katerina. "Sir?" "Eat." Nagulat siya. "H-Ha?" "I don't like people collapsing during work." Nakabuka ang paper bag. May sandwich, prutas at isang bote ng tubig. Halatang bagong bili. Nanlaki ang kanyang mga mata. "Para... sa akin po?" Malamig itong tumango. "Don't misunderstand, I bought one for myself." Napansin niyang wala namang dala si Ezekiel. Ngunit hindi na siya nagsalita. Bahagya siyang ngumiti. "Thank you, Sir." Hindi na ito sumagot. Tahimik lang itong bumalik sa opisina. Habang kumakain si Katerina, hindi niya maiwasang mapangiti. "Hindi naman pala siya ganoon kasama.” Bandang alas nuwebe ay natapos na rin niya ang lahat ng ipinagawa ng kaniyang boss. Huminga siya nang malalim bago kinatok ang opisina. "Come in." Inilapag niya ang mga dokumento sa mesa. "Done, Sir." Tahimik na binasa ni Ezekiel ang summary. Ilang minuto na namang katahimikan ang kumain sa kanilang dalawa. Ramdam ni Katerina ang kaba. Baka mamaya ay hindi nito magustuhan at ipaulit lahat sa kaniya. Isinara na nito ang folder bago magkomento. "You have neat handwriting." Napakurap siya. "Thank you?" Hindi niya pa rin sigurado kung compliment iyon. "And your summary is concise." Napangiti siya. "I appreciate that, Sir." Muli itong tumingin sa kanya. "You don't celebrate too early." Nawala ang ngiti niya. "I wasn't-” "I haven't decided if I'm satisfied." Tahimik siyang tumango. "Sorry po,” parang bata niyang nasabi. Hindi sumagot si Ezekiel. Sa halip, tumayo ito at isinabit ang coat sa braso. "Let's go." Nagulat siya. "Sir?" "I'm leaving." "Ah... okay po." Sabay silang lumabas ng opisina. Unang beses silang magkatabing naglakad. As usual, tahimik. Tanging tunog lamang ng kanilang mga sapatos ang maririnig sa mahabang hallway. Habang hinihintay nila ang elevator, lihim na napatingin si Katerina kay Ezekiel . Sa malapitan ay mas halata ang pagod sa mga mata nito. Parang ilang gabi na itong hindi nakakatulog nang maayos. Hindi na tuloy niya napigilang magtanong. "Sir..." Hindi ito lumingon. "What?" "Do you always work this late?" Saglit itong natahimik. "Most nights." "Isn't it exhausting?" "It keeps me busy." Hindi niya alam kung bakit pero parang may lungkot sa simpleng sagot na iyon. Bumukas ang elevator. Sabay silang pumasok. Silang dalawa lang sa loob. Tahimik na bumaba ang elevator. Nakakabinging katahimikan… nang bigla na lang kumurap ang ilaw at kasunod ay ang malakas na pagyanig. Huminto ang elevator. Tuluyang namatay ang ilaw bago muling umilaw ang emergency lights. Napasinghap si Katerina. "Sir..." Tahimik lang si Ezekiel. Pinindot nito ang emergency button. Walang signal. Mukhang naapektuhan ang buong sistema. Nanlamig ang mga kamay ni Katerina. "Na-stuck ba tayo?" "It's temporary.” Mahinahon ang boses nito. Hindi pa rin gumagalaw ang elevator makalipad ang ilang minuto. Lumipas ang limang minuto. Nagsimulang bumilis ang paghinga ni Katerina napansin iyon ni Ezekiel . "Are you claustrophobic?" Bahagya siyang tumango. "Opo..." Unti-unti siyang napapikit. Nahihirapan siyang huminga. Mabilis na lumapit si Ezekiel sa kaniya. "Ms. Reyes." Hindi siya sumagot. "Look at me." Nanginginig ang mga balikat niya. "Ms. Reyes." Dahan-dahang itinaas ni Ezekiel ang kamay at marahang hinawakan ang kanyang balikat. Hindi mahigpit at hindi rin nakakabastos. Isang banayad na paghawak lamang upang ibalik ang atensyon niya. "Look at me." Unti-unti niyang itinaas ang ulo. Nagtagpo ang kanilang mga mata. For the first time… Hindi malamig ang tingin ni Ezekiel… Kalmado at mahinahon. "Breathe in..." Pilit siyang sumunod. "And out." Inulit-ulit nila iyon hanggang sa unti-unting kumalma ang paghinga niya. Hindi niya namalayang ilang segundo na pala silang magkalapit… Napakalapit. Ramdam niya ang init ng katawan ng Ezekiel…at ang matinding tibok ng sarili niyang puso. Hindi niya rin alam kung dahil ba iyon sa takot… O dahil sa kakaibang pakiramdam na unti-unting namumuo sa pagitan nila. At bago pa sila makalayo sa isa't isa ay biglang bumukas ang elevator. Ngunit ang taong bumungad sa kanila ay hindi ang tao sa maintenance, kundi ang eleganteng babaeng nakasalubong ni Katerina noong nakaraang araw. Nakatayo ito sa labas ng elevator at nakatitig kay Ezekiel. Pagkatapos ay lumipat ang tingin nito kay Katerina. Mabagal itong ngumiti. "Well..." Mahina ngunit matalim ang boses nito. "I see, I'm already too late."Kabanata 2: Overtime with himHindi nakatulog nang maayos si Katerina nang gabing iyon. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang huling sinabi ng babaeng nakasalubong niya sa elevator."I was once the woman Ezekiel planned to marry."Sino siya? Bakit parang may lungkot at galit sa mga mata nito? At bakit tila gusto nitong takutin siya at paalisin? At bakit ba may pakialam pa siya? Wala iyon sa trabaho niya, wala sa resume niya ang pagiging tsismosa. Hindi niya na dapat iyon iniisip pa. Ayaw niya nang isipan pa iyon. Hindi iyon ang dahilan kung bakit siya naroon. May trabaho na siya at iyon lang ang mahalaga.6:15 A.M na. "Good morning, Ate!" Masayang bati ni Liam habang nag-aalmusal. "Totoo po bang may trabaho ka na?"Napangiti si Katerina habang nagsasalin ng kape. "Totoo."Napapalakpak si Nicole. "Congratulations!""Salamat.""Kailan ang first day mo?""Today."Sabay na napatingin sa kanya ang dalawang kapatid at niiyakap siya ni Nicole. "I'm proud of you, Ate."Alas otso pa la
Kabanata 1: He doesn't smileHindi lahat ng umaga ay nagsisimula sa sikat ng araw. May mga umagang nagsisimula sa ulan... at sa isang pusong pagod nang lumaban.Malakas ang patak ng ulan sa bubong ng lumang apartment habang tahimik na naglalagay ng itlog sa kawali si Katerina Aurora Reyes. Halos mag-alas sais pa lamang ng umaga, ngunit gising na siya. Tulad ng nakasanayan, siya ang unang bumabangon. Sa maliit nilang kusina, amoy na amoy ang sinangag na may bawang at mainit na kape.Simpleng almusal pero sapat na para mabusog silang tatlong magkakapatid."Ate..."Napalingon siya nang marinig ang mahinang tinig ng nakababatang kapatid niyang si Nicole, isang labing-anim na taong gulang na senior high school student."Bakit ang aga mo po na naman?" tanong nito. Ngumiti si Katerina habang inilalapag ang almusal sa mesa. "Kailangan kong umalis nang maaga. May interview ako."Unti-unting lumiwanag ang mukha ng kapatid."Ito na ba yong sa Monteverde Empire?"Tumango siya. "Oo."Lumabas mula



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



