INICIAR SESIÓNAndrea’s POV
Buong oras ng monthly meeting ay nakatitig lamang ako kay Luca Romanov. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang ginawa namin kagabi. Kahit anong pilit kong ibalik ang atensyon ko sa mga presentation slide at sa boses ng mga kasosyo niya, palagi pa ring bumabalik ang alaala ng bawat haplos niya, bawat salitang binitiwan niya, bawat sandaling hawak niya ang katawan ko na para bang wala nang bukas.
Nilagyan ko ng makapal na concealer ang leeg ko bago pumasok sa opisina. Hindi para sa kanya, kundi para sa ibang mga katrabaho ko. Ayokong may makapansin, magtanong, magbigay ng kahit anong dahilan para pag-usapan ako. Pero kahit anong takip ko, pakiramdam ko ay kita pa rin ang bakas ng kagabi.
“Okay, let’s wrap this up,” sabi ng isa sa mga senior partners.
Doon ko lang napansin na nagsitayuan na ang lahat. Para akong biglang nagising. Halos wala akong naintindihan sa buong meeting. Hindi ko alam kung anong oras na, kung anong agenda ang natapos, o kung may na-miss ba akong mahalagang detalye.
“Andrea, are you okay?”
Nang marinig ko ang boses niya, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napatingin ako sa kaniya. Nakatingin siya diretso sa akin, seryoso ang mukha, bahagyang nakakunot ang noo. Nakatayo na rin siya kasama ang iba pang kasosyo ng kompanya.
Agad akong tumayo. Inayos ko ang maiksi kong palda at ang blazer ko, pilit na binabalik ang sarili ko sa pagiging propesyonal.
“Yes… yes, I’m okay,” sagot ko, kahit alam kong halatang hindi.
Napailing ako sa sarili ko. Focus, Andrea. Office ito. Hindi kwarto.
Napansin kong binalingan niya ng tingin ang ibang empleyado na tila nakikiramdam sa pagitan namin.
“You can leave,” malamig ngunit malinaw niyang utos.
Isa-isang lumabas ang mga tao. Ramdam kong may mga matang nakasunod sa akin, lalo na ang mga bida-bida kong katrabaho na mahilig magbasa ng sitwasyon kahit wala naman talagang alam.
Aalis na rin sana ako nang bigla niyang sinabi—
“Engr. Andrea Ramirez, please stay.”
Parang may kumalabog sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o dahil sa paraan ng pagbigkas niya sa buong pangalan ko. Ramdam kong napalingon ang iba, pero wala na akong nagawa kundi huminto.
Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. Ilang segundo lang, pero pakiramdam ko ay mas matagal pa iyon. Nang tuluyang lumabas ang huling empleyado at nagsara ang pinto, kaming dalawa na lang ang naiwan sa conference room.
“You’ve worked hard these past weeks,” sabi niya habang naglalakad palapit sa mesa. “No days off. Late nights. You helped the company land two major projects.”
Tumango lang ako. Hindi ko alam kung saan ako titingin.
“So tell me,” dagdag niya, tumigil sa tapat ko, “what kind of reward do you want? Should I give you a long vacation, kid?”
Napataas ang kilay ko. Napairap ako bago ko napigilan ang sarili ko. “I’m not a kid anymore. I’m a grown woman.”
Nakita ko ang pagngisi niya. Kita ang lalim ng dimples niya. Napalunok ako nang hindi ko sinasadya.
Grabe ka talaga, Luca. Kahit kailan. Ang pogi mo talaga!
“Still,” sagot niya, may halong aliw ang boses, “you’re the same kid, Andrea. Ang batang umiiyak sa tuwing nauubusan ng lollipop.”
“Shut up,” mabilis kong sagot. Hindi ko napigilang ngumiti kahit naiinis ako.
Nagkibit-balikat siya. “I’m just saying. Pero kanina, pansin ko talaga. Wala ka sa focus. May problema ka ba?”
Umupo ulit ako sa silya at ibinaba ang bag ko. “Ano pa nga ba? Lalo na ngayon.”
“Tungkol sa Daddy mo?” tanong niya, seryoso na ang tono.
Tumango ako. “Sa bahay na nakatira ang kabit niya.”
“Words, Andrea,” paalala niya agad.
Napabuntong-hininga ako. “Ano ba ang dapat kong itawag sa babaeng ‘yon? Mommy? Stepmom? She’s a mistress, Luca. At hinding-hindi ko siya tatawaging Mommy. Isang ina lang ang meron ako.”
Hindi siya agad sumagot. Kinuha niya ang mineral water sa mesa, binuksan, at uminom. Napansin ko ang paggalaw ng lalamunan niya.
Stop staring, Andrea.
Napalunok ako habang pinagmamasdan siya.
Lumapit siya sa akin at iniabot ang bote. “Uminom ka muna. Sobrang init ng ulo mo.”
Agad kong kinuha at uminom. Hindi ko alam kung bakit, pero parang mas bumilis ang tibok ng puso ko.
Amoy niya pa ang bote. Diyos ko.
“Hindi ka obligado na dalhin lahat mag-isa,” sabi niya. “Kung may problema ka, huwag kang mahihiyang magsabi sa akin.”
Tumango ako, pero hindi ako makapagsalita.
“Alam mo naman,” dagdag niya, mas mababa ang boses, “parang anak na rin kita.”
Muntik na akong mabulunan sa iniinom kong tubig. Umubo ako nang bahagya at agad inilayo ang bote.
Anak.
Iyon lang pala ako sa kaniya.
“Okay ka lang?” tanong niya, bahagyang lumapit.
“Yes. I’m fine, Daddy Luca,” mabilis kong sagot.
Hindi. Hindi ako fine. Tangina naman ng lalaking ‘to.
Tumayo ako at kinuha ang bag ko. “I have site visits today. I should go.”
“Andrea,” tawag niya ulit.
Napahinto ako pero hindi ako humarap agad.
“Whatever you’re dealing with,” sabi niya, “don’t let it affect your work. You’re one of my most reliable engineers.”
Tumango ako. Pinigilang kiligin sa sinabi niya. “I won’t.”
Paglabas ko ng conference room, saka ko lang naramdaman ang bigat sa dibdib ko. Hindi dahil sa trabaho at pamilya ko, kundi dahil sa kaniya.
I’m in love with him. Paulit-ulit sa isip ko. Pero hanggang doon lang pala.
Naglakad ako palayo, pilit binabalik ang sarili ko sa reyalidad. Opisina ito. Siya ang boss ko. Kaibigan siya ng tatay ko. At kahit anong nangyari kagabi, malinaw na hindi iyon ang kahulugan sa kaniya ng lahat ng gusto kong paniwalaan. Hindi niya ako nakilala. Hindi niya alam na ako ang babaeng nakasama niya kagabi.
Papasok na sana ako sa loob ng elevator nang bigla kong nakasalubong ang kabit ng ama ko. Nakasunod lang sa likod niya si Daddy, parang aso na sunud-sunuran.
Kusang humigpit ang hawak ko sa bag. Gusto ko sanang magkunwaring hindi sila nakita, pero huli na. Nakita na nila ako.
Lalapitan nila sana ako, pero ako na mismo ang umiwas, humakbang palayo na para bang marumi ang hangin sa pagitan namin.
“Bawal ang mga kabit dito,” malamig kong sabi, diretso ang tingin sa babae.
Parang may sumabog sa mukha ni Daddy.
“Andrea!” sigaw niya, puno ng galit at hiya.
Napapikit ako nang bigla niyang itinaas ang kamay. Sanay na ako roon. Ilang beses na niyang ginawa iyon, kapag hindi niya makuha ang gusto niya, kapag nasasagasaan ang ego niya.
Hinanda ko na ang sarili ko.
Pero hindi dumating ang sampal.
“Don’t hurt your daughter, Antonio.”
Napadilat ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Luca.
Nakita kong mahigpit niyang hawak ang pulso ni Daddy, pinipigilan ang nakataas na kamay. Malamig ang tingin niya.
Siguro… sasampalin na naman sana ako ni Daddy. Katulad ng dati. Katulad ng palagi niyang ginagawa sa tuwing inaaway ko ang kabit niya. Pero sa pagkakataong ito, may humarang. Ang best friend niya mismo.
Andrea’s POV“This is your room, Andrea,” sabi ni Luca pagkatapos niya akong ihatid sa katabing silid niya.Huminto siya sa harap ng pintuan at bahagyang itinulak iyon upang mabuksan ko nang maayos.Magkatabi lang ang mga kwarto namin. Ayon sa kaniya, mas mabuti raw iyon para kung may kailangan ako ay madali ko siyang mapuntahan.Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang saya akong naramdaman sa sinabi niyang iyon.Magkatabi lang ang kwarto namin.Hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla akong kinabahan.“Thank you,” sagot ko habang ngumiti sa kaniya.Tinitigan niya ako nang ilang segundo bago nagsalita ulit.“If you need anything, just knock on my door,” sabi niya.“Anything?” tanong ko habang nakataas ang kilay.Bahagya siyang napailing. “Don’t start, Andrea.”Hindi ko napigilang mapangiti. “Relax. I’m just asking.”“Just get some rest,” sabi niya. “You had a long day.”Tumango ako.“Sige. Good night.”“Good night.”Pumasok na ako sa loob ng silid at marahang isinara ang pinto.Pag
Andrea’s POVDahan-dahan akong nagmulat ng mga mata nang marinig kong may nag-uusap sa tabi ko. Mabigat pa ang ulo ko kaya ilang segundo akong nakatitig lang sa kisame ng silid.Unti-unti kong nilingon ang gilid ng kama.Nakita ko si Luca Romanov, kausap ang doktor. Nakatayo siya sa tabi ng kama ko habang nakikinig sa sinasabi nito. Naka-cross ang mga braso niya at seryoso ang ekspresyon.Nangunot ang noo ko habang pilit kong inaalala kung bakit ako napunta sa ospital. Ilang sandali pa ay bumalik sa isip ko ang nangyari sa construction site.Napangiti ako.Ah… kaya pala.Nagkunwari akong tulog habang patuloy silang nag-uusap.“She needs to rest and eat healthy foods, Mr. Romanov,” sabi ng doktor. “Mukhang pagod lang siya at kulang sa pahinga. Stress also affects the body.”Tumango si Luca. “Is there anything serious?”“No. She’ll be fine. Just make sure she rests.”“Alright. Thank you, doctor.”Lumabas na ang doktor pagkatapos noon.Ilang segundo pa ang lumipas bago tumunog ang cellph
Kabanata 3Andrea’s POVBumaba ang paningin ko sa cellphone ko nang maramdaman ko ang pag-vibrate nito sa loob ng bag ko. Bahagya akong napahinto sa paglalakad at agad ko itong kinuha. Pagtingin ko sa screen, nakita ko ang group chat namin ng mga kaibigan kong sina Alex, Dona, Kaori, at Joanna. Alam ko na agad kung tungkol saan ang tawag kahit hindi ko pa sinasagot.“I have to go. Thank you,” mabilis kong sabi kay Luca Romanov bago ko siya iniwan. Nasa tabi pa rin niya si Daddy at ang babaeng dahilan ng lahat ng gulo. Kita ko pa ang panginginig ng panga ni Daddy, halatang pigil na pigil na naman ang galit niya.Kung hindi dahil kay Luca, malamang kanina pa niya ako nasampal. Sa kabila ng lahat, nagpapasalamat ako sa kanya dahil pinigilan niya si Daddy at hindi niya ako iniwan sa gitna ng eskandalong iyon.Pagpasok ko sa loob ng elevator, saka ko pa lang sinagot ang tawag. Agad nagsara ang pinto at parang doon lang ako muling nakahinga nang maayos.“Girl!” sigaw agad ni Joanna sa kabil
Andrea’s POVBuong oras ng monthly meeting ay nakatitig lamang ako kay Luca Romanov. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang ginawa namin kagabi. Kahit anong pilit kong ibalik ang atensyon ko sa mga presentation slide at sa boses ng mga kasosyo niya, palagi pa ring bumabalik ang alaala ng bawat haplos niya, bawat salitang binitiwan niya, bawat sandaling hawak niya ang katawan ko na para bang wala nang bukas.Nilagyan ko ng makapal na concealer ang leeg ko bago pumasok sa opisina. Hindi para sa kanya, kundi para sa ibang mga katrabaho ko. Ayokong may makapansin, magtanong, magbigay ng kahit anong dahilan para pag-usapan ako. Pero kahit anong takip ko, pakiramdam ko ay kita pa rin ang bakas ng kagabi.“Okay, let’s wrap this up,” sabi ng isa sa mga senior partners.Doon ko lang napansin na nagsitayuan na ang lahat. Para akong biglang nagising. Halos wala akong naintindihan sa buong meeting. Hindi ko alam kung anong oras na, kung anong agenda ang natapos, o kung may na-miss ba akong mahalagang
Andrea’s POVMatapos ang isang masayang pagtitipon kasama ang mga kaibigan ko, napilitan akong pumayag sa dare nila na makipag-one-night stand sa isang estranghero. Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isip ko—baka dahil sa ilang baso ng alak, baka dahil sa pressure ng barkada. Ang totoo, hindi ko talaga alam kung handa na ako, pero naroon ang thrill at excitement na hindi ko kayang tanggihan.“It’s just a one-night stand, Andrea! Paano ka magugustuhan ng crush mo kung wala kang alam pagdating sa sex?” sabi ni Alex, sabay lagay ng alak sa baso ko.“This is your last drink. Ihahatid ka na namin sa suite na naka-book kung saan naghihintay ang lalaking para sa iyo, girl!” sabi naman ni Dona. Napangiti ako at napailing sa mga sinabi ng kaibigan ko kasi ngayon ay kasama ko na ang sinasabi nilang lalaki para sa akin.“Ah—fuck! Faster!” ungol ko habang bumabayo nang mabilis ang lalaking binigay ng mga kaibigan ko sa akin kanina.Hindi ko mawari kung bakit ako ganito. Virgin pa lang ako,







