Andrea’s POVBuong oras ng monthly meeting ay nakatitig lamang ako kay Luca Romanov. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang ginawa namin kagabi. Kahit anong pilit kong ibalik ang atensyon ko sa mga presentation slide at sa boses ng mga kasosyo niya, palagi pa ring bumabalik ang alaala ng bawat haplos niya, bawat salitang binitiwan niya, bawat sandaling hawak niya ang katawan ko na para bang wala nang bukas.Nilagyan ko ng makapal na concealer ang leeg ko bago pumasok sa opisina. Hindi para sa kanya, kundi para sa ibang mga katrabaho ko. Ayokong may makapansin, magtanong, magbigay ng kahit anong dahilan para pag-usapan ako. Pero kahit anong takip ko, pakiramdam ko ay kita pa rin ang bakas ng kagabi.“Okay, let’s wrap this up,” sabi ng isa sa mga senior partners.Doon ko lang napansin na nagsitayuan na ang lahat. Para akong biglang nagising. Halos wala akong naintindihan sa buong meeting. Hindi ko alam kung anong oras na, kung anong agenda ang natapos, o kung may na-miss ba akong mahalagang
최신 업데이트 : 2026-03-05 더 보기