Home / Romance / Tempting the Uncle: A Deal of Desire / Chapter 58: Is she jealous?

Share

Chapter 58: Is she jealous?

Author: AVA NAH
last update Last Updated: 2025-05-15 23:59:46

JALENE

KASAMA ako sa general assembly ng mga tauhan ng asukarera. Talagang regular ang meeting nila para sa status ng tubuhan base sa mga narinig ko. Kasama ni Frank ang kanang-kamay ng matanda na kanina lang pinakilala sa amin.

Kaya wala ang matanda dahil sa monthly check up niya na sa Manila pa isinasagawa. Sa susunod na araw raw ang balik ayon dito.

Hindi lang lalaki ang dumalo, meron ding mga babae na tauhan din ng azukarera. Maliban sa tubuhan, may palayan at farm ng mga gulay sa dulong bahagi. At ililipat paunti-unti ang mga iyon sa malapit para maging maayos tingnan ang bahay. Mukhang gagayahin ni Frank ang farm niya sa Zambales.

Pabalik na kami noon ni Frank nang tawagin kami ng kanang kamay ng matanda na si Mang Bernardo.

“Kaarawan ko kasi ngayon, Sir Frank. Gusto ko sanang imbitahan kayong mag-asawa. May inihanda kasi ang aking anak na bagong dating.”

“Ganoon ho ba. Aba’y hindi ko tatanggihan ‘yan, Mang Bernardo.”

Ngumiti siya sa aming dalawa.

“O siya, aasahan namin kay
AVA NAH

Hello po. Opo. Alam ko po ang Boracay po ay isla. Nasa 10.32 sqm lang ang land area niyan. Pero alam ko rin po minutes, mararating mo na ang port sa kabila gamit ang bangka. Kaya hindi ko na sinabi kung sumakay ng bangka which is dapat nilagay ko. Na-confuse tuloy kayo. Hehehe. Sorry po. Sa Chapter 53, nabanggit ko doon na may azukarera na gustong bilhin si Frank na malapit sa tinitirhan niya. Never kong inilagay na Boracay heheh. Kasi alam ko sa isipan ko talaga Island iyan. At sa nakaraang chapter nga,bumiyahe lang sila ang nabanggit ko. Tama ho ba? Kaso naka-motor, ano? Pero pinutol ko na, di ko na sinabing nagbangka sila at sinakay ang motor doon hahaha Isipin niyo na lang na nasa bungad lang ang tinitirhan nila Frank na bahay. Tanaw ang port. Heheh. Pwede ho ba yon? Hindi po ito totoong kwento.

| 16
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (22)
goodnovel comment avatar
AVA NAH
salamat po...
goodnovel comment avatar
AVA NAH
Hahahah basta lahat ng gawa ko ay kathang isip lang. hehehe
goodnovel comment avatar
AVA NAH
Opo. heheheh
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   Chapter 58: Is she jealous?

    JALENEKASAMA ako sa general assembly ng mga tauhan ng asukarera. Talagang regular ang meeting nila para sa status ng tubuhan base sa mga narinig ko. Kasama ni Frank ang kanang-kamay ng matanda na kanina lang pinakilala sa amin. Kaya wala ang matanda dahil sa monthly check up niya na sa Manila pa isinasagawa. Sa susunod na araw raw ang balik ayon dito. Hindi lang lalaki ang dumalo, meron ding mga babae na tauhan din ng azukarera. Maliban sa tubuhan, may palayan at farm ng mga gulay sa dulong bahagi. At ililipat paunti-unti ang mga iyon sa malapit para maging maayos tingnan ang bahay. Mukhang gagayahin ni Frank ang farm niya sa Zambales. Pabalik na kami noon ni Frank nang tawagin kami ng kanang kamay ng matanda na si Mang Bernardo. “Kaarawan ko kasi ngayon, Sir Frank. Gusto ko sanang imbitahan kayong mag-asawa. May inihanda kasi ang aking anak na bagong dating.”“Ganoon ho ba. Aba’y hindi ko tatanggihan ‘yan, Mang Bernardo.”Ngumiti siya sa aming dalawa. “O siya, aasahan namin kay

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   Chapter 57: Recorded

    JALENE“PAANO ako makakasigurong tutupad ka sa usapang ito, Frank?”“Desperada ka, right? Desperado rin akong makuha ang azukarera na ito,” seryosong sabi ni Frank. “Wala nang natira sa akin. Ang kumpanyang pinagpaguran ko, hindi pala akin. Wala na akong ibubuhay sa magiging pamilya ko, Jalene. Kaya kapag may pera ako, maraming properties, maraming magkakagusto sa akin sa edad kong ito.”Napatitig ako sa kanya. Talagang desidido siyang makuha ang gusto niya. “Pagbalik ng bahay bukas, ibibigay ko sa ’yo ang pirmadong divorce paper na dadalhin mo pabalik ng Guam. At ang annullment? Ipapa-proseso ko na agad kapag nasa pangalan ko na ang azukarera.”May lungkot na naman akong nakita sa mga mata niya nang sabihin na iyon. “Lagi kong dala ang mga papel, Jalene. Kahit hindi mo pa ako sagutin ngayon, kapag nakita mo na bukas doon ka na lang tumugon—okay lang sa akin.”“Sana lang tuparin mo ’yan, Frank. Willing naman akong tulungan ka kung susunod ka sa usapan.”“Sige. Pero ngayon, sana maki

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   Chapter 56: Another Deal

    JALENE“PLEASE don’t do that again in front of me, Jalene. Okay?” pakiusap ni Frank sa pabulong. “You’re scaring me.” Sabay kabig niya sa akin para yakapin. Natigilan ako sa ginawa niya, tapos ang higpit ng yakap niya sa akin. Bahagyang nanginginig ang katawan niya sa takot dahil sa ginawa ko.“Ganoon ka ba talaga kadesperada na kausapin ako? Pati buhay mo itataya? Para saan? Para sa kumpanya? Para ano? Makaalis ka agad ng Pinas? Huh?” sunod-sunod na litanya niya sa akin.“Oo para sa kumpanya. Para sa mga taong umaasa na mabigyan ng magandang kinabuksan ang pamilya nila!”Napatitig siya sa akin. “How about me? Paano kung mahulog ka? Anong mangyayari sa akin? Mawawala ka na sa buhay ko, makukulong pa ako at habang buhay na uusigin ng konsensya!”Ako naman ang hindi nakaimik. Ang hirap makipagdiskusyon ngayon kay Frank, laging may panapat. Saka parang nauurong na lagi ang dila ko kapag kaharap siya.“Bitawan mo nga ako. Uupo lang ako nang maayos,” ani ko na lang. Imbes na bitawan ako,

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   Chapter 55: Angry Frank

    JALENETUMAYO ako. “I’m sorry, Frank. Mali yata ako nang pagpunta.”Tinuro ni Frank ang pintuan. “Feel free to leave, Jalene.” Tiningnan ko siya nang masama bago umalis sa harapan niya. Alam ko nang iyon ang magiging kapalit ng pagpayag niya. Sarili lang talaga niya ang iniisip.Malakas ang pagkakasara ko sa pintuan niya. Bahala na siya kung nagulat siya. Dali-dali kong iginiya ang sarili ko palabas ng bakurab niya. Umisang tingin pa ako sa bahay niya bagi nagpasyang bumalik. Pero bago ako pumasok, tinawagan ko si JV na hindi ko kayang kumbinsihin si Frank kaya siya na lang ang bahala. Pilit kong kinalimutan ang problema na iyon ni JV ng mga sumunod na araw. Huling tatlong araw muna namin ngayon sa Boracay kaya ini-enjoy namin ang bawat oras. After kasi nito, babalik ako ng Manila para asikasuhin ang problema ko kay Frank. Pumayag na si Tim na siya na muna ang bahala kay Kai habang nasa Manila ako. Sa Cavite muna silang dalawa. Talagang iniiwas namin na magkrus ulit ang landas nila

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   Chapter 54: In exchange

    JALENEMAPAKLANG ngumiti ako pagkapaalam kay JV. Hinarap ko si Clariza na noo’y nakangiti nang matamis.“Well, well, well. I thought namamalikmata lang ako. Ikaw pala talaga, Jalene. How is it going?”“Same, Clariza.” Saglit kong tiningnan ang paligid. “Ano nga pala ang ginagawa mo rito?” Parang gusto kong itanong, kung sinusundan niya ba ako.“Oh. Me? Vacation of course.” Tumango ako. “Kung ganoon, enjoy yourself.” Akmang tatalikod ako nang pigilan niya ako. “Naalala mo ba ang huling pinag-usapan natin, Jalene?”Napaisip ako bigla kung ano ang tinutukoy niya. Napatitig ako sa kanya nang maalala iyon.“I can help you kung gusto mo talagang makawala kay Frank. Sa tingin ko, desperate ka kaya kailangan mo nang tulong from me.”“Ano ba ang mai-offer mo sa akin, Clariza?” taas noo kong tanong.Ngumiti siya. “Annulment and divorce paper with sign ni Frank.”Nakaramdam ako ng excitement sa narinig. “Talaga? May sign na niya?”“Naalala mo ba ang pinirmahan mo noong burol ng Don? Tinago

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   Chapter 53: What is she doing here?

    FRANK“GOOD morning, Sir,” bati sa akin ni Jerome nang salubungin ako sa baba. Tumango lang ako bago niya ako iginiya sa may elevator. Ang daming sinabi si Jerome pero wala akong maintindihan. Okupado ang isipan ko.Ilang araw nang busy ang isipan ko kakaisip ng solusyon kung paano ba pabalikin si Jalene sa buhay ko. Pero masaya na siya sa buhay niya ngayon. Naka-move on na siya.Inilinga ko ang paningin ko nang makalabas ng elevator. Malungkot na tiningnan ko ang paligid. I will surely miss this office. Dito ko na binuhos ang kabataan ko hanggang sa makilala ko si Jalene kaya ang hirap bitawan ng kumpanya na ito. Oras na para tanggapin na wala na ang lahat sa akin.Ang pagiging Alva ko— ang pagiging anak ni Don Francesco, wala na. At kahit si Jalene, wala na rin. Wala nang saysay para magtrabaho pa rito. Ilang taon ko nang pinag-isipan ito kung sakaling bumalik si Jalene. Ang yaman ng Alva ay hindi naman sa akin. Kaya hindi naman ito nawala sa akin. Oo, mahalaga sa akin ang kumpany

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   Chapter 52: Kai

    FRANKINGAY na nagmumula sa wall clock na nasa harapan ko ang pinapakinggan ko. Sadyang pinatanggal ko iyon para tingnan habang pinapanood sila sa monitor na naglalakad. Gustong gamitin nila Jalene ang golf cart ko pero pinapigilan ko kay Tino. Kaya naglalakad sila ngayon papunta ng gate.Ang lakas ng loob na pumasok ang lalaki niya sa pamamahay ko? Ito ang kinaiinis ko. Hindi pa nga ako nagdedesisyon, nakapasok na? At ang nakakainis pa lalo, sa loob at sa harapan ko pa naghalikan ang dalawa. Nasaan ang respeto?30 seconds na lang bago matapos ang dalawang minutong binigay ko sa kanila. Malapit na rin sila sa gate noon. Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko ng mga sandaling iyon. Nasasaktan ako sa nakikita kong pag-alis ni Jalene hawak ang kamay ng lalaking banyaga na iyon.Ako ang dapat na kasama nito pero heto, pinapanood ko sila.Naikuyom ko ang kamao ko. Tumayo ako at lumabas ng silid na iyon. Dumeretso ako sa minibar ko at doon uminom nang uminom. Halos hindi ko na mabilang kun

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   Chapter 51: Threat

    JALENEHINDI ko alam kung gaano ako katagal sa guest room kaka-tingin ng album na iyon. Halo-halo ang nararamdaman kong emosyon. Masaya ako dahil nasagot na rin sa wakas ang matagal na katanungan sa aking isipan. All this time, may ama ako at isa sa pinakamayaman sa Pilipinas. Pero kaakibat no’n ang nakakalungkot na balita. Hindi ko totoong ina ang kinagisnan ko. Siya ang totoong ina ni Frank.At ang totoong ina ko? Nagbaba ako nang tingin sa family picture na hawak ko.Siya ang totoong ina ko. Subalit hindi ko siya kilala. Ni hindi ko nga alam kung buhay pa siya o patay na. Wala namang nakalagay na ibang detalye maliban sa totoong pangalan niya.Iba’t-ibang anggulo ang kuha ng picture, pero halata ang saya sa mukha ng totoong ama niya at ng babaeng may karga sa akin. Kilala ko ang sarili ko dahil may mga picture din kami ng aking ina na kinagisnan ko. Ganoon din ang mga damit kaya kilala ko kaagad. Ang hindi ko lang maintindihan, ano ba talaga ang nangyari at nagkapalit kami ni Fran

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   Chapter 50: Last will and testament

    JALENEINILINGA ko ang paningin ko pagkapasok ng library ni Frank. Hindi ko siya makita ng mga sandaling iyon kaya napatanong ako sa isipan ko.Kasama pa kaya niya si Clariza?Ngumiti sa akin si Attorney nang makita ako. Paupo ako noon sa mahabang couch ng library na iyon. Si Attorney lang talaga ang nakita ko.“How are you, Jalene?” tanong ni Attorney.“Okay lang po. Um, gusto niyo raw po akong kausapin.”“Yes. Hindi ka kasi naka-attend ng pagbasa ko ng last will kaya sinadya kita rito.”Napakunot ako ng noo. “Hindi naman po yata kailangan ang presensya ko. Sapat na si Frank, ‘di ba?”Umiling ang abogado. “May part pang hindi ko nababasa. Iyong sa ’yo. Kay Frank, nakausap ko na siya noon pa, nabasa ko na sa kanya.”Umayos ako ng upo nang kunin na niya ang bag niya. May inilabas siya na papel.Sabay kaming napatingin ni Attorney sa pintuan nang bumukas iyon. Bagong paligo na Frank ang pumasok doon kaya pumuno ang mabangong amoy niya. “I think, pwede na akong magsimula.” “Yes, please,

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status