Share

UBMB - Chapter 13

Penulis: AVA NAH
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-26 07:42:24
NINA

Agad kong binaling ang tingin kay Dom. Salubong na naman ang kilay ng boss. Hindi ko rin talaga siya maintindihan minsan.

“What do you think, Nina?”

“Huh?” wala sa sariling sagot ko. Hindi ko na alam ang sinasabi ni Dom.

“Sabi ko, pwede na ba akong manligaw?”

Napatitig ako sa kanya. Talagang seryoso siya sa salitang ligawan?

Napaayos ako nang upo. “Alam mo, hindi ako worth it para sa ‘yo, Dom. Okay? Una sa lahat-”

Sandali! Sasabihin ko ba?

“H-hindi na ako virgin.” Sabay ngiwi ko.

“So?”

“Hindi na ako malinis. Hindi ba iyon ang hinahanap niyo sa aming mga babae?”

Tumawa siya. “Anong generation ka na ba, Nina? Uso pa ba ‘yon?”

Napaisip ako. “Ewan ko.”

“It doesn’t matter. Okay? Ako. Hindi na rin virgin.”

Natigilan ako.

So, nagawa na niya lahat?

Actually, virgin pa ako. Sinabi ko lang iyon dahil may nakahalik na sa akin. Tapos may nakahawak na ng ano ko. Kaya hindi na yata ako virgin.

Tumingin ako sa boss ko na nasa taas saglit. Mabuti at hindi na siya nakatingin s
AVA NAH

hahahhahah yare ka, Nina...

| 19
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (14)
goodnovel comment avatar
Nurcashin Ubahin
hoy Kai ano ka baby nid paliguan
goodnovel comment avatar
Thelma Natanauan
scrub mo daw back and front niya nina
goodnovel comment avatar
Mia Krissiah Pitogo
ahahahha..Patay ka Nina,,sabay daw kayo maligo
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   UBMB — Chapter 16

    NINA After naming mag-usap ni Sir Kai ng tanghali, hindi na niya ako pinansin. Lumabas din siya ng opisina niya alas dos na pala. Hindi ko nga napansin na umalis. Kung hindi pa sinabi ni Ma'am Geneva, hindi ko malalaman. Wala namang sinabi si Sir Kai kung saan ako kaya sumabay na ako sa mga kasmahan ko nang dumating ang uwian. Nag-aabang ako noon ng jeep nang may humintong puting sasakyan. Bumukas ang bintana niyon bandang kanan at may kumausap sa akin.“Kayo po si Nina Almeda?”“Ho?” Hindi ko alam ang isasagot. Hindi ko naman kasi siya kilala. Baka mamaya masamang tao, e.“Pinapasundo po kayo ni Sir Kai.”Pinapasundo raw ako ni Sir? Never pa niya akong napasunod. Saka galit iyon sa akin yata kung pagbabasehan ang huling pinag-usapan namin.“Sorry po pero hindi ko po kayo kilala,” ani ko sa kanya.“’Wag po kayong umalis, ma’am. Tawagan ko lang po si Sir.”May inilabas siyang cellphone at may tinawagan. Sinabi niyang ayaw kong sumama. Tatango-tango lang siyang nakikinig sa kausap.“

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   UBMB — Chapter 15

    NINA Umalis din sila agad kanina. Pero nag-iwan ng mensahe ang boss na aalis nga sila para maglaro ng bowling. Pwede na raw akong lumabas sa silid niya kung gusto ko. May pagkain din daw siyang inorder kaya kumain ako agad dahil sa gutom. Naglinis na rin ako ng silid niya after kong kumain. Saka ko lang napagtanto na pagabi na nang matapos ako. Kung hindi pa ako tumingin sa relo ko, hindi ko malalaman ang oras. Pasado alas onse ng gabi na ng mga sandaling iyon, ramdam ko na ang antok. Pero hindi nga pwedeng matulog. Baka magalit na naman si Sir Kai akin. Kaya nilibang ko ang sarili ko. Paano kung tawagan niya ako at kailanganin tapos tulog ako? Hindi ko alam kung bakit naisip naman niya akong parusahan sa hindi pagsagot ng tawag at pagsama sa kanya. Akala ko kasi okay lang na sa bahay ako since nakapag-paalam naman ako noong una. Saka wala akong mukhang ihaharap sa kanya kagabi. Alas dos na ng umaga pero heto, nanunood pa rin ako. Subalit hindi ko na naiintindihan ang pinapanood ko

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   UBMB — Chapter 14

    NINA “H-HO? S-samahan kita? B-bakit ho? Hindi ho ba kayo marunong?” “You think sa edad kong ito, hindi?” kunot ang noo niya. “Y-yon naman po pala, e. B-bakit pa ho sasamahan kita?” Napatayo ang boss. Lumapit siya sa akin. “What I mean is that sasamahan mo ako sa condo.” “Ah, okay. Akala ko po sasamahan po kita sa loob ng banyo.” Alanganing ngiti ang binigay ko kasi ang green ko pala mag-isip sa part na ito. Tumaas ang kilay niya. “Bakit? Gusto mo bang pumasok?” “Naku, hindi po. Hindi tayo talo-” “Talo?” putol niya na ikinalunok ko. “Ah, sabi ko ho, talo kagabi sa pustahan.” “Ayusin mo lang ang sagot mo, Nina. May utang ka pa sa akin, remember?” “Utang po?” Ngumisi ang boss. “Nakalimutan mo na yata ang ginawa mo sa akin kagabi?” “Ako ho? ‘Di ba, kayo itong basta na lang nanghahalik? Kaya bakit ako?” Bigla akong napabaling sa pintuan dahil baka marinig sa labas. Mabuti na lang at nakalapat ang dahon ng pintuan. “Kasalanan mo ‘yon kaya kita hinalikan. Ipinapaalam ko lang

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   UBMB - Chapter 13

    NINA Agad kong binaling ang tingin kay Dom. Salubong na naman ang kilay ng boss. Hindi ko rin talaga siya maintindihan minsan. “What do you think, Nina?” “Huh?” wala sa sariling sagot ko. Hindi ko na alam ang sinasabi ni Dom. “Sabi ko, pwede na ba akong manligaw?” Napatitig ako sa kanya. Talagang seryoso siya sa salitang ligawan? Napaayos ako nang upo. “Alam mo, hindi ako worth it para sa ‘yo, Dom. Okay? Una sa lahat-” Sandali! Sasabihin ko ba? “H-hindi na ako virgin.” Sabay ngiwi ko. “So?” “Hindi na ako malinis. Hindi ba iyon ang hinahanap niyo sa aming mga babae?” Tumawa siya. “Anong generation ka na ba, Nina? Uso pa ba ‘yon?” Napaisip ako. “Ewan ko.” “It doesn’t matter. Okay? Ako. Hindi na rin virgin.” Natigilan ako. So, nagawa na niya lahat? Actually, virgin pa ako. Sinabi ko lang iyon dahil may nakahalik na sa akin. Tapos may nakahawak na ng ano ko. Kaya hindi na yata ako virgin. Tumingin ako sa boss ko na nasa taas saglit. Mabuti at hindi na siya nakatingin s

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   UBMB — Chapter 12

    NINA NGAYON ko lang napansin na sunod-sunod ang pagtaas-baba ng dibdib ni Sir Kai habang nakatingin sa akin partikular na sa labi ko. “I said, ulitin mo ang mga sinabi mo,” utos iyon pero hindi ko ramdam na galit siya dahil sa boses niyang namaos. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang naging ganyan siya. Samantalagang kanina lang ay galit na galit siya. “Bakla ka at nagseselos ka lang sa akin kaya pinag-iinitan-” Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang pagdikit ng labi ng boss. At mas lalong lumaki iyon nang gumalaw ang labi niya para sakupin nang buo ang labi ko. Nagpumiglas pa ako pero sadyang malakas lang ang boss. Nagawa niyang kontrolin ang katawan ko para hindi makagalaw. Doon na ako napapikit at nagpaubaya dahil wala na akong lakas na mailabas. Pero ang hindi ko mapaliwanag, ang mainit na hatid niyon. Nagdudulot iyon ng kiliti sa aking kaibuturan. Aaminin ko, nagugustuhan ko. At ang puso ko? Kaybilis na parang hinahabol. Unang beses ko lang na naramdaman din ito

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   UBMB — Chapter 11

    KAI NAKATINGIN lang ako sa mga taong nagsasayaw sa baba pero wala roon ang isip ko. Hindi mawala-wala sa isipan ko ang nangyari sa amin kanina ni Nina. Of all people, sa kanya pa talaga? Hindi dapat. Pinaparusahan ko siya dapat sa ginawa niyang pagpapakalat ng tsismis tungkol sa akin. “10 percent lang naman ang difference, e. Kaya kaya pang mahabol- Kai!” Napapitlag ako sa hampas ni Julius. “Are you okay?” tanong niya. “Don’t tell me, si Nina na naman ‘yan.” Hindi ako umimik. Lumagok na lang ako ng alak na nasa baso ko. Nagsalin din ako kapagkuwan. “Speaking of the devil.” Napatingin ako kay Julius. May tinitingnan siya sa baba kaya tumingin din ako. Napakunot ako ng noo nang makita si Nina. May mga kasama siya na pumasok. Mga pamilyar sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, mga empleyado ko rin sila. Lalong hindi nawala ang kunot ng noo ko nang makitang bumalik si Nina sa pintuan. Bumalik siya na may hila-hila. Walang iba kung hindi si Dom Bernal. Ang abogadong MIA na sa field

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status