Share

UBMB — Chapter 30

Author: AVA NAH
last update Last Updated: 2025-09-16 06:56:45

Nina’s POV

NAKATINGIN lang ako kay Kai habang papasok kami ng entrance ng airport. Naguguluhan ako. Ayokong umasa talaga. Kahit kasi sa sarili ko, wala na akong tiwala. Paano kung imagination ko lang ito?

Bakit kailangang isama kasi ako rito?

“Your passport,” aniya sa akin nang lingunin ako.

“Ho?”

“I said, passport. Pasaporte,” tinagalog pa niya. Nakalahad din ang kamay niya noon.

Hinanap ko sa bag ko ang passport ko at binigay sa kanya. Inabot niya iyon kasama ng hawak niyang brown envelope sa isang lalaking nakatayo.

Ibig bang sabihin, ako ang kasama niya at hindi si Ma’am Geneva talaga?

Kinurot ko ang sarili ko habang paupo. Sumunod kasi ako kay Kai nang iginiya niya ang sarili paupo.

Kunot ang noong tiningnan ako ni Kai kaya agad kong tinanggal ang kamay sa pisngi ko. Nakita niya siguro ang pagkurot ko sa sarili ko.

Umiling-iling siya pagkuwa’y inayos ang pagkakaupo.

Bumalik sa amin ang lalaki na may dalang good news. Hintayin na lang daw namin ang pag-announce kung sasakyan na.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (12)
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
thank you Author 🩷
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
may gusto na si Kai sa iyo Nina
goodnovel comment avatar
Clyde Porras
ang ganda talaga basahin ng story nato ms A,thank you po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   UBMB-Chapter 53

    “Hindi. Gusto kong makita si Kai mismo.” Hindi naman si Kai ang gusto kong makita, si Geneva.Kanina pa nagngingit-ngit sa galit ang kalooban ko. Ayaw ko lang mag-isip nang sobra dahil sa ipinagbubuntis ko.Sa text pa lang na iyon, marami na akong narating. What if totoo nga ang sinabi ni Geneva? Gustuhin ko mang sitahin kanina si Kai pero hindi ko magawa dahil nandoon ang magulang niya. Ayokong malaman nila ang bagay na iyon kaya gusto kong kausapin sana si Kai. Saka busy rin ako kanina kakabantay ng babaeng iyon.Alam ko namang nakasunod si France at Denmark. Hinayaan ko lang silang dalawa. Naririnig ko ngang nagbabangayan ang dalawa na naman.At habang papalapit ako sa room 502, binalot ang dibdib ko ng kaba. Natatakot ako sa makikita. Kailangan ko ng sagot mula kay Kai din. May ebidensya naman ako kaya hindi siya makakatanggi sa akin if ever. Pero may katanungan pa sa isipan ko. Bakit parang kalmado lang nang pumasok si Kai sa sasakyan? At bakit sinabi ni Denmark na may pumasok

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   UBMB- Chapter 52

    Nina’s POVSeryosong nakatitig ako kay Kai nang pumasok ako. Pinaghila niya ako ng upuan na nakangiti pero hindi ko magawang tugunin iyon.Paano ba naman kasi, paulit-ulit sa isipan ko ang nabasa ko mula kay Geneva— na kaya lang ako pinakasalan ni Kai para sa anak namin. At kapag nakapanganak na ako, kukunin niya raw ang bata at itatago sa akin.“Are you okay, baby?” untag niya na ikinatango ko.“N-nainis lang ako sa banyo dahil sa haba ng pila.”“Oh. Dapat sinabi mo, baby. Kilala ko ang owner ng restaurant na ito. Pwede tayong–”“Okay naman na ako. Tapos na.” Ngumiti ako pero alam kong hindi umabot sa aking mga mata. “Saan ka nga pala nanggaling? Ang tagal mo.”“Oh, may inayos lang na problema sa labas after kong makausap ang parents mo.”“Anong problema naman?”Matagal bago nakasagot ang asawa. “Nothing serious,” aniya, sabay lagok ng wine na nasa kopita.Nang maalala ang narinig sa banyo, kinuha ko ang kopita na iyon na ikinagulat ni Kai. Pero parang huli na dahil konti na lang ang

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   UBMB — Chapter 51

    Nina’s POVAGAD kong kinuha ang post it ko na may lista ng mga gagawin namin today, pati ang mga aasikasuhin na rin. Uunahin namin ang pag-asikaso ng mga gown. Ilang beses nang na-cancel dahil naging abala si Kai sa opisina. Ngayon lang siya nabakante.“Okay ka lang ba talagang bumiyahe ngayon, baby?” nag-aalalang tanong ni Kai sa akin.“Opo. Dalawang linggo na po kaya akong nakapagpahinga.” Ito nga ‘yong nilagnat ako dahil sa na-miss nga namin ni Kai ang isa’t-isa.Natawa si Kai sa sinabi ko. “Ikaw ba? Hindi ka na busy?”“Hindi na po,” panggagaya niya sa aking boses.Kinurot ko siya sa tagiliran. “Tara na nga. Para makauwi tayo agad.”Magkahawak kami nang bumaba. Nakangiti ang Mommy niya nang balingan kami. Nginuso kasi kami ni France. Nililinisan kasi niya ang kukuno ng ina. Madalas, si France lang ang nagpe-pedicure at manicure sa ina. Hilig kasi niya talaga ito siguro. Ito nga ang nagsu-suggest minsan sa ina na maglinis. Ako nga, kung hindi raw ako buntis, siya raw ang maglilini

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   UBMB — Chapter 50

    Nina’s POV“A-akala ko, umaalis ka.”“No.” Nakatitig siya sa akin.“O-okay.” Nahiya ako bigla. Gagalit-galitan ako tapos heto, rurupok.“Hindi ka ba makatulog lately dahil iniisip mong umalis ako?”Tumango ako. “Nagagalit ako sa ‘yo, pero ayokong umaalis ka nang hindi ko alam.” Humikbi pa ako kaya naramdaman ko ang paghagod niya sa aking likod.“Nasa kabila lang ako. Promise. Kahit na itanong mo pa sa guard.” Hinalikan niya ang noo ko. “Nakahanda ako kung sakaling tawagan mo ako.”Sumiksik pa ako sa kanya kaya naramdaman ko ang pagkabig pa niya lalo, hanggang sa igiya niya ako paupo sa kandungan niya. “Sorry na, baby. Nag-alala ka pa tuloy sa akin. Hindi na mauulit. Papaalam ko pa rin sa ‘yo kung nasaan ako kahit na galit ka sa akin.” Hinalikan pa niya ako sa buhok kaya lalo akong humikbi.“Na-miss kita,” masuyong sabi niya sa akin nang silipin niya ako. Ngumiti siya kapagkuwan.Umingos ako. Dahil sa ginawa ko hinalikan niya iyon ng masuyo. “Miss na rin kita pero naiinis pa rin ako s

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   UBMB — Chapter 49

    Nina’s POVHALATA ang pag-aalala sa mukha ng ina ni Kai nang makita ako. Hindi ko akalaing ganoon ang magiging reaksyon niya after ng nangyari sa kanya.“Ako na ang humihingi ng tawad sa nagawa ni Kai sa ’yo, anak.”Saglit pang sumulyap ang ginang sa kanyang anak bago muling ibinalik sa akin ang tingin.“H-hindi po dapat kayo humihingi ng tawad sa akin, Tita. Sa pagitan lang po namin ito ni Kai. W-wala po kayong kasalanan.” Bahagya akong yumuko, nahihiya at hindi alam kung paano tatanggapin ang kanyang paghingi ng paumanhin.“Alam ko.” Lumambot ang tinig niya at sandaling ibinaba ang tingin sa aking tiyan. “Pero buntis ka. Hindi ka dapat nakararamdam ng ganyang bigat ng loob. Hindi mo dapat pinapasan ang ganitong stress, lalo na ngayon. Kaya naman hayaan mo kaming makabawi sa ’yo, Nina. Gusto naming gumaan kahit kaunti ang pinapasan mo.”Bakit parang ang Mommy ni Kai ang nakikipag-usap na maging maayos kami ng anak niya?“Saka nangako ako sa Mama mo na alagaan ka rito. Tapos ganito ang

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   UBMB — Chapter 48

    Nina’s POVHINDI pa man ako nakakasakay ng ecalator nang sabayan ako ni Kai. Sinamaan ko siya nang tingin nang ngumiti siya sa akin. Nilingon ko si Dom, nakangiti siya sa akin. “Hindi ikaw ang gusto kong kasama kaya anong ginagawa mo rito? Alam ba ng Mommy at secretary mo?”“Alam ni Mommy, pero wala na akong secretary ngayon. Assistant na lang. Kaso, absent din siya dahil magpapa-checkup siya kaya sasamahan ko siya.” Napataas ako ng kilay. Pinagloloko ba niya ako? Nakita ko pa lang sila nakaraan ni Geneva tapos wala na? Ano ‘yon, for today’s video lang tapos bukas, balik trabaho na naman si Geneva?“Kung wala kang magawa sa buhay, pwede ba, umalis ka na?”Hinintay niyang makalapat ang paa namin sa escalator bago nagsalita. “Aalis ako kung kailan ko gusto.” Sabay higit niya sa kamay ko. Pinagsiklop niya iyon.Pilit na binawi ko ang kamay ko pero hindi siya pumayag na bawiin ko.“Alalahanin mong buntis ka kaya ‘wag kang maglumikot.” Sabay tingin sa baba. Umaandar noon ang escalator.Ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status