Blurb:
Akala ni Nina, bakla ang boss nilang si Kai Alva. Masyadong maayos, maselan sa paligid, masungit, at may aurang untouchable perfection. Pero isang eksenang hindi inaasahan sa men's CR ang bumago ng lahat. Doon mismo narinig ni Kai ang tsismis… at ang mismong pagkakabanggit ni Nina na isa siya sa naniniwala rito. Kaya gumawa si Kai ng paraan para patunayan ang totoo niyang pagkatao. Ginawa niyang personal assistant si Nina. At unti-unti, dinala niya ito sa sarili niyang mundo. Paano kung ang lalaki na akala mong hindi ka kayang tingnan bilang babae… ay siya palang makakapaghubad sa 'yo, hindi lang ng pride, kundi ng puso mo?NINAAKMANG bubuka ang labi ko para magsalita nang biglang tumawa si Sir Kai. Sanay naman na akong makita siyang tumatawa kapag kami lang pero hindi kasinglakas nito.“Where did you get that idea, Nina? Huh?” Hindi niya inalis ang tawa. Pero natigilan siya maya at kasunod niyon ang paglaki ng mata. “Are you jealous?”Naningkit ang mata ko sa narinig. “Anong jealous? Bakit naman? Gusto na ba kita?” Bahagya akong lumayo sa kanya pero hinapit niya lang ako. “Hindi? Eh, bakit gising ka magdamag? Dahil hindi ako nakauwi?”Natigilan ako. Paano niya nalaman?“Hindi ka nakatulog kakahintay sa akin kaya ka nag-undertime, right?”Dahil ayoko siyang sagutin, nag-iwas ako nang tingin.“Okay. I’m sorry. Walang juice ang phone ko kaya hindi ako nakatawag sa ‘yo. Alam mo namang galing ako sa flight kahapon tapos may pinuntahan kami ni Geneva. ‘Di ba? Wala na akong time mag-charge.”Tinitigan ko siya. “Wala kang time mag-charge, e, nasa hotel kayo. Tapos magdamag kayong magkasama,” wala sa sariling
NINAMABILIS kong ini-stapler ang paperbag para walang makakita. Nakakahiya kung makita ito ng kung sino man. Bakit naman kasi ganoon ang binigay ni Sir Kai?“Nina, aalis kami ni Sir. Ikaw na muna ang bahala rito.”Tumango ako kay Ma’am Geneva. Kakarating niya lang noon. Galing sa ibang department yata.“Sige po, ma’am.”May tsine-tsek akong papel noon nang may sumagi sa isang file na nasa mesa ko. Nang mag-angat ako nang tingin, si Sir ang dumaan. Si Ma’am Geneva, papadaan pa lang. Bagong bihis si Ma’am Geneva kaya mukhang mahalaga ang lakad nilang dalawa. Bago mawala sa paningin ko si Sir Kai ay lumingon siya sa akin. Hindi ko naman mabasa ang sinasabi ng mata niya kaya wala lang nang tingnan ko siya.Akmang ibabalik ko ang tingin ko sa ginagawa nang mapansin ang paperbag na dala ni Ma’am Geneva. Napakunot pa ako ng noo nang lingunin ang paperbag na bigay ng boss. Kaparehas ng kay Ma’am Geneva.Hindi kaya parehas kami na binigyan ni Sir? Pero ano ang laman ng kanya?Same brand ng l
NINA“LOCK the door,” utos niya kaya bumalik ako sa pintuan para i-lock.Bumalik ako sa kinatatayuan ko pagkatapos.“Come here,” aniya Sir Kai sa akin, sabay turo ng tapat.Lumapit naman ako sa harapan niya.“S-Sir Kai,” nauutal kong sambit nang basta na lang niya hilahin pagkahawak ng kamay. Napaupo ako sa kandungan niya. Ramdam ko tuloy ang bukol sa pagitan ng hita niya. “I told you to behave, Nina. But what did you do?” Salubong ang kilay niya.Imbes na mapasagot, napaawang ako ng labi nang maramdaman ang kamay ng boss loob ng palda ko.“S-Sir Kai, nasa office po tayo,”“I know,” bulong niya, pero tinuloy niya pa rin hanggang sa maramdaman ko na ang kamay niya sa pagitan ng aking hita. Bahagya pa niyang binuka nang sapilitan kaya sumunod ako.“S-sandali.” Pigil ko sa kamay niya pero tinampal niya lang iyon. Namalayan ko na lang na nagsisimula nang kumilos ang daliri niya. Hapon na noon kaya hindi ako mapakali. Hanggang ganito lang kami sa condo niya pero sinisiguro kong bago akon
NINA NAPATINGIN ako sa opisina ng boss nang marinig ang boses niya sa kabilang linya. Wala si Ma’am Geneva dahil may ka-meeting sa labas. “Kumain ka na ba?” tanong ni Sir Kai sa kabilang linya. “Hindi pa. Busog pa ako sa pina-deliver mong pizza.” “Pero kanina pang ten iyon, a.” “Nakaapat na slice kaya ako.” “Kahit na. Dapat kumakain ka pa rin ng tanghalian.” Bumukas ang blinds ng opisina niya kaya kita ko siya ng mga sandaling iyon. “Kapag nagutom na lang siguro ako.” “Okay. Dito ka na lang sa loob kumain para hindi ka nila makita.” “Okay lang sa ‘yo?” “Kakasabi ko nga lang, ‘di ba?” “Paano kung magkalat ako dyan? O ‘di kaya mangamoy ang opisina mo sa ulam ko?” “Anong silbi ng air freshener?” nakangiting sabi niya na ikinangiti ko rin. Hindi ko akalaing mababawasan ang kaartehan niya. Nitong nagdaan, hindi ko napapansin ang bagay na ‘yan. Hindi na rin niya pinapansin mga ginagawa ko sa bahay niya. Kahit na nga sumampa sa kama niya na walang hugas-hugas ng paa. Hindi na.
NINA After naming mag-usap ni Sir Kai ng tanghali, hindi na niya ako pinansin. Lumabas din siya ng opisina niya alas dos na pala. Hindi ko nga napansin na umalis. Kung hindi pa sinabi ni Ma'am Geneva, hindi ko malalaman. Wala namang sinabi si Sir Kai kung saan ako kaya sumabay na ako sa mga kasmahan ko nang dumating ang uwian. Nag-aabang ako noon ng jeep nang may humintong puting sasakyan. Bumukas ang bintana niyon bandang kanan at may kumausap sa akin. “Kayo po si Nina Almeda?” “Ho?” Hindi ko alam ang isasagot. Hindi ko naman kasi siya kilala. Baka mamaya masamang tao, e. “Pinapasundo po kayo ni Sir Kai.” Pinapasundo raw ako ni Sir? Never pa niya akong napasunod. Saka galit iyon sa akin yata kung pagbabasehan ang huling pinag-usapan namin. “Sorry po pero hindi ko po kayo kilala,” ani ko sa kanya. “’Wag po kayong umalis, ma’am. Tawagan ko lang po si Sir.” May inilabas siyang cellphone at may tinawagan. Sinabi niyang ayaw kong sumama. Tatango-tango lang siyang nakikinig sa
NINA Umalis din sila agad kanina. Pero nag-iwan ng mensahe ang boss na aalis nga sila para maglaro ng bowling. Pwede na raw akong lumabas sa silid niya kung gusto ko. May pagkain din daw siyang inorder kaya kumain ako agad dahil sa gutom. Naglinis na rin ako ng silid niya after kong kumain. Saka ko lang napagtanto na pagabi na nang matapos ako. Kung hindi pa ako tumingin sa relo ko, hindi ko malalaman ang oras. Pasado alas onse ng gabi na ng mga sandaling iyon, ramdam ko na ang antok. Pero hindi nga pwedeng matulog. Baka magalit na naman si Sir Kai akin. Kaya nilibang ko ang sarili ko. Paano kung tawagan niya ako at kailanganin tapos tulog ako? Hindi ko alam kung bakit naisip naman niya akong parusahan sa hindi pagsagot ng tawag at pagsama sa kanya. Akala ko kasi okay lang na sa bahay ako since nakapag-paalam naman ako noong una. Saka wala akong mukhang ihaharap sa kanya kagabi. Alas dos na ng umaga pero heto, nanunood pa rin ako. Subalit hindi ko na naiintindihan ang pinapanood ko