Home / Romance / Tempting the Uncle: A Deal of Desire / Chapter 88: Finale and Teaser

Share

Chapter 88: Finale and Teaser

Author: AVA NAH
last update Huling Na-update: 2025-08-02 22:01:06
JALENE

“I LOVE YOU,” masuyong sambit ni Frank bago niya hinugot ang sarili sa akin. Hinalikan pa niya ako sa tungki ng ilong bago nahiga sa tabi ko at yumakap nang mahigpit.

“Ngayon ko lang napagtanto, sobrang miss pala kita.”

Bumaling ako sa kanya. “Dahil sa hypnosis kaya parang ang dami mong na-miss sa akin.” Hinaplos ko ang pisngi ni Frank. “Kahit sa buhay ng mga anak natin, marami na.”

Dinala niya ang kamay ko sa labi niya at hinalikan. “Pero kahit na under hypnosis ako, hindi ko kayang ipagpalit ka kay Kassandra.”

Napataas ako ng kilay. “Hindi raw. Eh, ano ‘yong dinala mo sa farm tapos tinago mo pa sa akin? Saka narinig ko kung paano mo kausapin si Kassandra, parang mas mahal mo pa siya kesa sa akin.”

Kinurot ni Frank ang ilong ko. “Under hypnosis nga, e. Saka nasabi ko kay Kassandra na hindi kita kayang iwan. Kaya ssa tingin ko, matindi ang pagmamahal ko sa ‘yo talaga.” Dito ako napangiti. “Biruin mo, ang tagal nang effect sa akin ng hypnosis nila. Pero sa iba? Madali lang
AVA NAH

Ayon, wakas na sila Jalene. Next chapter, ang 1st Chapter ni Kai naman.... Sana po abangan niyo...

| 43
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (33)
goodnovel comment avatar
Emilie Baylosis Forbes
hahahaha cute nman binata na si Kai Siya na Ang nag papalakad ng company sana maganda din tulad ng story ni jalene at frank
goodnovel comment avatar
Sweetangel
hehehe magnda ata tong Kay Kai ah
goodnovel comment avatar
lilybeth formenter
mukhang maganda itong love story ni Kai
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   Special Chapter of UBMB

    KAI’S POVMABILIS kong hinawi ang long curtain sa silid naming mag-asawa nang marinig ang pagbusina ng sasakyan. Tatlong araw sila sa parents nila dahil na-miss niya ang magulang. Hindi ako sumama dahil sa business meeting ko na biglaan sa Singapore. Mahalaga kaya hindi pwedeng ikansela. Saka tatlong araw lang naman daw sila doon.Napangiti ako nang tuluyang pumasok ang sasakyan. Bumaba siya at pinagbuksan ang nasa likuran niya, kasunod niyon ang paglabas ni Yaya na siyang may dala sa bunso naming si Mara. Tulog na tulog siya habang si Soren ay masiglang bumaba na noo’y inaalalayan ng asawang si Nina.Hindi ako bumaba para salubungin sila dahil ang alam ng mag-iina ko, bukas pa ang balik ko galing Singapore. Gusto kong sorpresahin sila ngayon. Mabilis akong umalis sa kinatatayuan ko nang mapatingin ang asawa sa gawi ko.Nakaramdam ba siya na may nanonood sa kanila?Naupo ako sa kama at pinakiramdaman na lang sila. Maingay naman si Soren kaya siguradong malalaman ko kung malapit na si

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   Her Love Marked Him First (France and Denmark)

    Title: Her Love Marked Him FirstCharacters: - Frances Alva- Denmark MondragonBLURB:Mula noon, minahal na talaga ni Frances Alva si Denmark Mondragon. Dalagita pa lang siya, alam na niya kung ano ang magiging bahagi ni Denmark sa buhay niya—ang lalaking pag-aasawahin niya balang araw, ang magiging ama ng mga anak niya, ang taong tadhana ang inilaan para sa kanya.Ngunit sa kabila ng lahat, walang pagtingin sa kanya si Denmark. Sino ba siya sa mata nito? Kapatid lang siya ni Kai, kaibigan nito, at ganoon lang ang tingin nito sa kanya. Hanggang doon lang.Hindi niya akalain na ang tadhana mismo ang magbibigkis sa kanilang dalawa. Isang iglap, isang pagkakamaling hindi sinasadya, naabutan sila ng kapatid sa iisang kama, at nauwi sa isang kasalang mali na sa simula pa lang… dahil may ibang mahal ang binata.Ngayon, nakatali na sila sa biglaang kasal. May pag-asa pa kaya siyang mahalin ni Denmark? O mauuwi lang ito sa pusong sugatan?

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   UBMB-Chapter 54

    Kai’s POVNAPATAYO ako nang mabasa ang text mula kay Dino na nasa paligid lang si Geneva. Nakapag-piyansa siya kaya wala akong magagawa. Hindi ko alam kung saan siya kumuha ng pera sisiguraduhin kong makukulong siya this time, mabulok sa bilangguan. Kaya ise-setup ko siya kapag nagkataon na makita ko siya ngayon. Bago lumabas para tawagan ang magulang ng asawa, nagtingin-tingin ako sa paligid. Hindi ko makita si Geneva. Pero ilang sandali lang ay may pinadala si Dino na picture ni Geneva at kung ano ang suot niya ng mga sandaling iyon. Planado na ang lahat ng ito. Pero hindi ko akalaing mapapadali ang lahat. Lahat ng naging kilos ni Geneva, alam namin at may kuha kami na video with audio kaya wala na siyang takas. Ang problema lang, nalaman ni Nina ang plano. Nag-alala ako bigla, mabuti na lang at kasama niya ang kapatid kong si France at Denmark. Si Denmark, may alam siya sa plano kaya tahimik lang siya nang samahan ang asawa ko. Pero nag-update siya kay Dino at sinabing kasama ni

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   UBMB-Chapter 53

    “Hindi. Gusto kong makita si Kai mismo.” Hindi naman si Kai ang gusto kong makita, si Geneva.Kanina pa nagngingit-ngit sa galit ang kalooban ko. Ayaw ko lang mag-isip nang sobra dahil sa ipinagbubuntis ko.Sa text pa lang na iyon, marami na akong narating. What if totoo nga ang sinabi ni Geneva? Gustuhin ko mang sitahin kanina si Kai pero hindi ko magawa dahil nandoon ang magulang niya. Ayokong malaman nila ang bagay na iyon kaya gusto kong kausapin sana si Kai. Saka busy rin ako kanina kakabantay ng babaeng iyon.Alam ko namang nakasunod si France at Denmark. Hinayaan ko lang silang dalawa. Naririnig ko ngang nagbabangayan ang dalawa na naman.At habang papalapit ako sa room 502, binalot ang dibdib ko ng kaba. Natatakot ako sa makikita. Kailangan ko ng sagot mula kay Kai din. May ebidensya naman ako kaya hindi siya makakatanggi sa akin if ever. Pero may katanungan pa sa isipan ko. Bakit parang kalmado lang nang pumasok si Kai sa sasakyan? At bakit sinabi ni Denmark na may pumasok

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   UBMB- Chapter 52

    Nina’s POVSeryosong nakatitig ako kay Kai nang pumasok ako. Pinaghila niya ako ng upuan na nakangiti pero hindi ko magawang tugunin iyon.Paano ba naman kasi, paulit-ulit sa isipan ko ang nabasa ko mula kay Geneva— na kaya lang ako pinakasalan ni Kai para sa anak namin. At kapag nakapanganak na ako, kukunin niya raw ang bata at itatago sa akin.“Are you okay, baby?” untag niya na ikinatango ko.“N-nainis lang ako sa banyo dahil sa haba ng pila.”“Oh. Dapat sinabi mo, baby. Kilala ko ang owner ng restaurant na ito. Pwede tayong–”“Okay naman na ako. Tapos na.” Ngumiti ako pero alam kong hindi umabot sa aking mga mata. “Saan ka nga pala nanggaling? Ang tagal mo.”“Oh, may inayos lang na problema sa labas after kong makausap ang parents mo.”“Anong problema naman?”Matagal bago nakasagot ang asawa. “Nothing serious,” aniya, sabay lagok ng wine na nasa kopita.Nang maalala ang narinig sa banyo, kinuha ko ang kopita na iyon na ikinagulat ni Kai. Pero parang huli na dahil konti na lang ang

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   UBMB — Chapter 51

    Nina’s POVAGAD kong kinuha ang post it ko na may lista ng mga gagawin namin today, pati ang mga aasikasuhin na rin. Uunahin namin ang pag-asikaso ng mga gown. Ilang beses nang na-cancel dahil naging abala si Kai sa opisina. Ngayon lang siya nabakante.“Okay ka lang ba talagang bumiyahe ngayon, baby?” nag-aalalang tanong ni Kai sa akin.“Opo. Dalawang linggo na po kaya akong nakapagpahinga.” Ito nga ‘yong nilagnat ako dahil sa na-miss nga namin ni Kai ang isa’t-isa.Natawa si Kai sa sinabi ko. “Ikaw ba? Hindi ka na busy?”“Hindi na po,” panggagaya niya sa aking boses.Kinurot ko siya sa tagiliran. “Tara na nga. Para makauwi tayo agad.”Magkahawak kami nang bumaba. Nakangiti ang Mommy niya nang balingan kami. Nginuso kasi kami ni France. Nililinisan kasi niya ang kukuno ng ina. Madalas, si France lang ang nagpe-pedicure at manicure sa ina. Hilig kasi niya talaga ito siguro. Ito nga ang nagsu-suggest minsan sa ina na maglinis. Ako nga, kung hindi raw ako buntis, siya raw ang maglilinis

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status