Share

Chapter Four

The Party with my Neighbors

Ripped jeans at pink t-shirt na pinatungan ng gray hoodie jacket ang isinuot ko paglabas ng unit. It was 8pm already, siguro ay nagsimula na sila sa party 'kuno' sa Tenement. 

Actually, na shocked talaga ang aking kaluluwa nang imbitahan ako ng Landlord namin sa piging na gagawin nila mamaya. Pero dahil bago ako rito ay kailangan ko'ng makisama. Gusto ko sanang magmukmok na lang sa silid at matulog dahil para baga akong napagod sa maghapon, kahit wala naman akong ginawa.

Mag-isa lang ako na bumababa sa matarik na sementadong hagdan ngayon, siguro'y nando'n na silang lahat. Pinakiramdam ko ang aking paligid, tahimik ang bawat sulok ng third floor. I started humming para maiwasan ang kaba sa dibdib ko. Medyo takot kasi ako sa dilim at sa paglalakad sa gabi mag-isa. But as I was about to take my last step sa  palapag ng second floor ay may narinig akong lumagabog sa taas. Na estatwa pa ako saglit, pinakiramdaman kung ano iyon. 

Ngunit wala namang lumitaw na kung sino mula ro'n. 

Baka isang tenant mula sa isang kwarto. O baka may nag-aaway na mag-asawa. Possible 'yon, ha.

Pasimula na 'ko sa aking paglalakad ng muling makarinig nang kakaiba, tila mga yabag ng sapatos na tumatama sa sahig. It's a black shoes, I'm sure of it.

And then, a man in all black appeared. He came also from third floor, calmly walking down. He wears weird clothing, animo'y isa siyang pari na naka-itim. Tahimik niyang hinakbang ang mga paa sa bawat baitang nang hagdan hanggang sa makaabot siya sa tapat ko. 

Suplado pa ata, ni hindi man lang niya ako tinapunan nang tingin. O kahit batiin nang, 'Hi! Papunta ka ba sa party. Tara sabay na tayo!' Ang snob ng kapitbahay ko na ito, ha. 

The man has an angelic feature. Isa siyang emo with his fashion, pero ang mukha niya ang may maamong pustura na taglay. Cute face, matangos na ilong, chinitong mata at makapal na kilay. His hair is brownish. And he also have a perfect height.

Nangunot ang aking noo sa ginawa niyang paglagpas lang sa 'kin.

Binilisan ko ang lakad upang magkasabay kami sa paglalakad.

"Hi. Papunta ka ba sa party?" tanong ko nang mapagtagumpayan na magkasabay kami.

Kaso, dedma nya ako. Hindi naman siguro siya bingi. 

"Hey neighbor! Sa taas ka rin pala? Ako sa unit 17 ikaw?" nakangiting pagtatanong ko sa kan'ya ngunit ganoon pa 'rin, tila hindi nya ako napapansin. 

"Uy!" This time ay kumapit na ako sa braso niya. Do'on lamang siya napatigilan at napatingin sa kamay ko na nakahawak sa kanya. Doon ako na-alarma, nagalit ata sa ginawa ko kaya naman mabilis kong binawi ang kamay. 

"S-sorry ha. Ikaw kasi eh, magkasabay lang tayo pero hindi mo 'ko pinapansin. Anyway, ako nga pala si Felicity sa unit 17." Inulit ko ang pagpapakilala ko kanina habang nakalahad ang palad sa harap niya. Ngunit imbes na kuhain iyon ay tinitigan niya lang ako. Nagka Eye to eye contact pa kami sa pagkakataon na 'to. Nagulumihanan ako't napalayo ng tingin sa weirdong lalaki na kaharap ko. Ang weird niya, para bang mine-memorize niya ang mukha ko. 

"You can see me human?" he asked na magkasalubong ang mga kilay at nangunot ang noo.

Ha? Anong klaseng tanong 'yon? Natural nakikita ko siya, haler hindi kaya ako bulag. 

"Oo nakikita kita, I have two eyes oh." Binukas-sara ko pa ang mga mata ko na para bang nag b-beautiful eyes sa kan'ya.

Umiling-iling siya. "In that case you should be a soul," he declared .

Soul? 

Does he mean I am dead? 

Haha. This man is crazy. Mukhang this time sure na ako na naka-drugs ang isang 'to. Nagkamali ako kay Elias, pero sa kaniya I'm absolutely sure na.

Napatawa ako. "Patawa ka naman! Bahala ka kung ayaw mo magpakilala sa akin. Pero please lang 'wag ka mag joke nang ganyan. Nagmumukha kang addict sa mga sinasabi mo," ani ko pa't napa-isip. Kanina pa ata nagsimula ang party. Tapos ay nauna na siyang nagtungo ro'n. Kaya tinamaan na at nalasing.

"Ang mabuti pa, mauna na ako sa'yo. Kitakits na lang sa baba." Pagpapaalam ko sa kanya. Mahirap na baka mahawaan ako nang ka-weirdo-han no'n. 

Binilisan ko ang paglalakad at tuluyang iniwan ang weird na lalaki in black cloak.

Tama nga ako nagsimula na sila. Maraming tao ang nagkukumpulan sa labas ng Tenement. May kumakain at nag-iinuman na. Ang ilan ay sumasayaw sa gitna ng lugar. Wow! Bongga ha. Tumingala ako at nakita ang malaki at bilog na buwan. Napakaliwanag niyon, kaya naman kahit hindi gumamit ng mga ilaw ay okay na okay pa din. 

Nagpaling-linga ako't hinanap kung narito rin sina Cindie at Victoria. 

Ang daming beer sa bawat lamesa, may pulutan na lechon at mani. Dahan-dahan akong lumapit sa isang bakanteng lamesa at silya. Natakam ako sa balat ng lechon kaya naman kumurot ako at kumain. Nagpalinga-linga muna ako bago inabot ang beer sa bucket, nakakahiya baka isipin nila heavy drinker ako't pinagbabalakan na ubusin ng isang bucket. Ang sarap nito ang lamig. Napangisi ako bago tuluyang lumagok nang konting laman ng bote. . . Wooh! Humagod sa lalamunan ko ang pait, pero masarap. 

Muli ay tumungga ako. 

At isa pa.

Hanggang sa umabot na naubos ko ang isang bote ng beer.

Nahubaran ko na rin ang lechon sa aking harapan sa sobrang katakaman ko.

Pakurot na sana akong muli ng lechong baboy nang matanaw ko sina Cindie at Victoria. Kumaway ang babaeng may asul na mga mata sa akin. At bilang ganti ay kumaway din ako. 

"Kanina ka pa namin ina-antay Feli," bungad ni Cindie sa akin bago tuluyang naupo sa katabing silya ko. Inilapag din nito ang bote na hawak at isang platito.

"Kanina pa 'ko rito," sagot ko naman sa kaniya. 

"Yeah. Halata nga." Sinulyapan ko ang pagkain na nasa harapan namin. Nakangiwi kong sinulpyapan si Victoria na ang tingin ay nasa malayo, nakalingkis pa ang kaniyang maga braso sa isa't-isa. 

Masama pa rin ata ang timpla sa akin ni Victoria, ang sungit eh. 

Tinanong ko kung nasaan si Gerry, Cindie just said na busy makipagdaldalan sa ibang neighbors. Grabe ang bata pa niya pero sociable na.

Tinanguan ko siya bago muling hinawakan ang bote ng beer. Pinaikot-ikot ko ang laman niyon, bago muli'y tumungga. 

"Wow! Ang galing mo Feli ha," puna ni Cindie na nakikinig lang sa mga kuwento ko. 

"Hindi naman," nahihiya kong tugon sa kaniya. Nagpapakuwento kasi siya tungkol sa buhay. And I started it by telling her that I am a writer. I don't know if I should have told her that. Kasi naman hindi ko feel na mahusay talaga ako ro'n. Maybe noon, oo, no'ng hindi pa nabagok ang ulo ko sa aksidente. 

"Tsk. For sure ang lame nang stories mo." Biglang sabat ni Victoria sa usapan namin.

"Victoria, don't be like that to her." Cindie then glanced at me. "Don't mind her, may regla ata 'yan." Bulong niya sa 'kin. 

"I heard you," Victoria is on Cindie whose laughing loudly with me. 

Halos maubos ang oras namin ni Cindie kakatungga ng alak na nasa harapan namin. Nagawa rin naming makipagsayaw sa ilang kapitbahay. I therefor knew na may mababait at approachable rin pala akong kapwa tenant dito sa lugar. 

I talk to the family Youngster who lives on the second floor. Mr. And Mrs. Youngster have two children whom they named Farrah and Timothy. I enjoyed talking to them about family matters even though I don't have one.

Cindie also introduced to me the Vamir Brothers. At first, I was so shocked at the five mysterious and weird men in black. But as time goes by I find them hot and undeniably handsome. 

Crush ko si Jack sa magpipinsan. 

"Come on Feli, you're wasted," Cindie announced as I began to drag her again on the dance floor.

"No, I'm not!" 

Tinangay na nga ata ng alak ang kalahati nang aking katinuan. Gusto nang katawan ko na sumaway sa saliw ng ritong pinapatugtog ng mahusay na DJ sa party. Malaman nga kung sino siya at nang mapasalamat, he or she is arousing my body on it's highest level. 

I'm drunk, maybe.

"I can't dance," Cindie said between her laugh.

"This party is awesome, Cinds."

"Yeah," she even rolled her eyes to me.

Tuwang-tuwa kami ni Cindie sa pagsasayaw, inaya pa namin si Victoria but she doesn't want to. Her boyfriend Elias came, they're busy having a good time--talking. 

Siguro nga ni-prank lang ako ni Elias last time. His eyes are absolutely fine and perfect. He has an eyeballs and that's great. No time to be scared of him.

"Hey, can I have a dance?" a masculine voice appeared in my ears.

Oh! It's Darren, one of the Vamir, Cindie was talking about.

"Go dance with this girl Darren, I'm out." Cindie chuckled. But before leaving Cindie say something to him. But he seemed to didn't mind it.

Hinarap ko ang lalaki at ipinatong ang dalawang kamay sa balikat niya. Ang bango-bango niya samantalang ako amoy alak na. Ang neat pa ng itsura niya while sabog na. Haha. Maski ang buhok kong kulot ay sumabog na rin sa aking mukha't balikat.

"So, hi Felicity." 

Shit! Pati hininga niya ang bango. 

"Bago ka pala rito," he asked, coldly.

"Oo. Ilang days pa lang," sagot ko habang nakatitig pa rin sa mga mata niya.

He plastered a smile on his face. "Do you think it may be your last day here?"

Pinangunotan ko siya nang noo. "May one month ako rito, and it will not my last day, okay?" I answered him directly, pero in 

Tumango-tango siya sa akin. Then later on he used his point finger to move my hair that has been exploded to my neck. 

Mas lalo ata akong nalasing sa ginawa niya.

Then he sniffed.

Nakadrugs ba siya? 

"You smell good Felicity, fresh."

Namula ako sa sinabi niya, what does he mean by fresh? Is he talking about my V? Oh gosh! I am overthinking again.

"You're funny," I even laughed in between our dances. My eyes were a little blurry right now. 

"Of course not, sweetie."

Hala. Puwede ba ako umihi? Kinilig ako bigla. I gave him a wide smile, I felt a little shyness to him.

According to my calculation, at kung hindi man ako nagkakamali. Si Darren ang ikalawa sa pinaka ma-hitsura sa lima, well it was from Cindie's perspective too.

First would be Juancho, a tall man with an oval-shaped face. Have tantalizing eyes and a pointy nose. He smiles a little, hindi kagaya ni Darren na ang linis ng aura.

And there is this Darren na isa ring gwapo. Very masculine ang dating sa 'kin, with thick eyebrows and red lips. Well, actually magkakaparehas lang ang tangos ng ilong nila. All pointy.

Jack, my crush, is a nice guy. Square-shaped face and has a thick hairdo. He is the baby face in the group. He looks like a good boy to me. 

Then here's Marco, I do not know if he's a nerd or just has poor eyesight. He wears glasses and never speaks a lot. He just kept on drinking the whole party. 

And lastly, Loother. He's kind a bubbly and loves to throw jokes even if it's a bluff. May pagkachubby siya ng very light. No, he is healthy but handsome.

"Do you have a boyfriend?" Darren asked as I put my sight on the floor. Tinitignan ko baka kasi maapakan ko na siya. 

"Negative." I smiled.

"Nice."

Huh? Anong nice? Sa isip-isip ko.

"You want to sleep the whole night with me?" 

"W-what do you m-mean?" I maybe tipsy but I know what he is talking about. 

"Look into my eyes Felicity," he started saying those words. "Let me taste your sweetness," he continued. 

I don't know what happened but my mind seem to follow his instruction. 

I looked at his brown eyes.

I feel unconcious with my self. I wanted to say something but my tounge is not doing so.

I only heard a thing before my eyes shutted off. 

"Leave her alone, or you leave my place."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status