Share

Chapter Three

To the cursed scenario, in the past.

Puting kisame. 

‘Yon ang bumungad sa ‘kin pagdilat ng aking mga mata. Ini-upo ko ang aking sarili, hindi naman masakit ang katawan ko. Mas lalong wala akong maalala na may nangyari like nabagok ba ako o nasaksak para dalhin sa Ospital.

“Anong nangyari?” tanong ko sa aking sarili.

Pinakaisip-isip ko ang mga pangyayari kanina. Mula sa pagising, pagkain at sa pagkakilala ko kila Cindie. Okay naman lahat. Niyaya nila akong kumain sa Tapsihan sa basement pagkatapos ay—

Wait!

Mayroong mga armadong lalaki ang nang bomba at  nakapasok dito. Naitakip ko ang mga kamay sa aking bibig. Nasaan sila Cindie? Hindi kaya? Oh my gosh! 

Dali-dali akong bumaba’t hinanap ang sapin ko sa paa. Kailangan ko silang hanapin, baka kung ano ang nangyari sa kanila.

“Nasa’n ba ang doll shoes ko?” 

Hinanap ko ‘yon sa ilalim at gilid ng nahihigaan ko ngunit hindi ko nakita. 

“Ano’ng hinahanap mo?” 

Napatalon ako sa gulat nang malaman may ibang tao sa loob ng silid. Nilingon ko ang gawi kung saan nanggaling ang pagtatanong. 

Sa puntong ‘yon ay nagkasalubong ang mga mata namin. Naka dyekwatro siya habang direstong nakasandig sa may kahabang upuang naroon. 

This guy looks familiar!

“S-sino ka?” I asked.

“Do you feel better?” he also asked me.

“Ako kaya ang naunang nagtanong,” sabi ko. Naalis ang atensiyon ko sa kaniya nang mapansin ang doll shoes ko na nakapatong sa tabi niya. At anong ginagawa no’n doon?

“B-bat nasa tabi mo ang doll shoes ko?”

“Ah, heto ba?” 

Ang tinutukoy niya ay ang sapin ko sa paa. Dinampot niya ‘yon at lumapit sa ‘kin. Napapaatras ako habang patuloy ang pag abante niya patungo sa direksyon ko.

The guy have an outstanding look.

Matipuno siya’t napakaganda ng tindig. Mas matangkad din siya sa ‘kin ng mga three to four inches, I think. Kahit may distansya sa pagitan nami’y kita ko ang maiitim na pilikmata niya, sadyang matangos din ang ilong nito. Natural ang labi niyang may kanipisan ngunit namumula-mula. Siguro’y hindi siya naninigarilyo. Ngunit ang nakababahala sa lahat ay ang malamlam at malungkot niyang mga mata sa ilalim ng salamin sa matang disenyong parihaba. 

Nakalapit nga ang lalaki sa akin bitbit ang aking doll shoes. Tahimik lang siya’t hindi na nagsalita. 

Nagkatitigan kami ng ilang segundo sa ginawang niyang pagtayo sa harapan ko.

Do’n ko napansin ang isa pang dapat na i-describe ko sa kan’ya.

Umiigting ang panga niya!

“A-ano ba ang k-kailangan mo?” nauutal kong tanong sa kaniya.

“Tell me, sa’n ka nagpunta?”

Ba’t maging ang bose niya’y malamlam? Walang kabuhay-buhay.

“Anong sinasabi mo?” kunot-noo kong tanong. 

Wala naman akong pinuntahan, ah. 

“Well, anyway… Nevermind. I hope you’re okay now,” turan niya habang inilalapag ang sandalyas ko sa sahig.

“O-okay naman ako. Aywan, bakit ba ako narito?” sagot ko sa kaniya.

“You collapsed, Felicity.”

“I what?” 

Teka, bakit wala akong maalala na nag-collaps ako. Iba ang rumerehistro sa utak ko kapag inaalala ang nangyari. 

“’Wag mo na munang pilitin na intindihan. Soon, darating ka rin sa point na makukuha mo ang mga nangyayari,” saad niya. “For now, fix yourself at pumunta ka sa opisina ko mamaya. You have to sign the contract for your one month stay here.” 

“Opisina? Bakit sino ka ba kasi?” medyo mataas ang boses ng pagtatanong ko sa kan’ya.

“I’m your Landlord Felicity. And this is my Tenement.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Omg! Lalaki pala ang landowner, at may itsura ha.

“Stop daydreaming Felicity.”

‘Yon lang at tuluyan na siyang naglakad palabas ng silid. Pinagalitan ko ang sarili sa ginawang pagpantasya sa kaniya. 

Bad Feli!

Umiling-iling na lang ako’t sininuot ang pares ng doll shoes na ngayo’y nakasalampak sa harapan ko.

Nagpakilala siyang may-ari nito pero pangalan niya hindi niya sinabi.

Aayusin ko muna ang nagulong higaan bago ako umalis. Tinupi ko ang kumot at pinagpagan ang papag niyon. Sinasalansan ko na ang unan nang bumukas muli ang pintuan at inuluwa niyon ang tatlong kasama ko kanina. 

“Feli...” Nagdudumaling nagtungo si Cindie sa akin. Nagulat ako sa ginawa niyang pagyakap at pag-aalala. 

“Ano’ng nangyari? May allergy ka ba sa kinain na ‘tin? Sumakit ba tiyan mo?” sunod-sunod na tanong niya.

“Ah, wala akong allergy at saka hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang nangyari maliban sa nag-restroom tayo.” 

“Yeah. Ayun na nga, nag-restroom tayo, pagkatapos no’n biglang hindi ka na nagsasalita kaya nataranta ako. To find out na nahimatay ka sa loob ng cubicle,” pagsasalaysay niya.

“Talaga? Gano’n ang nangyari? So, panaginip lang ata lahat nang ‘yon,” nakasimangot kong tungon kay Cindie. Naupo ako sa kama’t napaisip.

“Kanina kasi bigla kayong mawala, tapos may pagsabog at putokan sa labas. Lumabas ako to see na tila may kung sinong lumulusob sa lugar na ‘to. Actually, ang weird no’n kasi parang totoong-totoo siya,” pagku-kwento ko sa kanila.

Cindie then sit in my side while Gerry and Victoria suit themselves on the couch where the landowner sits a while a go.

“Saang cubicle mo ba siya pinapasok, Cindie?” pagtatanong ni Victoria habang nakatungo sa amin.

“Do’n sa gitnang—Ay! Ano ba ‘yan nagkamali ako!” Cindie then exclaimed.

“Alam mo namang under maintenance ‘yon, for sure nabuksan niya ang portal—”

“Hey!” biglang sigaw ni Cindie na ikinagulat ko rin. But wait? Portal, is that right?

“Ano ‘yon?” I asked.

“Wala, hetong si Victoria kung ano-anong nasasabi. She like jokes, you know,” tatawa-tawa pang sabi ni Cindie.

“Duh. I never joke.” Napa cross arms si Victoria with matching pag-ikot ng eyeballs pa.

“Mabuti pa ihatid na kita sa room mo, Feli. You should rest.”

“Ah. Oo sige,” tugon ko. “Pero, pinapupunta ako ng Landowner sa opisina niya mamaya, kailangan ko raw pirmahan ang  kontrata regarding sa pagtira rito tapos—” 

“Oh, bakit natulala ka riyan?” Malayo ang tingin ko ngunit naririnig ko pa rin ang tanong na ‘yon ni Cindie.

“Wait… Alam ko na kung sa’n ko siya nakita,” sabi ko’t hinarap si Cindie. 

“Sino?”

“’Yong Landlord natin, nakita ko siya kanina on that weird place… On my dream. Tinulungan niya ako, ang sabi niya babalikan niya ako. Pero hindi na nangyari kasi lumabas ako. Pagkatapos nakita ko ang magulo at sira-sirang bakuran. Then, bigla na lang naramdaman ko ang isang malamig na bagay sa leeg ko. Someone shouted, ‘Indiyo’,” I explained to them. Alam ko ang buong nangyari, walang details na nawala o nabura man lang. Totoo ang mga eksena na ‘yon sa utak ko. 

“Nakapunta nga siya ro’n.” Tumayo si Gerry at lumapit sa amin. “Good thing na nakabalik ka pa, siguro kung hindi ka nagising baka wala ka na ngayon,” saad nito sa harapan namin ni Cindie.

Napailing-iling ako. “Bakit ang weird Cindie? No’ng una kong pagdating dito sobrang creepy na ang naramdaman ko. Mula pagpasok sa malaking gate na ‘yon hanggang dito sa nangyaring ‘to. Masama at matatalim lagi ang binabato sa ‘kin ng ibang tenants. Tapos may isang lalaki na nag approach sa ‘kin on my first day here. He has plain white eyes, sino ‘yon? Addict ba ‘yon?” mahaba kong pagsasaysay sa kaniya. Kailangan kong makakuha ng sagot sa kanila, mas matagal silang nakatira rito. 

“What did you say? Addict? Elias is a noble man. Bawiin mo’ng sinabi mo, human!” 

Nagulantang ako sa biglang pagsisigaw ni Victoria. Napatayo na ito sa couch at pagalit na hinarap ako. Naro’n naman si Cindie upang pumagitan sa ‘ming dalawa.

“Victoria, relax… She doesn’t know,” bulong niya sa babaeng may putting buhok.

Anong ‘she doesn’t know'?

“Elias is Victoria’s boyfriend. The man you saw is probably Elias on room 22.”

Lumundo ang malambot na kama sa pag-akyat ni Gerry. “Know your limits,” baling ng bata sa ‘kin. 

“Sorry, hindi ko alam,” with guiltiness na pagpaumanhin ko. Pero kasi, sinabi ko lang ang nakita ko masama ba ‘yon?

“Feli, maybe Elias is just doing some pranks. Welcome pranks, I think,” nakangiting wika ni Cindie habang hawak pa rin ang kamay ni Victoria.

“C’mon Victoria, let’s take some tobacco, Cindie will take care of that girl.” ma-otoridad ang tono ng pagkakasabi niyang 'yon. Para bang hindi siya isang bata kung umasta- na hindi naman talaga.

Muling bumalik sa dati ang kama na kanina’y bahagyang lumubog. Naglakad si Gerry palapit sa nagagalit na si Victoria. Si Cindie nama’y nakamata lang sa mga kaibigan niya. Para siyang nag-aantay na iharang ang sarili sa ‘kin sa oras na sagpangin ako ng nag-uusok na si Victoria. 

“Sige na Vic, susunod ako.” Inayos ni Cindie ang buhok ni Victoria na sumabog na sa mukha nito. Inipit niya sa magkabilang tainga ang buhok na nalaglag do’n. 

Sinamaan ako nang tingin ng magandang babae. “Fine!” she said. Mayamay pa’y nagmartsa na siya pasunod kay Gerry. Pabagsak pa nga niyang isinara ang pintuan.

“Pagpasensyahan mo na, mga serious kasi ang dalawang ‘yon.”

“O-okay lang,” sagot ko. 

“Tara na, samahan na kita sa room mo.” Tumayo na siya’t inayos ang kamang nagusot sa pag-upo namin. 

“Hindi na Cindie, salamat. Siguro daanan ko na muna ang opisina ng Landlord. Para tuloy-tuloy ang pahinga ko mamaya.” Tumayo na rin ako.

“Ah, okay sige. Ikaw ang bahala,” magiliw niyang tugon sa ‘kin.

Hindi na nga niya ako masasamahan sa opisina ng may-ari ng lugar. Kailangan niyang puntahan sina Gerry at Victoria, okay lang naman sa ‘kin ‘yon. Kaya naman nang magapaalam siya na tutungo sa smoking area ay tinahak ko na rin ang landas patungo sa aking dapat puntahan.

Sa clinic pala ng Tenement ako nila dinala, akala ko’y sa Ospital sa labas ng gusali. 

Papunta na ako no’n sa opisina nang mapansin ang kumpol ng tao sa may labasan.

Anong ginagawa nila?

Lumapit ako nang kaunti upang masipat kung anong ginagawa nila doon. May lalaki, babae, dalawang bata at lola at lolo ang tila may pinag-aagawan na kung ano. 

Nakatingin lang sa kanila ang ibang tenant mula sa malayo. Walang gustong mangialam.

“Ano ‘yon?” nasambit ko. 

Ngunit napapitlag ako nang may lumaylay na kamay mula sa pinagkukumpulan nila.

Isang lupaypay na kamay ng tao.

At isang pagkakamali ang nagawa ko, napatili ako sa takot. Dahilan upang matawag ang pansin nila. Sabay-sabay na lumingon sa akin ang kumpol na iyon. Matatalim at mabangis na tingin ang itinapon nila sa akin. Isang pamilya ata sila.

Napaatras ako. Kaba at ninerbyos ang namutawi sa aking dibdib. Kotang-kota ata ako sa kahiwagaan ngayong araw, ah.

“Hey.” 

“Hay jusko! Maawa kayo sa akin,” bulalas ko. 

“What’s wrong?” 

Pamilyar ang boses na iyon. 

Ang Landlord! Yumakap ako sa kanya’t nagsumiksik sa dibdib niya. Gusto kong sabihin na kriminal ata tenants niya kaso wala akong ebidensya na maipapakita.

“’Wag mo silang pansinin at gawin mo ang agenda mo kung bakit narito ka,” anito sa akin. Hindi ko na naman siya maintindihan. “Huwag kang matakot… May basbas ka galing sa deity ng tadhana.”

Basbas? Tadhana? Deity? Pinagsasabi niya? 

“At isa pa, ‘wag kang basta-basta yumayakap. Ayokong ma-fall ka sa’kin.” Hindi pa sana ako bibitaw dahil takot pa rin ako. Kaso nakakahiya, talandi mo Feli! Char ka. Kakakilala mo pa lang sa kaniya kanina, anong akala mo lovestory ‘to? 

“S-sorry, n-nagulat lang ako,” uutal-utal kong wika. 

“Alam kong gwapo ako, hindi mo kailangan na ipahalatang na-a-attract ka sa akin.” 

Luh? Para sa'n 'yon?

“Yabang eh.” Tsk. Grabe siya. “Hoy! ‘Di ko sadya ‘yon. Nagulat lang ako dahil ‘yung mga tenants mo roon...” Itinuro ko na lamang ang direksyon nang nakita ko kanina imbes na banggitin pa. May tao sila na tila ginugulpi kanina e.

“Sino? Saan?” tanong nito.

Biglang umaliwalas ang paligid sa labas. Nasaan na sila? Nagpalinga-linga ako, lumapit pa ‘ko sa salaming pintuan upang mas masilip ang sitwasyon sa labas.

"K-kanina may binubugbog sila ro'n." Turo ko ulit. 

"Wala Felicity, wala akong makita na gano'n," he declared. Tama naman siya wala na ngang gano'n na eksena… Ngayon.

"Ang mabuti pa sumunod ka na sa akin. Madami ng oras ang nasayang."

Napasimangot akong sumulyap sa kaniya. He's now calmly staring at me. 

I know what I saw, and I'm accurate about the details of it. May sinasaktan talaga sila kanina.

"Sumunod ka na, marami pa akong gagawin Felicity," the Landlord commanded me. 

Hindi agad ako nakasunod sa kaniya dahil sinisipat ko pa rin kung nasaan na ang nakita ko. Hindi ako puwedeng namamalikmata lang, nakita ko talaga 'yon.

Sa kabilang banda naman, bago tuluyang maglakad patungo sa kaniyang opisina'y sinulyapan muna ng Landlord ang tenants niya na nagtago pala. Ang pamilya Reyes ng unit 8. Matalim ang tingin sa kanya nang padre de pamilya habang pasan nito ang isang lupaypay na katawan ng lalaki.

"Careless," bulong niya sa hangin.

Nasa labas ako nang isang pintuang may nakapaskil na 'Landlord'. Pinagmasdan ko muna 'yon at tinitigan. 

"Landlord," sambit ko.

Kakatok na sana ako ngunit biglang bumukas ang pintuan mag-isa. 

Hala! 

"Tuloy." Mula sa siwang ay dumaan ang boses bagito na 'yon. Boses ng lalaki na nakausap ko kanina lng. 

Hinawakan ko ang seradura't itinulak papasok ang pintuan. Bumungad sa 'kin ang mabangong amoy na parang air freshener na lemon flavor. Isinara ko ang pintuan bago nagpalinga-linga ng tingin. Maayos at organisado ang kaniyang silid. Wala kang makikitang unnecessary things sa paligid. At isa pa, napakarami niyang libro. Grabe! Aabot na sa kisame niya ang bookshelf. 

"Sit down." 

Naupo ako sa silyang nakapuwesto sa harapan niya. 

Inalok niya ako ng makakain at maiinom ngunit tumanggi ako. Ang agenda ko ngayon ay maasikaso ang dapat matapos ko rito sa opisina niya. 

Ilang minuto ri'y nagsimula na siyang i-explain sa 'kin ang lahat-lahat.

“I hope na naintindihan mo lahat ng rules and regulations ko,” iyon ang sambit ng lalaki matapos nga niyang i-explain ang tungkol sa laman ng pinapapirmahan niya sa akin.

“Opo sir, copy that,” naiiritang sagot ko sa aking kaharap.

“Okay. Regarding curfews at visitors… 'Yon ang pinaka importante sa lahat dito kaya pinapaalala ko sa ‘yo.” 

“Oo na po,” may pag-ikot pa ng eyeballs na sagot ko. Kada-sabado lang ang visitors ‘daw’, at twice a month lang. Tapos, sa curfew kailangan before 10 pm ay nasa silid na. At before 8 pm ay nasa loob na dapat ng Tenement. 

May gano’n talaga, sobrang agang curfew ano kami rito, mga bata? Kailangan nasa bahay na sa oras na marinig ang kuliglig na nag-iingay?

 “Here, kopya mo ng kontrata.” Sabay abot nya sa akin ng isang mahabang papel.

“Salamat.”

“Kung hindi lang talaga libre ang pagpatira sa akin ni Abi dito, aalis na ako e,” pabulong-bulong ko. 

Ang creepy na kasi rito, hindi na nakatutuwa.

“Saying something?” 

“Ha? Wala po.” Kaplastikan kong tawa sa kanya. 

“Tapos na ano po? Aalis na sana ako.” Hindi ko na inantay na sumagot siya. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa silyang inokupa ko.

“Saglit lang!” 

Nilingon ko siyang muli. Mula sa pagkakatuon sa kaniyang mga papel ay inangat niya ang mukha dahil upang muling magtama ang mga mata namin.

“I’m Gabriel.”

Okay, so Gabriel pala ang pangalan niya.

“Felicity,” sabi ko. Ang pangit naman kung hindi ako tutugon. Hindi ko pa rin kailangang maging bastos sa kan’ya.

After that ay nginitian ko siya’t naglakad na patungo sa pintuan. Papihit na ako sa ‘doorknob’ nang madinig ko ulit ang boses niya.

 “Mag d-dinner ka ba mamaya?” out of nowhere na tanong niya.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa tanong niya. Napaisip din ako, mag di-dinner nga ba ako? May mai-luluto ba ako, o de-lata ulit ang i-ulam ko?

“Full moon mamaya, maliwanag sa labas kaya magpa-party ang buong Tenement. Pumunta ka,” saad nito. Napaka seryoso nang tingin niya sa akin. Animo’y hinihipnotize ako na um-Oo. 

“Ahmm... Okay.” 

“Okay. Enjoy.” Malamlam na mata ang muling itinapon niya sa ‘kin.

Iniwanan ko siya ng isang thank you smile bago tuluyang nilisan ang opisina niya. 

Na-excite naman ako sa party!

"Hindi ba delikado na inimbitahan mo siya?" tanong ng boses na galing mula sa likuran ng Landlord. Isang silhoutte ang tanging maaaninag mula ro'n.

"Hanggat andito ako walang mangyayaring masama sa kan'ya. Kailangan ko sya, mabuti na 'yong makilala nya ang mga magiging tenants nya sa hinaharap," sagot ni Gabriel. Desperado na ang binata na makahanap ng papalit sa kan'ya.

"Bakit hindi mo na lang pinapirmahan sa kanya ang transfer papers. Pwede naman 'yon 'di ba?"

"Puwede. Pero hindi ako kasing tuso ni Fernando. Kailangan bukal sa loob niyang tanggapin ang Tenement para walang maging problema sa pag-alis ko," saad pa nang matipunong Landlord. Alam na alam kasi niya ang pakiramdam nang makulong sa isang sitwasyong hindi niya napaghandaan.

"Kailangan muna niyang malaman at matutuhan lahat nang dapat at hindi dapat sa Tenement. Ang bawat sulok sa lugar na 'to ay mahalaga. Hindi basta-basta na ipapasa ko na lang sa kaniya ang pagiging bagong tagapangasiwa." 

"Kakayanin kaya niya o ang dapat na tanong… Tatanggapin kaya niya ang ia-alok mong katungkulan?" tanong rin ng mahiwagang boses. 

"Gagawin ko ang lahat para tanggapin niya 'yon. Ibibigay ko sa kaniya ang kayamang nakatago sa lihim na silid. Magkakaro'n din siya nang kapangyarihan at imoratalidad," salaysay nito.

"Tingin mo ba'y ire-reject niya ang gano'n na offer? Lahat ng tao'y naghahangad ng lahat ng alok ko.

"Depende. Kung hindi siya magpapabulag sa salapi, kagaya mo."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status