Share

Chapter Two

Hi! New Friends.

Napabalikwas ako ng bangon.

Nakaririndi ang pagsigaw ng aking alarm clock. Pinatay ko na kanina ‘yon, ha. Ano't nagwawala na naman? Pabalang ako na bumangon at kinapa sa side table ang naghu-hurumintadong orasan.

“Badtrip! Inaantok pa ako.”

Ilang beses akong napayu-yukyok habang nakaupo. Sabog na sabog ang buhaghag kong buhok sa aking mukha. 

“Tinatamad ako,” bulong ko sa sarili. 

Ngunit kasing bilis nang pagdating ng sahod ang ginawa kong pagbangon ng maalala ang tungkol sa kwentong sinusulat ko. Kailangan ko na palang matapos ‘yon bago matapos ang isang buwan. Dahil kung hindi ay patatalsikin na ako ni boss sa kumpanya.

Dali-dali kong nilinisan ang sarili’t nilagyan ng laman ang kumakalam na tiyan. Napakadali ko lang naubos ang dalawang pirasong toasted bread with strawberry jam at chocolate milk na tinimpla ko. Gano’n nga talaga siguro kapag matakaw. 

Binuksan ko ang aking laptop at binuksan ang documents sa Microsoft Word. Binasa ko muna ang mga huling nai-type ko ro’n bago tuluyang muling nagtipa.

Naka one paragraph na ako, and that is improving. Dati-rati kasi’y inaabot lang ako sa one to two sentences tuwing mag-u-update. 

Ititipa ko na ulit ang aking mga susunod na kataga nang biglang kumalabog ang pintuan ng aking silid. Napatigil ako’t nagulat. At sa puntong ‘yon ay nanariwa sa aking isipan ang unang pagdating ko sa Tenement. 

Ang mga kagimbal-gimabal na tingin nila at ang lalaki na plain ang mga mata. Napailing-iling ako, ‘yon ang alaala na ayaw ko sanang muling maisip pa. Ngunit bakit? Bakit bumalik na naman sa utak ko? Tatlong araw kong pinag-aralan kung papaano makakatakas sa takotbna iyon. At kung paano mabibilisin ang oras upang matapos na ang isang buwan at makalabas ako sa lugar na ito. 

Muling pumintig ng malakas ang dibdib ko. Hayan na naman ang katok. 

Pero bigla ring sumagi sa isipan ko ang katotohang hindi ako panghabang-buhay na mamamalagi rito sa loob. Kailangan kong lumabas at harapin ang tunay na mundo.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago pihitin ang seradura. Bahagya ko lamang itong binuksan na tanging ulo ko lang ang mai-si-siwang.

“Wala naman tao, eh. Pinagti-tripan ata ako,” inis kong sabi. 

“Maireklamo nga ang gan’to—”

“Ay anak ka ng!” Nabitiwan ko ang doorknob at nabuwal sa kinatatayuan ko. Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng babae sa aking harapan. 

Srsly? Hindi ko napansin kung sa’n siya nanggaling. 

“Uy! Ayos ka lang?” Pag-agap ng magandang babaeng biglang  nasa harapan ko na. 

Inalalayan niya ako na makatayo at makabalik sa katinuan. Dahil, medyo nababaliw na ako sa lugar na ‘to. 

“O-okay lang. Salamat,” sagot ko sa kaniya ng makatayo ako.

“Sorry, nagulat ba kita? Ang tagal mo kasing buksan kaya nilapitan  ko muna ang mga kasama ko na natambay roon sa malapit na pasilyo,” the lady explained to me. 

Sinipat ko muna ang itsura niya, hindi naman mukhang masamang tao. Maganda siya, balingkinitan, mahaba ang buhok na abot hanggang baywang niya. Maputi ang kulay ng kaniyang balat at ang pinaka maganda sa kaniya ay ang kulay asul na mga mata. Hindi ko mawari kung totoo ba ‘yon o contact lens lang. Almost perfect ang facial features niya. P’wede siyang mag-artista! 

Pero, minsan kung sino pa ang akala mong ‘mukhang mabait’  ay siya pa palang kayang gumawa ng masama. Kaya naman ‘wag basta-basta magpapaniwala sa nakikita. 

“M-may masakit ba sa ‘yo?”

Muli’y umiling ako sa babae. “A-ano ang kailangan mo sa ‘kin?” 

Sa wakas ay naitanong ko rin. 

“Ay! Oo nga pala, nabalitaan kasi namin na bago ang tenant sa room na ‘to. Kaya naman naisipan kong i-welcome ka,” aniya. 

“Ah, gano’n ba?” walang kwentang sagot ko sa kan’ya.

“Anyway, ako nga pala si Cindie, diyan lang  ako . . . room19.”

“N-nice meeting you, Cindie,” tugon ko. “I’m Felicity, y-you can call me Feli.” Pagpapakilala ko rin sa kaniya. 

“Nga pala pasok ka, ano ba ‘yan dito na tayo nag-usap, eh.” Ang bad ko, ni hindi ko pinapasok ang bisita. Dito na lang talaga sa may pintuan nag chikahan.

“Naku! Ayos lang, at saka aayain ka sana namin na kumain sa baba. Do’n sa tapsihan ni Aling Minda,” magiliw na sabi niya. 

Wow! Ang init naman ng pagtanggap niya sa ‘akin. Pero sinong ‘namin’ ang tinutukoy niya?

“Naro’n ‘ang mga friends ko sa labas, ano game ka?” 

Tinitigan ko siya, sincere naman ang aura niya na nakikita ko. At isa pa, wala naman sigurong masama kung sasama ako. Para makilala ko na rin ang ibang nakatira rito. 

“Si-sige. Magpapalit lang ako, okay lang?" 

Maayos naman ang suot ko pero mas gusto ko pa rin na presentable kapag nakilala nila ako. 

"Hindi ko akalain na may gan'to pala sa Tenement. Ang sosyal ha, para akong nasa mall."

Manghang-mangha ako sa basement na pinagdalhan sa 'kin nila Cindie. Well, nang bumaba kami rito'y pinakilala niya sa akin ang kasama niyang sina Victoria at ang batang si Gerry. 

"Marami ka pang makikita na kakaiba rito, Feli," saad ni Cindie bago tumusok ng  longganisa sa pinggan niya.

"Like, monsters?" mula sa kaliwa'y sabat ni Victoria. 

Victoria seems like a classy and a lady with high degree in society. Ang ganda ng posture niya, matching sa kaniyang sopistikadang kasuotan. She looks like an independent woman, doing good in her life. 

"Victoria!" saway sa kaniya ni Cindie.

"What? I'm just telling the truth," she said while slicing the hotdog on her plate.

“And the truth hurts me Victoria,” Gerry then said with disappointment.

Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi nila. 

“Gerry, ate Victoria ang tawag mo sa kan’ya, hindi ba?” maya-maya ay si Cindie naman ang nagsalita. Para siyang nakatatandang kapatid ng dalawa na pinapagalitan sila. 

“Whatever Cindie, stop pretending… You know in yourself who really is the eldest among us.” 

Isinubo ni Gerry ang pancake na kanina’y pinanggigigilan niyang hiwain. 

“Parang ang tagal niyo nang magkakilala ‘no?” wika ko. 

“Yeah. Since the first day we all stay here,” sabi ni Victoria sa akin. 

Naa-amaze talaga ako sa putting-puti na mahabang buhok ni Victoria. Hindi naman uban ‘yon. It looks like a natural hair. Mas dumagdag sa kagandahan niya. 

“Ah, so kailan pa kayo rito?” masiglang tanong ko sa kanila.

“150 years ago—”

Gerry then stopped speaking because Cindie already put the sandwich in his mouth.

“We’re here 150 weeks ago, Feli. Ay ano ba ‘yan, kumain ka na nga lang. Later, ikaw naman ang i-interviehin namin,” Cindie said while gigling. 

Nai-ilang akong tumango sa kaniya. Bakit parang feeling ko  may kakaiba? Parang may itinatago sila sa akin. 

Nagpatuloy kami sa pagkain ng agahan. Medyo full na ang tiyan ko dahil sa nakain ko pang toasted bread kanina. Kaya naman ng matapos kami’y nagpaalam ako na mag-restroom saglit. Hindi ko na kayang pumanhik patungo sa third floor kaya naman sa restroom ng first floor na ‘ko nagtungo. Bale, sinamahan ako ni Cindie dahil kailangan din daw niyang maghugas ng kamay. 

Hindi tumigil si Cindie kasasalita kahit nasa cubicle na ako. She keep on asking things about myself. Sinasagot ko rin ng sinasagot kasi baka mamaya isipin pa niyang ang snob ko o kaya nama’y lumabas na ayaw ko lang talaga magkwento.

Ngunit naputol ang conversation namin nang dumagundong ang biglang pagsabog. Mapapatayo na sana ako na hindi nakakapaghugas ng dahil do’n. Dali-dali kong tinapos ang ginagawa. At kahit nangangatal pa ang kamay I still manage na maging kampante kahit na sunod-sunod na putok at pagsabog na ang aking naririnig. 

“Shit! Cindie ano ‘yon?” I shouted. Ngunit walang Cindie ang sumagot sa ‘kin. Sa kasamang-palad pa maging ang kuryente ay hindi nakisama. Kumurap-kurap iyon hanggang sa tuluyan ng mamatay. 

Gusto kong maiyak sa takot dahil sa nangyayari. I was scared as rat being chased by a cat.

Nangapa akong lumabas sa cubicle na tinatawag si Cindie. Nagawa kong makalabas sa pinaka pintuan ng restroom baka sakaling naro’on si Victoria at Gerry. 

I shouted and shouted but no one seems to hear.

Nasaan ang lahat? Kahit madilim ay alam kong nag-iisa lang ako. Wala akong marinig kahit kaluskos o mumunting impit nang pagkatakot sa paligid.

Napatakip ako sa tainga ng muling marinig mga pagsabog at putukan. 

Nilusob na naman ba ang Pilipinas? 

Napaupo ako sa gulat nang ang pagsabog ay nangyari na sa loob ng first floor. Napalakas niyon na halos dumugo na ang tainga ko sa sakit. Nagsimulang tumulo ang aking mga luha, at mga maawaing dasal na lamang ang namutawi sa bibig ko. 

Diyos ko! Ilang beses na po akong humingi ng tawad sa mga nagawa kong pagkakamali. Ngunit hihilingin ko ulit na ‘wag niyo muna akong kunin, kailangan ko pang malaman kung sino ang nakabundol sa ‘kin. At isa pa, hindi ko pa po natatapos ang kwento na nasimulan ko na. 

Muli akong napasigaw sa pagsabog na ‘yon. Pero sa pagkakataon na ito’y naramdaman ko ang kamay na humapit sa ‘kin. 

Sisigaw na naman sana ako ng sa bibig nang biglang napadpad ang kamay ng kung kanino naman ‘yon.

“Keep quiet, or they’ll see us.” 

Hindi ko maaniag ang nagsalita ngunit alam kong tinig ‘yon ng isang lalaki.

“Hide here. ‘Wag na ‘wag kang gagawa ng kahit na anong ingay. Naintindihan mo?” aniya. Ako naman tumango-tango kahit hindi ko siya maaniag.

“Ginoo, narito na po ang lampara!” 

Tatlong kumpol na liwanag ang aking nasilayan mula sa hindi kalayuan.

“Magtago ka lang dito, at ‘wag kang aalis. Babalik ako.” Pagkatapos sabihin  ‘yon ay tinungo niya ang tatlong lalaki na tumawag sa kaniya. Ngayo’y nasilayan ko na nang bahagya ang kaniyang mukha dahil sa mga sulo na dala nang kaniyang nilapitan. 

Nag-usap sila bago tuluyang umalis. Muli pa akong tinanaw ng lalaki bago lumabas sa pintuan palabas. 

Sa’n sila pupunta? 

Naiwan ako sa sulok, sa ilalim ng hagdanan. Nagtakip ng tainga’t itinuon ang isipin sa ibang bagay. 

Ano’ng nangyayari? 

Nanatili akong tahimik at naghihintay na sana’y bumalik nga sila. Ngunit may mga pagkakataon talaga na napati-tili ako sa malalakas na pagsabog na ‘yon. Putukan at ilang beses na paglagabog ng mga pader ang nakapagpabagsak sa pundasyon ng aking katinuan.

Naghintay ako nang ilang saglit, hanggang sa wala na akong marinig na kahit ano. Sinisipat ko ang paligid kahit na wala akong masyadong makita. 

I manage myself to stand and find a way to leave the place. 

Itinulak ko ang salaming pintuan na siyang daanan patungo sa labas ng Tenement. At doon, bumungad sa ‘kin ang kagimbal-gimbal na itsura ng napakagandang bakuran. Sira-sira ang mga istrukturang naro’n kagaya ng poso kung saa’y naglalaba ang mga tenants. Ang gazeboo na nakatayo sa mini garden na kadikit lang ng playground ng mga bata. 

Hinakbang ko ang aking mga paa upang maghanap ng taong puwedeng makasagot sa mga tanong ko—kung mayro’n man. 

Ngunit labis na pagtataka ang sumalubong sa ‘kin.

Tiningala ko ang kabuuang gusali ng Tenement. Hindi ‘to kamukha ng kinamanghaan kong gusali no’ng una kong pagdating.

Isang malaking mansiyon ang siyang bumungad sa mga mata ko. Makaluma ang disenyo’t tila hindi pa nakakaranas ng pintura. 

Shit! 

“Indiyo!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status