Share

CHAPTER 36

CHAPTER THIRTY-SIX

GAEL’S POV

MAAGA akong nagising dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Bahagya pa akong nagtaka kung bakit nandito na ako sa aking silid gayong ang alam ko ay nasa sasakyan pa ako.

Pilit kong iminulat ang aking mga mata bago tiningnan ang orasan sa gilid ng aking kama. Nag-iinat na bumangon ako mula sa pagkakahiga upang maglakad patungo sa bintana upang makita kung saan nanggagaling ang ingay.

Agad na dumaan ang kaba sa aking sistema ng makita ko na may isang tauhan na nakahandusay sa may bandang labas ng mansyon.

Lakad-takbong tinungo ko ang daan palabas ng aking silid at seryosong tinawid ang distansya sa pagitan ng silid at ng gate ng mansyon. Agad kong nilapitan ang tauhan kong nakahandusay ngunit agad akong nanlumo ng makitang wala na itong buhay.

Ngunit agad na napansin ko ang isang papel na may bahid ng dugo na nakalagay sa may bandang kamay ng tauhan ko.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status