Share

Kabanata 10

Pipilitin kong umahon, kahit na wala akong kahit ano. Nangangako ako sa sarili ko na makakaahon akong muli sa pagkalugmok ko.

Sandali ko pang hinaplos ng hinlalaki ko ang pendant ng kwintas at papasok na sana sa Pawnshop nang biglang may tumakbo sa 'king isang lalaki at marahas na hinablot ang kwintas.

Tumalsik ako sa pader at napadamba ako ro'n. Naramdaman ko ang biglaang pagkirot ng puson ko nang tumama ang likod ko sa pader at pagkahilo ko, bago ko pa maipikit ang mga mata ko ay narinig ko pa ang pagsisigawan ng mga taong naroon sa paligid sa gulat at ang lalaking tumatakbo palayo habang tangay ang kwintas ko.

MARAHAN kong naidilat ang mga mata ko nang maramdaman ang maiinit na kung anong humahaplos sa tiyan ko. Bumungad sa 'kin ang pulos kulay puting lugar. Nasaan ako?

Hindi ako makagalaw ngunit nagagawa ko nang igala ang paningin ko, nang makita ko ang dextrose sa tabi ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status