"Ate, saan ba tayo pupunta, lagpas na tayo sa Palengke, ah." Nagkakamot sa ulo na tanong sa 'kin ni Negneg. Hindi ko siya binitawan at patuloy pa ring naglakad.
"Sorry Neg, pero nagsinungaling ako. Hindi sa palengke ang punta natin, may kailangan akong puntahan ngayon," Sambit ko.
"Pero saan naman po? Ba't 'di mo sinabi kanina, papayag naman po ako, eh." Aniya. Napabuntong-hinnga ako.
"Basta Neg, sumama ka nalang, ha? Malapit lang naman 'yon," Napatigil ako sa paglalakad nang matanaw ang mataas na gusali ng Halemann. Bumilis ang pagtibok ng puso ko, sobra kong na-miss ang lugar na 'to.
"Wow, 'di ba ate, rito nag-aaral si kuya Reigan? Dito ka rin ba? Ang ganda naman dito. Gusto ko rin mag-aral dito ate, kaso..." Nalungkot ang mukha ni Negneg. Hindi pa kasi siya nakakapag-aral.
Hirap na hirap noon sina nanay at t
"Ay hehe, pasensya na po napasarap ang yakap ko. Gruphag-gruphag lang. Hehe!" (Group Hug) Napalingon kaming tatlo nang marinig ang ugong ng bakal na pinto at magbukas.Isang matangkad na lalaki ang lumabas mula roon, puno ng singsing ang mga daliri, hindi mabilang na piercings sa tenga at isa sa ilong, pati na ang kadena niyang kwintas at bracelet.P*ta, hypebeast, ah.Charot.Nagliwanag ang mukha niya at umigting pa ang panga bago ako gulat na sunggaban ng yakap sa gulat na makita ako."F*ck, I miss you Belle! T*ngina, ba't namamaga 'yang tiyan mo, ha?" Tanong niya, sinamaan ko siya ng tingin nang guluhin niya ang buhok ko. Inayos ko ang bulaklak kong hair clip."G*go ka talaga," Inis kong sambit. Kakaayos ko lang ng buhok ko, eh."Ang gwapo
"Hi," Napatigil si Reigan nang makita ang hawak ko. Medical Kit, hiningi ko 'to sa Vamuivoiré bago umuwi para talaga gamutin ang mga sugat niya. Wala kasi akong mahanapan ng pwedeng mahiraman dito, at gusto ko talaga na gamutin ang mga sugat at pasa niya."A-Ano 'yan?" Takang tanong niya habang ibinababa ang bag at ang mga dala-dala niyang kartolina. Halos hindi na siya magkandaugaga sa mga bitbit pero parang wala lang sa kaniya ang mga 'yon.Lumapit ako sa kaniya at sinapo ang dalawa niyang pisngi. Ayoko talaga ng matanong na tao, kaya kailangan ko nalang siyang gulatin para matameme siya at magawa ko na nang tuluyan ang pakay ko.Huminga muna ako nang malalim bago siya hapitin sa 'kin at siilin siya ng halik. Natuod ako sa pagkakatayo nang tuluyan nang maglapat ang mga labi namin, at ako pa ang nagulat.Pakiramdam ko ay may mataas na bo
"Kain na tayo, may trabaho pa po ako, eh." Itinago ko sa cabinet namin ang mittens, at siya naman ang naghanda ng ulam sa mga mangko. Inuna ko rin muna palang gawan ng pagkain si Mingming, para mamayang pag-uwi niya galing sa date ay may pagkain na siya. Pagkatapos no'n ay naupo na 'ko sa hapag katabi ni Reigan at sabay kaming kumain.Ang cute ng gestures niya habang kumakain. Para talaga siyang bata. Makisig na bata. Marunong din gumawa ng bata. Aaaah!My Goodness. Super bastos ko na talaga.Nakakahawa kasi siya, eh."Matutunaw ako niyan," Nabilaukan ako nang magsalita siya. Agad niya akong inabutan ng tubig."Tapos ka na maglihi 'di ba? O baka ngayon mo lang na-realize na ang gwapo-gwapo ko talaga?" Hindi ko maiwasang mapangiti at mapailing.Gwapo ka talaga pero h'wag ka nang umasa na sasabihin ko 'yon
Kinaumagahan ay maganda ang naging gising ko. Parang lahat ng bagay ay nakikiayon sa 'kin. Nakakatuwa ang araw na 'to!"Ate, ang blue-ming mo ngayon, ah," Puna ni Negneg, nandito siya sa bahay ko, gusto niya raw akong kasabay mag-almusal dahil wala sina nanay at tatay dahil bumili ng mga panghanda sa birthday ni Mamon.Sina Monay at Mamon naman ay ayun, naging tinapay na. Joke, nagpunta sila sa Computer Shop para kunin 'yung tarpaulin na pinagawa nila para sa birthday party ni Mamon at ang cake na in-order sa bakery.Ngayon ko lang nalaman na birthday niya, at 7 years old palang pala siya, akala ko talaga 8."Oo nga, ewan ko ba, ang saya lang." Natutuwa kong sambit at napasubo ng spaghetti na kinakain. Si Negneg naman ay hinigop ang champorado niya."Sana all, ate. Ate oo nga pala, ano bang pangalan
Dahil wala naman akong gagawin ay tinulungan ko si Negneg na mag-design, sakto rin at dumating na sina Mamon at Monay dala ang tarpaulin at cake, nakakatuwa ang ekspresyon ni Mamon habang nakikigulo sa 'min na nagdedesign at sa mga magulang na nagluluto. Maria Mona Alvialle pala ang pangalan niya, in short Mamon.Ang sarap sa pakiramdam habang pinagmamasdan sila. Hindi ganoon ka-garbo ang party na gagawin hindi gaya ng party ko taon-taon, maliit at simple lang ang party ni Mamon pero naghahanda palang kami ay ang saya-saya na.What more pa mamaya? Invited ang lahat ng construction worker sa buong site. As in pati 'yung kabilang site, sana lang ay h'wag umeksena si Sabrina mamaya. At maaga palang din ay naghahanda na dahil maraming lulutuin.'Yung ibang construction workers nang break time ay iniayos na ang mga tent at ang mga upuan ng mga kakaing bisita amayang gabi. 
"Happy birthday, Mamon!" Kasabay ng malakas naming sigawan na 'yon ay ang pagpapalakpakan at ang pag-ihip ni Mamon sa kandilang nasa ibabaw ng may kalakihan niyang cake."Kainan na!" Sigawan pa nila. Muli nang bumalik ang malakas na tugtog at nagsipila na ang mga tao habang nag-aabot ng mga paper plates."Halika na," Iginuide ako ni Reigan hanggang sa makapasok kami sa bahay. Nakaatang sa pagbibigay ng mga pagkain sina Ilig sa labas. Sila na ang bahala ro'n, habang kaming pamilya ay kakain sa loob."Magsiupo na kayo, Isabelle, Reigan, dito kayo." Hindi magkandaugagang sambit ni nanay at itinuro ang upuan na para sa 'min. Pinaghatak naman ako ni Reigan ng upuan at inalalayang makaupo, sumunod naman no'n ay tumabi siya sa 'kin."Happy birthday, Mona!" Bati ko kay Mamon at pinisil ang pisngi niya, rito kasi siya sa tabi ko. Yumakap naman siya sa 'k
"Tss, ang mag-asawa ngang may limang anak nagagawang maghiwalay, kayo pa kayang hindi pa kasal at ni-hindi pa lumalabas ang anak?" Pilosopong tanong ni Sabrina at masama akong tinignan. Hindi ko pa rin inalis ang ngiti sa labi ko."It still depends. But it will really happen if you'll going to copy an animal's behavior just to get him from us, just for your desperate satisfaction. And do you even know what kind of animal is it? I'll give you a clue, it's your twin." I smirkingly said. Muli silang nagsigawan ngunit hindi ako nakararamdam ng tuwa. I just wanna go home now, and I am not really comfortable with this.Kung noon ay ayos lang sa 'kin na makipag-away sa school, o kahit saan, ngayon ay ibang-iba na ang lahat at ayaw ko nang gawin pa 'yon.These kinds of arguments are very senseless at all."Ang kapal naman ng mukha mong sabihin 'yan?!" N
Pigil na pigil ko ang pagtawa. Nakakatawa kasi si Reigan, kanina pa siya parang paranoid na ewan na titingin sa 'kin pagkatapos ay biglang mag-iiwas.Natatawa akong sumubo ng kinakain ko. Hindi rin maaga ang pasok niya ngayon, at sigurado akong dahil kay Acevedo 'yon. Hindi pa rin ako tinatawagan nina King tungkol do'n, ano na kayang nangyari?Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagboluntaryong maghugas ng pinggan. Siya naman ay ginawa 'yung mga activities na pinapagawa sa kaniya na may bayad. Actually ay hindi pa 'ko lumalabas mula kaninang umaga, kamusta kaya ang party kagabi?Pagkatapos kong maghugas ay dumungaw ako sa bintana, maaga pa kaya hindi pa magulo ang mga tao pero ang dami pang gamit kagabi na nagkalat. Hindi pa nila naililigpit."Pst, lalabas lang ako, ha?" Paalam ko kay Reigan, pumayag naman siya agad. Palapit palang ako sa bah