Share

Kabanata 4

Mas nanlaki ang mga mata ko at napasinghap nang makita ang nagkalat kong dress, undergarment ko, at-at boxers ng lalaki!

Hindi ko alam kung lilingon ba ako. Nangangatog ang mga tuhod kong bumaba ang tingin sa pang-ibaba ko, natatakpan ito ng kumot ngunit alam kong hubad ito at nararamdaman ko rin ang kaunting kirot dito, at... Ang mabigat na binti ng lalaki na nakapatong dito.

Napapikit ako nang mariin, sh*t talaga! Anong ginawa ko?! 

Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi. Napasapo ako sa aking noo nang maalala ko na ang lahat.

T*ngina-'Yung paghahanap ko kay Steven ay nauwi sa gan'to! Pero sino ba 'tong lalaking 'to?! Siya dapat ang sisihin ko rito dahil baka sinamantala niya kagabi ang sobrang pagkalasing ko!

"Hmm..." Mahina niyang ungol at tinanggal ang pagkakadantay ng binti sa akin

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status