Share

Kabanata 3

Hindi ko na namalayang naparami na pala ang inom ko. Gano'n naman lagi, pero kasi ngayon, dapat medyo kinontrol ko dahil lalandiin ko nga pala si Steven.

Hindi ko na alam kung nasaan na sina Camila at Lavien, bahala na sila sa buhay nila. Saktong naubos ko ang panghuling shot ko ng alak nang mag-iba ang tugtog at mas dumami ang tao sa dancefloor. Unang hinanap ng mga mata ko ang table nina Steven, napangisi ako dahil wala na sila ro'n, pati na rin ang table ng Sky Spade.

Nagsisigawan ang mga tao sa saya at nagtatalon. Ibinaba ko ang hawak na shot glass at masayang tumakbo sa dance floor. Nakisayaw ako, hindi naman ako nakakahiyang sumayaw, malambot din ang katawan ko at lagi naman akong sumasayaw dito.

Nakangiti ako at humaharap sa mga lasing na lalaki habang kumekembot, kapag nahawakan na nila ang bewang ko at ihahapit sa kanila ay mabilis akong umaatras, alam ko ang mga modus ng lalaking 'yon.

Oo bahay ko na ang bar, at kung sino-sino na ring lalaki ang nahalikan ko, siyempre may mga ex-boyfriends naman ako. Pero ni-isa ay wala pa akong naka-ano, kahit ganito naman ako ay mahal ko pa rin ang sarili at dignidad ko.

Makuntento na sila sa paghalik at paghawak ng bewang ko, ayos na 'yon, 'no. Ano sila, gold?

Sa gitna ng pagsasayaw ay pilit kong hinahanap si Steven, asan na ba 'yon lalaking 'yon?

Medyo nagigitgit ako ng mga tao, may iba na nagme-makeout na habang sumasayaw, napapangisi nalang ako kapag nakikita ko sila. 

Natanaw ko ang mga miyembro ng Sky Spade at may kani-kaniya na silang mga babaeng kaharap na kasalo na nila sa pagsasaya, pero hindi naman kasi sila ang hinahanap ko, eh.

"Aray!" Napadaing ako nang may makaapak sa paa ko, muntik tuloy akong matapilok, naka-heels pa naman ako. Agad na nag-sorry yung babaeng nakatapak sa 'kin, tinanguan ko nalang ito at muli nang luminga.

Hindi ko talaga siya mahanap, dahil naiirita na 'ko ay muli nalang akong nagsayaw, pumikit pa ako at malayang gumiling habang unti-unti akong napapalakad. Ang sarap sa pakiramdam nang ganito, pakiramdam ko ay napakalaya kong gawin ang lahat ng gusto ko.

Kung pwede lang ay hindi na sana ako uuwi kailanman o lalabas sa lugar na 'to. Kaso hindi naman pupwede 'yon.

Medyo napapangisi ako nang minsang nararamdaman kong may humahawak sa bewang ko at minsan ay sa likod ko. Hinahawakan ko ang mga ganoong kamay at pasimpleng hinahawi paalis sa balat ko, hindi ko naman sila binibigyan ng permisyon na gawin 'yon. Kaya makuntento na sila sa ilang segundo.

Ngayong gabi, hindi ko pakay ang kung sino-sinong lalaki rito, ang tanging pakay ko lang ay si Steven. Pero mamaya ko nalang siguro siya hahanapin dahil hindi ko talaga siya makita, atsaka medyo may tama na rin ako sa alak.

"Ah!" Daing ko sa gulat nang may maka-kabig sa 'kin paharap, ang akala ko ay matutumba na 'ko pero may nakasalo sa 'kin at agad na nahawakan ako, pero napasubsob ako sa dibdib niya. Ghad, ang bango naman nito...

Tumatawa akong tumingala sa kaniya at bahagyang dumilat, hindi ko siya mamukhaan dahil sa hilo at parang lumalabas yung kaluluwa niya sa paningin ko, basta ang alam ko lang ay moreno siya at halata namang may itsura dahil sa shape ng mukha nito.

Muli akong napapikit at umindak, naramdaman ko ang paghapit niya sa bewang ko ngunit hindi ko nagawang magreklamo at parang gusto rin ng katawan ko na mapalapit sa kaniya.

Naitaas ko ang mga kamay at inilagay sa balikat niya habang kumekembot. Nararamdaman ko ang mabigat niyang paghinga na tumatama sa bandang noo ko.

Parang nawawala ako sa huwisyo dahil sa mabango niyang amoy at parang nakalimutan ko na ang dapat na gagawin kaya ako nakisayaw sa dance floor na ito.

Naramdaman ko ang pag-atras namin, hindi ko na makontrol ang sarili ko at nagpatianod nalang sa kaniya, nakapikit ako pero alam kong wala na masiyadong tao ang napuntahan namin.

Ang mga braso niya ay pumulupot sa bewang ko, napatigil ako nang sapuhin niya ang pisngi ko at gawaran ako ng mainit na halik. Sa una ay napatigil ako, pakiramdam ko ay biglang nagwala ang puso ko nang halikan niya ako, sino nga ba siya?

Hindi siya ang unang nakahalik sa 'kin ngunit bakit kakaiba ang resultang ibinibigay ng bawat pagdampi ng labi niya sa akin? At hindi ko rin magawang makatanggi at itulak siya, dahil parang gusto pa ng katawan ko ito. 

Pakiramdam ko ay nalalasing ako sa pagdampi ng mainit niyang labi sa labi ko, at gustong gusto ng sistema ko ang matamis na lasa ng labi niya na hinahaluan ng lasa ng alak.

Mas idinikit niya ako sa katawan niya, ramdam ko rin ang katigasan ng katawan niya, hanggang sa ang mga kamay ko ay unti-unti-unti nang gumala, at ang una kong nahawakan ay ang malapad at matigas niyang likod.

Habang lumalalim ang halik namin ay ibinaba niya ang strap ng black strapped dress ko, nang pareho kaming kapusin sa hininga ay marahan kaming napabitaw sa paghahalikan. 

Nakakaramdam na 'ko ng antok at kakaibang init sa aking katawan, dala ng alak at ng halik niya. Isinubsob ko ang mukha ko sa balikat niya upang malanghap ang mabango niyang amoy na para bang pinakakalma ang sistema ko.

Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko ang paghawak niya sa 'kin. Ramdam ko ang malamig na hangin sa dibdib kong medyo nakalabas na dahil sa pagbaba niya sa strap ng dress ko.

Muli niyang sinapo ang pisngi ko at muling siniil ng halik na agad kong tinugon. Muli niyang itinaas ang strap ng suot ko at sinalo ang pwetan ko, na otomatikong nagpalibot ng mga hita ko sa bewang niya habang patuloy pa rin sa paghalik sa kaniya.

Hindi ko na alam ang sumunod pang nangyari, basta naramdaman ko na lang ang paglapat ko sa isang malambot na higaan habang patuloy pa rin ang pagsasalo namin sa halik ng bawat isa, at hindi kumukontra ang katawan ko sa lahat ng gusto niya hanggang sa...

NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ang pagpatak ng butil ng pawis ko sa noo at leeg.

Bakit ang init? May mainit na hanging tumatama sa batok ko, teka, nasa oven ba 'ko? At ano itong mabigat na nakadagan sa balakang ko at sa bewang ko?

Tumihaya ako, diretsong nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napabaling sa kanan ko. Marahas akong napabangon dahilan para mapagalaw ang lalaking katabi ko at mapa-ungos.

Malakas ang pagkabog ng puso ko. Sh*t! 

Anong ginawa ko? Napayakap ako sa dibdib ko dahil sa napakalantad nito at walang kahit na anong takip. Napalibot ako ng tingin sa paligid.

Hindi ko 'to kwarto, sa disenyo palang at sa mga mukhang laruan na natatanaw ko sa isang maliit na iskaparate malapit sa pinto ay natunugan ko na agad kung ano ang lugar na 'to.

VIP Room ito ng Bar!

--

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status