Share

Chapter 6

Author: sheenxinxin
last update Last Updated: 2026-03-01 08:00:02

(Selene’s POV)

Lumipat kami sa sala sa ground floor ng mansion nina Fourth matapos na umalis ang mga bisita nila dahil mas maluwag doon. Isa pa ay may kailangan din kasing itanong si Fourth sa Mommy niya. Iyon ang trabaho niya ngayon, at itutuloy naman namin nina Joanna at Tyler ang iba naming gagawin.

Sumali rin naman sa amin si Fifth para may kasama daw siya sa paggawa ng assignments niya, habang ang Daddy naman nila ay nananatili rin dito kasama nina Uno, Dos at Tres. Tahimik lang din naman silang nanonood sa amin dahil magugulo ang mga kasama ko.

“I think bukas dapat talaga sa library na tayo gumawa nitong research papers natin,” sabad ko sa kanya-kanyang daldalan ng mga kasama ko.

“Sorry na nga Selene, ito na nga,” sabay na sagot sa akin ni Joanna at Tyler.

Tiningnan ko lang din naman nang masama ang dalawa at natawa lang din naman si Fifth, Fourth at Mrs. Delacroix sa akin. Hindi ko na lang din sila pinansin pagkatapos dahil bumalik na lang din naman sila sa kani-kanilang ginagawa, and I just check my wristwatch after I stretch my neck. Sa estado ng natatapos namin ngayon, mukhang hindi na nga kami makakapasok.

“Iniisip mo pa rin ba iyong trabaho natin? Maiintindihan naman tayo ni Boss, hindi ba?” Joanna suddenly asked me.

“Sa sahod ako nanghihinayang,” agad kong sagot na tinawanan niya lang naman agad habang abala pa rin ako sa ginagawa ko.

“Ikaw talaga, alam mo, napakaseryoso mo palagi. Magsaya ka naman minsan. Saka mabilis lang naman nating matatapos ‘to. Sigurado na ‘ko do’n. Tayo pa ba? Saka nagpaalam din naman kami nang maayos sa boss natin, huwag ka nang mag-alala diyan.” Joanna said again.

“Coming from someone na ginawang pasyalan ang bahay ng mga Delacroix?” I said, smirking, saka ko itinuloy ang ginagawa ko.

“Seryoso na ‘ko, okay,” pagtatanggol ni Joanna sa sarili niya.

“How about your other work? Nagpaalam ka na ba?” Tyler also asks.

“Oo, kanina pa,” sagot ko nang hindi nakatingin sa kanya.

Mabuti na lang talaga at nagpaalam na ako kanina pa. Usual routine na rin kasi namin na after class, doon na rin namin ginagawa ang mga research, assignments, and other things na kailangan naming gawin bago pumasok sa trabaho. Minsan naman, natutulog din muna kami o kumakain, naglalaba o kaya naglilinis ng bahay.

Tapos, kapag seven na ng gabi, doon na kami nagsisimula. Madalas, tumutugtog kami sa bar ng kaibigan ko hanggang eleven. From there ay papasok ako bilang panggabing crew sa resto na malapit doon hanggang alas kuwatro ng umaga. Paguwi ko naman ay matutulog ako at pagkatapos ay gigising ako ng six para maagang makapasok.

Ako na rin ang gumigising sa dalawa kapag papasok na kami. Sila rin kasi madalas ang kasama ko sa pagtugtog sa bar, kaya napupuyat din sila. Minsan naman, kapag may mga lakad kami na tungkol sa school, ay hinahayaan kaming mag-absent ng boss namin. Marami rin naman kasi kaming kapalitan na part-timers.

“You have part-time jobs?” Tres suddenly asks me.

Agad akong napalingon sa kanya saka ako napatango. Kabisado ko na tuloy ang mga boses nila kahit hindi ko sila direktang nakikita.

“But wait? Hindi ba sapat ang allowance na ibinibigay sa inyo? Full scholarship ba ang meron kayo?” Dos also asks.

“Sa iba naming mga kasamahan ay sakto lang iyon, pero para sa amin ay hindi. Binawasan na kasi ang allowance na ibinibigay sa mga scholars, dahil daw sa dorm at sa iba pang miscellaneous, saka nagdagdag kasi ng scholars,” agad kong sagot sa kanya.

“Really?” Dos said again na para bang hindi siya makapaniwala. Weird.

“Yes, kaya may mga pagkakataon na kailangan din namin ng part-time jobs. Kahit kasi may full scholarship na kami ay may binabayaran pa rin kami,” I answered again.

“But how about those scholars pero hindi full ang nakukuha?” Tres also asks.

Dahil doon ay napatigil ako sa ginagawa ko, saka ako napatingin sa kanya.

“Some of them have to work more than three jobs to survive, and most of them have to quit dahil hindi nila kinakaya. Actually, swerte pa rin kaming mga full scholarship ang nakukuha, pero nasa mga katulad talaga ng mga kasama namin ang epekto ng pagbabawas ng allowance,” I answered.

“Nasubukan niyo na bang mag-report ukol sa issue na iyon? Because as far as I know hindi ito ang nakakarating sa’min.” Uno asks.

This time, sa kanya ako napatingin. I forgot he’s the acting dean at narito rin ang Mommy niya.

“I didn’t mean to sound ungrateful, and I-I didn’t mean to accuse,” depensa ko.

“Just answer me.” Uno said again, kaya napatitig na lang din ako sa kanya.

“We did so many times. Hindi pa si Ms. Javier ang Dean noon at wala pa kayo, pero walang nangyayari. I even tried to coordinate this matter with the finance department at sa academy scholars president so many times pero wala pa ring nangyayari.” I answered. “And the craziest part? I once saw the report ng financial department tungkol sa budget sa mga scholars, since I am the student president, doon ibang-iba ang nakalagay na halaga sa report nila sa natatanggap namin. Ibang-iba ang rules na ibinababa nila sa amin sa ipinatupad ni Mrs. Delacroix noon at wala kaming magawa ni Ms. Javier sa issue dahil labas siya sa issue na iyon,” I casually answered.

Nakatitig lang din naman siya sa akin, pero biglang kumunot ang noo niya. Maybe hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko o talagang ayaw niya lang na maniwala. Maniwala man siya o hindi, bahala na siya basta sinabi ko na sa kanya ang totoo.

(Fourth’s POV)

“Kuya?” Agad kong tawag kay Kuya Uno nang makita ko siyang lumabas ng kwarto niya.

Kararating lang namin ni Dad mula sa paghatid sa mga kaklase ko, pero gising pa rin siya. Weird nga, dahil pasado ala-una na rin.

“May kaylangan ka ba? Magpahinga ka na,” he asked.

“Pinatatawag tayo nina Mom and Dad,” I said again.

Tumango na lang siya sa akin at nauna na siyang bumaba, kaya tinawag ko na lang din sina Kuya Tres at Dos na gising pa rin. Nasa baba pa kasi si Fifth kasama ni Mom, kaya sila na lang ang tinawag ko. At matapos kong tawagin ang dalawa pa, ay bumaba na lang din kami nang sabay-sabay diretso sa sala kung nasaan ang iba.

Mukhang seryosong bagay ang pag-uusapan. Pinupulong lang naman kami nang ganito nina Mom at Dad kapag gusto nilang makausap kami sa seryosong bagay, tungkol man sa pamilya o sa organization.

“Mag-uusap lang tayo sandali. Gusto ko lang na magsabi kayo ng totoo. May itatanong lang ako,” agad na panimula ni Mom.

Nagkatinginan lang din naman kaming magkakapatid dahil sa sinabi ni Mommy, at maging ako ay kinakabahan sa kanila.

“Fourth anak, sabihin mo ang totoo. Do you really like Selene?” Mom then asked me.

Dahil doon ay agad din akong napatingin kay Kuya Uno saka ako napatingin muli kay Mom. Narinig ko kasi ang pinag-uusapan nila ni Kuya Dos sa backyard kanina, at narinig ko na gusto niya si Selene. Kaya siguro dapat ko na ring sabihin ang totoo sa kanila.

“Crush ko siya, but I like someone else, Mom,” agad kong sagot kay Mom habang nakatingin sa kanya, saka ako muling tumingin kay Kuya Uno. “We’re just friends for real at biruan lang talaga namin ni Fifth iyon. Ang totoo ay si Isabella ang gusto ko. Pero alam ko rin naman na hindi niya ako gusto dahil si Kuya Uno ang gusto niya, and it's fine with me. Hindi ko pa sineseryoso ang bagay na iyon. Magkaibigan lang talaga kami ni Selene. Close kami dahil alam niyang gusto ko si Isabella. Iyon ang totoo, Mommy.”

“Hindi ko gusto si Isabella,” agad na sagot sa akin ni Kuya Uno.

“Alam ko, Kuya, huwag kang magalala; alam kong siya ang may gusto sa iyo. Saka hindi ko pa talaga sineseryoso ang mga bagay na ito. Magkaibigan lang din kami ni Selene, pangako. Ligawan mo siya kung gusto mo siya, okay lang iyon sa akin,” I answered.

“Why would I do that?” nagtatakang tanong ni Kuya Uno sa akin.

“Kuya, alam naman namin na unang kita mo pa lang kay Selene, nagustuhan mo na siya. Huwag kami, ano,” sabad ni Fifth sa usapan.

“Oo nga naman, bro, bro, tutal naman pala at magkaibigan lang ang dalawa. Diskartehan mo na si Selene; mahaba ang pila sa kanya. Bahala ka,” sabad din ni Kuya Dos.

“He’s right, Kuya. Wala namang aagaw ng pagiging Boss mo sa organization if that’s what you want. You can save us sa responsibility, pero huwag mo ring kalimutan ang sarili mo. If you need her and if you love her, win her,” kuya Tres also said.

Ngumiti lang din kaming lahat sa kanya, and Mom and Dad smile also.

“Uno anak? Ullysses Norvan, listen to me. You don’t have to suffer alone, okay? Para saan pa na pamilya tayo, anak? We’re here, nandito kami anak. Marami kang pagdadaanan, pero huwag mong kalimutang maging masaya. Be happy. Okay? Be happy so we’re all happy. Live your life, son,” Mom said to him, at nakita ko rin agad na kumislap ang mga mata ni Mommy.

Her tears also ran down when Kuya Uno hugged her.

“I want you to be happy, don’t suffer the same pain as us. Live, love, and laugh, son, you need those. Don’t let the organization stop you from being the person you want to be,” Mom said again.

Dahil doon ay napayakap din kami sa kanila, then Dad hugged us.

“I knew that look, son, I knew it. So, don’t think that we will never allow that. Don’t stop yourself, make me the happiest. Because your Dad and I? We’re happy kapag masaya kayo anak. Kaya, be happy, make me and your Dad the happiest,” Mom said again.

Tinapik ko rin agad ang balikat ni Kuya Uno, saka ko siya nginitian. Agad din naman siyang ngumiti sa akin dahil doon bago kami muling maghiwa-hiwalay.

“Actually, I heard you talking with kuya Dos and kuya Lionel kanina, Kuya. I didn’t mean to do that, pero doon ko napatunayan na tama ang hinala ko na gusto mo nga siya,” I said again.

“You tell them?” Kuya Uno asks me.

Napakamot naman agad ako sa ulo ko dahil sinabi ko talaga kay Dad ang tungkol doon, and he probably told Mom.

“I told Dad, he maybe tells Mom,” I answered na agad nilang ikinatawa.

“Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, matagal ko nang sinabi kay Dad ang tungkol dito,” Kuya Dos also said.

Agad naman siyang tiningnan nang masama ni Kuya Uno, pero nagtawanan lang naman kami lalo.

“Kuya Dos, don’t worry, huwag ka nang mainip, susunod ka na kay Kuya Uno,” sabad ni Fifth na ikinatawa lalo namin.

“Baby? Basta huli ka ha?” seryosong-seryosong sabi ni Kuya Dos kay Fifth na ikinatingin lang din namin sa kakambal ko.

“Don't worry, I’ll be wise. I’ll settle kapag gusto ko okay?” Fifth answered.

Napangiti na lang kami sa kanya habang nakangiti lang din naman sa amin sina Mom at Dad.

“Triplets and twins, hindi namin kayo pinipilit na hawakan ang organization. Okay? Just like your Mom, puwede nating isalin sa mga kasamahan natin ang organization for them to hold. But if you really want to hold the organization, promise us you will never sacrifice your life and happiness,” Dad also said.

“Thank you, Mom and Dad,” Kuya Uno said again.

“Kaya natin ito, mga anak. Huwag ninyong isakripisyo ang buhay at kaligayahan ninyo para sa organization. If you wanted to do it, do it, kung hindi then don’t,” Mom said.

Muli kaming niyakap ni Mom at nauwi na naman sa group hug ang yakap na iyon. Bagay na hindi nawawala sa amin kahit pa lumaki na kami. Ganito kasi kami palagi. Mom always makes sure also na vocal kami palagi sa isa't isa. Hindi rin kami nahihiya na lambingin o maging showy sa pagmamahal sa isa't isa because Mom and Dad raised us full of love.

“Siya, sige, matulog na tayong lahat,” Mom said to us.

Sumang-ayon na lang din kami sa kanya saka kami sabay-sabay na umakyat sa second floor ng mansion. Hindi rin naman ako pumasok agad sa kwarto ko. Hinayaan ko lang na pumasok na sina Mom and Dad sa kwarto nila bago ako pumasok sa kwarto ni Kuya Uno na agad ding natawa sa akin.

Hanggang sa mayamaya lang din naman ay pumasok na sina Kuya Tres at Kuya Dos, maging si Fifth. Sabay-sabay kaming naupo sa kama ni Kuya Uno habang natatawa lang siya sa amin.

“Kuya, magkuwento ka na. Since when mo pa ba nagustuhan si Selene?” agad na usisa ni Fifth sa kanya.

“Si Fourth muna dapat ang magkuwento, hindi natin alam na gusto niya si Isabella at matagal na iyon, pero hindi natin nahahalata. Ang galing magtago, ah,” Kuya Uno said.

Dahil doon ay napatingin agad sa akin ang mga kapatid ko, kaya agad akong natawa.

“Alam ni Fifth ‘yon, okay? Saka si kuya Uno muna dapat, siya ang first eh,” agad kong angal sa kanila na tinawanan lang din naman nila.

Magsasalita na rin sana siya, pero nagulat na lang din kaming lahat nang biglang may magbukas ng pinto ng kwarto ni Kuya, dahilan para matigil ang kuwentuhan. Agad namang pumasok sina Mom and Dad saka sila naupo sa kama ni Kuya gaya namin ni Fifth habang nasa lapag ang tatlong kuya namin.

“Game na, hindi niyo man lang kami hinintay, ito popcorn,” Mom said, that make us laugh also.

Agad din namang nagkuwento sa amin si Kuya Uno, kaya nakinig na lang din agad ako sa kanya.

Posible pala talaga iyong gano’n? Iyong love at first sight? Kagaya iyon ni Dad at Mom noon. Kung posible ‘yon, ako kaya? Mapapansin pa kaya ako ni Isabella?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 14

    (Selene’s POV)Binalot ko nang maayos ang paa ko para hindi ako masaktan sa paglalakad. I even practiced walking kanina pa, kaya alam kong kaya ko naman na. Nasuot ko rin naman nang maayos ang medyas at sapatos ko, kaya kinuha ko na lang din kaagad ang bag ko, saka ako agad na lumabas ng kwarto ko.“Oh? Papasok ka na? Hindi ba sabi ni Tita bukas ka pa puwedeng pumasok?” agad na bungad ni Joanna sa akin paglabas niya rin ng kwarto niya.“This curiosity was killing me; gusto kong malaman kung ano ang balita sa lahat,” I answered, saktong labas naman ni Tyler sa kwarto niya.“Wala ka nang magagawa diyan, Joanna. Alam mo naman iyang kaibigan natin na iyan, ubod ng tigas ng mukha,” sabad ni Tyle

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 12

    (Selene’s POV)Agad akong napalingon sa pinto ng kwartong kinaroroonan ko nang marinig kong bumukas iyon. Agad din naman akong nginitian nang pumasok kaya napangiti na lang din ako sa kanya, kahit na nahihiya ako sa kanila.“Are you hungry? How are you?” Tita asks me.“Okay na po ako ngayon, Tita. Hindi rin po ako nagugutom. Pasensya na po kayo sa inasal ko,” agad kong sagot sa kanya, pero nginitian niya lang muli ako.“Okay lang, anak, naiintindihan ka namin, okay? Okay lang ‘yan.” She answered, and she then proceeded to check me immediately, kaya hinayaan ko na lang din siya.“Let me help you up, magbihis ka na muna at maglinis,” she said matapos niyang gawin ang mga dapat niyang gawin, dahilan para agad akong magulat.

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 11

    (Isabella’s POV)Agad kaming napalingon sa hallway papunta dito sa sala ng mansion nina Tita Cleo nang marinig namin ang mga papalapit na yabag. Agad din namang bumungad sa amin sina Uno, Dos, Tres at Kuya Lionel na kanina pa rin namin hinihintay. Kay Fourth lang kasi namin nabalitaan ang nangyari sa isa sa mga kasamahan ni Selene na scholar. I even heard from him na trinabaho nila ang tungkol doon kaya ngayon lang sila.“Uno anak? Are you okay? Kamusta? How about Selene?” agad na tanong ni Tita kay Uno, dahilan para mapatingin ako sa kanya.Hindi na lang din ako nagsalita dahil itatanong ko na rin sana kung ayos lang ba sila.“I’m okay, Mom. Selene got slapped by that bullshit and got some bruises in her face because I wasn’t there, but I make sure to look for her. Pinagpahinga ko na siya, but I knew mas masakit sa kanya a

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 10

    (Selene’s POV)“Presentation done?”Sabay kaming napalingon ni Fourth sa pinto ng office nila, saka namin nakita ang kuya niya na agad ding pumasok dito.“Yes, Kuya, maayos ang lahat. Salamat sa inyo,” Fourth answered.“Good job, but you should rest first. Wala na ba kayong klase?” Uno asks.“Wala na kaming klase, Kuya, kaso marami pa rin kaming papers. Cancelled kasi ang afternoon classes namin hanggang sa matapos ang presentations, pero pinalitan nila ng research papers and such. Hindi rin ako umuwi kasi akala ko hindi ka papasok. Ayokong iwan si Fifth,” Fourth answered.Hindi na ako nakisali sa kanila at ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko. Mayamaya lang din naman ay narinig kong tumunog ang cellphone ko and James' number is regi

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 9

    (Selene’s POV)Agad na napakunot ang noo ko nang nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto sa akin. Agad ko ring pinatay ang alarm ng cellphone ko saka ko iyon isinaksak para mag-charge, bago ko muling ilibot ang paningin ko sa paligid.Saka ko lang nakita ang mga gamit ko sa nightstand na malapit sa akin. Ang ipinagtataka ko lang ay kung paano ako napunta dito, I knew this room. Mrs. Delacroix suggested that I use this, pero hindi ko na alam kung paano ako nakatulog at napunta rito.Pilit ko na lang na iwinaglit sa isipan ko ang lahat, saka ko inayos ang mga gamit ko. Naghanda na rin ako sa pagligo, saka ko isinuot ang terno na pants at T-shirt ko, na pantulog ko sana. Magbibihis na lang ako mamaya ng pamasok pagpaalis na kami.Matapos kong mag-ayos ay saka ko kinuha ang laptop ko saka ako agad na lumabas ng kwarto. Agad ko r

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 8

    (Selene’s POV)Pagpasok namin sa kusina nila ay nakahain na. Ilang putahe rin ang inihain nila para sa amin na akala mo nasa pistahan na naman kami. Ganito rin ang inihain nila noong una kaming pumunta rito. Hindi ako nagtaka noon dahil marami naman kami, pero kakaiba ito.“May bisita po ba? Bakit po ang daming pagkain?” agad kong tanong kay Mrs. Delacroix na katabi ko na naman.Hindi na naman kasi siya pumayag na hindi ako tumabi sa kanya, pero ngayon ay katabi ko na sina Joanna at Tyler sa kaliwang bahagi ng mesa, katapat naman namin sina Uno, Fifth, Dos, Tres at Fourth na nasa kanan habang nasa center seat ang Papa nila.“Wala, ipinahanda ko talaga iyan para sa inyo, damihan niyo ang kain ha?” she answered.Napakunot na lang ang noo ko dahil sa sinabi niya. Iba talaga kapag mayayaman. Kami kasi, kahit isan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status