FAZER LOGIN(Selene’s POV)
“Nabalitaan mo na ba, Selene?” bungad sa akin ni Joanna pagpasok ko pa lang sa dorm namin, kaya lalong napakunot ang noo ko.
Napabuntunghininga na lang din ako, saka ako agad na tumango sa kanya. Bihis na sila at handa na sa pag-alis namin. Ako na lang talaga ang hinihintay nila, nauna na kasi silang umuwi sa dorm kaysa sa akin dahil may inayos pa akong problema.
“Mag-uusap pa kami bukas. Sa ngayon, kumilos na tayo para matapos na ang research paper natin,” I answered.
Umakyat na rin ako kaagad sa kwarto ko, saka ako mabilis na naligo at nagbihis. Naghanda na lang din ako ng pamalit na pantulog at ng uniform para bukas. Malaking bag na rin ang dinala ko para kasya sa lahat ng dala ko. Napag-usapan kasi namin na mag-overnight na lang sa bahay nina Fourth para matapos na ang research paper namin.
Actually, Mrs. Delacroix suggested it para daw matapos kami kaagad na pabor naman sa amin para makapasok na rin kami sa trabaho namin. Kaya kahit nakakahiya ay papatusin ko na rin ang plano nila para makapasok agad ako. Baka kasi mamaya ay wala na akong sahurin.
Matapos kong ayusin ang lahat ng gamit ko ay mabilis din akong bumaba. Susunduin din kasi kami ng driver nina Fourth, kaya kailangan kong bilisan. Saktong-sakto naman ang pagbaba ko dahil nakita ko na rin kaagad si Fourth na kausap ang dalawa.
He smiles at me. Saka niya kinuha ang bitbit ko bago namin isara ang bahay. Sumakay rin agad kami sa sasakyan nila. Katabi ko si Fourth sa upuan sa likod ng driver's seat at magkatabi naman ang dalawa sa likuran namin.
“Bakit ang seryoso mo?” he asked, dahilan para mapalingon agad ako sa kanya.
“It’s a student scholar president thing that you wouldn’t understand,” sagot ko na agad niyang ikinatawa.
“Favorite mo talaga ang line na iyan,” he answered.
“What? Totoo naman kasi,” sagot ko, na ikinatawa na lang din ng mga nasa likod namin.
“Anyway, anong nangyari? Anong problema?” he asked again.
“Same problem because of the same issue.” Agad siyang natahimik sa isinagot ko sa kanya, and I just sighed again.
He knows how these issues affect me. Alam niyang hindi ako natutuwa kapag may mga kapwa akong scholar na nawawalan ng scholarship o kaya naman ay nag-quit. At ang ayaw kong mangyari ay paulit-ulit na nangyayari, and I felt like bullshit. Pakiramdam ko ay useless ako as their president. Wala kasi akong magawa. Hindi ko sila matulungan o maipagtanggol.
At kanina, isa na naman sa mga kasamahan at kaibigan namin ang nag-decide na tumigil na lang. He decided to stop kasi hindi niya na kaya ang hirap at pagod. That’s our reality, habang ang iba ay malayang nakakapag-aral at nakakapagsaya, kami ay kailangan pang kumayod at mag-aral nang mabuti para makatapos ng pag-aaral.
Hindi talaga pare-pareho ang kapalaran ng lahat; masuwerte pa rin talaga ang mga nakakapag-aral ng walang inaalalang ibang bagay. Mas maswerte sila kaysa sa mga katulad namin, pero hindi ako sumusuko, dahil alam kong mas maswerte pa rin ako kaysa sa ibang tao na talagang walang kakayahang mag-aral.
Pagbaba namin ng van nina Fourth matapos nitong pumarada sa tapat ng bahay nila ay agad din kaming pumasok. Sinalubong din naman agad kami ng Mommy at Daddy nila na agad na yumakap sa amin bago nila kami niyaya sa sala nila.
“Don’t worry about anything, gawin niyo lang ang research niyo,” Mrs. Delacroix said to us.
Niyaya rin agad nila kaming maupo, and I just sat down sa single couch malayo sa kanila. Ipinadala naman na ni Fourth ang mga gamit namin nina Joanna sa maid nila, kaya hinayaan ko na lang din sila.
“Mag-miryenda muna kayo,” Mr. Delacroix said to us.
Agad namang inilapag ng maids nila ang meryenda para sa amin, at agad na kumain ang dalawa habang kausap si Mrs. Delacroix. Nananatili lang din naman akong tahimik. Kinain ko na lang din kaagad ang meryenda na inihain nila, saka ako agad na tumayo. Sakto na, may nag-message sa akin, kaya kinailangan kong mas lumayo pa nang kaunti para makausap sila.
“I don’t think magbabago pa ang isip niya, Ms. President,” bungad ni Jacob sa akin, pagsagot ko ng tawag niya, dahilan para agad akong mapabuntunghininga at mapahawak sa noo ko.
“I’ll talk to him again, ako na ang bahala. Thank you!” I said para lang mapagaan din ang loob nila.
“Sana makumbinsi mo siya, Selene.” Jacob said again, pero hindi na ako nagsalita pa.
I drop the call, cross my arms, and I let out a big sigh. Matapos kong makipag-usap sa kanila ay tumanaw lang din ako sa malaking glass wall nila na tanaw ang garden habang nagpapababa ako ng kinain. Ang lakas pa naman ng loob ko na mag-crop top, tapos hindi ko pala alam ang laki pala ng tiyan ko. Nakakahiya iyon, ano. Buti na lang talaga malaki ang pantalon na suot ko. Ano ba ‘tong iniisip ko? Inuuna ko pa talaga ang hitsura ko kaysa sa problema ko.
“Who is it, Selene? May problema ba?” Tyler asks.
Dahil doon ay napalingon ako sa kanila, to find the triplets and Fifth also in the living room with them. Hindi ko man lang namalayan na nariyan na pala sila.
“Wala ‘yon.” Tanging sagot ko sa kanya.
“Selene, gusto mo bang matulog muna? Kami na muna ang magsisimula ulit ng research papers natin,” I heard Joanna ask me.
“Walang tulugan, hindi ba?” I answered, saka ako bumalik sa sala at naupo kasama nila.
Agad namang natawa sa akin ang mga kasama namin.
“Straight kang walang tulog niyan, sige na, matulog ka kahit sandali. Tingnan mo ‘yong noo mo, nakakunot na naman.” Tyler also said.
Itinaas ko ang kamay ko saka ko ipinakita ang muscle ko sa kanila.
“Nag-energy drink ako, saka hindi tulog ang kailangan ko ngayon, ano, pera,” sagot ko, na ikinatawa na naman nila.
Napailing na lang din ako saka ako natawa sa kanila. Minsan talaga nakakatuwa ang pagiging caring ng dalawang ito kahit madalas ay bwisit sila.
“Ay, hindi pa nga inaantok itong kaibigan natin, Tyler, dinadaan pa tayo sa tawang kinahuhumalingan ng lahat, eh,” pangaasar ni Joanna sa akin, kaya agad akong napatingin sa kanya.
“Oo nga. Hay nako, huwag mo na kaming utuin, Selene. Alam na namin ‘yang mga tawa mo; for sure, magpapaalaga ka na naman kapag nagkasakit ka,” Tyler also said.
Malakas akong natawa sa sinabi ni Tyler habang tinatawanan din nila ako.
“Sige, hindi na ako magpapaalaga sa inyo. Ganyan pala kayo ha, kay Artemis na lang.” I said, still laughing, saka ako agad na napatakip ng bibig ko noong ma-realize ko na nakatingin lang sila sa akin.
Agad din akong napatingin sa mga kasama namin, saka ako agad na napa-peace sign. Nakakahiya, oh my gosh!
“Sorry po,” paghingi ko ng paumanhin sa kanila na agad lang din naman nilang tinawanan.
“So, may pinipili naman pala ang pagtawa at pagngiti mo, ano? Mas maganda ka kapag tumatawa o ngumingiti, Selene. Bata ka pa, huwag kang masyadong seryoso sa buhay. Magsaya ka rin minsan,” Mrs. Delacroix said to me, which caught me off guard.
“Naku, Tita, akala niyo lang po seryoso sa buhay ‘yan, mas matindi pa nga po ang kalokohan niyan kaysa sa amin,” agad na sabad ni Joanna.
“Wow! Inform mo naman muna ako na laglagan pala ito para naman makapaghanda ako. Wala namang ganyanan, parang hindi kaibigan, ah,” agad kong angal sa kanya.
“See Tita?” Joanna said again na tinawanan lang naman ng mga kasama namin.
Dahil doon ay napakamot lang din naman agad ako sa ulo ko.
“Buti na lang ako puro kalokohan lang, kaysa naman sa iba diyan feeling pamangkin,” pambabara ko kay Joanna.
Tyler laughed so hard at natawa lang din naman ang iba naming kasama, habang agad namang namula ang mukha ni Joanna sa hiya.
“Ang daya mo talaga, Selene Alejandra Castro,” singhal sa akin ni Joanna, and I just laugh at her again.
“Ayan ka na naman, naiinggit ka na naman sa akin kaya tinatawag mo ako sa buo kong pangalan. Gawin na nga lang natin ang research paper natin,” muli kong pangaasar kay Joanna.
“Matulog ka na lang, Selene, please lang. Kulang ka lang sa tulog, sabi ko naman kasi sa’yo huwag ka nang pumasok sa resto kagabi,” Joanna said to me.
“Okay nga lang ako. Matutulog ako kapag inaantok ako, okay? Bakit ba ang kulit niyo? Baka nga mamaya kayo pa ang maunang matulog sa akin, eh,” sagot ko na agad nilang tinawanan.
“You mean pumasok ka pa sa trabaho pagkahatid namin sa inyo kagabi?” Fourth, suddenly ask.
Napatingin lang din naman ako sa kanya saka ako tumango.
“Alam mo kasi, iyong may-ari ng bar kung saan kami tumutugtog, kaibigan ko, ang may-ari, kaya okay lang na um-absent kami minsan. Pero iyong may-ari ng resto na pinagtatrabahuhan ko, naku, masungit iyon. Sayang naman kung matatanggal ako malapit lang kasi ang dalawang iyon sa dorm namin. Saka good payer naman sila,” I answered.
“What? So hindi ka natulog?” Hindi makapaniwalang tanong ni Fifth.
“Natulog ako, siyempre, pag-uwi ko ng four ng umaga, natutulog ako hanggang six or seven,” I answered.
Agad naman siyang napanganga sa sinabi ko.
“Selene, ganyan ka ba araw-araw?” Hindi makapaniwalang tanong ni Tres.
“O-oo, bakit? Time management is the key, okay? Kapag may pagkakataon kang matulog kahit one-hour lang, matutulog ka; ganoon ang ginagawa ko,” I said again.
“Lodi namin ‘yan eh, kami nga hindi namin kaya ang ganyan ka-hectic na sched pero siya tingnan niyo naman,” Joanna said to me.
“Sabi noong puro raket din?” pambabara ko sa kanya.
“How about the weekend?” Mrs. Delacroix then asked me.
“Tuwing weekend po, kapag umaga, pumapasok kami sa resto. Kasama ko sila kasi po tuwing weekend lang talaga sila pumapasok doon. Kapag gabi naman, tumutugtog kami sa bar hanggang twelve,” I answered.
“Selene, buti kinakaya mo ang ganyan? Idol na rin kita,” Dos also said.
“I need to, I’m an orphan kaya kaylangan. Kaya sanay din ako, may lakas kaya ako ng energy drink,” I said, na tinawanan lang din naman nila, kaya hindi na ako nagsalita pa at kumilos na lang din ako.
“Gusto mo bang magtrabaho sa amin, Selene? Magtrabaho kayo sa amin,” Mrs. Delacroix asked, dahilan para mapatingin ako sa kanya. “May resto ang pamilya namin na tumatanggap ng part-timers.”
“Hindi na po kailangan, siguro itong dalawa na lang po ang tulungan niyo, kasi ako okay lang naman ako. Saka isa pa, mas marami sa mga kapwa namin scholar ang nangangailangan ng trabaho, sana po kahit sila na lang, huwag na ako,” I answered.
Agad naman siyang ngumiti sa akin. She even hugged me, dahilan para mapatitig na lang din ako sa magkatabing sina Mr. Delacroix at Uno na parehong ngumiti sa akin. At napakunot lang din kaagad ang noo ko dahil sa pagngiti sa akin ng panganay ng mga Delacroix, ang weird niya.
“Alam mo ba? Ganyang-ganyan siya sa inyo noon,” Mr. Delacroix said to me.
Dahil doon ay napatitig akong muli sa kanya, saka ako napatingin kay Mrs. Delacroix nang bitawan niya na ako. Nakita ko rin na naluha siya habang hawak niya ang dalawang balikat ko.
“Huwag kang susuko, Selene, ha? Hindi ako sumuko noon, kaya naging doktor ako kahit na nabuntis ako sa triplets ko noong nasa edad mo pa lang ako. Ikaw rin dapat huwag kang sumuko, kayo rin dapat. Okay?” Mrs. Delacroix said saka niya kami nginitian nina Joanna.
“Kaya nga po, idol namin kayo eh,” sabay namang sabi nina Joanna at Tyler, saka kami nagtawanan.
“What if kumain na muna tayo para naman dire-diretso na ang paggawa ng research papers niyo?” Mr. Delacroix then asked.
“Good idea, let's go?” agad na sang-ayon ni Mrs. Delacroix.
Sabay-sabay na rin kaming tumayo para pumunta sana sa kusina, pero napatigil kami kaagad ng may nag-doorbell. Agad naman iyong binuksan ng maid nila, and Isabella came in, kaya agad akong napatingin kay Fourth.
“Tita, Tito, may ipinabibigay po si Mom,” she said.
Agad din siyang pumasok, saka niya iniabot ang lalagyan sa maid nila, saka siya tumingin sa akin. Ngumiti din naman siya kaagad habang katabi ko si Fourth, so I just smiled at her.
“Salamat ha? Iyang Mommy mo talaga paborito talaga itong panganay ko, palagi kasing paborito niya ang ibinibigay,” Mrs. Delacroix said.
Ngumiti na lang si Isabella sa kanya saka siya agad na nagpaalam para umalis. Agad naman akong napalingon kay Fourth na biglang sumeryoso.
“Boto ba ang Mama niya sa Kuya mo?” bulong ko kay Fourth.
“Yeah, alam kong boto si Tita kay Kuya kahit hindi nila sabihin, minsan nga ang weird ni Tita. Kasi siya pa mismo ang nagre-reto sa dalawa kahit na alam naman nila na ayaw ni Mom ng reto-reto,” Fourth whispered also.
Napakunot na lang din ang noo ko dahil doon, kung ganoon nga ang labanan ay talo siya. Iba naman pala kasi ang manok ng mga magulang ni Isabella. Doon pa lang ay talo na siya.
“How about your brother? Gusto niya ba si Isabella?” I ask again.
Pakiramdam ko tuloy para kaming baliw na nagbubulungan dito sa likuran.
“He likes someone else. Besides, I knew him, kapatid lang ang turing niya kay Isabella,” he answered.
“Kung ganoon ang labanan, may pag-asa ka pa,” I said.
Nginitian ko na lang din siya saka ako nakipag-fist bump sa kanya bago kami tuluyang makapasok sa kusina.
(Fifth’s POV)Makakahalata sina Selene at Archer. Sigurado akong mahahalata nila na hindi simple ang pagkawala ng dalawa. At the same time, kailangan naming lumipat sa mas secure na venue. Alam kong iisipin nila na hindi coincidence lang ito. Lalo na at kami ang naiwan ngayon.“Make sure they evacuated the area,” kuya Uno said to Fourth, and she immediately left with Kaleel to make sure na walang naiwang tao dito.“Aisha immediately defused the bomb in the north.” Balita ko sa mga kasama ko na agad na napalingon sa akin. “Luna’s working on the bomb on the south, at nasa east si Arche. Aisha’s going to the next location, which is the west.”“How about Art and Tres?” kuya Uno asked kaya agad akong napailing.“Still negative,” I answered. 
(Fourth’s POV)When Selene left, Kuya Lionel immediately got Archer away. Lumabas muna sila sa kabilang side ng garden, kung saan hindi sila makikita ni Artemis. Sa kusina naman pumasok si Selene, and Kuya Uno immediately followed her, kaya naiwan na naman kami.“Okay, pagpasensyahan na natin sila. Alam kong hindi dapat ganito palagi, pero wala tayong magagawa, buntis. Alam niyo na hormones,” tita Leanna said to us.Hindi pa man kami nakaka-rekober ay siya namang baba ni Kuya Tres mula sa taas. He’s busy. Diretso siya sa glass wall. Saktong nakasalubong niya si Artemis na papunta na sana dito, pero may kausap siya. She does not look okay until kuya Tres takes the call.Hindi nagtagal ay bumalik na rin sina Ate Archer at Kuya Lionel, kasunod din nilang dumating sina Selene at Kuya Uno, pero sabay-sabay lang din silang napalingon sa mga nasa labas. Kuya Tres is still talking on the phone, and Artemis just waved her hand to Selene and ate Archer the moment she saw them.Nawala ang seryos
(Fourth’s POV)Matapos ang araw na mag-walk out sina Selene sa family gathering. Wala na ring araw na nakita namin na hindi sila abala. They are all busy, pero hindi kami kasali doon. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin namin nagagawa ang surprise baby shower dahil parang wala silang mood doon, kasi masyado silang abala.Madalas silang magkakasama. Madalas para bang marami silang pinag-uusapan na mahalaga. Madalas na nasa bahay ng mga Valle sina Kuya Uno at Kuya Tres, dahil naroon si Archer at Selene. At doon din madalas ang diretso ni Artemis. Minsan may pagkakataon na narito sila sa mansion, pero abala pa rin sila.Kakaiba iyon, hindi iyon simple lang. Walang sinasabi sina Mom and Dad about it, pero narinig ko minsan na tungkol sa organization ang pinag-uusapan at sa trabaho nila. Kaya madalas na narito ang kambal kasama namin.“Abala na naman iyong tatlo ah,” bati ko kay Kuya Dos na kasama namin ngayon sa sala ng mansion.Siya ang acting CEO ng company ngayon, pero wala kaming nari
(Selene’s POV)“Ang bilis mo namang gumawa ng arrangement,” puna ko kay Tres na abala sa paghahanda kasama nina Uno at Lionel, habang si Artemis naman ay abala sa pag-iikot sa taniman ng Azalea.“Gusto ko nga sanang ipakita sa kanya ang campsite na ito as a surprise. I didn’t know na madadala ko siya dito dahil inaalo ko na naman siya,” Tres said, saka siya naupo kasama namin.Abala kami ngayon sa pag-aayos ng pagkain sa mahabang mesa sa ilalim ng punong mangga sa sentro ng campsite. Habang si Artemis ay kasama ang caretaker ng site at abala sila sa pag-iikot.“Pasensya ka na ha. Alam kong nahihirapan ka rin. At katulad nitong bunso ko; alam kong sa kanya ka lang nakatingin, just like how she is to me. At alam ko na nahihirapan ka rin na pakisamahan ang mga kapatid namin, lalo na sa ganitong sitwasyon, lalo na ang pumagitna. Habaan mo pa ang pasensya mo, ha?”“It’s okay, as long as she’s the one I’m looking to walang problema,” Tres assured me, kaya agad akong napangiti.“I’m sure nas
(Selene’s POV)“Are you okay?” Archer, ask Artemis na agad ko ring ikinalingon sa kanila dahil kami pa rin ang magkakasama.She looks pale; this is not good. I knew it had something to do with her wounds.“We need to do something. She needed that shot. I told you, let’s go to your doctor,” I said to Archer, saka ko binalingan si Artemis.“Kaylangan nating gumawa ng paraan,” Archer also said.“Ako na lang,” Artemis just said, “Madali lang akong makakaalis, kayo ay hindi.”“Okay, let’s have a plan. Nasabihan ko na ang doktor mo. Kailangan ko na lang sabihin sa kanya kung saan kayo magkikita,” I said again.“We needed an alternative plan, hindi ako puwedeng pumunta sa clinic niya and I can’t go to my place dahil alam ‘yon ng lahat. Hindi rin puwede sa office,” Artemis said, na agad ding nakapagpatigil sa akin.Kinakabahan na rin ako, dahil tama siya. Saka ko naisip ang condo ni Archer.“My condo.”“Archer’s condo.”Sabay naming sabi ni Archer sa kanya.“Okay, may dahilan na ako. Mauuna n
(Selene’s POV)“Target approaching,” I said via earpiece while Artemis was still busy pretending to buy a unit sa condo na kinaroroonan niya ngayon.Malapit ito sa trabaho niya, at malapit ito sa ice cream store na gusto naming puntahan. We bought ice cream first at sa sasakyan na lang namin iyon kinain habang nagtatrabaho. We planned to make her pretend na kukuha siya ng unit dito, dahil may sapat naman siyang dahilan. This is indeed near her company, kaya hindi maghihinala ang mga tao.Our target is Juan Samonte, a prominent business tycoon, na siyang may-ari ng condo unit na ito. He’s here. Bago lang ang building na ito and he’s one of the tenants, kaya makikita mo talaga siya dito. Like today, kakadating lang niya at papasok na siya sa building.He doesn’t belong in an organization, but he’s secretly proposing harm to the Delacroix, at ganito ang ginagawa namin kapag ang mga taong nagdudulot ng panganib ay hindi natinag sa mga unang hakbang. He’s hard. He even hired syndicates and
(Selene’s POV)Muli kong inayos ang sarili ko saka ako muling bumaba para makaalis na kami. Pagbaba ko naman ay naghihintay na rin sila sa sasakyan, kaya sumakay na agad ako. Dad drives the car at kat
(Selene’s POV)“Presentation done?”Sabay kaming napalingon ni Fourth sa pinto ng office nila, saka namin nakita ang kuya niya na agad ding pumasok dito.“Yes, Kuya, maayos ang lahat. Salamat sa inyo,” Fourth answered.“Good job, but you should rest first. Wala na ba kayong klase?” Uno asks.“Wala n
(Selene’s POV)Agad na napakunot ang noo ko nang nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto sa akin. Agad ko ring pinatay ang alarm ng cellphone ko saka ko iyon isinaksak para mag-charge, bago ko muling ilibot ang paningin ko sa paligid.Saka ko lang nakita ang mga gamit ko sa nightstand na malapit sa
(Selene’s POV)Pagpasok namin sa kusina nila ay nakahain na. Ilang putahe rin ang inihain nila para sa amin na akala mo nasa pistahan na naman kami. Ganito rin ang inihain nila noong una kaming pumunta rito. Hindi ako nagtaka noon dahil marami naman kami, pero kakaiba ito.“May bisita po ba? Bakit p







