LOGIN(Selene’s POV)
Lumipat kami sa sala sa ground floor ng mansion nina Fourth matapos na umalis ang mga bisita nila dahil mas maluwag doon. Isa pa ay may kailangan din kasing itanong si Fourth sa Mommy niya. Iyon ang trabaho niya ngayon, at itutuloy naman namin nina Joanna at Tyler ang iba naming gagawin.
Sumali rin naman sa amin si Fifth para may kasama daw siya sa paggawa ng assignments niya, habang ang Daddy naman nila ay nananatili rin dito kasama nina Uno, Dos at Tres. Tahimik lang din naman silang nanonood sa amin dahil magugulo ang mga kasama ko.
“I think bukas dapat talaga sa library na tayo gumawa nitong research papers natin,” sabad ko sa kanya-kanyang daldalan ng mga kasama ko.
“Sorry na nga Selene, ito na nga,” sabay na sagot sa akin ni Joanna at Tyler.
Tiningnan ko lang din naman nang masama ang dalawa at natawa lang din naman si Fifth, Fourth at Mrs. Delacroix sa akin. Hindi ko na lang din sila pinansin pagkatapos dahil bumalik na lang din naman sila sa kani-kanilang ginagawa, and I just check my wristwatch after I stretch my neck. Sa estado ng natatapos namin ngayon, mukhang hindi na nga kami makakapasok.
“Iniisip mo pa rin ba iyong trabaho natin? Maiintindihan naman tayo ni Boss, hindi ba?” Joanna suddenly asked me.
“Sa sahod ako nanghihinayang,” agad kong sagot na tinawanan niya lang naman agad habang abala pa rin ako sa ginagawa ko.
“Ikaw talaga, alam mo, napakaseryoso mo palagi. Magsaya ka naman minsan. Saka mabilis lang naman nating matatapos ‘to. Sigurado na ‘ko do’n. Tayo pa ba? Saka nagpaalam din naman kami nang maayos sa boss natin, huwag ka nang mag-alala diyan.” Joanna said again.
“Coming from someone na ginawang pasyalan ang bahay ng mga Delacroix?” I said, smirking, saka ko itinuloy ang ginagawa ko.
“Seryoso na ‘ko, okay,” pagtatanggol ni Joanna sa sarili niya.
“How about your other work? Nagpaalam ka na ba?” Tyler also asks.
“Oo, kanina pa,” sagot ko nang hindi nakatingin sa kanya.
Mabuti na lang talaga at nagpaalam na ako kanina pa. Usual routine na rin kasi namin na after class, doon na rin namin ginagawa ang mga research, assignments, and other things na kailangan naming gawin bago pumasok sa trabaho. Minsan naman, natutulog din muna kami o kumakain, naglalaba o kaya naglilinis ng bahay.
Tapos, kapag seven na ng gabi, doon na kami nagsisimula. Madalas, tumutugtog kami sa bar ng kaibigan ko hanggang eleven. From there ay papasok ako bilang panggabing crew sa resto na malapit doon hanggang alas kuwatro ng umaga. Paguwi ko naman ay matutulog ako at pagkatapos ay gigising ako ng six para maagang makapasok.
Ako na rin ang gumigising sa dalawa kapag papasok na kami. Sila rin kasi madalas ang kasama ko sa pagtugtog sa bar, kaya napupuyat din sila. Minsan naman, kapag may mga lakad kami na tungkol sa school, ay hinahayaan kaming mag-absent ng boss namin. Marami rin naman kasi kaming kapalitan na part-timers.
“You have part-time jobs?” Tres suddenly asks me.
Agad akong napalingon sa kanya saka ako napatango. Kabisado ko na tuloy ang mga boses nila kahit hindi ko sila direktang nakikita.
“But wait? Hindi ba sapat ang allowance na ibinibigay sa inyo? Full scholarship ba ang meron kayo?” Dos also asks.
“Sa iba naming mga kasamahan ay sakto lang iyon, pero para sa amin ay hindi. Binawasan na kasi ang allowance na ibinibigay sa mga scholars, dahil daw sa dorm at sa iba pang miscellaneous, saka nagdagdag kasi ng scholars,” agad kong sagot sa kanya.
“Really?” Dos said again na para bang hindi siya makapaniwala. Weird.
“Yes, kaya may mga pagkakataon na kailangan din namin ng part-time jobs. Kahit kasi may full scholarship na kami ay may binabayaran pa rin kami,” I answered again.
“But how about those scholars pero hindi full ang nakukuha?” Tres also asks.
Dahil doon ay napatigil ako sa ginagawa ko, saka ako napatingin sa kanya.
“Some of them have to work more than three jobs to survive, and most of them have to quit dahil hindi nila kinakaya. Actually, swerte pa rin kaming mga full scholarship ang nakukuha, pero nasa mga katulad talaga ng mga kasama namin ang epekto ng pagbabawas ng allowance,” I answered.
“Nasubukan niyo na bang mag-report ukol sa issue na iyon? Because as far as I know hindi ito ang nakakarating sa’min.” Uno asks.
This time, sa kanya ako napatingin. I forgot he’s the acting dean at narito rin ang Mommy niya.
“I didn’t mean to sound ungrateful, and I-I didn’t mean to accuse,” depensa ko.
“Just answer me.” Uno said again, kaya napatitig na lang din ako sa kanya.
“We did so many times. Hindi pa si Ms. Javier ang Dean noon at wala pa kayo, pero walang nangyayari. I even tried to coordinate this matter with the finance department at sa academy scholars president so many times pero wala pa ring nangyayari.” I answered. “And the craziest part? I once saw the report ng financial department tungkol sa budget sa mga scholars, since I am the student president, doon ibang-iba ang nakalagay na halaga sa report nila sa natatanggap namin. Ibang-iba ang rules na ibinababa nila sa amin sa ipinatupad ni Mrs. Delacroix noon at wala kaming magawa ni Ms. Javier sa issue dahil labas siya sa issue na iyon,” I casually answered.
Nakatitig lang din naman siya sa akin, pero biglang kumunot ang noo niya. Maybe hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko o talagang ayaw niya lang na maniwala. Maniwala man siya o hindi, bahala na siya basta sinabi ko na sa kanya ang totoo.
(Fourth’s POV)
“Kuya?” Agad kong tawag kay Kuya Uno nang makita ko siyang lumabas ng kwarto niya.
Kararating lang namin ni Dad mula sa paghatid sa mga kaklase ko, pero gising pa rin siya. Weird nga, dahil pasado ala-una na rin.
“May kaylangan ka ba? Magpahinga ka na,” he asked.
“Pinatatawag tayo nina Mom and Dad,” I said again.
Tumango na lang siya sa akin at nauna na siyang bumaba, kaya tinawag ko na lang din sina Kuya Tres at Dos na gising pa rin. Nasa baba pa kasi si Fifth kasama ni Mom, kaya sila na lang ang tinawag ko. At matapos kong tawagin ang dalawa pa, ay bumaba na lang din kami nang sabay-sabay diretso sa sala kung nasaan ang iba.
Mukhang seryosong bagay ang pag-uusapan. Pinupulong lang naman kami nang ganito nina Mom at Dad kapag gusto nilang makausap kami sa seryosong bagay, tungkol man sa pamilya o sa organization.
“Mag-uusap lang tayo sandali. Gusto ko lang na magsabi kayo ng totoo. May itatanong lang ako,” agad na panimula ni Mom.
Nagkatinginan lang din naman kaming magkakapatid dahil sa sinabi ni Mommy, at maging ako ay kinakabahan sa kanila.
“Fourth anak, sabihin mo ang totoo. Do you really like Selene?” Mom then asked me.
Dahil doon ay agad din akong napatingin kay Kuya Uno saka ako napatingin muli kay Mom. Narinig ko kasi ang pinag-uusapan nila ni Kuya Dos sa backyard kanina, at narinig ko na gusto niya si Selene. Kaya siguro dapat ko na ring sabihin ang totoo sa kanila.
“Crush ko siya, but I like someone else, Mom,” agad kong sagot kay Mom habang nakatingin sa kanya, saka ako muling tumingin kay Kuya Uno. “We’re just friends for real at biruan lang talaga namin ni Fifth iyon. Ang totoo ay si Isabella ang gusto ko. Pero alam ko rin naman na hindi niya ako gusto dahil si Kuya Uno ang gusto niya, and it's fine with me. Hindi ko pa sineseryoso ang bagay na iyon. Magkaibigan lang talaga kami ni Selene. Close kami dahil alam niyang gusto ko si Isabella. Iyon ang totoo, Mommy.”
“Hindi ko gusto si Isabella,” agad na sagot sa akin ni Kuya Uno.
“Alam ko, Kuya, huwag kang magalala; alam kong siya ang may gusto sa iyo. Saka hindi ko pa talaga sineseryoso ang mga bagay na ito. Magkaibigan lang din kami ni Selene, pangako. Ligawan mo siya kung gusto mo siya, okay lang iyon sa akin,” I answered.
“Why would I do that?” nagtatakang tanong ni Kuya Uno sa akin.
“Kuya, alam naman namin na unang kita mo pa lang kay Selene, nagustuhan mo na siya. Huwag kami, ano,” sabad ni Fifth sa usapan.
“Oo nga naman, bro, bro, tutal naman pala at magkaibigan lang ang dalawa. Diskartehan mo na si Selene; mahaba ang pila sa kanya. Bahala ka,” sabad din ni Kuya Dos.
“He’s right, Kuya. Wala namang aagaw ng pagiging Boss mo sa organization if that’s what you want. You can save us sa responsibility, pero huwag mo ring kalimutan ang sarili mo. If you need her and if you love her, win her,” kuya Tres also said.
Ngumiti lang din kaming lahat sa kanya, and Mom and Dad smile also.
“Uno anak? Ullysses Norvan, listen to me. You don’t have to suffer alone, okay? Para saan pa na pamilya tayo, anak? We’re here, nandito kami anak. Marami kang pagdadaanan, pero huwag mong kalimutang maging masaya. Be happy. Okay? Be happy so we’re all happy. Live your life, son,” Mom said to him, at nakita ko rin agad na kumislap ang mga mata ni Mommy.
Her tears also ran down when Kuya Uno hugged her.
“I want you to be happy, don’t suffer the same pain as us. Live, love, and laugh, son, you need those. Don’t let the organization stop you from being the person you want to be,” Mom said again.
Dahil doon ay napayakap din kami sa kanila, then Dad hugged us.
“I knew that look, son, I knew it. So, don’t think that we will never allow that. Don’t stop yourself, make me the happiest. Because your Dad and I? We’re happy kapag masaya kayo anak. Kaya, be happy, make me and your Dad the happiest,” Mom said again.
Tinapik ko rin agad ang balikat ni Kuya Uno, saka ko siya nginitian. Agad din naman siyang ngumiti sa akin dahil doon bago kami muling maghiwa-hiwalay.
“Actually, I heard you talking with kuya Dos and kuya Lionel kanina, Kuya. I didn’t mean to do that, pero doon ko napatunayan na tama ang hinala ko na gusto mo nga siya,” I said again.
“You tell them?” Kuya Uno asks me.
Napakamot naman agad ako sa ulo ko dahil sinabi ko talaga kay Dad ang tungkol doon, and he probably told Mom.
“I told Dad, he maybe tells Mom,” I answered na agad nilang ikinatawa.
“Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, matagal ko nang sinabi kay Dad ang tungkol dito,” Kuya Dos also said.
Agad naman siyang tiningnan nang masama ni Kuya Uno, pero nagtawanan lang naman kami lalo.
“Kuya Dos, don’t worry, huwag ka nang mainip, susunod ka na kay Kuya Uno,” sabad ni Fifth na ikinatawa lalo namin.
“Baby? Basta huli ka ha?” seryosong-seryosong sabi ni Kuya Dos kay Fifth na ikinatingin lang din namin sa kakambal ko.
“Don't worry, I’ll be wise. I’ll settle kapag gusto ko okay?” Fifth answered.
Napangiti na lang kami sa kanya habang nakangiti lang din naman sa amin sina Mom at Dad.
“Triplets and twins, hindi namin kayo pinipilit na hawakan ang organization. Okay? Just like your Mom, puwede nating isalin sa mga kasamahan natin ang organization for them to hold. But if you really want to hold the organization, promise us you will never sacrifice your life and happiness,” Dad also said.
“Thank you, Mom and Dad,” Kuya Uno said again.
“Kaya natin ito, mga anak. Huwag ninyong isakripisyo ang buhay at kaligayahan ninyo para sa organization. If you wanted to do it, do it, kung hindi then don’t,” Mom said.
Muli kaming niyakap ni Mom at nauwi na naman sa group hug ang yakap na iyon. Bagay na hindi nawawala sa amin kahit pa lumaki na kami. Ganito kasi kami palagi. Mom always makes sure also na vocal kami palagi sa isa't isa. Hindi rin kami nahihiya na lambingin o maging showy sa pagmamahal sa isa't isa because Mom and Dad raised us full of love.
“Siya, sige, matulog na tayong lahat,” Mom said to us.
Sumang-ayon na lang din kami sa kanya saka kami sabay-sabay na umakyat sa second floor ng mansion. Hindi rin naman ako pumasok agad sa kwarto ko. Hinayaan ko lang na pumasok na sina Mom and Dad sa kwarto nila bago ako pumasok sa kwarto ni Kuya Uno na agad ding natawa sa akin.
Hanggang sa mayamaya lang din naman ay pumasok na sina Kuya Tres at Kuya Dos, maging si Fifth. Sabay-sabay kaming naupo sa kama ni Kuya Uno habang natatawa lang siya sa amin.
“Kuya, magkuwento ka na. Since when mo pa ba nagustuhan si Selene?” agad na usisa ni Fifth sa kanya.
“Si Fourth muna dapat ang magkuwento, hindi natin alam na gusto niya si Isabella at matagal na iyon, pero hindi natin nahahalata. Ang galing magtago, ah,” Kuya Uno said.
Dahil doon ay napatingin agad sa akin ang mga kapatid ko, kaya agad akong natawa.
“Alam ni Fifth ‘yon, okay? Saka si kuya Uno muna dapat, siya ang first eh,” agad kong angal sa kanila na tinawanan lang din naman nila.
Magsasalita na rin sana siya, pero nagulat na lang din kaming lahat nang biglang may magbukas ng pinto ng kwarto ni Kuya, dahilan para matigil ang kuwentuhan. Agad namang pumasok sina Mom and Dad saka sila naupo sa kama ni Kuya gaya namin ni Fifth habang nasa lapag ang tatlong kuya namin.
“Game na, hindi niyo man lang kami hinintay, ito popcorn,” Mom said, that make us laugh also.
Agad din namang nagkuwento sa amin si Kuya Uno, kaya nakinig na lang din agad ako sa kanya.
Posible pala talaga iyong gano’n? Iyong love at first sight? Kagaya iyon ni Dad at Mom noon. Kung posible ‘yon, ako kaya? Mapapansin pa kaya ako ni Isabella?
(Fourth’s POV)“Ganyan ba ‘yong mga taong gusto niyo? Bullshit!” Artemis said sa mga kasama niya habang bakas na bakas ang inis sa mukha niya.“Azalea!” agad na sita sa kanya ni Arche.Nakatulala naman si Kuya Uno na agad ding napaupo sa upuan na nasa likod niya habang nananatiling tahimik ang lahat. Everyone looks so devastated na para bang nagulat din sila na malalim pala talaga ang consequences ng lahat ng ito.Agad ding napaupo si Luna sa couch na malapit sa kanya, and Aisha just hugged her habang nakakuyom ang kamao ni Arche. Natahimik ang lahat at lahat kami ay nakatingin lang din sa tatlo na parang pinagsakluban ng langit at lupa, habang nanunuya ang mga tingin ni Artemis.“No! No! I should beg Mama. I-I’d rather die kaysa lumayo kay Dos, hindi. Hindi ko ma
(Selene’s POV)Bumalik na lang din naman kami sa bahay para hayaan sila, at doon ay naghihintay si Dad at Kuya, kaya naupo na lang din kami sa sala kasama sila.“Pasensya na po kayo kung may mga bagay na hindi ko nasasabi kaagad,” paghingi ko ng paumanhin kay Dad, but he just smiled at me.“Naiintindihan ko, anak. Palaging naiintindihan ni Daddy at ni Kuya, anak. Saka napalayo ka nang matagal sa amin at sila ang nagpalaki sa iyo. Wala kaming magagawa sa bagay na ‘yon. Technically naman, taga-bantay talaga tayo ng pamilya nila,” Dad said to me.Niyakap niya rin agad ako, kaya yumakap na lang din ako sa kanila ni Kuya, and they just smiled at me.“That’s the last, Dad,” I said again, and he just smiled at me.Agad din kaming
(Selene’s POV)“Hindi ko talaga malaman sa’yo, Selene. Nauntog ka ba kagabi? Epekto siguro ng lakas ng hagupit ni Mama sa’yo ’yan. Ang gulo mo kausap, bakit ba hindi mo na lang sinabi ang totoo na mahal mo naman talaga si Uno?” sermon ni Arche sa akin.“Yeah, right, gayahin mo dapat si Luna; ayun ang kapal ng mukha, naroon na kay Dos,” Aisha agreed.“Enough!” saway naman ni Artemis sa kanila.“Alam ko ang ginagawa ko,” tanging sagot ko sa kanila.Agad din naman silang natahimik, and I just went out to Art’s condo, saka ako agad na umalis. I use my car na naka-stock lang din sa condo papunta sa townhouse ko.Matagal ko nang hindi nabibisita si Mom. Kailangan ko na siyang makausap ngayon. Siya lang din naman kasi ang gusto kong kausap. Sa kanya ko rin sinasabi ang mga bagay na sa palagay ko ay hindi na dapat malaman pa ng iba, pero gusto kong ilabas.Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako sa townhouse ko, kaya ipinarada ko lang din agad ang sasakyan ko at kinuha ko ang basket ko. Nilag
(Selene’s POV)Agad na nanlambot ang mga tuhod ko pagkaalis nina Tita at Mama, kaya agad din akong humakbang palayo sa kanila, ngunit nawalan ako ng balanse kaya napatigil ako nang masagi ko ang malapit na upuan sa akin. Napakapit na lang din ako doon and I composed myself.“Saan ka pupunta?” Papa asked me, kaya agad din akong napalingon sa kanila. Pinilit kong muling tumayo nang tuwid habang nakatingin sa akin si Papa, and I did it. “You violated our golden rule. Can you explain how? When? Kailan niyo pa kami niloloko?” Papa asks again.“Dad, let Selene go, hindi namin gusto ang isa’t isa. Alam niyo ‘yon. Isa pa ay isa siyang Valle. Hindi ito tama. Napilitan lang siyang maging guardian,” agad na pagtatanggol ni Arche sa akin.Natigilan lang din naman agad siya nang pigilin ko siya dahil wala
(Fourth’s POV)Napatingin na lang din kami kay Tito nang umiyak na siya habang hinahaplos niya ang buhok ng natutulog na si Selene na nakaupo sa lap niya. Lalong natahimik ang lahat, and Lionel just hugs his Dad to comfort him.“Isabel, help me, tulungan mo akong tulungan ang mga anak natin. I miss you, honey, so much,” Tito cried, and he just hugged Selene.Niyakap na rin siya ni Mom, habang nakatingin lang din kami sa kanila.“Help our Selene, honey. Tulungan mo kami ng mga anak mo,” Tito said again.Ilang minuto rin siyang umiyak, and his family let him habang natutulog nang mahimbing si Selene na yakap ni Tito. Agad din naming natahimik ang mga kasamahan naming bumalik. Kasama rin nila sina Lola Elena, Lolo Leandro, pati na sina Mamita at Lolo Devon na siguradong kadarating lang galing sa hacienda.
(Selene’s POV)“Makakapag-exam pa ba ‘ko? Last day na ng pasok today, at last day ng office and faculties bukas. Ano ang gagawin ko? Ongoing pa rin ang investigation,” I cried again. “Nakakainis ang iyakin ko na,” reklamo ko, na tinawanan na naman nila.“Kailangan ba natin sina Mama at Papa? You know, for backup? Kunin natin lahat ng puwedeng magpatunay na ganyan naman talaga ang kulay ng buhok mo. Wait? Sino ba ‘yang professor na umaaway sa’yo? Is it the same? Sabi ko naman kasi sa’yo doon ka na lang sa school ni Aisha pumasok,” Arche asked me.Binitawan na kami nina Luna and Arche, just hug me kagaya noon, a hug just like the usual. A brotherly hug na siya ang nagbibigay sa akin noong wala pa si Kuya Lionel.“Wait? Bago ang lahat, puwede bang pumasok na tayo? Nilalamig na ‘ko,” mayamaya ay reklamo ni Luna.“Oo nga, mga anak, halina muna kayo dito, basa kayo. Para makapagkape na rin kayo,” mayamaya ay singit ni Manang sa amin.Nauna na si Luna na agad ding sinalubong ni Dos ng towel,
(Fourth’s POV)Mabilis din akong nagmaneho papunta sa school kung saan naabutan ko ang maraming tao sa labas. Marami ring ambulansya, pulis at bumbero na naririto dahil hanggang ngayon ay nasusunog ang dorm nina Selene.
(Selene’s POV)Kamusta na kaya si Isabella? Kalat na kalat na sa school ang balita. Kalat na kalat na rin na si Uno ang dahilan ng pagpapakamatay niya. She maybe really like him a lot. At mahi
(Selene’s POV)Ilang sandali pa kaming nagkuwentuhan ni Tita bago kami lumapit sa kanila para makakain na. Inilawan ko na rin ang talon na agad din nilang ikinamangha.“So, the safe hou
(Selene’s POV)“Let’s prepare?” I ask them.Agad naman silang tumango sa akin, kaya binuksan ko na ang kubo. Iniwan lang din namin ang gamit namin doon bago namin mapagpasyahang gumawa







