Share

Chapter 2

Author: VERARI
“Nalasing po kayo at ayaw mo akong paalisin, kaya hindi po ako nakauwi. Ngayong umaga mo lang po ako pinaaalis.”

Habang nakaupo sa malaking couch, naalala ni Adler ang paliwanag ni Sanya.

Marahas na na hinilamos ni Adler ang palad sa kanyang mukha. Ilang beses na niyang sinubukang alalahanin ang nangyari kagabi, ngunit ayaw makipagtulungan ng isip niya.

Talaga bang ginawa nila iyon ni Sanya?

Gayunpaman, hindi nag-demand ng kahit ano si Sanya sa kanya. Hindi rin naman siya sigurado… Sino ba talaga ang babaeng kasama niya noong gabing iyon?

Si Sanya? O iyong misteryosong babaeng na huli niyang naalaala?

Hindi niya talaga matandaan!

Samantala, pinatatag naman ni Sanya ang puso nang makaalis sa kwartong ‘yon ng hotel. Bakit naman siya hihingi ng kahit ano sa lalaking hindi man lang matandaan ang ginawa nito?

Nag-aalangan si Sanya na pumasok sa opisina. Hindi pa siya handang harapin muli si Adler. Hindi niya kailanman inakala na hahantong sila sa puntong iyon.

Lasing si Adler, oo, pero sigurado siya na dapat ay nakontrol pa rin nito ang sarili.

Madalas na niya itong nakikitang umiinom habang nag-e-entertain ng mga kasosyo sa negosyo mula sa ibang bansa, at wala pang nangyaring gano’n noon.

Lihim bang kumukuha ng bayarang babae ang boss niya? At dahil pinalayas niya ang babae nito, sa kanya nito binuhos ang pagnanasa nito?

Muling nabuhay ang galit at lungkot sa kalooban niya, ngunit mabilis niya rin iyong inalis.

‘Kalimutan mo na, Sanya! Kailangan ko nang mag-focus sa trabaho ngayon. Huwag mong hayaang madaig ka ng emosyon. Hindi pwedeng masira ang career mo!’

Iyon ang sinabi niya sa sarili, kahit hindi siya sigurado kung makakakilos siya nang normal sa harap ng lalaking nagdulot ng sakit sa kanya. Pero kahit na gano’n, kailangan niyang subukan.

Kasi ano pa bang pagpipilian ang mayroon siya? Kailangan niya ng pera para mabuhay!

Pinilit niyang isantabi ang kahihiyan at saka pumasok sa gusali ng opisina.

Nilibot ng kanyang mga mata ang lobby na walang katao-tao. Iisa na lang ang security guard na naka-duty; kahit ang receptionist ay hindi pa rin dumarating.

Sinadya kasi niyang dumating nang maaga para hindi makasalubong si Adler, kahit alam niyang magkikita rin sila kalaunan.

Pagdating sa kanyang desk, agad siyang naging abala, sinusubukang bawasan ang paninikip ng kanyang dibdib. Nakatulong ang trabaho niya para ma-distract ang isip niya sandali.

Nagsisimula pa lamang kumalma ng isip ni Sanya nang bumukas ang pinto ng elevator.

Mula doon, lumabas si Adler na may ma-awtoridad na tindig, makapangyarihan, at may natatanging charisma. Para bang walang nangyari kagabi.

Ang matangkad nitong piguro ay naglakad na puno ng kumpiyansa, suot ang isang mamahaling black suit na mas lalong nagpatipuno sa katawan nito. Ang mga itim na mga mata nito ay puno ng lamig at intensidad, na saglit na sumulyap sa mamahaling relo sa pulso nito.

Muling kumabog ang dibdib ni Sanya. Nanginig ang kanyang mga mata, hindi alam kung saan titingin.

Pigil ang kanyang paghinga habang papalapit ito. Para bang pinipiga ang puso niya. Sinubukan niyang ituwid ang kanyang ekspresyon.

"Good morning, Sir," bati niya at bahagyang yumuko sa lalaki.

Sinulyapan naman siya ni Adler. Kumunot ang noo nito saglit. Ni hindi ito sumagot at nilampasan lamang ang mesa niya, saka pumasok na sa opisina nito.

“Good morning din, Sanya,” masiglang bati sa kanya ni Charles habang hinahabol ang boss.

Nang mawala na sina Adler at Charles sa paningin niya, bumalik si Sanya sa kanyang upuan. Sa wakas, nakahinga na ulit siya nang maluwag.

Tinapik niya ang dibdib niya. Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya.

Makita lang niya ang likod ni Adler ay parang aatakihin na siya sa puso!

‘Hindi pwede ‘to! Mag-focus ka sa trabaho, Sanya!’

Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili. Pagkatapos ay bumalik siya sa kanyang mga task.

Sa kasamaang palad, kailangan niyang puntahan ang boss niya para magpa-approve ng report.

Pabalik-balik siya sa hallway na konektado sa opisina ng CEO, sinusubukang pakalmahin ang kanyang magulong isip. Kahit ang pagbabasa lang ng pangalan ni Adler sa file ay nagpapabigat na ng paghinga niya.

Gusto niyang matawa sa sarili. Bakit ba hirap na hirap siyang umakto nang normal? Ni hindi naman siya gusto ng boss niya!

Nang maisip iyon, pinilit niya ang mga paa na humakbang papunta sa opisina ng lalaki.

Pagdating niya sa pinto, nag-alangan ulit siya.

Sumilip muna siya sa maliit na siwang. Nasa loob si Charles, idini-discuss ang schedule ni Adler para sa araw na ‘yon.

“Ibibigay ko na lang itong file mamaya. Mukhang busy pa sila.”

Tumalikod siya para bumalik sa kanyang pwesto. Pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya, napahinto na siya.

“Hindi. Mahalaga ang report ito. Kailangan itong pirmahan ni Sir ngayon din. Be professional, Sanya!”

Huminga siya nang malalim. Bumalik siya sa harap ng opisina nito at itinaas niya ang kamay para kumatok. Pero natigilan siya nang marinig niya ang pagtataas ng boses ng mga lalaki sa loob, na para bang nagtatalo ang mga ito.

“Ako ang mapapagilan kung patuloy mong tatanggihan ang invitation ni Don Augustine! Half-hour lang naman ang lunch, Sir!”

Napangiwi si Adler sa inis. “Sinabi ko na sa ‘yo. Ayaw kong makipagkita kay Lolo. He always forces me to get married whenever we meet.”

“Edi magpakasal ka na, Sir! Ano ba ang mahirap doon? Pumili ka na lang ng babaeng magugustuhan mo. Sino ba ang maglalakas-loob na tanggihan ka?”

“And you think marriage is easy? Pagkatapos ng kasal, kailangan kong mag-alaga ng asawa, at paano pa kung magkaanak kami? Just the thought of having a wife and babies around me gives me a headache already. Masyadong malaking abala!”

Napahigpit ang hawak ni Sanya sa mga file. Sa hindi malamang dahilan, nanikip ang dibdib niya matapos marinig ang mga sinabi ni Adler.

Bakit ba siya naiinis? Kung magpakasal man ang lalaki o hindi, wala na dapat siyang pakialam doon.

Sa wakas ay kumatok na siya sa pinto at pumasok sa loob. Agad na natahimik sina Adler at Charles.

“Sir, ito po ang project budget report kahapon. I’ve checked everything,” aniya habang nakayuko ang ulo.

Binuklat ni Adler ang mga dokumentong iniabot ni Sanya sa kanya. Bahagyang kumunot ang kanyang noo nang mapansin ang mga gusot na dulo ng mga papel.

Bahagya siyang tumawa at pinagpag ang mga papel na hawak niya. “Basura ba ang inabot mo sa akin?”

“S-sorry po, Sir! Ip-print ko na lang po ulit.”

Mabilis na kinuha ni Sanya ang mga file at nagmamadaling lumabas ng opisine.

Ilang sandali pa ay bumalik siya doon. Wala na si Charles, siya lamang ang naroon kasama si Adler. Dumoble tuloy ang pagkabalisa niya.

“H-Here po, Sir,” mahina niyang sabi, nanginginig ang mga kamay nang iabot ang bagong report.

Sinimulan ni Adler na suriin ang report na ginawa niya. Ilang minuto ang lumipas, tahimik ang opisina at ang tanging naririnig lang ay ang tunog ng wall clock. Mas mabagal ang galaw nito kaysa sa tibok ng kanyang puso.

‘Bakit ang tagal niya i-check?’

“Mauuna na po ako kung—”

“Inutusan ba kitang maghintay?” malamig na putol ni Adler.

Umiling si Sanya at muling tumingin sa sahig. Sumasakit na angmga binti niya dahil sa matagal na pagtayo doon, pero dahil sa kaba ay nakalimutan niyang may upuan nga pala sa malapit sa harapan ng desk ni Adler.

Nablangko na ang kanyang isipan.

Nabalot siya ng ginhawa nang pumasok muli si Charles sa opisina. Hindi niya namalayang napabuntonghininga na siya nang malakas.

Saglit na nag-angat ng tingin sa kanya si Adler, bago nito pirmahan ang mga papeles at ibinalik sa kanya.

Sandali niyang nakasalubong ang matalim nitong tingin bago siya naglakad papuntang pinto.

“S-Salamat po, Sir. If you’ll excuse me…”

Yumuko ulit si Sanya, saka tumalikod at hindi na tiningnan pa ang mga mata ng kanyang boss.

Nanatili namang tahimik si Adler, hindi mabasa ang kanyang ekspresyon nang tuluyan nang makalabas si Sanya.

“Sir?” putol ni Charles sa iniisip niya. “What about lunch? Tinawagan po ako ulit ni Don Augustine.”

“I want to ask you something,” kuryosong sabi ni Adler, hindi pinansin ang naunang tanong ng personal assistant niya.

"Ano po iyon, Sir?"

Tinapik ni Adler ang mesa gamit ang mga daliri at malalim na nag-isip.

“Explain to me why Sanya was at the bar last night.”
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • That Seductive President is my Baby's Father   Chapter 50

    “May nangyari ba?” Mabilis na lumapit si Justin kay Sanya. “Where’s Athena?”“Si Mama… nasa loob, Justin…”“Call the firefighters and the police. I’ll go inside!” utos ni Justin.Mabilis siyang tumakbo papasok ng tindahan. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang wasak at magulo ang loob. Pero wala siyang oras para ma-shock.Binasa niya agad ang jacket niya sa gripo, tapos bumalik siya sa bahay ni Sanya. Isinuot niya ito at tinakpan ang ulo at likod bago pumasok.Buti na lang, hindi pa ganoon kalakas ang apoy. Isang lundag lang, nakapasok si Justin sa pintuan.“Aling Elvira!” sigaw niya.“Justin…” nanginginig na nakaluhod si Elvira sa loob.“Labas po muna tayo bago lumaki ang apoy!”Dinala niya palabas si Elvira, nakatakip ang jacket para hindi tamaan ng apoy. Nauna silang makalabas, si Elvira sa harap.Habang tumatalon palabas si Justin, tinamaan ng apoy ang manggas ng polo niya. Sumigaw siya sa sakit. Sina Sanya at ang mga kasama niya ay may dalang mga timba ng tubig at nagsimula

  • That Seductive President is my Baby's Father   Chapter 49

    “Ugh… ang sakit ng ulo ko,” ungol ni Sanya na paos ang boses.Mag-uumaga na at dahan-dahang nagmulat si Sanya. Pinisil-pisil niya ang mga mata, pero lalo lang sumakit ang ulo niya. Minasahe niya ang kanyang sentido habang nakapikit ulit.Gustong igalaw ni Sanya ang buong katawan niya para ma-relax kahit kaunti, pero hindi siya makakilos. Para bang may mabigat na nakapulupot sa kanya.May amoy na pamilyar at napaka-maskulin na sobrang lapit sa ilong niya. Nakakagulat, pero nakakapagpakalma sa kanya ang amoy na iyon, kahit dati ay sobrang ayaw niya iyon.Dumampi ang kamay ni Sanya sa matigas at matipunong dibdib na hindi niya pa napagtatanto kung kanino. Imbes na magising, lalo pa niyang inilapit ang mukha niya doon, hinahanap ang init na nakapalibot sa kanya.Inilusot niya ang mukha niya sa dibdib ni Adler, at hindi alam ni Sanya na halos pigilan ni Adler ang hininga niya sa sobrang hirap ng sitwasyon.Napakakomportableng pakiramdam, parang ligtas siya. Gusto na sana niyang bumalik sa t

  • That Seductive President is my Baby's Father   Chapter 48

    “Nasiraan ka na ba ng bait?! Paano mo nagawang iwan si Athena sa bahay para lang magpasarap kasama kung sinong lalaki, tapos ganito ka pa kalasing?! Anong klaseng ina ka?!” sigaw ni Adler.Hinaplos-haplos ni Sanya ang braso ni Adler at pagkatapos ay iniyakap ang dalawang kamay sa leeg niya. May mga salitang lumalabas sa bibig ni Sanya pero hindi maintindihan, kasabay ng pagbiling nito. Huminga nang malalim si Adler. “Sino bang kausap ko ngayon?” bulong niya.Maingat niyang isinakay si Sanya sa kotse. Pero bago niya maisara ang pinto, lumapit si Justin at hinawakan siya sa balikat.“Saan mo dadalhin si Sanya?” tanong ni Justin, mabigat ang tono.“Nakalimutan mo na agad yung warning ko sa ‘yo kanina?”Nanigas ang panga ni Adler, at mariin niyang sinuntok ang hangin. Gusto pa talaga niyang bugbugin si Justin.Ang kapal ng mukha nitong si Justin, nagkaroon pa talaga ng lakas ng loob na ilayo ang ina ng anak niya. Kung si Athena ay sa kanya, pakiramdam ni Adler, si Sanya ay kanya rin, kahi

  • That Seductive President is my Baby's Father   Chapter 47

    “Ano bang ginagawa mo rito?” si Justin agad umatake. Mahigpit niyang hinawakan ang pulso ni Adler, saka iyon sapilitang hinila hanggang mapabitaw si Adler kay Sanya.“Don’t meddle with my business!” matalim ang tingin ni Adler kay Justin.“Syempre may pakialam ako! Kasama kong dumating si Sanya. Alam ba ni Belle at ng Lolo mo na nandito ka para magpahabol sa ibang babae?!”“Sumama ka sa akin, Sanya. Hindi pa tayo tapos,” singhal ni Adler habang hinahatak ang kabilang braso ni Sanya.“Unahin mo na lang ‘yung fiancée mong naghihingalo dahil sa kagagawan mo!” balik-sigaw ni Justin.“Stop it, enough!” biglang sabi ni Sanya at mariing binawi ang dalawang braso niya. Napabitaw ang dalawa.Isinapo ni Sanya ang kamay niya sa braso ni Justin. Tiningnan niya si Adler nang may malamig na paghamak.“Ayos na, Justin. Let’s go.”“Stop, Sanya,” babala ni Adler.Lalo pang binilisan ni Sanya ang lakad palayo kay Adler. Napilitan si Justin na sumabay habang sinusulyapan pa si Adler na parang nanalo sa l

  • That Seductive President is my Baby's Father   Chapter 46

    “Lolo… bakit po kayo nagsasalita nang ganyan?” mahinang tanong ni Belle, may halong pag-aalala ang mukha.“May mali ba sa sinabi ko? Nabuntis siya nang walang asawa. Kung hindi ‘yan kahihiyan, ano ang tawag doon?” balik na tanong ni Don Augustine, puno ng pangungutya.Masakit sa dibdib ni Sanya ang narinig niya. Ang lalaking naglagay sa kanya sa ganitong sitwasyon ay mismong apo ni Don Augustine.Gusto na niyang sabihin ang totoo. Pero ayaw na niyang palalain ang gulo. Baka palabasin pa na inaakit niya ang apo nito.“Ang hirap kausap ng mga taong akala nila sila ang Diyos,” bulong ni Justin.“Anong sabi mo?!” biglang tumaas ang boses ni Don Augustine. “Akala mo hindi ko narinig ‘yon? Hindi mo kailangang magpaka-hero, Justin! Hiwalayan mo na ang babaeng ‘yan! Ayokong balang araw, magamit ka niya para perahan ang tunay na nakabuntis sa kanya.”Nakita ni Sanya ang reaksyon ni Adler sa gilid ng mata niya. Namumula ang mukha at mata nito, pero tahimik lang.Ano pa nga ba ang inaasahan niya?

  • That Seductive President is my Baby's Father   Chapter 45

    “Ay, bakit hindi dumating si Daddy, Mommy?” reklamo ni Athena.“Busy pa ang daddy mo.”Dalawang araw na simula noong huli silang makita ni Adler. Hindi rin nito sinusundo o hinahatid si Athena. Mula nang tawagan si Adler ni Belle noong araw na iyon, parang bigla itong naglaho.Ilang beses na siyang tinawagan ni Sanya, pero naka-off palagi ang cellphone ni Adler. Parang sinasadya talaga nitong umiwas sa kanya.At ang kinatatakutan ni Sanya noon, nangyari na. Dumaan lang si Adler para mag-iwan ng panandaliang saya kay Athena, pagkatapos ay iniwan uli ang bata sa sakit at pangungulila.At dahil nakabalik na rin si Belle, malamang ay itutuloy na nila ang kasal kahit kailan nila gusto. “O baka… buntis si Belle? Baka nakabuo sila sa gabing magkasama sila sa hotel?”Sa mismong pag-iisip ni Sanya na hinawakan o hinalikan ni Adler si Belle, kumirot ang dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit siya nagagalit at nasasaktan. May karapatan ba siya?Pero kung totoo ngang may anak sina Belle at Adler

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status