Share

Chapter 3

Author: VERARI
“Hindi ba sinabi sa inyo ni Sanya? May importante kasi akong gagawin kagabi, kaya siya ang pinapunta ko para pumalit sa akin.”

“Is that all?” Nagtaas ng kilay si Adler, pinag-aaralang mabuti ang mukha ni Charles. Wala siyang makitang kakaiba sa ekspresyon nito.

“Ano pa ba, sir?" Napakamot si Charles sa batok, hindi maintindihan kung saan patungo ang usapan nila.

"Kalimutan mo na..." Sandali na tumigil si Adler. “Find some CCTV footage from last night. Mula sa bar, sa hotel… everything.”

"Para saan, sir?"

Matalim na tiningnan ni Adler si Charles.

Alam ni Charles na ayaw ng kanyang boss na maraming tanong, lalo na ang kinokontra. Dahil ayaw mapagalitan, mabilis siyang nagpaalam para sundin na lamang ang utos nito.

Wala pang isang oras, bumalik si Charles dala ang lahat ng CCTV footage. Pagkatapos siyang paalisin, sinimulan ni Adler na i-check isa-isa ang mga recording.

Ini-screenshot niya ang misteryosong babaeng naghatid sa kanya mula sa bar papunta sa hotel. Ipinadala niya ito kay Charles, at inutusan ito na alamin ang pagkakakilanlan nito.

Nakunan din ng surveillance camera ang babae na may ibinubuhos na kung ano sa inumin niya nang sandaling umiwas siya ng tingin.

Galit na napamura si Adler. At talagang may nangahas na tarantaduhin siya?

Pinanood niya ulit ang video mula sa harap ng kwarto ng hotel matapos medyo humupa ang galit niya. Lumitaw doon si Sanya, itinaboy ang babae habang sinusubukan nitong buhatin siya papasok sa kwarto.

Nakita niya rin kung paano niya hinila si Sanya sa loob ng kwarto matapos umalis ng babae.

Hanggang sa sumapit ang umaga at sila na lang dalawa ang naroon sa kwarto.

***

Isang buwan na ang lumipas, at sa wakas ay natanggap na ni Sanya ang sitwasyon, o sa halip, pinilit na lang ang sarili na tanggapin na hindi na talaga siya birhen.

Hindi na masyadong nag-usap pa sina Sanya at Adler. Mas gusto lamang ni Sanya na i-remind ang lalaki sa mga importanteng meeting nito at mga iba pang bagay through text o kaya phone call. Karamihan din sa mga report niya ay ipinapadala niya sa email nito.

Hindi rin kinuwestiyon o pinagsabihan ni Adler si Sanya sa tila pagbabago niya. Mula pa kasi simula, hindi naman siya kinakausap nito malaman na lang kung may kinalaman sa trabaho.

“Sanya, nandito na ba si Sir Adler? Kailangan ko kasing mag-submit ng End-of-Month report. Pwede mo ba itong ibigay sa kanya?" tanong ni Mia na kararating lang.

“Busy ako. Dumiretso ka na lang sa opisina niya. Malapit na ring umalis si Sir.”

Paulit-ulit na bumulong si Mia at naglakad palayo. Ilang linggo na rin iniiwasan ni Sanya ang anumang trabaho na hindi na dapat niya ginagawa. Para na rin maiwasan niya ang makita ang lalaki.

Isa pa, mas naging busy siya nitong mga nakaraang araw. Madalas na siyang makaramdam ng pagkahilo dahil doon.

Tulad na lang ngayon. Dalawang oras pa lamang siya nagtatrabaho, nakaramdam na agad siya ng pagod, pati na rin matinding pananakit ng kanyang balakang. Gusto na lamang niyang maiyak dahil parang hindi komportable ang katawan niya.

Hanggang sa bumulusok na lang bigla ang kirot sa kanyang tiyan. Nagmadali siyang pumunta sa banyo at isinuka ang lahat ng nakain.

Hinaplos ni Sanya ang kanyang noo para tingnan kung mainit ba siya.

“Wala naman akong lagnat.Umuwi na kaya ako?” Agad siyang napailing. “Hindi... Kung uuwi ako agad, kailangan kong pumunta kay Sir Adler para humingi ng permiso.”

Kinabukasan, napilitan si Sanya na mag-leave dahil hindi bumuti ang timpla ng katawan niya. Nagpadala na lang siya ng text message sa kanyang boss dahil ayaw niyang marinig ang boses nito sa phone.

Nag-reply naman si Adler sa text niya, pero bago pa niya ito mabasa, tumakbo na naman siya sa banyo at sumuka ulit. Nang umagang iyon, dalawang beses na siyang sumuka hanggang sa puro tubig na lang ang natira.

“Ikaw bata ka, para kang buntis ah,” puna ni Elvira, ina ni Sanya, na nasa kwarto ng mga oras na ‘yon. Sinundan niya ang kanyang anak sa banyo at marahang minasahe ang likod ng leeg nito.

Sandaling natigilan si Sanya sa sinabi ng ina. Biglang nanginig ang katawan niya. Sa pagkakaalala niya, hindi gumamit ng proteksyon si Adler nang gabing iyon!

Sa isip niya, kinalkula na niya kung kailan natapos ang huling regla niya. Naninikip ang kanyang dibdib nang mapagtanto niyang anim na linggo na ang lumipas mula noon!

Dali-dali niyang kinuha ang kanyang jacket at wallet, pagkatapos ay tumungo sa pharmacy na hindi kalayuan sa kanilang bahay.

“Please… sana hindi… sana hindi ako buntis. Please, Lord…”

Ngunit para bang pinagtaksilan siya ng tadhana at ninakawan ng pag-asa.

Ang limang magkakaibang brand na pregnancy test na nasa kamay niya ay mayroong dalawang pulang linya, patunay na buntis na nga siya.

Napahagulgol at sigaw siya, ang kamay ay tumatakip sa kanyang bibig para hindi siya marinig ng ina.

May mali sa sitwasyon…

Para bang muling bumukas ang sugat na pilit niyang tinakpan.

Mas masakit pa ito kaysa dati.

Hindi pa rin siya lubusang makapaniwala.

Hindi siya nakuntento’t nagtungo sa ospital. Kinakain na ng pag-aalala ang kanyang dibdib. Ni hindi niya namalayan na huminto na ang taxi sa harap ng ospital.

Nanghihina si Sanya na naglakad patungo sa obstetrics and gynecology clinic. Tumingin siya sa kaliwa't kanan bago pumasok sa examination room, sinisigurong walang nakakakilala sa kanya roon.

Malakas ang kabog ng puso niya nang maglagay ang OBGYNE ng gel sa kanyang tiyan at sinimulang gamitin ang transducer. Ilang sandali pa, isang imahe ang lumabas sa monitor.

“Can you see this small area?” Itinuro ng doktor ang screen. “Iyan ang gestational sac mo, Ma’am. Kung pagbabasehan ang laki nito, apat na linggo ka nang buntis.”

Nangilid ang luha ni Sanya habang nakikinig sa paliwanag ng doktor. Sa pag-aakalang naiiyak na siya sa tuwa, tinulungan siyang makaupo ng doktor matapos punasan ang natitirang gel mula sa kanyang tiyan.

“I’ll prescribe you some prenatal vitamins…”

Nagpatuloy ang doktor sa mahabang pagpapaliwanag tungkol sa unang trimester ng pagbubuntis. Pero para bang walang naririnig si Sanya.

Ano na ang gagawin niya? Paano na ito? Dapat ba siyang…

Napalunok siya nang malalim. Ilang sandali lang ang nakalipas, naisip niya na i-abort ang baby na kasing laki lang ng mani. Pero mabilis din niyang inalis sa isip ang masamang plano na ‘yon.

‘Hindi… inosente ang baby na ito. May karapatan siyang mabuhay sa mundong ito. Dapat ko bang sabihin ‘to kay Sir Adler?’

Pagkatapos makuha ang reseta, umupo si Sanya sa isang bangko sa harap ng clinic. Nanghihina ang kanyang mga binti, halos hindi niya kayang maglakad.

Tila ba gumuho ang mundo niya nang maalala niya ang mga sinabi ni Adler isang buwan na ang nakalipas. Ayaw nito mag-asawa, lalo na ang magkaanak. Higit pa sigurong ayaw nito sa isang babae na hindi naman nito gusto.

Kung maglalakas-loob siyang sabihin sa lalaki ang tungkol sa pagbubuntis niya, natatakot siya na baka ipilit ni Adler na ipalaglag ang baby. Kahit naman hindi niya matanggap ang baby, hindi niya kayang isipin na papatay siya ng bagong buhay sa loob niya.

Hindi lang iyon ang ikinababahala niya. Paano niya ito ipapaliwanag sa Mama niya? Ano na lang ang magiging reaksyon nito kapag malaman na nabuntis siya nang hindi pa nakakasal?

Ayaw niyang saktan ang mama niya, o kahit na ipahiya ito. Pero hindi rin naman niya maitatago ang pagbubuntis niya nang matagal.

Lingid sa kaalaman ni Sanya, may mga matang nagmamasid na sa kanya.

“Bakit galing si Sanya sa OBGYNE clinic?”
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • That Seductive President is my Baby's Father   CHAPTER 100

    “Hindi. Ang posisyon na ’yon, para lang kay Adler. Hindi kailanman malalampasan ni Justin si Adler. Temporary lang siya. Placeholder lang, hanggang bumalik si Adler.”Uminit ang mga mata ni Augustine habang pinapanood ang nag-iisang apo na lumaki sa ilalim ng kanyang bubong, palakad-lakad palayo sa malaking tarangkahan ng mansyon ng Samaniego.May bigat ng pagkadismaya sa dibdib niya. Para kay Augustine, maling landas ang pinili ni Adler. Pero kahit ganoon, hindi niya pinagsisihan ang desisyon niya.Kailangan matuto ni Adler. Kailangan niyang mamulat. Sigurado si Augustine na babalik din ang apo niya, kapag na-realize nitong wala palang silbi ang ipaglaban ang babaeng iyon.Marami ang mawawala kay Adler sa oras na sinuway niya ang utos ni Augustine. Gaya ng ama ni Adler noon, na piniling pakasalan ang isang babaeng may sakit. At sa huli, nawala rin iyon dahil hindi niya kinaya ang gastos sa gamutan.Parang bumalik ang alaala ng dalawampu’t limang taon na ang nakalipas. Ganoon din

  • That Seductive President is my Baby's Father   CHAPTER 99

    “Adler!”Hindi pinansin ni Adler ang tawag ni Augustine. Mabilis siyang naglakad para puntahan ang magiging maliit niyang pamilya at ibalita sana ang magandang balita.Magandang balita ba talaga?Napasinghap si Adler sa sarili niyang tanong.Tatanggapin pa rin kaya siya ni Sanya kung wala na siyang kahit ano? Kakayanin ba niyang tuparin ang mga pangangailangan ng anak nila?Pagdating sa tapat ng pinto, huminto muna si Adler. Sa totoo lang, kinakabahan siya sa desisyong kakagawa lang niya.Matapos ang ilang sandaling pag-iisip, napagdesisyunan niyang huwag muna sabihin ngayon. Sasabihin na lang niya kapag tuluyan na silang nakaalis sa mansyon ng Samaniego.Masyadong malambot ang puso ni Sanya. Baka pigilan pa siya nito kapag nalaman niyang mawawala lahat sa kanya. At ang alok ni Augustine, alam niyang hindi na mauulit. Ayaw ni Adler isugal ang posibilidad na tumanggi si Sanya.Matapos huminga nang malalim ng ilang beses, pinihit ni Adler ang doorknob. Sa loob, masayang naglalaro

  • That Seductive President is my Baby's Father   CHAPTER 98

    “Para saan ‘yung halik kanina?” tanong ni Adler, halatang nagulat pa rin sa biglaang ginawa ni Sanya.Itinago ni Sanya ang mukha niya sa balikat ni Adler. Hindi niya kayang tumingin dito, lalo na’t sumagot.“Bakit ko ba ginawa ‘yon?!” sigaw niya sa isip.Maingat na inihiga ni Adler si Sanya sa kama, pero hindi namalayan ni Sanya na nakayakap pa rin ang mga braso niya sa leeg nito dahil sa kaba.“Gusto mo pa ba?” bulong ni Adler malapit sa tenga ni Sanya.“H-hindi!” mabilis na tanggi ni Sanya.“E bakit ayaw mo akong bitawan? Gusto mo ba, humiga na lang ako sa ibabaw mo?” tukso ni Adler, seryoso ang tono.“Anong sinasabi niya?! Grabe naman,” reklamo ni Sanya sa loob-loob niya.Umiling si Sanya habang nakayuko at nakapikit nang mahigpit. Ilang segundo lang, naramdaman niyang nakadikit na ang likod niya sa malambot na kama. Doon lang siya natauhan at agad binitiwan si Adler.“Hindi naman ako magrereklamo kung gusto mo pang manatili ng ganito,” pahabol ni Adler.“Bakit ba ang dami

  • That Seductive President is my Baby's Father   CHAPTER 97

    “Teka, Adler!” sigaw ni Sanya.Pinilit ni Sanya ang sarili niyang maglakad. Agad siyang napangiwi nang sumayad ang paa niya sa sahig. Sobrang sakit.Paika-ika siyang sumunod kay Adler, bahagyang palukso-lukso gamit ang paa niyang hindi sugatan habang sumasandal sa pader para hindi matumba.Palayo nang palayo si Adler, kaya pinilit ni Sanya na bilisan ang galaw. Kahit masakit ang paa niya, nilabanan niya iyon.“Adler, wait… please…”Parang nakita ni Sanya na bumagal ang lakad ni Adler. Pero agad niyang iniling ang ulo. Imposible. Kailan pa siya hinintay ni Adler?Hindi niya alam na tama pala ang hinala niya. Sadyang bumagal si Adler para makahabol si Sanya, pero masyado lang talaga ang pride niya para lingunin ito matapos magalit at manahimik.Sa wakas, nahawakan ni Sanya ang tela ng damit sa likod ni Adler.“Adler, I need to talk to you…”Napaatras si Adler sa gulat nang maramdaman ang hawak ni Sanya. Natanggal ang pagkakahawak nito sa damit niya.Nawalan ng balanse si Sanya

  • That Seductive President is my Baby's Father   CHAPTER 96

    “Ilabas n’yo sila rito. Siguradong magagalit si Don Augustine kapag nalaman niyang binugbog ko ang mga tauhan niya,” utos ni Justin sa personal assistant niya.“Opo, Sir. Dadalhin po ba namin sila sa police station?” tanong ng assistant.“Huwag. Lalaki lang ang problema. Kapag nalaman ni Don Augustine, baka mag-utos pa siya ng mas masahol. Takutin n’yo na lang sila, siguraduhing hindi na uulit,” sagot ni Justin nang malamig.“Okay po. Tatawag ako ng tao para mailabas sila nang hindi napapansin ng ibang guwardiya.”Humarap si Justin kay Sanya na nakayakap sa sarili, nanginginig pa rin. Kahit tapos na ang lahat, hindi pa rin nawawala ang takot na bumabalot sa kanya.“Sanya, ihahatid kita pabalik sa kwarto. Kaya mo bang maglakad?” mahinahong tanong ni Justin.Marahang umiling si Sanya. Hindi pa rin niya kayang tumayo. Parang wala siyang lakas dahil sa sakit at takot na pinagdaanan.Dahan-dahang hinawakan ni Justin ang braso ni Sanya at tinulungan siyang tumayo.Pero muli itong nap

  • That Seductive President is my Baby's Father   CHAPTER 95

    “Emergency, Sir! Nakikipagtalo si Don Augustine kay Sanya!”Pagkabasa ni Adler sa provokatif na message ni Charles, mabilis siyang naglakad mula sa right wing papunta sa left wing ng bahay. Ayaw niyang masaktan si Sanya ng masasakit na salita ni Augustine.“Sir Adler!” tawag ni Doktor Rodrigo.Napatigil ang mahahabang hakbang ni Adler nang marinig ang pamilyar na boses. Lumapit siya kay Doktor Rodrigo na mukhang paalis at hawak na ang pinto.“Bakit may dala kayong maleta? Saan kayo pupunta? Na-check n’yo na ba ang condition ng fiancée ko?” tanong ni Adler, halatang hindi mapakali. Hindi rin nakatutok ang mga mata niya sa kausap.“Kakaalam ko lang magpaalam sa lahat. Pinagalitan ako ni Don Augustine. Pinapapili niya si Miss Sanya ng isang mahirap na desisyon,” sagot ni Doktor Rodrigo sabay buntong-hininga.“Desisyon?”Ikinuwento ni Doktor Rodrigo ang lahat nang detalyado kay Adler. Nagbigay rin siya ng ilang payo, alagaan ni Adler nang mabuti ang magiging asawa niya at ang anak.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status