Share

Chapter 2

Nagising ako dahil sa kakaibang ingay na tila nanggagaling sa ikatlong palapag. Mga tunog na para bang may tumatakbo at may bigla na lang akong narinig na kalampag.

Anong nangyayari? May nakapasok ba sa bahay?

Nanatili lang ako sa kama habang nakahiga, iniisip ko kung ano ang pwedeng dahilan ng ingay na 'yon dahil hindi pa rin tumitigil. I suddenly felt a bit of fear in my system. Should I check it or not? That floor is out of limit for me, right?

Pero bakit niya nga ba ako pinagbawalan na pumunta doon sa simula pa lang? Is there something that he's hiding from me? Pero bahay niya 'to kaya wala akong karapatang magtanong, ako na nga lang ang humihingi nang pabor tapos papakialaman ko pa siya.

Agh! I'll check it! Okay Aze, breath in, breath out. Kaya mo yan!

Oo, wala akong karapatan dito, pero may karapatan ako na malaman kung ligtas ako sa isang lugar o hindi.

Tumayo na ako dahil sa sobrang kyuryosidad at naglakad palabas para tingnan kung ano ang nangyayari.

I tip toe to suppress my noise. Nasa harap na ako ng hagdan pero parang may kung anong pumipigil sa akin na magpatuloy. Sobrang bilis na din ng tibok ng puso ko na parang may humahabol dito sa sobrang kaba. 

I wanna feed my curiosity but I still don't want to die—if I will… 

"What are you doing here?"

Napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ako ng pamilyar na boses. Ano na nga ba ang pangalan niya? Ngayon ko pa lang naalala na kahit pangalan niya ay hindi ko alam, pero hindi ngayon ang tamang panahon para tanungin ko siya.

"May narinig kasi akong ingay, akala ko may kung ano nang nangyayari kaya gusto ko lang sanang tingnan kung saan nagmumula," paliwanag ko, iyon naman talaga ang totoo.

 

"I'm just fixing some stuffs there. You can go back to your room now," he said coldly, maintaining his stare at me so I awkwardly slowly walked back to my room.

Sinarhan ko ang pintuan nang makapasok ako sa kwarto. He's so weird, fixing some stuffs in the middle of the night? Pero bakit parang iba ang narinig ko? Para kasing may ibang tao pa roon bukod sa kanya.

I tried erasing it in my mind but I just can't. It's already stucked in there and it even stopped me from going back to sleep.

Nakita ko na sumisikat na ang araw pero nanatili pa ring bukas ang mga mata ko habang nakatitig sa puting kisame. Ayoko naman na maki-alam sa kanya, that's not my business anymore because I don't have the right to roam around here, I'll just leave here soon.

Argh! That's enough, maybe I should get some exercise and eat, sumasakit na rin kasi ang mga mata ko dahil kulang sa tulog.

Tumayo na lamang ako mula sa pagkakahiga, I did my morning routines and got out from my room. Maybe I'll do it tomorrow or next week, months or years or maybe never. Gosh I'm such one hell of a couch potato.

Walang tao roon nang makababa ako. I decided to go to the kitchen and cook something that can feed my empty stomach but not my curiosity.

I ended up cooking some eggs, bacons and hotdogs for the two of us, though I don't know if he's still here.

Susubukan ko na lang din na maghanap ng lugar na matutuluyan ko at permanenteng trabaho, magpapasalamat na lang ako sa kanya mamaya at magpapa-alam bago umalis.

Hindi naman kasi dapat ako nakikitira sa lalaking ni pangalan ay hindi ko alam.

And maybe he sees me as a nosy bad-ass because of what happened last night. Yeah, I really am nosy but I deserve to know whether I'm safe or not to where I'm staying.

Nakita ko siyang lumabas ng kwarto niya ng akmang kakatukin ko na sana siya para mag-agahan. Nakasuot lang siya ng boxer shorts at walang damit pang-itaas.

"Hi, I was about to call you for breakfast, nagluto kasi ako, pasensiya na kung naki-alam na ako." He stared at me blankly. What happened? As far as I can remember, maayos naman kami kahapon kaya bakit siya naging ganito? Dahil ba sa nangyari kagabi?

"Okay," he replied

“Oo nga pala, salamat sa pagpapatuloy mo sa akin dito kahit na hindi mo ako kilala, pero sa tingin ko kailangan ko nang umalis, maghahanap na lang ako mamaya ng matitirhan at trabaho, wag kang mag-alala, babayaran naman kita sa oras na magkapera na ako, marunong akong tumanaw ng utang na loob kaya hindi kita tatakasan."

"You're not going anywhere!" He said and walked near me.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko, hindi ko kasi maintindiahn ang gusto niyang iparating. Napaka-wirdo talaga. 

"I said I won't allow you to leave, Aze. You'll stay here whether you like it or not.” Ano?

"Hindi naman pwede yan! May karapatan akong magdesisyon para sa sarili ko! Hindi dahil tinulungan mo ako ay may karapatan ka nang magdesisyon para sa akin, sino ka ba para paki-alaman ang buhay ko? Tsaka pano mo nalaman ang pangalan ko? As far as I can remember, I never gave you my name. Who are you, really?" 

Napipikon na rin ako sa kaniya, bakit ba siya umaakto ng ganito?  Hindi ko naman siya asawa o boyfriend. And he called me Aze, only my friends call me that way and I'm a hundred percent sure that he ain't my friend.

"Who am I? You really wanna know who I am Aze?"

"Oo!" Matapang kong sagot, hindi ko na pinansin ang mga tingin niya na parang tinutunaw ang mga kalamnan ko at ang init na nakapalibot sa aming dalawa.

"Well, I am your mate my Azmariah Denise Cole," he answered and trapped me with his arms.

"What are you talking about?"

"Oh wait, let me introduce myself to you. It's so rude for me to not introduce myself. I'm Apollo Blade Lucerne, Mi Reina"

What? So, he's really m-my mate? He is Apollo Blade Lucerne? Fuck! So, that's why I'm kinda comfortable with him the first time we met and I felt like we're both connected? No way! Kailangan ko na talagang maka-alis dito dahil hindi ko alam kung ano ang totoong pakay niya sa akin.

"Escaping again, Mi Reina? Well, guess what? You're trapped here with me forever, you're trapped with this alpha as your mate and you can't do anything about it. I have my eyes in every corner of this house so, don't ever try to do what you're planning," he said with finality in his voice.

Iniwan niya akong naka-estatwa sa kinatatayuan ko. I can't believe that the man that I'm running from is the one that I run to. Such a dumb woman that I am. Paano nangyari na hindi ko man lang nakita kung sino siya noon? Heck no! Napaka-tanga mo Aze!

Napagdesisyonan ko na lang na sumunod sa kaniya at nakita ko siyang kinakain ang niluto ko pero tila hindi niya 'yon nagustuhan. Am I a terrible cook?

"Don't stare at me like that, or else—"

"Or else what?" Pinutol ko ang dapat sanang sasabihin niya at naghintay kung ano ang isasagot niya.

"Or else, you'll see how an alpha move in bed with his mate"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status