Share

The Alpha's Chase
The Alpha's Chase
Author: mssTRES

Kabanata I

Lucas' POV

        "Aghhh!! Tama na po papa! M-masakit....hmp!" Naka tanggap ako ng muling isang sipa sa braso at binti. Ilang minuto na ba niya akong binubugbog? Nawala na ako sa bilang ng masipa niya ang panga ko kanina at nahilo. Pakiramdam ko ay masusuka ako sa sobrang hilo ko.

        "Manahimik ka! Wala ka na ngang kwenta, pina painit mo pa ang ulo ko!" Itinikom ko ang bibig ko dahil alam kong kapag gumawa pa ako ng maliit na ingay ay hindi siya titigil sa pag sipa sa katawan ko.

        Ah.... Sumasakit na ang ulo ko. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay ano mang oras ngayon. Hindi ko na rin maramdaman ang ilang bahagi ng katawan ko. Isama mo pa ang pag kalam ng sikmura ko. Hindi pa nalalagyan ng kahit ano ang tiyan ko miski tubig ay wala.

        Sanay man ako na araw araw gutom at nababawasan ang timbang hindi ko pa rin maiiwasan ang manghina nang sobra. Sana lang umalis na siya para maka inom ako ng tubig sa banyo.

        Isang malakas na sipa pa at bumigat ang pakiramdam ko.

*****

        Isang malalim na buntong hininga nag pinakawalan ko. Panibagong araw panibagong paghihirap. Ang sakit ng buong katawan ko at hindi ako makatayo nang maayos. Hindi pa man gumagaling ang mga lumang pasa sa katawan ay may bago na naman.

        Halos araw araw ganito ang ginagawa ko. Uupo sa isang sulok at maghihintay sa sasabihin ng tatay ko. Uuwi siyang amoy alak at sa akin ibubuntong ang galit kapag natalo sa sugal. Bakit hindi na lang siya mamatay?

        Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ang sariling repleksyon. Balot ng pasa ang braso at binti ko. May ilang pasa rin sa mukha ko, siguro marami rin sa likod. Makakatakas din ako dito. Kailangan ko lang maabot yung susi para sa kadena.

        Bumalik ako sa puwesto ko, sa malamig na sahig. Nanginginig man ang katawan ko ay mas pinili kong humiga dahil hindi ko na kayang manatiling naka upo. Sumasakit ang ulo at katawan ko.

        Hm, kailan nga ba ako huling nakalabas? Anong hitsura ng mga kalye ngayon? Naririnig ko lang sa hayop na yon ang mga balitang dumadating sa tuwing nanonood siya ng palabas sa gabi. Natatawa ako sa isipan ko sa tuwing naririnig ko na maraming tao ang nawawala ngayon.

        May balita na may mga werewolf na nagiging tao. Pinapatay? Inaalay? Kung para saan man, bakit hindi nalang ako ang kunin nila? O kaya ang hayop na 'yon? Ni hindi ko nga alam kung gaano pa katagal ang buhay ko kung patuloy ang eksena na ito.

        Isang kalabog ang narinig ko na sa tingin ko ay galing sa sala. Maliit lang ang bahay kaya alam kong sa sala 'yon galing. Isiniksik ko ang sarili ko sa gilid kahit na alam kong wala na akong isisiksik pa. Takot ako sa kung anong gagawin niya sa akin. Malamang lasing na naman siya.

        Isang lunok ang ginawa ko nang makarinig ako ng mabibigat na yabag. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil hindi ito ang kinasanayan kong tunog sa araw araw na dumadating si papa.

        Masydong mabigat at mabagal. Parang nag-iingat na may matapakang kung ano man sa sahig. Mas lalo akong kinabahan dahil pakiramdam ko dito sila sa direksyon ko papunta. Halos naririnig ko ang kaniyang paghinga at maliliit na kaluskos sa pader.

        Ipinikit ko ang mga mata ko dahil sa kaba at takot ng makita ko ang isang malaking anino at kakaiba. Pinilit kong hindi gumawa ng kahit na anong tunog na ikagagalit niya pero nagsisimulang manginig muli ang buo kong katawan. Hindi ako makapag isip nang maayos dahil sa bilis ng tibok ng puso ko na sa tingin ko ay naririnig niya.

        "Stand." Isang matigas at malamig na boses ang pinakawalan niya. Mas lalo akong nanginig dahil sa sobrang tahimik ng bahay at tanging pag hinga lang namin ang bumabasag sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ni hindi ko nga magawang igalaw ang kahit na anong parte ng katawan ko kahit na daliri, ano pa ang tumayo?

        Baka biglang bumigay ang binti ko at ikagalit niya. "I told you to stand." Mas lalong tumigas ang kaniyang boses pero ngayon ay may diin at himig ng inis. Pinilit kong tumayo kahit na nanginginig ang tuhod ko. Kumapit ako sa pader bilang suporta. Hindi ako gumawa ng kahit na anong ingay, kahit ang pag hinga ko ay dahan-dahan.

        "Follow me." Kita ko sa anino na umikot siya at humakbang ng isang beses kaya humakbang rin ako ng isa. Bawat hakbang niya ay sinusundan ko pero hindi pa man umaabot sa pinto ng kwarto ay kumalansing ang kadena ko na ikinakaba ko. Bumigat ang pag hinga ko nang untiaunti siyang humarap gamit ang mga galit niyang mata.

        Nang itinas niya ang kaniyang kamay na may mahahabang kuko sa daliri ay agad akong  pumikit pero isang boses muli ang bumulabog sa buong bahay at nag patayo ng balahibo ko sa katawan. Mas malamig at mas bakas ang himig ng galit.

         "Don't you dare!" Boses na naguutos, sa tingin ko ay may mas mataas ng posisyon. Ramdam ko ang hangin na umiihip sa kada hakbang na kaniyang ginagawa palapit sa puwesto ko. Tumigil siya sa harap ko at ramdam ko ang titig niya sa akin na parang nilalapa niya ako ng buhay.

        Ramdam ko rin ang kaniyang hininga sa ulo ko. Mukhang hindi na kakayanin ng puso ko ang mga mangyayari. "Relax." Relax? Paano ko magagawa ang bagay na 'yon kung nariyan ka sa harap ko? Gusto ko mang sabihin ang mga katagang nasa isip ko ay hindi ko maaaring gawin.

        "We can't damage the item." Item? Anong ibig niyang sabihin? Narinig ko ang pag kaputol ng kadena ko bago niya ako itulak palabas ng pinto.  Doon ko nakita ang tatay ko na may hawak na malaking bag, bukas ang zipper at umaapaw ang pera.

        Naginging ang labi ko nang ibuka ko ito at subukang mag salita ngunit walang lumabas na boses sa bibig ko. Ipinagbili niya ako? Ha...ha. haa...b-bakit? Hindi, ang tanong dapat ay paano niya nakilala ang mga ito?

        Ni hindi ako makapaniwala na mayroon talagang werewolf at totoong sila ang kumukuha ng mga nawawalang tao. Hindi niya ba alam kung gaano kapanganib 'yon? Alam kong ganid siyang tao at masama siyang nilalang pero ang gumawa ng deal sa mga werewolf na 'to.

        "Tulad ng napag usapan, sa akin ang pera at sa inyo na ang batang 'yan." Isang ngisi ang binigay niya bago nilingon ang bag. Sinara niya iyo at tumalikod. Umihip ng malakas ang hangin at natagpuan kong basa ang mukha ko. Bumagsak ang katawan ng tatay ko sa sahig habang gumugulong ang ulo niya papunta sa paa ko. Bumigay ang tuhod ko at umikot ang paningin ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status